Share

Kabanata XXV

Bumaba ang pamilya matapos iparada ni Maximillian ang sasakyan. Halos lahat ng tao na nandoon sa karinderya ay napalingon at nagtinginan. Bihira ng mga taong may sariling sasakyan para sa mga taga-Kaliwa, kung mayroon kang sasakyan, nangangahulugan ito na isa ka sa mga may kaya o di kaya’y taga-Kanan ka.

Ibinaba ni Maximillian ang ama ni Aleyna sa sasakyan saka ito marahang itinulak papasok sa karinderya, kaagad namang naunang lumakad si Ali at Belinda sa loob na kapwa binati ng may ari ng karinderya.

“Teresita!” Bati nito kay Belinda, umismid naman si Belinda saka nakipagplastikan. Nagseselos kasi siya kay Teresita dahil paborito ng asawa niyang si Ruel ang mga putahe na niluluto nito lalo na ang specialty nito na Pancit Ulam. Hindi kasi siya nakausap ni Ruel o nasabihan manlang na paborito nito ang mga ulam na niluluto niya.

“Belinda! Kumusta na? Si Ruel?” Magiliw na bati ni Ginang Teresita saka sinundan ng tingin si Ruel na itinutulak ng isang gwapong lalaki.

Kaagad na kumuh
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status