Share

Kabanata V

Sa kanang bahagi ng San Felipe kung saan naroroon na yata ang lahat ng magagandang bagay. Mula sa mga bahay, imprastraktura, kayamanan, pera, mga negosyo, malalaking industriya. Kung sa kaliwang bahagi ay naglalaban ang mga tao para sa kakarampot na pera, sa kabila naman – ito ang bahagi ng San Felipe kung saan naglalaban ang mga mamamayan para sa kapangyarihan at posisyon.

Ang bawat oras ay mahalaga. Para sa kanang bahagi ng bayan ng San Felipe, ang bawat kilos ay kinakailangang maayos at organisado, kung hindi ay maraming pera ang mawawala at malulugi.

Matapos magbihis ni Maximillian ay itinulak niya ang isang babae na anak ng ka-sosyo niya sa negosyo. Tinignan niya ng taimtim ang orasan, mahigit limang minuto na siyang nasa silid kasama ang babae. “Aalis ka na agad? Ang bilis naman, nabitin ako.” Wika nito sabay lingkis kay Maximillian. Sinubukan niya itong halikan sa leeg pero umiwas ang lalaki saka siya tuluyang iniwan. Napabuntong-hininga ang babae sabay waksi sa isipan ang n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status