LOGINNIAMH
"Kuya? Nag-away ba kayo ni Kuya Marcus? Bakit parang hindi ko na po siya nakikita dito?" Hindi napigilan na tanong ko sa kanya. Paano kasi halos isang linggo ko na siyang hindi nakikita. Napa-paranoid na ako sa nangyayari. Kung dati walang araw na hindi ko siya nakikita, at nakakausap ngayon ay wala man lang akong alam sa nangyayari sa kanya.
"Wala dito sa bansa si Marcus, nasa Europe. Pinapunta siya ni Tito Archie. Hindi ko lang sure, pero sa pagkakaunawa ko may babae daw siyang isasama sa pag-uwi." sagot niya na ikinatigil ko.
"Babae? Kapatid?"
Umiling siya sa akin at inisang lagok ang kape niya.
"Nope, pero malapit daw ito sa kanilang pamilya."
Napasinghap ako sa sinabi niya. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano pero paano kung siya yung tinutukoy ni Kuya Marcus?
"Bilisan mo na, malalate na ako." Paalala ni kuya. Hindi ko na naubos ang pagkain ko dahil sa mga nalaman ko. Pumunta siya ng Europe nang hindi sinasabi sa dahil sa babaeng yun? Pero bakit nga pala niya sasabihin? Wala naman kaming relasyon.
Parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Parang end of the world na for me. Paano nga kung may kasama siyang babae? Paano na ako? Paano na ang future namin?
"Oh? May sakit ka na naman ba? Ilang araw na namin napapansin na wala ka lagi sa mood." pansin ni Cloe dahil hindi na ma-plantsa ang mukha ko sa pagkagusot.
"Love sick yan for sure, hindi naman siya ganyan kahit zero siya sa quizzes eh." wika naman ni Tinay. Nabaling ang masamang tingin ko sa kanya.
"Lakasan mo pa kaya? Para marinig nila." Inirapan ko siya at naupo ako sa tapat nila. Masama talaga ang loob ko. Kahit sa social media wala man lang siyang update kung ano na ang nangyari sa kanya. Akala ko ba kapatid ang turing niya sa akin? Bakit parang kasinungalingan lang ang lahat ng yun?
"Joke lang yun grabe sa pag-irap ha? Kala mo may kilay. " litanya ni Tinay sa akin.
"Kumusta pala si Kuya Marcus? Parang hindi ko na siya nakikita hinahatid ka." Usisa ni Cloe. Nagsimulang magtubig ang mga mata ko.
"B-Break na kami…"
Napasubsob ako sa bag ko na nakapatong sa aking kandungan.
"Break? Kayo ba?"
Nag-angat ulit ako ng tingin kay Cloe.
"Bestfriend ko ba talaga kayo? Bakit wala man lang kayong support sa akin?"
Nagkatinginan ang dalawa bago ibinalik ang tingin sa akin.
"Beshy, support ka namin kahit tikbalang o maligno pa ang magustuhan mo. Pero kung sa pagiging delulu mo? Sorry beshy ayaw ka namin masaktan kaya hanga't maari kalimutan mo na si Kuya Marcus." ani ni Tinay. Mas lalo kong nararamdaman ang pangungulila sa kanya. I know minsan OA na ako at delusional. Pero itong nararamdaman ko ba ay sa isip lang?
"Huwag ka ng malungkot beshy, kung kayo talaga sa future ang nakatadhana kahit dumaan man ang taon eh di kayo pa din." Dagdag naman ni Tinay.
Iwan ko lang pero hindi nakatulong sa pag-iisip ko ang mga sinabi nila. Wala kasi sila sa sitwasyon ko. Ang hirap pala ng one sided love. Yung ako lang ang nagmamahal. Kasi ako lang din ang masasaktan.
Kanina pa ako naghihintay kay Kuya Ivan. Tapos na kasi ang klase ko pero hindi pa rin siya dumarating. Tinawagan ko na rin siya pero nakapatay ata ang phone niya. Lalabas na sana ako ng parking lot nang may dumaan na kotse at tumigil sa harapan ko.
Tutuloy na sana ako sa paglakad ngunit bumukas ang pinto sa driving seat at nanlaki ang mata ko nang makita ko si Kuya Marcus.
"Miss me?" Nakangiting tanong niya. Gusto kong umiyak at salubungin siya ng yakap ngunit nang akmang lalapitan ko na siya ay umikot siya sa kabila at pinagbuksan niya ako ng pintuan sa passenger seat.
"Busy si Kuya mo kaya ako muna sumundo sayo." ani niya na ipinagtaka ko. Hinawakan ko ang pintuan sa tabi ng driver seat.
"Gusto ko dito maupo–"
Natigil ako nang may makita akong maputi at magandang babae na nakaupo sa tabi niya.
"Hi." nakangiting bati niya sa akin. Napatingin ako kay Kuya Marcus na nasa tabi ko na.
"Si Railey, inaanak ni papa. Inihabilin siya sa akin kaya sa bahay namin siya nakatira. Railey, siya naman si Niamh. Sister ni Ivan."
Gusto kong umiyak dahil sobrang ganda niya. Gatas siguro ang pampaligo niya at glass skin din ang mukha niya kahit maliit na mole wala siya. Unfair talaga ni lord! Kaya naman pala niyang gumawa ng ganito kaganda bakit di niya ako sinali?
"Yes, I know her. Wala kaya akong hindi alam tungkol sayo." nakangiting sabi niya. Sa sobrang insecure hindi ko napansin na nagta-tagalog siya. Pero slang siya magbangit ng words.
Inilahad niya ang kanyang kamay. "Hi Niamh, I'm Railey soon to be fiance ni Marcus." sambit niya na nagpahiwalay ng connection sa aking puso at utak.
"Maloko ka talaga, Railey." Naiiling na sabi ni Marcus sa kanya. Tinangap ko ang pakikipagkamay niya at walang salita akong pumasok sa loob ng passenger seat.
Hangang makarating kami sa bahay ay nanatili akong walang imik. Bumaba ako at dumerecho sa aking kuwarto. Akala ko bababa din sila ngunit narinig ko ang pag-alis ng sasakyan sa labas. Nanghina ang aking mga binti. At halos hindi ko nasara ng maayos ang pintuan ng aking kuwarto.
This is my first heartbreak at hindi ko alam kung anong gagawin ko mas masakit pa ito sa feeling na bumagsak ka sa isang subject. Hindi ko napigilan ang umiyak habang nakasubsob ang aking mukha sa unan.
"Niamh? Tulog ka pa ba? Andiyan na ang kuya mo hinahanap. Sabay na kayo maghapunan.
Bumangon ako at inayos ko ang aking sarili.
"Opo."
Nagutom ako sa pag-iyak ko kaya kailangan kong kumain at mamaya ko na lamang itutuloy. Nagpalit ako ng pambahay at bumaba na rin ako. Nadatnan ko si Kuya sa dinning table.
"Sorry kung hindi kita nasundo. May importante kasi akong nilakad." Wika niya pagkaupo ko sa harapan niya. Tumango lang ako at nagsimula na rin akong kumain.
"Niamh? May problema ka ba? Ang sabi ni Kuya Marcus mo. Ang tahimik mo daw kanina. Kakadating lang kasi nila at eksakto na dadaanan nila school mo kaya pinasundo na kita. Nakilala mo ba si Railey? Maganda ba? Madamot yung kuya mo ayaw ipakita yung picture niya takot maagawan kaya sa call ko lang narinig yung boses niya." kwento niya sa akin. Napatigil ako sa pagkain.
"Totoo ba? Totoo ba na Fiance ni Kuya Marcus ang babaeng yun?" nangingilid ang luha na tanong ko sa kanya.
"Oo, sabi ni Tito Archie sa kanya–t-teka? Bakit parang naiiyak ka na?" nagtatakang tanong niya dahil nagpahid na ako ng luha. Akala ko kasi naubos na kanina may natira pa pala.
"Papakasalan ba niya ang babaeng yun?" tanong ko ulit. Suminghot ako dahil pati uhog ko gusto na din umepal.
"Siguro, walang magagawa si Marcus kung yun ang gusto ni Tito Archie."
"H-Hindi siya puwedeng magpakasal sa iba, Kuya Ivan. Dahil gusto ko siya… Gustong-gusto ko siya... Hindi pa sa ngayon pero gusto ko kapag dalaga na ako magustuhan niya rin ako at gusto ko siyang maging asawa." Pagtatapat ko na ikina-awang ng kanyang labi.
"Ano na naman bang kalokohan ito Niamh? Muntik mo na akong mapaniwala–"
Napatigil siya at tumingin sa akin ng derecho. Hindi ko siya inurungan at seryoso din akong tumingin sa kanya.
"What's happening here? Late na ako sa hapunan ah? Namiss ko luto ni Manang!" bulalas ni Kuya Marcus na kakarating lang at hindi namin namalayan. Kumuha siya ng fried chicken at kaagad na nginatngat. Habang kami naman ni Kuya ay nakatingin lang sa kanya.
"Hey? May problema ba?" maang na tanong niya habang ngumunguya.
Uminom ako ng tubig at saka tumayo.
"Akyat na ako Kuya. Marami pa akong assignment na gagawin." Paalam ko sa kanya at tinalikuran ko na sila. Wala akong magagawa kung sasabihin man ni Kuya ang sinabi ko tungkol kay Marcus.
Nagkulong ako sa kuwarto ko buong magdamag. Dinalhan lang ako ng gatas ni Manang kaya naging maayos ang tulog ko. Kinabukasan ay sabay kaming nag-agahan ni Kuya Ivan.
"I'll keep your secret. Kahit bestfriend ko si Marcus. Hindi ko gugustuhin na malaman niya ang mga sinabi mo kagabi sa akin." wika niya habang kumakain.
"Bakit? Dahil ayaw mo siya para sa akin?" seryosong tanong ko sa kanya.
"Hindi lang yun, dahil baka pagtawanan lang niya ang feelings mo. Ayokong masaktan ka ng taong mahalaga din sa akin. At isa pa…bata ka pa—"
"I'm not your little sister anymore. Malapit na akong maging dalaga kuya–"
"Please stop this nonsense, Niamh. Ako nga na binata na hindi pa nag-iisip manligaw dahil mas mahalaga sa akin ang studies ko. Ikaw pa kaya na bata pa---kapag hindi ka umayos ng pag-aaral mo ihahatid kita sa airport para sa canada ka na mag-aral."
"Do it. Pero kahit ano pa ang gawin mo. Kahit malayo man ako sa kanya ng ilang taon. Siya pa rin ang gugustuhin ko." Paninigurado ko sa kanya. Nauna akong tumayo sa upuan.
"Mag-taxi na lamang ako."
Akala ko pipigilan niya akong umalis pero hinayaan niya akong magtaxi papunta sa school ko.
Pagkarating ko sa school ay sinabi ko sa kanila ang nangyari at hindi rin sila makapaniwala na may third party na agad sa pagitan namin ni Marcus.
"Anong plano mo ngayon? Paano kung ipadala ka ni Kuya Ivan sa canada? Papayag ka ba? Isang buwan na lang graduation na natin saka akala ko ba bestfriend pa rin tayo at sa iisang school pa rin tayo papasok?" malungkot na sabi ni Tinay. Yun kasi ang plano namin magbestfriend na sa iisang university lang kaming tatlo.
"I don't know…pero unti-unti nang malinaw sa akin ang lahat." Wala sa sariling sagot ko.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong naman ni Cloe. Nandito kasi kami sa canteen ngayon at kumakain ng lunch.
"Malinaw na sa akin na kung may gusto kang tao kailangan mong paghirapan."
Nagkatinginan ang dalawa.
"Means?" Sabay na tanong nilang dalawa.
" Ang hina niyo naman! Syempre kailangan worth it ka din para sa taong yun. Kaya hindi ako susuko! Laban lang!" bulalas ko na ikinangisi nilang dalawa.
Pabalik na kami sa building nang tumigil sa paglakad ang dalawa.
"Yung prince mo." wika ni Cloe
"Oo nga, ang guwapo!" giit ni Tinay.
Nang iderecho ko ang tingin ko ay nakita ko siyang palapit sa akin.
"Hi, puwede ko ba siyang hiramin ng limang minuto?" nakangiting sabi niya. Habang palipat-lipat sa dalaw.
"Sure! Sayo na yan! Ibalik mo na lang after thirty minutes!" wika ni Tinay sabay tulak sa akin kaya napasubsob ako sa dibdib ni Marcus.
"Thank you." narinig kong sabi niya at pagkatapos ay hinila na niya ako palayo hawak ang isang kamay ko.
NIAMHNapamulat ako nang malakas na tumunog ang alarm clock ko. Bumalikwas ako ng bangon at inabot ko ang maingay na orasan sa ibabaw ng aking side table saka ko ini-off. Napahawak ako sa aking sintido. Pakiramdam ko kakapikit ko pa lamang. Napuyat kasi ako kagabi kakaisip ng sinabi ni Bebu sa akin. Kahit puyat napapangiti pa rin ako sa tuwing naalala ko yun dahil paulit-ulit na nagpi-play yung salitang yun sa isip ko.Nagseselos ako! Nagseselos ako! Nagseselos ako!Wahhh!!! Nagseselos siya!!! Napatayo ako at napasayaw sa harapan ng whole body mirror ko. Wala akong naririnig na musika pero naririnig ko ang mga hippopotamus na nagdiriwang ngayon dahil sa saya na nararamdaman ko!Ganito pala talaga ang in-love. Tama si Tinay. Parang tumitigil sa pag-ikot ng mundo at ang naririnig ko na lamang ay ang abnormal at ang malakas na pagtibok ng aking puso. Bago pa ako tanghaliin ay naligo na ako. Pagkatapos ay naghanap ako ng dress para sa magiging date namin ni Bebu. Dapat maganda ako sa pani
NIAMH"Ano sabi mo?" ulit ko dahil baka nagkamali lang ata ako ng dinig. Narinig ko siyang bumuntong hininga pagkatapos ay nagkamot ng ulo at nag-iwas ng tingin sa akin."I-I mean, I can pretend to be your boyfriend, Niamh. Para tigilan ka na rin ng mga nanliligaw sa'yo." ulit niya.Nakagat ko aking ibabang labi. Ito na ba yung matagal ko nang hinihingi sayo Lord? Kahit pretend lang kuntento na ako doon. Basta matatawag ko siyang boyfriend ko!"Sige!" Excited na sagot ko. Parang may naghahabulang hippopotamus sa dibdib ko. Magkahalong saya, excitement at kilig ang nararamdaman ko ngayon na hindi ko maipaliwanag."Sige? Payag ka na maging fake boyfriend mo ako?""Uwu! Kaya lang dapat may tawagan tayo diba? Ako na mag-iisip." nakangiting sabi ko sa kanya. Malalim akong nag-isip kaya di ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya kaya napatingala ako sa kanyang mukha."I'm just kidding…walang maniniwala na boyfriend mo ako dahil kita naman na malayo ang edad nating dalawa."Sinuyod ko s
NIAMHHindi ko alam kung anong nakain niya para puntahan ako dito sa lunch hours. At paano kaya siya nakalusot sa masungit na bantay sa gate? Nang makarating na kami ng parking lot hawak pa rin niya ang kamay ko. Kahit malakas ang tibok ng puso ko ay mas naalala ko ang nangyari kahapon kaya napatigil ako sa paglakad nang nasa tapat na kami ng car niya kaya nilingon niya ako."Why? Sandali lang naman tayo ibabalik din kita."May pagpisil pa siya ng kamay ko."A-Andiyan ba siya?" nag-aalangan na tanong ko. Binitawan niya ang kamay ko at pagkatapos ay binuksan niya ang unahan na pinto."At bakit ko naman siya isasama dito? Nasa mall siya ngayon namimili ng gamit after this ko siya pupuntahan." nakangiting sambit niya. Paano ako hindi magseselos? Doon siya nakatira, palagi silang magkasama at fiance pa niya ang karibal ko…Hinila niya ako at pinasakay sa unahan ng sasakyan. Pagkatapos ay umikot siya sa kabila at sumakay din siya."Bakit ba kasi kailangan mo pa akong dalhin dito? Akala ko
NIAMH"Kuya? Nag-away ba kayo ni Kuya Marcus? Bakit parang hindi ko na po siya nakikita dito?" Hindi napigilan na tanong ko sa kanya. Paano kasi halos isang linggo ko na siyang hindi nakikita. Napa-paranoid na ako sa nangyayari. Kung dati walang araw na hindi ko siya nakikita, at nakakausap ngayon ay wala man lang akong alam sa nangyayari sa kanya."Wala dito sa bansa si Marcus, nasa Europe. Pinapunta siya ni Tito Archie. Hindi ko lang sure, pero sa pagkakaunawa ko may babae daw siyang isasama sa pag-uwi." sagot niya na ikinatigil ko."Babae? Kapatid?"Umiling siya sa akin at inisang lagok ang kape niya."Nope, pero malapit daw ito sa kanilang pamilya."Napasinghap ako sa sinabi niya. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano pero paano kung siya yung tinutukoy ni Kuya Marcus?"Bilisan mo na, malalate na ako." Paalala ni kuya. Hindi ko na naubos ang pagkain ko dahil sa mga nalaman ko. Pumunta siya ng Europe nang hindi sinasabi sa dahil sa babaeng yun? Pero bakit nga pala niya sasabihin? Wala n
NIAMHAkala ko kapag nakita ko na siya ulit at nakakain na ako magiging okay na ang pakiramdam ko. Pero habang tumatagal lalong bumibigat ang katawan ko. Sinubukan kong bumangon at nagpunta ako ng banyo para umihi. Ngunit nang pipindutin ko na ang flash ay napansin kong nagkulay pula ang ihi ko. Sinilip ko ang suot kong panty at may nakita akong pulang mantsa. Kinabahan ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya nagmadali akong tumawag kay Kuya Ivan. Ngunit nakailang ring na ako hindi pa rin siya sumasagot. Nagpalit muna ako pagtapos ay tinawagan ko na ulit si Kuya, pero hindi pa rin niya sinasagot ang tawag ko kaya hindi na ako nagdalawang isip na tawagin si Kuya Marcus. Unang ring palamang ay sinagot na niya ang tawag ko.“Why? Hindi pa ba maayos ang pakiramdam mo?” tanong niya sa kabilang linya. Napasinghot ako…hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Alam ko kung bakit may red na yung panty ko. Ibig sabihin dalaga na ako…palaging bukam-bibig yun ni Cloe na kailangan daw maregla mu
NIAMH“OMG!!! Ahhh!!!” sigaw ko habang nakatayo at nakatingin sa harapan ng vanity mirror. Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko. Bumungad silang dalawa at may hawak pa silang baseball bat at tambo?“What happen?!” bulalas ni Kuya Ivan habang palinga-linga ng tingin. Samantalang napatalikod naman si Kuya Marcus nang makita niya ako dahil nakatuwalya lamang ako. Kakatapos ko lang kasing maligo.“K-kuya…huhu…may buhok na ako sa kili-kili…” na-iiyak na sabi ko sa kanya. Ipinakita ko sa kanya ang maputing kili-kili ko na may tumutubong maninipis na parang balahibo.“Look! Ang cu-cute nila!”Nilapitan ako ni kuya at nagulat ako nang tapikin niya ako sa ulo.“Ouch! Bakit may pangbatok?” nasaktan kong angil sa kanya.“Nagkakanda-sungaba na kami ng Kuya Marcus mo makarating lang dito tapos sisigaw ka dahil lang sa buhok mo sa kili-kili? Ano ba talagang nangyayari sayo, Niamh?” inis na tanong ni Kuya Ivan. Napakamot ako sa ulo ko.“Sorry na, kasi naman natutuwa lang ako. Noo







