LOGINCalm
Dalawang buwan na ang nagdaan at unti-unti ko nang nakukuha ang loob ng boss ko. Pero unti-unti rin akong napapamahal sa kanya. Alam ko na hindi ko siya kayang maabot dahil mayaman ito at mahirap lang ako. Masaya na ako kapag napapansin niya. Lihim akong kinikilig kapag tumitingin siya sa akin. Pero ayokong mahalata niya ako at baka mag-iba na naman ang pakikitungo nito sa akin. "Stay low-key in love," bulong ko. Isa-isa na namang nagsiuwian ang mga empleyado, pero ako, kailangan ko na namang mag-overtime. Kagaya ng dati, ay naiwan na naman akong mag-isa dito sa opisina. Hindi pa kasi ako tapos sa mga reports na gusto ni Tristan bukas ng umaga na ito kailangan. "Huwag sanang mapadaan si Tristan dito," bulong ko habang pinipilit matapos ang spreadsheet. Ngunit sa hindi ko inaasahang sandali, bumukas ang pinto ng opisina ni Tristan. Napatigil ako sa pagta-type at napalingon sa gawi ni Tristan. "Miss Sarmiento." "S-Sir, akala ko po ay umuwi na kayo?" kabado kong tanong. Hindi ito agad nagsalita. Lumapit lang ito sa gawi ko, hawak ang coat nito sa braso. Mukhang pagod ito pero alerto pa rin ang tingin. "Hindi pa. May kailangan pa akong tapusin. Ikaw, bakit nandito ka pa? Huwag mong sabihin na mag-overtime ka na naman. Kapag ako'y pina-dole mo..." huminto ito sa pagsasalita sabay tingin sa akin, may pagbabanta. "Ahm, tinatapos ko lang po 'yung reports para bukas, sir," mahina kong sabi habang pilit na tinatago ang kaba sa dibdib. "Alas otso na ng gabi." "Okay lang po, sir. Mas gusto ko pong tapusin na ito ngayon para bukas ay maayos na para wala nang problema," sagot ko agad. Nakatingin lang ito sa akin, matalim pa rin ang mga mata pero hindi na galit, parang nagmamasid lang siya. "Hindi ka ba natatakot umuwi nang ganitong oras? May masasakyan ka pa ba pag-uwi?" tanong ni sir sa mababang boses. Wow! Hindi ko alam na marunong rin pala ito mag-alala. "Mas nakakatakot po kung hindi ko matapos ito sir at makita mo na lang bukas na marami palang mali. Kaya binabasa ko ng maigi para walang palya," sagot ko naman. Bahagyang kumunot ang noo nito, pero may sumilay na munting ngiti sa labi ni Tristan. "At least alam mong may takot ka pa rin sa akin." "Hindi mawawala 'yon, sir. Sigaw mo pa lang, bahag na ang buntot ko," sagot ko na may halong biro pero may katotohanan. "Ikaw po ang dahilan kung bakit lahat ng empleyado dito nagkakape ng tatlong beses sa isang araw," biro ko na naman. Napahinto si Tristan sa akmang pag-alis na sana nito, mahina lang itong natawa pero totoo. "Ganun ba ako kabagsik sa paningin niyo?" Tumango agad ako. "Medyo po, sir." Natahimik ito. Pero kakaiba na ngayon ang katahimikan, hindi na lang malamig. Parang may kuryente sa pagitan namin na parang bawat tinginan ay nagiging mas matagal kaysa sa ikot ng oras. "You want coffee?" biglang tanong ni Tristan. "May natira pa ako sa pantry." "Po? Ahm, huwag na po, sir, okay lang ako." "Hindi utos 'yan, Amara. Tanong iyon," anito na may bahagyang lambing sa tono. Napilitan na lang akong tumango. Baka kung ano na naman ang sasabihin niya. "Sige po, sir. Kape po," tipid pa akong ngumiti. Nasa pantry na kami at amoy ko ang mabangong aroma ng brewed coffee. Tahimik kaming dalawa habang hinihintay na uminit ang tubig. Nakatingin ako sa tasa habang sinusubukan kong 'wag tignan si Tristan, pero mahirap na hindi ko siya sulyapan. Kahit napakasimple lang ang galaw nito ay kaakit-akit na sa paningin ko. Ang simpleng pagtanggal nito ng coat, ang paghawak sa mug, paghalo sa kape, at lahat ng iyon ay parang may hiwaga na di ko maipaliwanag. "Hindi ka naman pala ganun ka-intimidating kapag wala kang binabasa na report," bulong ko bigla. Napalingon bigla si Tristan. "Ano'ng ibig mong sabihin?" "Kapag nasa trabaho ka po, parang palagi kang may dala-dalang unos at problema. Pero ngayon naman, parang simpleng tao lang," mahina kong sagot. "Parang tao lang?" kunot-noong ulit nito pero may ngiti sa labi. "Anong tingin mo sa akin, halimaw?" "Medyo po," sagot ko, sabay tawa. Tumawa rin ito, mahina pero totoo. Pati pagtawa nito, napaka-expensive. Ilang segundo lang ay nagtagpo ang aming mga mata. Wala na ang galit roon, wala nang talim, naging magaan na ang atmosphere. "Hindi ko sinasadya minsan na maging harsh, sa'yo o sa iba," sabi ni Tristan na halos pabulong lang. "Minsan kasi, gusto ko lang siguraduhin na hindi mo mararanasan 'yong mga pagkakamaling pinagdaanan ko noon. Kaya gusto kong ikaw ay maging responsable sa trabaho mo." Natigilan ako. Na-touch ako sa sinabi nito. "Sir...?" "Hindi mo kailangan intindihin ang sinabi ko," sagot nito agad, umiwas na ng tingin. "Basta ang gusto ko lang, matuto ka sa lahat. Hindi dahil empleyado kita, kundi dahil..." Tumigil ito nang bahagya at ipinilig ang ulo na parang nag-aalangan sa mga salitang lumalabas sa labi niya. "Dahil sayang ka kung matatakot ka lang palagi sa akin." Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, kaba ba, tuwa, o 'yong kakaibang kirot sa dibdib tuwing naririnig ko ang malasakit nito kahit nakabalot sa lamig ng tono. "Salamat po, sir," mahina kong sambit. "Kahit minsan akala ko gusto mo na akong tanggalin sa trabaho ko dito sa kompanya." Tumingin ito sa akin, matagal. "Kung gusto kitang paalisin, matagal ko na sanang ginawa." Napangiti na ako. "So... safe pa ako, sir?" "Safe ka, dito," sabi naman ni Tristan, pero may kakaibang lambing sa paraan ng pagkakasabi nito. "Basta matuto ka lang makinig sa mga sinasabi ko. Alam mo, hindi lahat ng galit ay para saktan ka. Minsan, para matuto ka at para protektahan ka rin." Hindi ko na napigilang mapatitig sa kanya. Ang malamlam na ilaw sa pantry ay tumatama sa mukha ni Tristan, nagbigay-lambot sa mga matatalim nitong mata. At sa unang beses, hindi ko nakita ang pagiging CEO nito ngayon, ang nakita ko ay isang lalaking marunong din palang mapagod, at marunong din mag-alala. Maya't maya ay bumalik na kami sa kanya-kanyang mesa. Pero pag-upo ko pa lang ay hindi ko na magawang magpokus sa trabaho. Nakatingin ako sa repleksyon ni Tristan sa glass wall. Nakita ko siyang nakatayo na may kausap sa telepono. Seryoso pa rin pero paminsan-minsan ay napapatingin rin ito sa akin. "Bakit ganito?" tanong ko sa isip. Kahit alam ko na dapat ko siyang katakutan ay hindi ko pa rin magawang iwasan ang nararamdaman ko tuwing magkasama kami. Nagulat ako nang bigla itong lumapit ulit sa desk ko, pagkatapos ay may inilapag itong isang maliit na folder. "Pag-uwi mo, basahin mo ito. Mga notes iyan para sa upcoming project ng kumpanya. Gusto ko na ikaw ang mag-handle ng preliminary report." "Ha? Bakit ako po?" gulat kong tanong. "Hindi po ba dapat si Ma'am Arlene 'yong..." Winagayway nito ang kamay. "Ikaw, hindi siya." Direktang sagot ni Tristan. "Kaya mo 'yan. Alam kong kaya mo, Amara." Hindi na ako nakasagot pa. Sa unang pagkakataon, hindi ito utos kundi tiwala sa akin. Kaya hindi ko siya dapat biguin. Habang naglalakad ito pabalik sa opisina nito, narinig kong mahina nitong sinabi, "Huwag mong sayangin 'yung pagkakataon, ha." Doon ko naramdaman ang kakaibang tibok sa dibdib ko. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa posibilidad na may nararamdaman na akong pagmamahal sa boss ko. Baka nga sa likod ng malamig na boses at talim na mga mata, may isang Tristan na marunong ding magmahal kahit bawal. Sa labas ng bintana, kita na ang mga ilaw ng siyudad, kumikinang sa dilim, tulad ng unti-unting liwanag na nabubuo sa pagitan namin. At sa tahimik na opisina, habang isa-isa'ng pinapatay ang mga ilaw, tanging dalawang tao lang ang naiwan. Ang boss ko na hindi ko mabasa ang isipan at isang ako na natutong hindi lang matakot, kundi umasa...BACK TO WORK Amara Isang linggo akong hindi pumasok sa trabaho. Hindi na ako ang dating Amara na sige na lang ang lahat. Hindi tumatanggi basta si Tristan ang nag-utos. Magrereklamo man ako, susundin ko pa rin naman siya. Kaya this time, hindi na basta alam kong hindi ko trabaho ang ipapagawa niya. I learned my lesson kahit pa mahal ko siya hindi dapat ganito palagi. Hindi ako mabubuhay sa pagmamahal na ako lang naman yata ang nagmamahal sa aming dalawa ng totoo. Wala na rin akong oras para mag-makeup pa. Tamad na rin akong ngumiti sa mga katrabaho ko. Kahit dati deadma sila, nakangiti pa rin ako sa kanila. Ngayon ay hindi na. Wala na ring "Good morning, Sir." Hindi ko siya pinansin at diretso lang ako patungong desk ko. Tahimik lang akong pumasok at naupo sa swivel chair ko. Binuksan ang computer at nagsimula na akong halungkatin ang email ko. Iniiwasan ko rin na magkaroon kami ng eye contact ni Tristan. For now, galit at nagtatampo muna ako sa kanya. Wala rin dapat akong pak
TRISTAN VISITS AGAIN Tristan POV Ikatlong araw na ni Amara sa hospital. Kahit ayaw kong makita siya, kailangan kong bumalik sa hospital, hindi dahil nag-aalala ako, kundi dahil lalong nagkakagulo ang opisina. Walang may alam sa trabaho ni Amara sa opisina, kahit pa ang isang assistant secretary ko at ang personal assistant ko. Si Amara lang ang may alam sa trabahong ito. Sa kanya ako nakadepende. "Now what? Pinahirapan mo siya tapos ngayon nai-stress ka dahil nagkagulo na ang opisina?" asar na sabi ko sa sarili ko. Na-stress kasi ako sa mali-maling reports ng isang secretary ko. Dahil alam ko naman na hindi niya porte ang trabaho ni Amara. Kaya wala akong karapatan na pagalitan siya. Pero napagalitan ko pa rin. May mga client na nagrereklamo dahil sa maling mga reports. Kahit ako, hindi ko alam kung ano ang ifi-fix sa reports na iyon. "Ganito na ba ako ka-bobo na nakadepende na lang ako kay Amara? Damn! Fvck!" mura ko! Hindi ko pa rin nakalimutan kung paano tumingin sa
HOSPITAL Tristan Pov Nagpasya akong puntahan si Amara sa hospital ng hapon na iyon. Hindi dahil sa nag-aalala ako sa kanya kundi dahil kailangan ko ang trabaho niya. Diretso akong nagtungo sa counter ng hospital. Hindi ko pinansin ang mga tingin ng mga tao sa paligid. Naka-sunglasses kasi ako kaya wala akong pakialam kung pagtitinginan nila ako dito. Nagtanong agad ako sa nurse na nadatnan ko roon. "Room of Miss Amara Sarmiento?" tanong ko. "Nasa observation room po siya, Sir. Severe overfatigue and dehydration ang cause ng pagkakahospital niya po," sagot naman ng nurse. Tumango lang ako at tumalikod na. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko si Amara na naka-IV drip, maputla ang mukha at halatang pagod na pagod. Tulog ito kaya malaya ko itong pinagmamasdan mula dito sa kinatatayuan ko. Payat na rin ito tingnan. Halo 'yung nararamdaman ko sa kanya. Sa isip ko, deserve niya ang masaktan, pero sa kabilang banda ay pakiramdam ko naging masama akong tao dahil sa ibang paraan ng panana
Empty Desk, Cold Realization Tristan POV Mga 7:30 am pa lang ay nandito na ako sa kompanya gusto ko kasi na mas maaga pumasok kesa kay Amara. Para gumawa ng mga trabahong hindi naman niya talaga trabaho. Hindi ko alam kung bakit masaya ang pakiramdam ko kapag nakikita kong nasasaktan si Amara. Sa isip ko kulang pa yan sa sakit na dinulot niya sa dibdib ko. Hindi ko talaga matanggap na niloloko ako ng kasintahan ko. God! Mahal na mahal ko siya tapos ganito ang igaganti niya? Ang lihim na makipagkita sa matandang iyon! Hindi ba niya alam na may kasintahan na ang matandang iyon at ikakasal na sila? Nagpupuyos ng galit ang dibdib ko nang makatanggap ako ng mga pictures galing sa anonymous email.Gusto ko siyang sigawan ng malandi ka! Hindi pa ba ako sapat at sa matanda ka pa talaga lumandi at sa sarili ko pang ama?! Kaso nagpigil ako. Nakita kong masaya sila ng gagong matandang iyon! Nagkatawanan , may pahug at kiss sa pisngi. Bigla akong nandiri sa sarili ko. Pero alam kong ako ang
Exhausted Amara Makalipas ng ilang minuto, nakatanggap na naman siya ng email. Hindi pa nga ako nakakag-get over sa eksena namin ni Tristan, may panibagong ipinapagawa na naman siya. Naibsan man ang gutom ko kanina, hindi pa rin nawawala ang panginginig ng katawan ko sa pagod at panghihina. Ayaw ko sana basahin, kaya lang baka madagdagan na naman ang pagod ko. Mabinat pa ako kapag nagkataon. Binasa ko na ang email ni Tristan. Napasimangot na ako agad nang mabuksan ko ang email niya. "1:30 pm deadline ng unang report. 3 pm kailangan na ang proposal draft. 5 pm may meeting na ako ang magta-take ng minutes." basa ko. Napa-roll eyes na lang ako. Kahit may ibang secretary naman siyang gagawa noon. Lahat na lang sa akin niya inaasa. Ginawa na niya akong robot niya. "7 pm sana payagan niya akong maagang palabasin at makauwi ng maaga," bulong ko. Pero malabo pa sa sabaw ng pusit kung maaga niya akong pauuwiin. Alam ko na nag-iisip na naman iyon ng bagong ipapagawa sa akin. B
He hurt me Amara Dalawang araw akong hindi pumasok sa trabaho. Pinasa ko sa HR ang medical receipt para hindi masabihan na nagkukunwari lang ako. Ganoon din ang ginawa ko sa personal assistant ni Tristan. Sa dalawang araw na iyon, sobrang namimiss ko si Tristan. Kaya ang picture na lang naming dalawa ang madalas kong titigan para mawala ang pangungulila ko sa kanya. Dahil kahit gaano pa niya ako saktan mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kanya. Magbaon ako ng maraming biscuits at kendi para stock ko na lang sa drawer ng desk ko. "Papasok ka na, apo?" tanong ni Lola. Katatapos lang namin kumain at nagre-ready na ako para pumasok. "Opo, La," sagot ko. "Oh, dalhin mo ito, snacks mo para hindi ka gutumin sa pagtatrabaho mo. Ubusin mo lahat 'yan ha." Lumapit siya at nilagay na sa lunch bag ko. "Salamat po, Lola," matamis akong ngumiti sa kanya. Yumakap pa ako para hindi siya mag-alala pa. "Umuwi ng maaga, ha? Huwag umuwi ng madaling araw," bilin niya sa akin.







