Share

Kabanata XXIV

Naalala ni Aleyna ang unang beses na magkita sila ni Maximillian – sa house of Magda. Ang dating nito’y arogante at talagang mayroong ipagmamalaki dahil madaming pera, idagdag pa na mula ito sa Kanan.

Naalala ni Aleyna ang unang bese na tingnan siya ni Maximillian – puno ng panghuhusga at pagkilatis – at hindi gaya noon ang tingin sa kanya ngayon ni Maximillain. May kakaiba doon, malalim ang tingin at waring inaasar si Aleyna.

Nag-iwas ng tingin si Aleyna, sa sahig dumako ang paningin niya, “salamat, pero alam mo naman na hindi mo na kailangan na gawin iyon. Hindi mo naman kailangang kuhanin ang loob ng pamilya ko, alam naman ng tatay ko na isang taon lang ang kasunduan na ‘to. Pagkatapos ng lahat ng ‘to, babalik na din kami sa Kaliwa o kaya sa ibang bayan para magsimula ulit.” Dire-diretsong wika ni Aleyna habang hindi pa din matingnan ng diretso si Maximillian.

Itinaas ni Maximillian ang kanyang kanang kamay sa pader – sa taas ng ulo ni Aleyna. Ang kaliwang kamay naman niya ay
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status