Share

MRF 5: Payback Time

¤Damon¤

Sumapit ang gabi na halos hindi niya kibuin si Katerina. Labis ang inis na nararamdaman niya sa dalaga dahil pakiramdam niya ay mas kinakampihan nito ang baklang uhugin na si Rico.

Unang araw pa lang niya sa isla ay ramdam na niya ang disgusto ng lalaki sa kanyang presensya at panay pa ang pang aalipusta nitong wala siyang sariling bahay at pera. Muntik pa nitong masira ang goodboy image na binuo niya para paibigin si Katerina.

Napabuntong hininga siya, he can't let that dumbass ruin his plan for Katerina. Hindi siya nagsasayang ng ilang buwang pagpapanggap para lang sa wala. Tiniis niya ang mahirap na buhay sa isla pati na ang lansa ng mga isda. He really hates the stingy smell and especially hates the neighbors around him who act close to him. Ang sarap sabuyan ng granada ng mga ito para mawala na sa mundo!

"Achilles…"

Lumingon siya kay Katerina na kasalukuyang nakatayo sa isang gilid habang pinaglalaruan ang mga kamay nito. Bakas sa mukha ng dalaga ang pag aalinlangan na lapitan siya.

"Galit ka pa ba?" Tanong nito pero hindi parin siya nagsalita.

"Sorry na. Hindi ko naman sinasadya na pagalitan ka tsaka ikaw lang din naman ang inaalala ko. Ayoko lang na may makaaway ka habang nanatili ka dito. I don't like violence Achilles, takot ako sa ganun, hindi ako sanay kaya sana maintindihan mo," malumanay nitong paliwanag.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Plano sana niyang huwag itong kausapin ngayong gabi para kunwaring nagtatampo siya pero bakit ba hindi niya matiis ang babaeng ito?

"Huy…"

"Come here," malumanay niyang saad.

Dahan dahan namang naglakad si Katerina papalapit sa kanya at umupo sa kawayang upuan katabi niya.

"Galit ka pa?"

Umiling siya bilang tugon.

"Eh bakit ayaw mo akong kausapin?" Nakalabi nitong tanong.

"It's because nagtatampo ako kaya dapat suyuin moko," malambing na sabi niya sa babae.

Shit! Halos hindi na niya makilala ang sarili ngayon. Is this really him who says those cringey stuff and all? Dati ay hindi na niya kailangan pang magpacute at sabihan ng kung anu ano ang mga babae dahil sila ang kusang lumalapit at lumuluhod sa harapan niya but Katerina hits different.

Dalawang buwan na siyang nandito at ganun na rin siya katagal na nagpapacute sa babaeng wala yatang balak na pagtuonan ng pansin ang alindog niya.

"Naku Achilles ha, para paraan mo yata yan para makatsansing sakin eh."

"Malay mo makalusot," kibit balikat niyang sagot.

Pareho silang natawa ni Katerina. Maya maya pa ay tinitigan niya ang babae habang nasisinagan ito ng buwan. She was really beautiful. Marami na siyang nakitang magaganda but her beauty is an exemption and he doesn't know why he thinks it that way.

"So bati na talaga tayo?" Muling tanong nito.

Nakangiti naman siyang tumango sa dalaga "...matitiis ba naman kita?" Napansin niyang agad na bumalik ang ningning sa mga mata nito.

"Syempre alam kong hindi," nakangising tugon ng babae.

Nagpaalam na si Katerina na matutulog na kaya humiga na rin siya sa sofa. Dito siya natutulog mula ng dumating siya sa bahay ng dalaga. Hindi niya alam kung paano niya natiis na pagkasyahin ang sarili gayong sanay siya sa malambot na kama at malapalasyong pamamahay. Ibang iba sa malamok niyang puwesto ngayon.

Ilang oras ang pinalipas ni Damon bago siya nagmulat ng mga mata. Halos mag-hahating gabi na ng tingnan niya ang orasan. Napagpasyahan niyang silipin ang dalaga sa silid nito. Tahimik siyang naglakad papalapit kay Katerina at hinaplos ang pisngi nito habang mahimbing na natutulog. Isang beses pa niya itong sinulyapan bago napagpasyahang lumabas ng bahay.

Naglakad siya sa masukal na gubat ng isla kung saan nakatago ang kanyang Jaguar Land Rover. Buti na lang at bali balita sa buong isla na may mga ligaw na hayop sa loob ng gubat kaya walang nagtatangkang pumasok dito kundi siya lang at mga tauhan niya. Agad niya itong pinaandar at binaybay ang daan patungo sa abandonadong warehouse malapit sa bayan.

Ipinarada ni Damon ang kanyang sasakyan sa labas ng building kung saan naroroon ang kanyang mga tauhan kasama ang kanyang bihag—ang mga piratang nanggulo kaninang umaga. Pagpasok niya ay nakita niya si Rain na nakatayo sa gitna habang pinaglalaruan ang bakal na isinasaw nito sa apoy. Bored siguro ang baliw nato kaya nandito.

Hindi niya pa nakakalimutang inutusan niya itong marahan siyang pukpukin ng baril sa ulo para himatayin siya at maging makatotohanan ang acting niya kapag nakita siya ni Katerina sa baybayin pero ang baliw niyang kaibigan, sinamantala ang pagkakataon at pinukpok siya ng napakalakas. Isang araw tuloy siyang tulog ng matagpuan ni Katerina.

"Am I late?" Bungad niya.

Ngumisi naman ng malademonyo ang baliw niyang kaibigan.

"Nahhh, you're just in time," nakangiting tugon nito.

Sinipat niya ang limang lalaki na nakatali habang nakasalampak sa sahig. Yumuko siya upang magpantay ang mukha niya sa kaharap. It's payback time. Messing with Damon Achilles Castellanos means death.

"Hi," bati niya rito at nginisihan ang lider ng grupo.

Nanlaki naman ang mga mata nito nang mapagtanto kung sino siya. "I—ikaw?"

"Yes, mabuti naman na naaalala mo pa ako," aniya at kinasa ang baril pagkatapos ay pinutok ito sa balikat ni Edgar. Umagos ang sariwang dugo mula sa sugat nito kaya idiniin niya ang kanyang daliri para mas lalong makaramdam ng sakit ang kaharap.

"Ahhh!" Umalingawngaw sa buong building ang sigaw ng lalaki na nagmistulang musika sa kanyang pandinig.

"Ang lakas ng loob mong pagnasahan ang pag-aari ko, huh? Wala kang karapatang hawakan ang babaeng yun dahil akin siya! Akin! Naiintindihan mo ba?" Gigil niyang bulyaw. Napaigik naman sa sakit ang kaharap niya nang mas lalo pa niyang diinan ang sugat nito sa balikat.

Parang baliw siyang tumawa habang nakikita ang paghihirap ng lalaki. "At talagang plano mo pa akong turuan ng leksyon?! Ako na sinasamba at tinitingala ng lahat kahit demonyo sa balat ng lupa? Pwes ngayon ay ako ang magtuturo ng leksyon na sinasabi mo!"

"B—boss patawarin nyo na po ako," umiiyak nitong pakiusap subalit wala siyang maramdamang awa para rito. "M—magpapakabait na ako, magtatrabaho po ako sa inyo Boss," dagdag pa ng lalaki.

Tumawa ulit si Achilles na parang tuwang-tuwa sa pinagsasabi ng kaharap. "Hindi ko kailangan ng basura para magtrabaho sa akin." Binalingan niya si Artemio, isa sa lider ng kanyang tauhan. "Alam mo na ang gagawin sa kanila, Artemio," malamig niyang turan saka binalingan ulit ang limang lalaki.

"Yes Sir Damon," tugon nito at kinuha mula kay Rain ang bakal na sinadya nitong ininit sa apoy.

Sumabay si Rain sa kanya palabas ng lugar. Naririnig pa niya ang sigaw ng mga lalaki nang makalabas sila ng abandonadong gusali. Tumaas ang sulok ng kanyang labi.

'Five down, one left,' aniya sa kanyang isip. Hindi magtatagal ay si Rico na ang isusunod niya.

Nagsindi muna siya ng sigarilyo saka umupo sa hood ng kanyang sasakyan. Wala pa ring tigil kakasigaw ang mga lalaki sa loob pero mas lalo lamang siyang natutuwa sa narinig.

"Hindi ka pa ba babalik sa syudad Damon?" Tanong ni Rain sa kanya.

Tumingin siya sa kawalan, ayaw mang aminin ng utak niya ay parang nagugustuhan na niyang manatili sa isla kasama si Katerina.

"It's not yet time bud," aniya sa kausap.

Narining niya ang pagak nitong tawa. Like him, Rain is also a mafia boss, the future leader of BlackStone Sigma organization—one of their best allies in Spain.

"I bet Valentino is raging mad these days, you're taking too long. Siguro kinakalawang na yang karisma mo kaya hindi ka nakapasa kay Katerina."

Isang masamang tingin ang ipinukol niya sa kaibigan. "Fuck you Rain!"

I'mUrHappyEnding

Sorry for some typos if there is any. Thanks for reading😊

| 1
Comments (3)
goodnovel comment avatar
J.L
Sabi na nga ba ei .Planado .
goodnovel comment avatar
Cherry Liza M. Cariño
love this one
goodnovel comment avatar
Glaymare V. Lemana
ganda ng story kaso ang mahal ng chapter... beke nemen
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status