로그인
NIAMH
Paano ba malalaman kong love na ba talaga ang nararamdaman mo para sa isang tao? Paano ba malalaman kung siya talaga ang binigay ng diyos para makasama mo habang buhay? Sana meron ganun sa buhay. Sana may pulang tali talaga na visible sa ating mga mata at malaman natin kung nasaan ba ang kadugtong ng tali na yun para malaman natin kung siya ba talaga ang nakatadhana para sa atin. Kasi, sa mura kong edad, gusto kong malaman kung may pag-asa ba na maging kami ni Kuya Marcus ang bestfriend ng Kuya Ivan ko. Nasa grade six na ako at nasa college na siya. Maraming taon ang pagitan ng edad naming dalawa. Ngunit sa kabila ng maraming dahilan sigurado ako…sigurado akong nakita ko ang sarili kong mamahalin niya ako pagdating ng araw.
“Kuya Ivan!!!” tawag ko sa kanya pagkarating ko sa bahay. Kakagaling ko lang sa school at hindi naging maganda ang buong araw ko dahil napahiya na naman ako sa klase. Paano kasi, zero na naman ako sa Math subject namin. Bakit kasi ang hirap-hirap pag-aralan ang subject na yun! Kapag hindi ako nakapasa sa third grading namin nextmonth siguradong mag-eemail si Teacher Fam kay mommy na nasa Canada at malalaman ni mommy ang mga bagsak na subjects ko. Paniguradong hindi na ako makakahingi kay mama ng pera pambayad sa mga parcels ko!
Patakbo akong umakyat sa hagdan at tinungo ang kuwarto ni Kuya. Sigurado kasi ako na sa mga oras na ito at nasa bahay na siya dahil half day ang klase niya. At sigurado akong burlogs na naman yun at sarap na sarap ang tulog.
“Kuya!!! Kuya!!!”
Binuksan ko ang pinto ng kanyang kuwarto at nadatnan ko siyang nakahilata na naman sa malambot niyang kama. Nakatalukbong pa ito ng puting kumot kaya pala kahit para na kaming nasusunugan sa pagsigaw ko ay hindi niya ako marinig. Tulog mantika na naman siya. Ibinagsak ko ang mabigat kong bag at mabilis akong sumampa sa kama.
“Kuya!!!I’m in danger. I need your brain. Please help me…betlog na naman ako sa math subject namin…ano bang gagawin ko? Maganda lang ako pero hindi kaya ng utak ko ang math problem…yung heart problem ko nga di ko kayang sagutin. HUHU tulungan mo na ako please?” pagda-drama ko sa tabi niya. Pero di niya ako kinikibo.
“Kuya? Are you dead? Answer me!” nagpapadyak na ako sa tabi niya. Hangang sa nakita ko ang siko niya kaya hinila ko ang braso niya at inunan ko ang mabigat kong ulo.
“Kuya…kapag hindi mo ako tinulungan maba-bangkrupt ako. Please? Help me!”
Akmang tatangalin ko na ang nakatakip sa kanyang ulo nang bumukas ang pinto at bumungad si Kuya Ivan. Bumilog ang mata at labi ko nang makita ko siya. Bitbit ang maraming libro at nagtatakang nakatingin sa akin.
“Ku-kuya?”
Nilingon ko ang nasa tabi ko at ibinaba niya ang takip ng kanyang mukha.
“What did you say? Heart problem?” nakangiting sabi niya sa akin. Nalunok ko ang aking dila at mabilis akong umalis sa kama.
“Bakit ba ang ingay mo? Daig mo pa ang serena ng bombero sa lakas ng boses mo. Inabala mo pa si Kuya Marcus mo.” Wika ni Kuya pero wala sa kanya ang atensyon ko kundi nasa lalaking naupo sa tabi ng kama at may pag-ayos pa ng kanyang buhok.
“Its okay, Ivan. Ang cute talaga ng sister mo. Nagpapatulong siya sa math subject niya. Tulungan mo na, kawawa naman.” Wika niya kay Kuya Ivan.
“Marami pa akong gagawin, Niamh. Kung gusto mo kay Kuya Marcus ka muna magpaturo.” Suhestion ni Kuya Ivan. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kung kanina malakas at mabagal ngayon ay parang may tumatakbo ng mga kabayo sa dibdib ko at gusto nang kumala ng puso ko sa aking rib cage.
“Puwede naman, madali lang naman ang math. Pero may kundisyon. Igawa mo ako ng minatamis na gatas. Yung ginawa mo noon para sa kuya mo? Gusto ko ulit matikman yun.” Nakangiting sabi niya sa akin.
“Yung alin po?” ulit ko.
“Eh di yung ginawa niyo sa school na sa akin mo pinaubos. Gusto mo pa akong magka-diabetes mabuti na lang si Kuya Marcus mo ang umubos. Yung pastilias ba yun?” wika ni Kuya na ikina-awang ng aking labi. Natikman pala niya yun at nagustuhan din niya.
“Okay po…” nahihiyang sabi ko sa kanya pagkatapos ay tipid akong ngumiti, dinampot ko ang bag ko at lumabas ng kuwarto ni Kuya.
Pagdating ko sa kuwarto ko ay nagtatalon ako sa tuwa. Nag-dive pa ako sa ibabaw ng kama at nagpapadyak sa kilig. Parang may naglalarong kikiyo sa aking tiyan.
Simula nang maging bestfriend siya ni Kuya Ivan ay naging crush ko na siya. Paano ba naman kasi. Bukod sa napaka-cute na niya palagi pa niya akong nginingitian at napakabait pa niya sa akin. Unlike Kuya Ivan na madalas akong sungitan. Nalaman ko din na varsity player din siya at pinakamatalino sa kanilang section. Kaya sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya!
“Niamh! Bababa na kami. Bilisan mo ha!”
Napatigil ako sa pagpapadyak dahil katok ni Kuya Ivan.
“Opo!” sagot ko sa kanya. Kaagad akong naligo dahil siguradong maasim na ang amoy ko. Pagkatapos ay nagpalit ako ng bestida na hangang tuhod ang haba na kulay pink at inilugay ko ang basa kong buhok. Naglagay ako ng pulbos at lip balm saka nagpaligo na rin ako ng pabango bago bumaba.
Nadaanan ko sila sa sala pero dumerecho ako sa kusina at hinanda ko ang gagamitin kong sangkap sa pagawa ng pastillias.
Isang lata ng condense milk at powder milk lang ang kinuha ko sa pantry at pagkatapos ay kumuha ako ng can opener. Hindi mabura ang ngiti sa aking labi dahil sa mangyayari mamaya. Sana lamang ay may matutunan ako sa pagtuturo niya sa akin at hindi ako tuluyang mainlab sa kanya.
“Aray!”
Napangiwi ako dahil sa sakit nang masugatan ako ng lata ng condense milk.
“Niamh? What happen?”
Kaagad niya akong nilapitan at kinuha ang kamay ko.
“Bakit kasi hindi ka nagpatulong?”
Dinala niya ako sa faucet at binuksan niya ang gripo. Hawak niya ang kamay ko at medyo may kalaliman ang naging sug@t ko dahil sa pagtulo ng dugo.
“Okay ka lang?”
Tumango ako sa kanya. Kinuha niya ang panyo at inilagay sa aking daliri.
“Diyan ka lang kukuha ako ng band-aid sa bag ko.” Wika niya. Maya-maya pa ay bumalik na siya dala ang med kit. Kasama pa niya si Kuya.
“Ano bang nangyari?” tanong ni Kuya. Itinuro ko ang lata ng gatas at siya na ang tumapos nito.
“Sorry, dahil sa request ko nasugatan ka tuloy.” Sambit niya habang nililinisan ang sugat ko.
“Putol ba?” tanong ni Kuya.
“Hindi, maliit lang ito.” Nahihiyang sagot ko habang nakatingin kay Kuya Marcus. ‘
“Maliit lang pala eh! Malayo yan sa atay!” litanya ni Kuya. Nilingon siya ni Kuya Marcus
“Bro, nasaktan na ang kapatid mo ganyan pa ang sasabihin mo.”
Napakamot si Kuya Ivan sa patilya niya.
“Sorry na, kasi naman hindi ka nag-iingat. Doon na nga lang ako. Kaya niyo na yan!” wika ni Kuya Ivan. Iniwan niya kaming dalawa sa kusina.
“I’m sure masakit yan, lagyan mo ng gamot at bandage para mabilis gumaling. Ako na lang ang gagawa nito. Madali lang naman siguro ito.” Presenta niya at hinarap ang naiwan kong gawain.
Tinuruan ko siya kung paano ginagawa ang pastillias habang walang sawa akong nakatingin sa maamo niyang mukha. Kung crush man ang nararamdaman ko sa kanya o love. Hindi ko alam. Basta ang nararamdaman ko para sa kanya ngayon? Ang gagawing kong inspirasyon para maging karapat-dapat din ako sa isang katulad niya balang araw…
"Okay na ba ito?" nakangiting tanong niya sa akin habang binibilot ang pastillias sa palad niya. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Halos isang dangkal na lamang ang layo niya sa akin. Napatingin ako sa natural na mapulang niyang labi.
"Niamh, bata ka pa. Pag-aaral muna ang atupagin mo. Unahin mo ang math problem mo kaysa sa heart problem. Naintindihan mo?" mahinahon niyang tanong sa akin na nagbigay sa akin ng kasagutan.
NIAHM“Matagal ka pa ba diyan?” sunod-sunod na katok ni Marcus sa labas ng banyo. Lalo tuloy akong na-pressured lumabas dahil sa suot kong manipis na damit na hindi naman mukhang pantulog kundi pang-akit ng asawa. Bakit ba kasi walang ibang pantulog sa drawer? Bakit puro ganito?“Malapit na!” sagot ko sa kanya.“Hon, almost one hour kana diyan sa banyo. Ina-antok na ako.” Ani ni Marcus na halatang naiinip na.“Nasira kasi ang tiyan ko. Humiga ka muna!” pagdadahilan ko sa kanya. Pero ang totoo ay kinakabahan ako ng husto. At pakiramdam ko nawalan ako ng confident na magpakita sa kanya ng ganito.Pero bakit naman ako mawawalan ng confident? Sexy naman ako sa suot kong lingerie. Saka asawa ko na naman si Marcus.Wala na akong narinig na katok mula sa kanya kaya kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag. Inayos ko muli ang sarili ko sa harapan ng salamin. At tinakpan ko ng bathrobe ang suot kong pulang l4ce na pantulog. Pagkatapos ay nagpabango ako at sinuklay ko ang buhok ko. Nandito kami
NIAHMHabang pinagmamasdan ko ang wedding gown na nasa harapan ko at nakasuot sa manikin naalala ko kung paano ako nangarap noong makapagsuot ng ganito habang hinihintay ako ni Marcus sa loob ng simbahan. Pangarap ko lang noon na magustuhan niya rin ako hanggang sa lumalim ang pagmamahal ko sa kanya. Ngunit hindi lang pagmamahal ang nagpatibay sa aming dalawa. Kundi pati na rin ang hamon sa buhay naming dalawa. Ang buong akala ko ay suntok sa buwan ang magustuhan ni Marcus. Pinaglayo man kami ng tadhana, sinubok ng panahon ay natagpuan pa rin naming ang isa’t-isa. Alam kong hindi biro din ang pinagdaanan niya sa Europe. Dahil narinig ko mismo ito kay Ate Railey. Hindi ko maisip yung ginawa niyang sakripisyo. Maprotektahan lang kaming magkapatid laban sa kanyang ama. Ngunit kahit ganun nanatili siyang tapat sa akin. Nanatili ang kanyang pangako noong umalis siya at bumalik na tangan pa rin ang nakalimutan kong ala-ala. Hindi man ako ang pinaka-maswerteng babae sa araw na ito. Para sa a
NIAHMNapahawak ako sa aking sintindo nang magising ako. Medyo makirot ang ulo ko. Inikot ko ang aking paningin sa kabuohan ng kuwarto ko. Dahan-dahan akong bumangon at nag-unat.Akala ko totoo na yung nakita ko kagabi, akala ko totoong si Marcus ang nakita ko. Pero siguro sa paghahangad ko na makita siya kagabi at dahil sa kalasingan ay nagha-hallucinate na rin ako. Alam ko naman hindi na niya ako priority na puntahan pero sana kahit nagchat or tex lang siya sa akin na nakauwi na siya okay na sa akin.Binaba ko ang paa ko at napansin kong nakapantulog na ako. Si Tinay siguro ang nagbihis sa akin. Alam ko naman hindi niya ako papabayaan kaya tatawagan ko siya mamaya para magpasalamat. Tumayo ako at lumabas sa kuwarto para kumuha ng tubig sa kitchen. Nagkukusot pa ako ng mata ko at namumungay ang matang napatingin sa lalaking nakatalikod. Habang nakaharap sa kalan. May hawak siyang tsansi at habang gumagalaw ang biceps niya ay nagagalawan din ang maskels niya sa likod. Malapad ang bali
3 years later…NIAHMHabang nakatingin ako sa napakagandang bestfriend ko na suot ang ball gown niyang wedding gown, ay hindi ko maiwasan ang maiyak. Paano ba naman kasi, kahit na English spokening dollar si George at malaki din ang age gap nila ni Cloe ay sila pa rin ang nagkatuluyan sa bandang huli. Nang dahil lang sa biglaang pagsundo nila Kuya Ivan at Marcus sa amin noon nagkakilala silang dalawa tapos after 3 years ikakasal na sila.Habang ako? Ito busy sa negosyo, buhay dalaga at sa pinapatayo kong bahay. Masaya pa rin naman, kahit may kulang na sa puso ko ay nagagawa ko pa rin naman ang ngumiti. Lalo na kapag nasa bahay sila kuya Ivan at Riley kasi ako ang nag-aalaga sa pamangkin kong napaka-bibo at napaka-cute. Tita mami nga ang tawag niya sa akin.“Ang ganda ni Cloe tapos ang guwapo ni George. Para silang Prinsipe at Prinsesa…” naiiyak din na sabi ni Tinay na nasa tabi ko lang. Nakalapit na si Cloe kay George at nagmano pa ito sa daddy ni Cloe.“Please take care of my daughte
NIAHMMay napapansin ako kay Marcus lately, simula nang araw na tangihan ko siya, madalas hatid sundo lang siya sa akin sa school. Kapag kinikiss naman niya ako palaging sa noo lang tapos yun at hindi rin kaming gaanong nag-uusap ng may kasamang harutan. Palagi siyang seryoso at kapag naman may sinasabi ako sa kanya palaging tango lang oh iling ang sagot niya. Minsan tuloy naisip ko baka may kasalanan ako sa kanya kaya siya ganito sa akin. Pero alam ko naman na napatawad na niya ako kay Charles noon. Alam ko talaga may mali sa kanya eh. Kahit kapag nasa restaurant kami sobrang busy niya minsan hatid sundo lang siya sa akin. Gustuhin ko man siyang kausapin tungkol sa bagay na yun wala naman akong lakas ng loob at hindi ko rin alam ang itatanong ko.“Tulala ka na naman, next week graduation na natin. Ano ba iniisip mo?” ani ni Cloe nang madatnan niya akong nagkaupo lang at nangalumbaba habang hinihintay ang tawag or tex ni Marcus.“Naisip ko lang anong edad kaya ng lalaki ang gusto nang
NIAHMNasa dining table kami at magksamang kumakain. Minsan lang kaming magkakasabay kumain dahil palaging busy si Kuya. Kaya kapag ganito palaging masaya ang topic namin. Ilan taon din na nangulila ako sa mga magulang ko kaya nang umuwi sila for good ay sobrang saya ko. Kaya lang mapapahiwalay na sa amin si Kuya Ivan. Ikakasal na kasi sila ni Riley next month. Kaya abala sila sa preparation. I’m happy for kuya. Mukha namang inlab na inlab talaga siya kay Riley.Nagawa ko din sabihin kay Tinay ang tungkol sa kanila. Syempre umatungal ang loka. Pero hindi ko naman siya masisisi at crush niya si Kuya Ivan noon pa. Pero sabi niya babawi na lang daw siya next life. Siguro naman hindi yun dadamdamin ni Tinay.“Anak, baka naman kapag nakasal na kayo ni Riley at lumipat hindi na kayo dadalaw dito.” Wika ni mama.“Syempre pupunta pa rin ako dito. Puwede naman kaming umuwi every week ends.” Sagot naman ni Kuya. Nalulungkot din ako kaya lang ganun siguro talaga ang buhay may asawa kailangan tum
NIAHM“Paano ka napapayag ni Kuya Ivan sa kalokohan na ito?” kunot ang noo na tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero kanina pa nakapagkit sa kanyang mukha ang ngiti niya sa labi.“Kalokohan ba ang tawag mo sa ginawa namin?”“Oo, derechong sagot ko.”Ngumiti siya ulit at nakit
One year later…NIAMH“Presenting! The debutant for tonight! Ms. Niamh Balbuena!”Napuno ng malakas na palakpakan ang ibaba ng event hall sa malakas na pagtawag ng MC sa aking pangalan. Suot ang kulay itim na ball gown ay dahan-dahan ang naging pagbaba ko sa mataas na hagdan na napapalibutan ng kul
NIAMHNapamulat ako nang malakas na tumunog ang alarm clock ko. Bumalikwas ako ng bangon at inabot ko ang maingay na orasan sa ibabaw ng aking side table saka ko ini-off. Napahawak ako sa aking sintido. Pakiramdam ko kakapikit ko pa lamang. Napuyat kasi ako kagabi kakaisip ng sinabi ni Bebu sa akin
NIAMHHapon na nang magpasya kaming umuwi. Masakit na rin ang binti ko sa kakalakad. Pero sulit naman ang date namin, kumain kami ng ice cream at naglaro ulit kami sa ibang arcade. May nakuha siya kanina sa machine na malaking aso na stuff toy at ibinigay niya ito sa akin. Kaya meron akong souvenir







