Share

Chapter 21(Name)

Chapter 21

Name

Naimbestigahan ang nangyari kay mama. Nakita sa CCTV ang paglakad nito sa daan na parang wala sa sarili. Naka teachers uniform ito at may hawak na bag nang tumawid sa daan at nasagasaan ng isang jeep. Tumalsik si mama na parang papel at nauntog ang ulo sa daan. 

Fifty-fifty ang kalagayan ni mama nang isugod sa hospital. Si kuya ang naging doktor niya at hindi siya naisalba ni kuya. 

We're all hurt. Sa isang higlap lang nawala ang buhay ng taong buong buhay namin ay walang ginawa kundi ang alagaan kami at mahalin.

Hindi ko parin tanggap ang nangyari. I regret the day I left without talking to her dahil iniiwasan ko ang pag aaway nila papa. Kung alam ko lang na kukunin siya ng panginoon sana dinamayan ko siya at hindi ako naging duwag. 

Nakita ko ang paghinagpis ni papa. Dalawang araw siyang hindi umalis sa tabi ng kabaong ni mama. Kahit si kuya walang naging salita. Sinisisi nito ang sarili dahil sa nangyari. 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status