Share

Mafia's Venomous Trap
Mafia's Venomous Trap
Author: I'mUrHappyEnding

Kabanata 1

last update Huling Na-update: 2025-06-11 14:11:19

“Aren't you gonna stay the night?” Ani ng isang mapanghibong boses kasabay ng marahang paghaplos ng mga daliri sa kanyang hita habang nakaupo siya sa driver’s seat.

Isang malamig na titig ang ipinukol ni Chase sa kanyang fiance na si Jessica Aguirre bago tinanggal ang kamay nito sa kanyang hita. “Marami pa akong trabaho sa opisina na iniwan pagkatapos kitang samahan sa pagpili ng wedding gown mo, Jessica.”

Agad namang napasimangot si Jessica sa naging sagot niya. "That's so cold of you."

"Just get out. Kailangan ko ng umalis," naiinip niyang sabi.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Jessica bago tinanggal ang seatbelt at bumaba ng sasakyan niya. Pinanood naman ni Chase ang dalaga habang papasok ito sa malaking gate ng mansyon ng mga Aguirre. Lumingon pa nga sa kanya ang babae at kumaway bago tuluyang pumasok sa loob.

Isa ang kanyang fiancé sa pinakamagandang babaeng nakita niya pero wala siyang nararamdaman para rito. Ano ang magagawa niya? His heart is aching for someone forbidden yet he can't do anything about it.

At nauwi pa nga ang sitwasyon niya sa isang pútanginang arranged marriage sa anak ng kanilang business partner para lang mas mapatibay ang ugnayan ng dalawang pamilya sa mundo ng negosyo.

Bilang tagapagmana sa negosyo ng Saavedra Empire at panganay sa pamilya, ang pagiging bàkla ay magiging isang malaking kahihiyan at kadustaan sa reputasyon ng kanilang pamilya at hindi niya kayang mangyari iyon. Kahit na mangangahulugan pa na kailangan niyang magpanggap at bumuo ng pamilya sa taong hindi niya gusto.

In the battle between what is his desire and what is right, he will always choose the latter...

Nang mawala si Jessica sa paningin niya, pinaandar na niya ang makina ng kanyang sasakyan at umalis na. Bukas na ang kanyang engagement party. Dalawang linggo na lang, ikakasal na siya at magsisimula na ng kanyang sariling pamilya. At the age of twenty-five, he's gonna tie the knot to someone he doesn't love.

Nasa kalagitnaan na siya ng pagmamaneho nang mag-ring ang kanyang telepono. Nang makita niyang ang pinsan niya, slash best friend ang tumatawag, sinagot niya agad ang tawag.

“Where are you?” Tanong ni Penelope sa kabilang linya.

“Pabalik na ako sa opisina. May mga dokumento pa akong kailangang pirmahan—”

“Let's go to the bar,” putol ni Penelope sa sasabihin niya sana.

Bumuntong-hininga si Chase. “I can't. Those documents need my signature, Pen.”

“Humingi na ako ng permiso sa tatay mo na ipapasyal kita ngayong gabi. Alam kong stressed ka na lately. Sino ba naman ang magiging masaya na pakakainin ka ng petchay kaysa talong! Kita na lang tayo sa favorite nating club. Hihintayin kita,” ani ni Penelope bago siya pinatayan ng tawag.

Between his whole family, si Penelope lang ang nakakaalam kung sino talaga siya. A man who's hiding in a facade of a composed billionaire heir. Mabuti nalang at nandyan si Penelope. Kahit papaano ay gumaan ang bagay na pasan niya.

Imbes na bumalik sa opisina at isubsob ang sarili sa trabaho, pinatakbo niya ang kanyang sasakyan papunta sa club kung saan niya kikitain ang kanyang pinsan.

Nasa parking lot pa lang siya nang makita niya si Penelope na nakaupo sa hood ng sarili nitong sasakyan. Tumayo ito nang makita siya na bumaba ng driver’s seat.

“Thank God at nandito ka na!” nakangiti nitong sabi.

“Syempre naman. Kailan ba kita hindi sinipot?”

Agad na umabrisyete sa kanyang braso si Penelope habang naglalakad sila papunta sa entrance ng club pero hindi paman sila nakalapit nang hilahin siya ng kanyang pinsan papunta sa isang sulok kung saan kaunti lang ang mga taong naroon.

Kumunot ang noo niya sa pagtataka habang nakatingin dito. “Ano ang ginagawa natin dito? Akala ko gusto mong mag-clubbing?”

“Syempre, pero mamaya na, pagkatapos kong sabihin sa’yo ang plano ko.

"Okay. What's that plan?" Buntong hininga niyang tanong.

“Dahil ikakasal ka na rin naman, bakit hindi mo na lang sulitin ang gabi mo? Find a hot and handsome guy and lose your damn virginíty!"

Nanlaki ang mga mata ni Chase sa sinabi ni Penelope. “Nababaliw ka na ba?!”

Ilang taon niyang pinigilan ang sarili niya na huwag makipag-ugnayan sa kahit na sinong lalaki para lang mapanatili ang sikreto niya but her crazy cousin is giving him an insane yet very interesting idea!

Napanguso naman si Penelope sa naging sagot niya. "Hindi naman masama ang suggestion ko. At least mararanasan mo kung ano talaga ang pakiramdam kapag nagpakatotoo ka sa sarili mo. Just savor the moment until it lasts, then forget about it in the morning.”

Hindi nakatugon si Chase at nanatili lang na nakatitig kay Penelope pero imbes na hintayin ang sagot niya, hinila na siya ng kanyang mahal na pinsan papasok sa club at umorder ng maraming inumin para sa kanilang dalawa.

Noong una, kasama pa niya si Penelope pero habang tumatagal, bigla nalang siya nitong iniwan at nagpunta sa dance floor. Napailing nalang siya at itinuon ang kanyang atensyon sa kanyang inumin nang makarinig siya ng isang boses.

"Alone?"

Chase slowly looked at the man's direction and was greeted by a brooding figure sitting next to him. His eyes unconsciously roamed around his lean and muscular body. His vision went up to his face that made his breath hitch with so much surprise.

Damn!

He was devilishly handsome!

A Greek-God like creature!

Ilang beses na napalunok si Chase. Nais niyang sawayin ang sarili niya. Kilala ang pamilya nila sa buong Pilipinas at isang maling hakbang lang, maaring makaladkad sa kahihiyan ang pamilya nila. Napailing siya at pilit binalewala ang lalaki.

"Aren't you gonna talk to me, pretty guy?"

Subalit kahit na anong pigil na, tila nahihipnotismo siyang lumingon pabalik sa estranghero. Behind his cold yet strict aura, he's oozing with so much séx appeal with a devilish smirk on his thin reddish lips.

Bigla niyang naalala ang sinabi ni Penelope. Paano kung maiwala niya ang virginity niya sa lalaking ito? Will he take it?

"What do you exactly want from me?" Diretsahan at malamig niyang turan sa kabila ng gumagapang na init sa kaloob-looban niya.

Hindi niya maintindihan ang nangyayari pero bigla niyang napansin ang pag-iinit ng kanyang katawan. Isang pagnanasa na hindi niya makontrol kasunod ang malabo niyang paningin.

Sinundan ni Chase ang mahabang mga daliri ng estranghero habang gumagapang ito sa kanyang kamay, na may hawak na baso ng alak.

Nanunukso...

Nanghihibo...

"It depends on what you can offer me," mapaglaro nitong sambit.

Mula sa mga daliri ng estranghero, umakyat ang mga mata ni Chase sa mukha ng lalaki kung saan sumalubong sa kanya ang isang nakakapasong titig. "Kung sasabihin kong ibibigay ko sayo ang sarili ko, will you take it?" Walang pag-aalinlangan niyang tanong.

Mas lumawak pa ang ngisi sa labi ng lalaki. “That's a great offer. Bakit naman hindi?”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Mafia's Venomous Trap   Kabanata 7

    "And why would I bet with you?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Chase.Infact, hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit hanggang ngayon nakikipag-usap parin siya sa siraulong ito."Oh? Ayaw mo? Bakit? Natatakot ka bang hindi mo ako magawang paalisin?" Mapanghamon nitong sambit.He knows he's just provoking him at wala siyang balak na pumatol sa kung anumang laro ang nais ng lalaking ito. "I don't have to make a bet with you just to prove anything. Gagawin ko talaga ang gusto ko ng walang pustahan," may diin niyang bigkas bago itinulak si Venom palayo sa kanya.Isang matalim na titig ang ipinukol niya sa lalaki bago niya ito tinalikuran subalit hindi paman siya nakakalayo ay muli ng nagsalita si Venom."Just admit that you're afraid of losing, Chase. And walking out without finishing a conversation is an act of cowardness."Natigil siya sa paglalakad at dahan-dahang nilingon si Venom. Naroon parin sa labi ng lalaki ang isang mapaglarong ngiti. "Ano ba talagang gusto mo?

  • Mafia's Venomous Trap   Kabanata 6

    Nasapo ni Chase ang kanyang noo dahil sa inis. Ano ba ang problema ng lalaking ito? Inaasar ba talaga siya ng lalaki?This isn't funny anymore!Kung dati ay nagpapasalamat pa siya sa suhestiyon ni Penelope na humanap ng lalaki na makakasama niya sa isang gabi, ngayon ay pinagsisisihan na niya ito nang husto!Hindi sana niya dapat niya ito pinatulan! Kung hindi, wala sana siyang problema kung magiging bodyguard niya ang binata dahil wala namang namamagitan sa kanila. Pero iba na ang sitwasyon ngayon!“So, I guess everything is settled then. Si Venom ang magiging bodyguard ni Chase simula bukas and we can sign the contract then,” anunsyo ni Neo.Wala ng nagawa pa si Chase kundi panoorin ang nakakaasar na lalaki na nakikipag-usap sa kanyang ama at kay Neo. At ilang sandali pa'y bumaba na sila ng building kasama sina Venom at Neo."Why did you say yes? You could've just said no to my father!" Naniningkit ang mga mata na asik ni Chase nang silang dalawa nalang ni Venom.Kasalukuyang kausap

  • Mafia's Venomous Trap   Kabanata 5

    Sabay silang sumakay sa elevator patungo sa pinakamataas na palapag ng gusali. Tahimik si Chase habang pinoproseso pa rin ng isip niya ang ibig sabihin ng mga salitang binitawan ni Venom.Sumulyap siya kay Venom mula sa repleksyon ng pinto ng elevator at nahuli niya itong nakatingin din sa kanya. Dahil sa pagkailang, umiwas siya ng tingin para pakalmahin ang sarili niya.Isa lang ang napagtanto niya matapos muling magtagpo ang landas nila ngayong gabi. At iyon ay ang iwasang makita pa ulit ang lalaki kung ayaw niyang masira ang lahat at mababalewala ang pagsisikap niyang itago ang tunay na katauhan niya.After feeling like forever, sa wakas ay bumukas na ang elevator. Iginiya siya ni Venom patungo sa isang nakasarang pinto at kumatok ng ilang beses bago pumasok. Nakita ni Chase ang kanyang ama kasama ang family friend nilang si Neo, ang may-ari ng isang private organization na Black Scorpion dito sa Pilipinas.Nakaupo si Neo sa swivel chair habang ang ama niyang si Terrence ay nasa s

  • Mafia's Venomous Trap   Kabanata 4

    “The man outside was the agent that I told you about, Chase. He's Venom Madrigal. Maaari mo siyang pagkatiwalaan. Dadalhin ka niya sa opisina ko. Come with him,” boses ni Neo mula sa telepono ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.So his name is Venom, huh?Humugot siya ng hangin bago sumagot. “O—okay."Sa nanginginig niyang mga tuhod, mabilis siyang lumabas ng sasakyan at humarap kay Venom.“Are you deaf? Kanina pa ako kumakatok dito. Bakit ang tagal mong buksan ang putang inang pinto na ‘yan?” Singhal ng lalaki na may pagkairita sa boses.Mabilis na napanting ang kanyang tenga sa narinig at pinaniningkitan niya ng mga mata si Venom. Takot na takot siya at alam niyang normal lang ang reaksyon niya. Bakit galit ito? “Excuse me lang ha? Paano ko naman malalaman na kakampi ka at hindi ka kaaway? Sa pagkakaalam ko, lahat kayo gustong patayin ako!”Pinamewangan naman siya ng lalaki. "I'm not your enemy. At wala akong balak na patayin ka. Well, killing you with pleasure is an exemptio

  • Mafia's Venomous Trap   Kabanata 3

    Nagising si Chase na malinaw sa alaala niya ang lahat ng mga nangyari. Isang hindi pamilyar na silid ang kinaroroonan niya. Masakit parin ang buong katawan niya na para bang nabugbog siya pero bumangon pa rin siya at kinuha ang kanyang mga damit.Mag-isa lang siya sa hotel room. Walang bakas ng lalaking nakasama niya kagabi. May plastic pang lalagyan ng cóndoms ang nagkalat sa sahig.Pagkatapos magbihis, dahan-dahang umupo si Chase sa gilid ng kama habang may lungkot sa puso niya. Ganito dapat ang mangyari, pero bakit gusto pa niyang makita ulit ang estranghero?Umiling siya.Nababaliw na siguro siya!Lumampas na siya sa kanyang limitasyon kagabi, pero naghahangad parin siya ng higit pa.Lumipas ang ilang minuto, tuluyan na niyang nilisan ang hotel at umuwi sa mansion nila. Naiwan pa nga niya ang kotse niya sa club nang sumakay siya sa sasakyan ng estranghero kagabi. Pagdating sa mansyon, wala ang mga magulang niya at tanging mga katulong lang ang naroon. Pumunta siya sa kanyang kwa

  • Mafia's Venomous Trap   Kabanata 2

    He doesn't remember the exact details of how they ended up in a hotel room. All he could remember was the fiery kiss both of them shared as he was slamming him on the wall. He was hard and probably rough but all he could feel is that he was liking it.The man cupped his face using one of his hands while biting his lips. "Kneel… and serve your master..."Tila nahihipnostimo siya at dahan dahang lumuhod sa harapan nito. Sa nanginginig niyang mga kamay, unti unti niyang binuksan ang sinturon nito. He unzipped his pants and met his long, hard, pulsating cóck—his giant master…Napalunok siya. This is his first time but instead of having fear, now he was trembling with so much excitement. Nang tumingala siya, the guy was also staring at him with pure lúst in his eyes.He followed his instinct and kissed the tip of his mànhood. It smells good. And he likes how his precúm tastes. Slowly, he started licking the head of his còck before licking its own body habang ang kanyang mga mata ay nanati

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status