Home / Romance / Mafias' Runway Fiance / MRF 4: First Fight

Share

MRF 4: First Fight

last update Last Updated: 2022-08-24 17:31:19

¤Katerina¤

"Are you alright? You didn't get hurt, did you?" Tanong ni Achilles habang sinisipat ang kanyang mukha kung may galos ba siyang natamo.

"Ayos lang ako Achilles," aniya at nag-angat ng tingin. Nakita niya ang ilang sugat sa mukha ni Achilles lalo na ang galos sa gilid ng labi nito. Wala sa loob na hinaplos ni Katerina ang mga ito.

"Does it hurt?" Malumanay niyang tanong.

"Yeah, a little," tugon ni Achilles.

Napabuntong hininga siya at maya-maya pa ay pinalo ang binata.

"Ouch! Ba't ka ba nanakit?" Reklamo ng lalaki.

Inirapan niya ito. "Bakit ka ba kasi nagtapang-tapangan kanina! Paano kung hindi mo pala kayanin ang mga yun!" Inis na turan niya at humalukipkip.

Tiningnan naman siya ni Achilles na para bang napakaimposible ng sinasabi niya. "Anong gusto mo? I'll let them touch you and take you with them?" Anito sa matigas na boses.

Napalunok siya. Kung hindi nakialam si Achilles kanina ay malamang na tuluyan na siyang tinangay ng mga manyak na yun. "P—pero kahit na! Nasaktan ka tuloy," malungkot niyang saad.

Mahinang natawa ang binata. "Malayo sa bituka ito Katerina. And besides, why don't you just thank me rather than picking a fight?" Tinaasan siya nito ng kilay.

"Fine! Thank You," aniya at inirapan ang binata.

"Uh-uh you're not sincere on that, ikiss mo na lang kaya ako para mawala ang hapdi nito," nakangusong saad nito at unti unting inilapit ang mukha sa kanya with matching pikit pikit pa.

Biglang nagrigodon ang puso niya kaya napalunok siya at ipinilig ang kanyang ulo para bumalik siya sa huwisyo.

"Tigilan mo'ko Achilles ha, baka gusto mong paluin ko yang sugat mo."

"Ito naman, 'di mabiro," nakasimangot nitong maktol.

"Achilles!" Tili ng matinis na boses ni Louella habang tumatakbo patungo sa kinaroroonan nila. "Grabe ang galing-galing mo talagang sumuntok! Hindi ka lang pala pogi at yummy, magaling ka rin sa bakbakan," agad na puri nito kay Achilles pagkarating.

Napaismid siya.

"Talaga?" Tanong ni Achilles.

"Syempre naman." Pagsang-ayon nito.

"Magaling talaga ako sa kahit anong bakbakan Louella," pilyong saad nito sa dalaga na siyang ikinapula ng pisngi ni Louella dahil sa kilig.

Umirap siya sa hangin dahil sa inaakto nito.

"Naku, may sugat ka pala. Halika sa bahay, gagamutin kita," alok ng dalaga. Napataas ang kilay ni Katerina at hindi na nakatiis.

"Sa bahay ko siya nakatira, Louella, kaya ako ang gagamot sa kanya at hindi ikaw," mataray niyang saad at hinila si Achilles papalayo.

Narinig ni Katerina ang mahinang tawa ni Achilles nang makalayo sila kay Louella. Tiningnan niya ito ng masama subalit hindi parin nawala ang ngiti sa labi ng lalaki. Nang mapansin ng binata ang pagkapikon niya ay kinagat nito ang pang-ibabang labi upang pigilin ang pag ngiti.

"Ba't pangiti ngiti ka? Gusto mo siya ang gumamot sayo?" Nakapamewang niyang tanong.

Umiling naman ang lalaki. "Diko kase alam na selosa ka pala," nakangiting tukso ni Achilles sa kanya.

"Luh! Assuming!" aniya saka tinalikuran ang lalaki upang maiwasan na mahalata nito ang pamumula ng kayang pisngi.

Naglakad siya patungo sa may puno ng niyog kung saan nakatali ang limang lalaki. Sumunod naman sa kanyang likuran si Achilles. Puno ng pasa at sugat ang mga pirata. Bahagya naman siyang nakaramdam ng awa sa sinapit ng mga ito pero kasalanan din naman nila.

"Anong gagawin natin sa kanila Mang Tonyo?" Tanong ni Katerina sa isa sa matatanda nilang kapitbahay.

"Pumunta na si Ben sa presinto Katerina, yun nga lang ay aabot pa ng ilang oras yun kaya babantayan muna namin sila," anito kaya napatango-tango siya.

Naramdaman niya ang pagtabi ni Achilles sa kanyang tagiliran kaya nilingon niya ang binata at nakita niya ang talim ng tingin nito sa mga nakagapos. Nang marahil ay naramdaman nito ang kanyang pagtitig dahilan para lumingon ang binata sa kanya subalit malamlam na ang mga mata nito. Taliwas sa kanyang nakita kani-kanina lamang.

"Let's go?" Untag nito sa kanya.

Napakurap-kurap naman siya bago tumango at nagpaalam sa mga kapitbahay na naroon saka sila umalis. Habang naglalakad ay hindi mawaglit sa isip niya ang mga nangyari. Kung gaano kagaling sa pakikipaglaban si Achilles kanina at ang mga nakakatakot na titig ng binata. Nasanay siya na laging nakangiti o nakangisi si Achilles. Naalala niyang parang pamilyar ang mga mata nito kanina subalit hindi niya maalala kung saan niya nga ba ito nakita.

"We're here," anunsyo ni Achilles.

"H—huh?" Takang tanong niya.

"Ang sabi ko andito na tayo. You seemed space out. Are you sure you're alright?" Nag-aalalang tanong nito.

"Pumasok na tayo at gagamutin ko ang mga sugat mo." Aya niya rito. Sumunod naman sa kanya ang binata.

"Ahh!"

"Ouch!"

"Can you make it a little gentle!" Panay ang reklamo ni Achilles habang ginagamot ito ni Katerina kaya bahagya ng nainis ang dalaga.

"Ang arte mo naman!" Asik niya. "Kanina lang ang tapang mong makipaglaban huh, tapos ngayon dinahan-dahan na nga kita panay pa ang reklamo mo!" Dagdag pa niya at bumusangot ang mukha. Sumimangot din ang binata.

"Eh sa masakit eh! Did you know that wounds get painful afterwards? That's what I'm feeling right now." Napairap siya sa hangin. Sigurado siyang nagiinarte lamang ito.

"Hindi ko po alam Sir, wag po kayong galaw ng galaw para matapos na tayo," sarkastiko niyang saad dito.

Umayos naman ito ng upo at hindi na nagsasalita pero may munting ngiti itong sinusupil sa mga labi. Maya maya pa ay napapangiti narin siya kahit hindi niya alam kung bakit.

Napagpasyahan nilang dalawa na magpahinga muna. Siya man ay nakaramdam ng pagod dahil sa mga nangyari. Paano na lang kaya si Achilles gayong napalaban pa ito kanina.

Hindi namalayan ni Katerina na napahaba pala ang tulog niya. Nagising na lamang siya sa malakas na katok mula sa labas ng bahay. Napilitan siyang bumangon at binuksan ang pintuan. Bumungad ang humahangos at nag-aalalang mukha ni Empoy. Napakunot ang noo ni Katerina sa itsura ng kaharap. "Anong nangyari sayo Empoy?" Pag-aalala niyang tanong.

"Yung mga bandido ate, nawawala!" Bulalas ng binatilyo.

"Ano?! Paanong nawawala?"

"Papunta na daw silang presinto nang bigla na lang silang hinarang ng mga lalaking nakaitim at may suot na bonnet at mask tapos kinuha ang mga pirata!"

Bigla siyang kinabahan. Hindi kaya iniligtas ito ng mga kasamahan para balikan sila ni Achilles?

"Sandali lang Empoy ha, hahanapin ko lang si Achilles," paalam niya sa binatilyo.

"Nasa dalampasigan po siya kanina Ate," anito kaya niyaya na lang niya ang lalaki na samahan siya.

Habang naglalakad silang dalawa ay nagtataka sila ng makitang nagkakagulo ang dalampasigan. Naroon ang ibang kalalakihan habang parang may inawat na nag aaway.

Nang makalapit sila ay nagulat siya nang makita si Achilles at Rico na parehong pinipigilan ng kanilang kapitbahay. Parehing galit at nagpupumiglas ang dalawa.

"Achilles!"

Natigilan ang binata at lumingon sa gawi niya. Ang kaninang matapang na awra ni Achilles ay lumambot nang tumitig sa kanya. Galit siyang nagmartsa papalapit sa lalaki at hinila ito palayo kay Rico.

"Pasensya na po kayo," agad niyang hingi ng paumanhin sa mga naroon.

"Ayos lang Katerina, ilayo mo na lang muna si Achilles dito at baka mas lalo pang lumaki ang gulo," tugon ni Mang Tonyo sa kanya.

Nagpupuyos siya sa galit hanggang sa makarating silang dalawa sa bahay niya.

"Ano bang ginagawa mo Achilles!" Bulyaw niya rito.

"What?" Inosenteng tumingin sa kanya ang binata na parang wala lang dito ang nangyari kanina.

Napabuntong-hininga si Katerina. " Hindi mo dapat ginawa yun. Alam mo namang hindi ka tagarito at ganun din ako. Ano nalang ang iisipin ng mga kapitbahay natin sa nangyari? Na basagulero ka? Na naghahanap ka ng gulo porket magaling kang makipaglaban?"

"It's not my fault. I just told him what he can't do. Nagpapasikat lang naman ang totoy na yun eh tapos nagalit nung narealtalk na," inis na tugon ng binata.

"Kahit na! Hindi ko man alam kung anong pinag awayan ninyong dalawa pero sobrang bait ng mga magulang nun sa atin tapos ganyan kapa," dagdag pa niya.

Nakita niya ang pag-iling ng binata pati ang pag igting ng panga nito. "Fine, hindi na mauulit," anito at tinalikuran na siya.

Naiwan naman siyang nagtataka sa inasta nito pero ng mahimasmasan siya sa kanyang inis ay bahagya siyang nakaramdam ng konsensya. Marahil ay napuno narin ang binata sa pang aalipusta ni Rico pero hindi pa rin ito dapat nakipag away ng ganun. Napabuntong hininga na lang siya dahil ito ang unang beses na nagtalo sila at paniguradong kailangan niyang suyuin ang binata.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mafias' Runway Fiance   Special Chapter 2: 16 Years of Marriage

    Kasalukuyang inihahanda ni Katerina ang mga binake niyang cookies nang marinig niya ang malakas na palahaw ng kanyang anak na babae—si Kiara. Kunot noo niya itong pinagmasdan habang patakbong nagtungo sa gawi niya at agad na yumakap. Hilam sa luha ang mga pisngi nito na nakasuot pa ng school uniform galing sa paaralan."Hey, what's wrong baby?" Masuyo niyang tanong sa anak. Kiara Emilia was already thirteen years old and she was her youngest.Nakasimangot itong tumingala sa kanya. Her electric blue eyes really mirrored Damon. "Mommy…Can I transfer into a school without Kuya around?" Humihikbi niyong tanong.Napabuntong hininga siya. Ano na naman kaya ang pinag-awayan ng dalawa? "Baby, anong ginawa ni Kuya sayo? Why are you crying?""Eh kasi…."Hindi natuloy ang iba pa nitong sasabihin ng sumulpot na si Archer sa kusina. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa dalawa. Kiara was glaring at his older brother. Samantalang halos wala namang ekspresyon ang mga mata ni Archer na nakatingin sa ka

  • Mafias' Runway Fiance   Special Chapter 1: Life After Wedding

    Magkahawak kamay silang humarap sa puntod ng daddy ni Damon. Inalalayan siya nitong maupo bago tumabi sa kanya. Medyo nahirapan pa nga sila sa paghahanap sa mga natitira nitong labi but luckily, they found one of the people who kept this secret for so long—isa sa mga matandang tauhan ni Valerian. Ilang gabi ring inatake ng bangungot si Damon kaya naman lagi niya iyong binabantayan sa pagtulog."Hey Dad, look, I got a very gorgeous wife gaya ng pinangako ko sayo noon. Her name is Katerina, Dad," ani ni Damon sa puntod ng ama.Napangiti naman siya habang pinagmamasdan ang lalaki. Habang tumatagal silang nagsama, she began to discover Damon's soft sides. Never did she imagine that this big man was such a cry baby too. This is his first visit since they have known his Dad's grave location. Plano rin ng asawa niya na ilipat ito sa Pilipinas sa tabi ng puntod ng kanyang daddy at ng kanilang anak. Yes, kahit na hindi pa ito buo at dugo pa lang, pinagawan parin nila ng puntod ang bata. Both o

  • Mafias' Runway Fiance   MRF 90: Epilogue

    Damon was staring at the clear blue sky while listening to calm waves of the sea. He was standing in a beautiful handmade flower arch habang hinihintay ang kanyang mapapangasawa na kasalukuyang naglalakad patungo sa gawi niya. Isinasayaw ng mabining hangin ang mahaba at tuwid nitong buhok habang suot nito ang isang simpleng white wedding dress na ito mismo ang pumili. Like how he saw her for the first time that he was attracted to her, Katerina is glowing gorgeous day by day she was with him.Today they are going to get married again to the island where their love story started—the Isla Dominica.It's been nine months since the incident in Santorini Greece happened. Akala niya ng mga oras na iyon hindi na siya makakaligtas pa sa kamatayan. Luckily, he managed to jump in the near window and broke the glass wall using his body before the full explosion of the whole mansion which injured his left shoulder and leg. Natupok ng bomba ang buong mansion. Valerian died together with a lot of h

  • Mafias' Runway Fiance   MRF 89: Reclaiming

    Days had pass na maaari na siyang madischarge. Kasalukuyan silang nanonood ni Damon ng palabas nang biglang bumukas ang pintuan ng silid at iniluwa ang humahangos na si Artemio. Tauhan pa rin pala ito ng asawa niya? Akala niya kakampi na ito ni Valerian."Boss, we already found Valerian's whereabouts…"Naramdaman niya ang paninigas ng katawan ni Damon. Nag-angat siya ng tingin sa lalaki at kita niya ang paggalaw ng panga nito tanda ng matinding galit. Hinawakan niya ang nakayukom nitong kamao. Napabaling naman ang tingin nito sa kanya. Tipid siyang ngumiti sa asawa."I know that I can't forbid you from chasing his whereabouts but I'll just gonna ask you one thing.""Anything agapi mou?""Whatever happens, please come back alive to me, Damon… Hihintayin kita."That night, Damon left the Philippines to Greece. Abot-abot ang kanyang kaba habang iniisip ang maaring kahihinatnan ng gagawin ni Damon. Kahit pa dala nito ang sarili nitong tauhan kasama pa ang ibang kaibigan nitong may sarili

  • Mafias' Runway Fiance   MRF 88: Lost

    "I'm sorry for your lost Mr.Castellanos…"Iyon ang katagang paulit-ulit na naririnig ni Damon sa kanyang isip. Malungkot siyang napahilamos ng mukha. Ika-tatlong araw na mula ng sugurin nila ang hideout na pinagdalhan kay Katerina. Masyado siyang nabigla sa kanyang mga nalaman, everything seems so unreal. From the truth that Valentino isn't the real one to the fact that his mother was alive and was hidden from him all throughout the years.Nakakuha ng kanyang atensyon ang isang cup ng kape na ibinigay sa kanya ni Connor. Speaking of him, ngayon naalala na niya na dati pala silang magkaibigan at magkababata noon. Their father are both close friends too. But the night of the massacre ended everything and to his innocence and Valerian's manipulation, he pointed Mariano Morreti as the suspect.No wonder why Valentino didn't pursue the case and decided to take revenge with his own hands using him and their position, kasi hindi naman siya ang totoo niyang ama at wala namang dapat na bigyan

  • Mafias' Runway Fiance   MRF 87: Escape

    Nakahinga siya ng maluwag nang mabilis na nilisan ng lalaki ang kanyang silid at tumakbo palabas. Sa pagmamadali nito, nalimutan pa nitong isara ang pintuan. Kahit puno ng kaba ang kanyang dibdib dahil sa malakas na tunog ng barilan sa labas, pilit siyang bumangon mula sa kama. Hindi siya pwedeng manatili doon at hintayin na muling balikan ng mga tauhan ni Valerian. Sasamantalahin na niya ang pagkakataong nakabukas ang pintuan. Patakbo siyang nagtungo sa labas habang panay ang kanyang lingon kung may mga bantay bang nagmamasid sa paligid subalit wala siyang makitang kahit na isa. Marahil abala ang mga ito sa pakikibaglaban. Napapitlag siya nang biglang may humawak sa kanyang braso mula sa likuran. "Katerina, hija…" Nakahinga siya ng maluwag nang makitang si Camila pala ang naroon. "M—mommy Camila…" "Halika ka na. Sa likod tayo dumaan," anito sabay hila sa kanyang kamay. Nagpatianod siya sa direksyon na pinagdalhan sa kanya ng mommy ni Damon. Tanging dasal niya ng mga oras na iyon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status