Share

MANAGER HAPPY

Author: Rhenkakoi
last update Last Updated: 2025-06-24 07:08:31

NAIINIS NA paupong bumagsak si Happy sa sofa niya pagkarating niya sa kaniyang bahay. Kinuha niya ang sira niyang cellphone at nilapag iyon sa kahoy niyang center table at pinakatitigan iyon.

"Nakakainis, puwede naman niya ipabura ang picture na kinuhanan ko bakit sinira niya pa ang cellphone ko?! Ano nang gagamitin ko? Sa mahal ng mga bilihin ngayon hindi ko afford bumili ng bagong phone." ani ni Happy na mas nadagdagan ang inis na nararamdaman para kay Rowan.

"Buwisit na lalaking 'yun, kung humarap sa mga fans niya ay parang anghel pero ang totoo kampon pala ni lucifer! That two faced actor, dapat hindi hinahangaan ang tulad niyang may problema sa ugali!" hinaing pa ni Happy na nagpambuntong hininga nalang.

"The universe decided to screw me over again. YZ Entertainment's gone, I'm jobless, and I had to bump into that guy. He's an amazing actor, though. Amazing at fooling everyone." sambit ni Happy.

Kinuha ni Happy ang sira niyang cellphone sa mesa bago siya tumayo at itinapon iyon sa trash can niya. Nagtungo si Happy sa kuwarto niya at nagpalit ng damit dahil pupunta siya sa ospital upang dalawin ang kaniyang kapatid.

Pagdating ni Happy sa ospital ay dere-deretso siyang naglalakad sa hallway, binabati siya ng ilang mga nurses dahil kilala na siya ng mga ito dahil sa apat na taong pabalik-balik siya sa ospital matapos macoma ang kaniyang kapatid.

"Happy?"

Natigil si Happy sa kaniyang paglalakad dahil sa pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya. Hindi makakalimutan ni Happy ang boses nito, dahil isang buwan palang ang nakakalipas matapos nitong i-cancel ang engagement nila at makipaghiwalay sa kaniya.

"It's you, right? Happy." ani pa nito na bahagyang buntong hiningang nilingon ni Happy ang kaniyang ex-fiancé na si Stephen Hermosa, na isang resident neurologist doctor sa ospital kung saan naka-confine ang kaniyang kapatid.

Isa pang reason bakit kilala siya ngga nurses sa ospital na 'yun, ay dahil dito.

"Hindi ka naman siguro nagulat na makita ako rito, right?"

"No, i mean siguro sa sobrang busy ko ay ngayon lang ulit kita nakita sa hallway dito." ngiting ani ni Stephen na naglakad palapit kay Happy.

"Kamusta ka." tanong nito kay Happy.

"Kinakamusta mo ba ako after one month of breaking up with me? Well, Doc. Hermosa, as you can see okay naman ako. Kung tatanungin mo kung naka move on na ako sayo, well papunta na ako diyan." pahayag ni Happy na akmang aalis ng hawakan siya ni Stephen sa kamay niya.

"Don't be like this, Happy."

Buntong hiningang hinila ni Happy ang kamay niyang hawak ni Stephen at seryoso itong tiningnan.

"I'm still in the process of moving on, Stephen, so please give me some space. I understand your reason kung bakit nakipaghiwalay ka sa akin, your mother doesn't like me. You chose to break our engagement just because it is requested by your mother. I get it, so let's act like we don't know each other."

"I still love you, Happy, that time ayoko lang madissapoint si mom sa akin. But believe me mahal kita--"

"---but not enough to choose me. Let's just avoid each other, Doc. Hermosa." putol na ani ni Happy bago niya ito talikuran.

Aaminin ni Happy, she's still have feelings for Stephen, yet unti-unti niya na itong tinatanggal simula ng hindi siya ang piliin nito. Ang focus ni Happy ngayon ay makahanao ng bagong trabaho para sa gastusin niya sa ospital. Para kay Happy, wala munang space ang romance sa buhay niya.

Pagkarating ni Happy sa kuwarto ng kaniyang kapatid ay agad niyang tinungo ang vase sa may side table sa kama nito at pinalitan ang bulaklak nito ng dala niyang bago. Nang maayos na niya iyon ay umupo na siya sa stool malapit sa kama.

"Wala ka pa bang balak gumising, Timothy? Sobrang namimiss ka na ni ate." ngiting sambit ni Happy bago niya hawakan ang kamay ng kaniyang kapatid.

"Wala ng trabaho ang ate mo, wala na kasi ang YZ entertainment. Pero don't worry, naghahanap na si ate ng bagong agency na papasukan ko. I'll find a new job, promise."

Sampung taong gulang ang kapatid niyang si Timothy ng masagasaan ito sa kalsada. Hinahabol nito ang kanilang ina na piniling iwan sila, at simula ng maaksidente ang kapatid niya ay wala man lang pagsilip o pagdalaw na ginawa ang kanilang ina.

Happy hates her mother, ito ang sinisisi niya sa nangyari sa kapatid niya.

"Isa pa, hindi ba nangako ako sayo last year na pag gumising ka na ay may ipapakilala ako sayo? Ang totoo hindi ko na magagawang ipakilala siya sayo once nagising ka na, we already broke up." pahayag ni Happy na may lungkot na ngumiti bago tumayo sa kinauupuan niya at hinalikan ang kapatid niya sa noo nito.

"Gising ka na Tim, sobrang miss ka na ni ate."

"Manager Happy?"

Agad na napalingon si Happy sa tumawag sa kaniya, at bahagya siyang nagulat ng makita niya ang dati niyang minamanage sa YZ na si Gaia.

Naka salamin ito at nakasuot ng hood at facemask, pero nakilala ni Happy ang dating alaga dahil narin sa boses nito.

"He's your little brother na kinukuwento mo sa akin noon?"ani ni Gaia na pumasok sa loob ng kuwarto at inalis ang hood ng jacket niya, ang salamin at facemask nito.

"Anong ginagawa mo dito sa ospital?"

"Kakatapos lang ng regular check up ko, then napadaan ako sa hallway dito and accidentally saw you. About sa YZ..."

"Wala na ang YZ, nalaman ko na ipinambayad ni Mr. Fuentez ang YZ entertainmeng sa isang shark loan na pinagkakautangan nito. And because of that, he killed himself by jumping on YZ building." ani ni Happy.

"I heard that news too, sinong mag-aakala na kaya pala kinayang bitawan ng YZ ang lahat ng artist nila ay dahil naipangbayad na ito sa utang. I'm lucky dahil kinuha ako ng brother agency ng Stellar, kaya lang hindi ko naisama ang glam team ko."

"I know. Nakausap ko sila kahapon after kong kausapin si Mr. Fuentez. It's not your decision naman, and i'm happy for you finding a new home." ani ni Happy na hinawakan ni Gaia ang dalawa niyang kamay.

"I tried to tell them na kukunin kitang manager ko, but they provide me a new one. Kamusta ka after what happened sa YZ? May nalipatan ka na bang bagong agency?"

"As of now wala pa, i tried kanina sa Stellar pero dahil galing akong YZ they rejected me. Pero i'll try sa ibang agency, i'm sure may tatanggap naman sa akin." ngiting ani ni Happy dito.

"Of course may tatanggap sayo, magaling ka kayang manager. You can handle and give a good care your talent, you did that to me. I didn't expected na dahil sa YZ ay ire-reject ka ng Stellar. Sa pagkakaalam ko sa lahat ng talent nila, si Rowan Zaroza ang walang manager yet hindi nila binibigyan." pahayag ni Gaia.

Baka alam ng CEO ng Stellar na may masamang ugali ang lalaking 'yun. ani ni Happy sa kaniyang isipan.

"Kung si Rowan Zaroza lang ang ima-manage ko, mas pipiliin kong mamalimos nalang sa quiapo."ani ni Happy na bahagyang natawa si Gaia sa kaniya.

"Marunong ka palang mag joke Manager Happy, pero bakit parang may inis ka kay Rowan Zaroza?"

"I just don't like that actor."

"Why? He's so guwapo kaya, magaling na actor, mayaman at sobrang bait at gentleman pa. What's your problem with him?" takang tanong ni Gaia na muntik ng natawa si Happy sa description ni Gaia sa ugali ni Rowan na kabaligtaran sa nalaman niya sa totoong ugali ng aktor.

"Hindi ko lang feel na kaya kong magpaka manager sa kaniya, pero hindi naman mangyayari 'yun since nireject na ako ng stellar."

At kung tanggapin man ako ng Stellar hindi ko tatanggapin ang lalaking 'yun as my artist. ani ni Happy sa kaniyang isipan

"Who knows Manager Happy, you'll never know you're destined to be his manager."

"Destined? Sobrang labo at kung mangyari man ako na ang tatanggi."

"I don't know why ayaw mo kay Rowan Zaroza but if that's happen at inalok ka niyang maging manager niya, you need to accept it Manager Happy. You need income after all, especially your little brother is still here." pahayag ni Gaia na sandaling ikinawalan ng imik ni Happy at nilingon ang kaniyang kapatid.

May punto si Gaia, pero isipin palang ni Happy na maging manager siya ni Rowan pakiramdam niya hindi man mangyayati yet baka sumuko siya agad dahil sa tinatagong ugali nito.

"Don't say bad words Gaia, baka mangyari 'yang sinasabi mo. Yes i need income, pero i can find it for sure sa ibang agency at ibang artist." saad ni Happy ng sabay silang mapalingon ni Gaia ng may kumatok sa pintuan ng kuwarto.

Napakunot ang noo ni Happy sa lalaking nasa labas ng pintuan, na natatandaan niya dahil kakakita palang niya dito kanina. Sa pagkakatanda ni Happy, ito ang lalaking tumawag kay Rowan kanina kaya naputol ang iringan nilang dalawa sa hallway ng Stellar.

"I remembered you." bulaslas ni Happy dito na ikinapasok nito sa loob ng kuwarto.

"Hi, i'm Miguel Sandoval. I'm an executive manager of Stellar Entertainment. Our CEO sent me here para ayain kang bumalik sa Stellar building to have some talk about hiring you as one of our manager." pahayag na ikinagulat ni Happy.

"Huh? T-The CEO of Stellar wants to hire me?"

"Yes, i mean it was requested by Rowan, so walang choice ang aming CEO but to hired you eventhough your from YZ Entertainment." pahayag nito na mas lalong ikinagulat ni Happy ng banggitin nito ang pangalan ni Rowan.

"Honestly hindi ko maintindihan si Rowan bakit gusto niyang maging manager ang isa sa fan niya, but this is the first time he requested a manager to manage him kaya hindi na natanggihan ng CEO namin. Our CEO is expecting you to visit the Stellar Entertainment by tomorrow morning, iyon lang." pahayag nito.

"Te-teka, pa-paano mo nalaman na dito ako makikita?" takang tanong ni Happy kahit nagulantang parin siya sa sinabi nito sa kaniya.

"Oh that? Si Rowan ang nagsabi sa akin, hindi ko rin alam paano niya nalaman, he just said that he just know. Anyway, have a nice day." ani nito bago naglakad na paalis at naiwan si Happy na hindi malaman ang reaksyon, na napalingon pa kay Gaia na ngumiti sa kaniya at nag peace sign.

"Mukhang nagdilang anghel ako, Manager Happy."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mafioso Series: Call me the Devil   DEVIL'S SCHEME

    "What a load of shit." mahinang sambit ni Rowan habang naglalakad siya papunta sa opisina ng CEO ng stellar. Someone saw him throwing something given from one of his fan, Rowan doesn't give a shit yet he thinks that Happy might broadcast his true self. Honestly, Rowan is getting sick and bored acting nice and gentle to everyone who appoach him, pero artista siya at kailangan niyang ma maintain ang magandang image niya sa mata ng mga tagahanga niya because of his personal reason.He's kind and soft in front of everyone, but when he turn his back on them, his usual cold and serious expression let out on his handsome face."That woman won't dare to tell what she saw, no one would beileve her." malamig na ani ni Rowan hanggang makarating na siya sa tapat ng opisina ng CEO ng Stellar."What does she wants now." plain na ani ni Rowan bago walang katol-katok na pumasok sa loob ng opisina, kung saan nakaupo sa mesa nito ang CEO nila na si Mrs. Perez na may hawak-hawal na papel.Dere-deretson

  • Mafioso Series: Call me the Devil   MANAGER HAPPY

    NAIINIS NA paupong bumagsak si Happy sa sofa niya pagkarating niya sa kaniyang bahay. Kinuha niya ang sira niyang cellphone at nilapag iyon sa kahoy niyang center table at pinakatitigan iyon."Nakakainis, puwede naman niya ipabura ang picture na kinuhanan ko bakit sinira niya pa ang cellphone ko?! Ano nang gagamitin ko? Sa mahal ng mga bilihin ngayon hindi ko afford bumili ng bagong phone." ani ni Happy na mas nadagdagan ang inis na nararamdaman para kay Rowan."Buwisit na lalaking 'yun, kung humarap sa mga fans niya ay parang anghel pero ang totoo kampon pala ni lucifer! That two faced actor, dapat hindi hinahangaan ang tulad niyang may problema sa ugali!" hinaing pa ni Happy na nagpambuntong hininga nalang."The universe decided to screw me over again. YZ Entertainment's gone, I'm jobless, and I had to bump into that guy. He's an amazing actor, though. Amazing at fooling everyone." sambit ni Happy.Kinuha ni Happy ang sira niyang cellphone sa mesa bago siya tumayo at itinapon iyo

  • Mafioso Series: Call me the Devil   WITNESSING HIS TRUE NATURE

    "What?! H-How? Si-sigurado ka bang si Mr. Fuentez ang sinasabi mo?!"Napatayo sa pagkagulat si Happy sa balitang sinabi ng kaniyang kaibigan na si Yvette patungkol sa pagkamatay ng dati niyang boss. Hindi siya makapaniwala na tumalon ito sa building nh YZ matapos ang pakikipag-usap niya dito kahapon lang."Wala bang tv diyan sa bahay mo at hindi mo alam amg nangyari sa dati mong boss?""Wa-wala kasi akong time para manuod ng nga balita, na-naghahanap kasi ako ng trabaho dahil madami akong gastusin." ani ni Happy na tinungo ang kaniyang tv at binuksan iyon at naghanap ng balita patungkol sa dati niyang boss."I thought alam mo na kaya tinawagan kita para maki chismiss.""Ang hilig mo sa tsismis, Yvette, bakit wala akong makitang news tungkol diyan?""Sa pagkakasagap ko may nag bura ng video related diyan, at ang tv news na naglabas ay tinake down din ang tungkol sa balita na 'yan. Weird di'ba? Ang nakuha kong tsismis about diyan, mukhang suicide ang nangyari. Nagpatihulog daw talaga an

  • Mafioso Series: Call me the Devil   Prologue

    "I'm very sorry Ms. Valdez , alam ko kung gaano kahalaga sayo ang trabaho mo dito sa YZ, kaya lang dahil sa nalulugi na ang agency natin, the agency cannot afford your salary anymore. Ilan sa mga artist natin ay naglilipatan na ng ibang company, YZ entertainment is near to it's end."Walang masabi si Happy sa ipinaalam sa kaniya ng CEO ng YZ entertainment, sa apat na taon na nagtrabaho siya bilang manager ng ilang talents nito ay hindi nita lubos maisip na hahantong sa ganito ang career niya. YZ entertainment was very successful before, lahat ng artist mapa music at acting ay nakilala at sumikat dahil narin sa suporta ng agency, yet dahil sa malaking utang ng CEO na hindi na mabayaran, pati agency na itinayo nito ay naisangla na nito at hindi iyon ipinapaalam sa lahat. "Pa-paano po nangyari 'yun Mr. Fuentes? YZ entertainment was the grossing agency on our country, so paano po ito bumagsak?" naguguluhang tanong ni Happy na imbis na sagutin siya ng CEO ay inilipag nalang nito ang huli

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status