Share

Kabanata 5

Penulis: Chelle
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-24 09:49:57

Overtime

Amara

Halos wala akong tulog, madaling araw na pala. Sobrang tahimik ang paligid, at ang tanging maririnig lang ay ang mahina at tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan sa labas.

Malamig sa opisina, mabuti na lang dahil may dala akong jacket, at hininaan kanina ni Tristan ang aircon kundi, nanigas na ako dito na parang yelo.

Pumipikit na ang mga mata ko. Nakapangalumbaba na ako sa mesa nang hindi ko namamalayan. Nakahawak pa ako ng ballpen at bahagyang nakabuka ang bibig dahil na rin sa pagod.

Ang laptop ko ay inayos ko na muna at sure na naka-save draft mode. Pero kailangan kong labanan ang antok hanggang sa huling minuto.

Nilingon ko si Tristan na nakahilig sa sofa sa loob ng opisina, suot pa rin ang puting long sleeves, pero nakabukas ang dalawang butones sa itaas, kita ko tuloy ang matipuno nitong dibdib.

"Ang unfair lang na parang mas pagod pa ito sa akin. Mas marami naman akong ginawa sa kanya. Nakaka-stress pa sa dami nitong pinagawa," simangot ko habang nakatingin sa monitor bago rin tuluyang pumikit.

6:30 am

"AAAAAH!" napasigaw ako dahil natabunan ko ng kape ang puting polo shirt ko.

Nagulat ko pa yata si Tristan sa lakas ng sigaw ko. Nakita kong agad na napatayo ito, akala siguro nito may sunog.

Paglabas nito ng opisina ay nadatnan niya akong nakaluhod sa sahig, may hawak na kape at may brown na mantsa sa puting polo shirt ko. Malas talaga kapag umaga sa akin. Asar!

"Oh, sh!t," mura ko, habang pinupunasan ko ang sariling damit.

"Good morning, Miss Sarmiento. I can see na nakaimbento ka ng bagong dress code, 'coffee couture.'" saad nito pabiro.

Napasinghap ako. "Sir naman! Hindi nakakatawa 'yang biro mo, ang sakit kaya ng matapunan ng mainit na kape!"

"Then don't scream very loud like you saw a ghost."

"Eh kasi sir, nagpanic ako! Akala ko late na ako. Tapos akala ko nananaginip ako, nasa office pa rin pala ako!" nakasimangot kong sabi.

Nawerduhan naman si Tristan, tsaka napailing. Bahagya akong nahiya ng maisip kong dito kaming dalawa magdamag sa opisina. Ano na lang iisipin ng mga empleyado ni Tristan sa akin?

"Nakakahiya, baka isipin ng janitor na magkasama tayo magdamag dito," sabi ko pa na may halong pag-aalala sa tono.

Tinaasan ako ng kilay ni Tristan at may pasimpleng ngiti sa labi. Hindi ko na naman mapigilan na kiligin kahit nakakainis siya.

"Well you know... technically, hindi malabo dahil, we were here all night," sabay ngisi nito.

"Sir naman!" reklamo ko.

Pinandilatan ko pa ito. "Tumahimik ka na. Baka marinig tayo sa labas!" asar na sabi ko. Ako pa naman 'yong iwas sa mga haka-hakang chismis.

"Relax, Miss Sarmiento. Wala namang tao sa labas," kalmado nitong sagot.

"And besides, kung marinig man nila, they'll just think na maaga tayong pumasok sa trabaho dahil... dedicated employee tayo," magaan sa sabi nito.

Sumimangot agad ako. "Dedicated sa trabaho o sa away natin? Isa pa, ako lang ang dedicated dito. Huwag mo idamay ang sarili mo, sir!"

"Pareho lang naman, dedicated na may halong awayan para matuto," sabi nito.

Pagkalipas ng ilang minuto, pinilit kong ayusin ang suot kong damit gamit ang tissue at tubig. Nanginginig na rin ako sa lamig.

Napansin yata ni Tristan na nanginginig ang mga kamay ko sa lamig.

"Miss Sarmiento," tawag nito sa akin na medyo seryoso na. "You'll catch a cold. Pumasok ka muna dito sa loob."

"Ha? Hindi na po, sir. Ayos lang..." tatanggi pa sana ako.

"Utos ko ito, not request," sabat nito.

Pagpasok ko sa opisina, nagulat ako sa ginawa nito nang ibalabal nito ang suit jacket niya sa balikat ko.

"Sir..." bulong ko. "May jacket po ako sa desk ko, kunin mo na ang jacket niyo po, baka lamigin kayo," nahiya na sabi ko.

"I'm fine," sabi nito. "I've survived board meetings colder than this." simpleng sagot nito.

"Wow. Gano'n na ba kalamig ang puso niyo, sir? Nagyeyelo na?" biro ko para mawala ang kaba at tensyon sa pagitan naming dalawa.

Bahagya namang natawa si Tristan, sabay iling. "You're getting bold, Miss Sarmiento."

"Ah, sorry po, sir. Ganito lang siguro ako, sir, kapag lack of sleep equals lack of filter, minus hungry, times stress," biro ko, sabay tawa. Napangiti naman ito sa sinabi ko.

Kaya inutusan na niya akong bumili ng noodles sa pantry sa baba ng building na ito. Dahil wala pang delivery sa ganitong oras, kaya nagpatuloy ang biruan namin.

"Sir, first time niyo bang mag-overtime nang ganito?" curious kong tanong.

"First time na may sekretarya akong hindi sumusuko kahit antok na antok na with matching nakanganga pa," biro nito.

Mahina akong natawa. "Aba, baka ma-promote ako niyan agad, ah."

"Depende. Kung hindi mo na muling makakalimutan ang third page sa report."

"Ay grabe! Hanggang ngayon ba, sir, bitbit mo pa rin 'yon? Hindi makalimutan?"

"Of course, Miss Sarmiento. Legendary mistake na 'yon sa department," agad na sagot ni Tristan.

Tumaas ang kilay ko. "Kung gano'n, sir, pwede ko bang sabihin na legendary din ako na employee kasi ako ang unang nagpuyat ng gano'n katagal?"

Napatigil si Tristan, at bahagyang natawa.

"Touché."

Nangunot ang noo ko. "Ano 'yung touche, sir?" tanong ko. Umiling lang ito.

Mayat-maya ay may kumatok sa pinto. Ang janitor.

"Sir, ma'am? Ay, nandito po kayong dalawa? Nag-overtime po kayo? Magandang umaga po sa inyo,"

Sabay kaming napaangat ng ulo ni Tristan. Kalmado lang si Tristan, pero ako ay parang gusto ko nang lamunin ng lupa.

"Ah, yes, overtime po," mabilis kong sagot. "Presentation prep lang po!"

Tumango-tango ang janitor, pero halatang may malisyosong ngiti sa labi.

"Ahh... oo nga. 'Yong mga importanteng report talaga 'yan, 'no?"

"O-Opo! Report po! Super big report!"

Kahit si Tristan ay napapikit, halatang gustong tumawa pero pinipigilan lang nito. Pagkaalis ng janitor, tiningnan ako ni Tristan.

"Super big report, huh?"

"Sir, 'wag kang tatawa!" banta ko.

Pero hindi na nito napigilan, tumawa na ng malakas, habang hinahampas ko naman ang desk gamit ang folder na nasa tabi ko.

"Ang sama mo, sir!"

"Sorry," humahagikhik pa rin ito. "Pero I admit, nakaya mo ang mag-overtime."

Napangiti na rin ako, kahit pilit.

"Sana compliment 'yan, sir, ah."

"Huwag kang masanay sa mga compliment ko," sagot nito. Pero this time, may tunay na ngiti sa mata nito.

Nag-ayos na ako ng sarili dahil mamaya lang ay busy na kami sa trabaho. Tumawag na muna ako saglit kay Lola kung okay lang siya sa bahay.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Reader
nice story otor ...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 7

    The project AmaraKahit puyat na puyat ako dahil sa assignment na kailangan kong tapusin, maaga pa rin akong nagising kinaumagahan. Ginawa ko na ang umagang routine ko dito sa loob ng bahay, ang maglinis, magluto ng agahan, pagtimpla ng gatas ng aking Lola, at maligo na bago kumain. "Lola, hindi ka po ba bisita ni Mama?" tanong ko. Kita ko ang pagsimangot ni Lola. "Hindi ba't sinabi na niya noon na hindi na niya ako bibisitahin dahil wala naman raw siyang obligasyon sa akin? Okay lang naman iyon dahil hindi naman niya ako ina." "Ayos lang, Lola, nandito naman ako. Hindi kita pababayaan hangga't nabubuhay ako. Kaya 'wag ka na malungkot, ha," lambing ko. Ngumiti naman ito sa sinabi ko. Hindi rin nagtagal ay gumayak na ako para pumasok na sa trabaho. "Mag-iingat ka sa daan apo ko. Tumawag ka kapag may problema. Naka-volume ang cellphone ko para marinig ko agad kapag tatawag ka, apo," natawa naman ako sa sinabi nito. "Opo, Lola. Ikaw rin po, mag-iingat dito, ha? Huwag magpa

  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 6

    CalmDalawang buwan na ang nagdaan at unti-unti ko nang nakukuha ang loob ng boss ko. Pero unti-unti rin akong napapamahal sa kanya. Alam ko na hindi ko siya kayang maabot dahil mayaman ito at mahirap lang ako. Masaya na ako kapag napapansin niya. Lihim akong kinikilig kapag tumitingin siya sa akin. Pero ayokong mahalata niya ako at baka mag-iba na naman ang pakikitungo nito sa akin. "Stay low-key in love," bulong ko. Isa-isa na namang nagsiuwian ang mga empleyado, pero ako, kailangan ko na namang mag-overtime. Kagaya ng dati, ay naiwan na naman akong mag-isa dito sa opisina. Hindi pa kasi ako tapos sa mga reports na gusto ni Tristan bukas ng umaga na ito kailangan. "Huwag sanang mapadaan si Tristan dito," bulong ko habang pinipilit matapos ang spreadsheet. Ngunit sa hindi ko inaasahang sandali, bumukas ang pinto ng opisina ni Tristan. Napatigil ako sa pagta-type at napalingon sa gawi ni Tristan. "Miss Sarmiento." "S-Sir, akala ko po ay umuwi na kayo?" kabado kong

  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 5

    Overtime Amara Halos wala akong tulog, madaling araw na pala. Sobrang tahimik ang paligid, at ang tanging maririnig lang ay ang mahina at tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan sa labas. Malamig sa opisina, mabuti na lang dahil may dala akong jacket, at hininaan kanina ni Tristan ang aircon kundi, nanigas na ako dito na parang yelo. Pumipikit na ang mga mata ko. Nakapangalumbaba na ako sa mesa nang hindi ko namamalayan. Nakahawak pa ako ng ballpen at bahagyang nakabuka ang bibig dahil na rin sa pagod. Ang laptop ko ay inayos ko na muna at sure na naka-save draft mode. Pero kailangan kong labanan ang antok hanggang sa huling minuto. Nilingon ko si Tristan na nakahilig sa sofa sa loob ng opisina, suot pa rin ang puting long sleeves, pero nakabukas ang dalawang butones sa itaas, kita ko tuloy ang matipuno nitong dibdib. "Ang unfair lang na parang mas pagod pa ito sa akin. Mas marami naman akong ginawa sa kanya. Nakaka-stress pa sa dami nitong pinagawa," simangot ko habang nakatin

  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 4

    Overnight Amara Sobrang busy ko sa trabaho. Ang daming pinagawa sa akin ng boss ko. Hapon na, hindi ko pa rin nakalahati ang report na ginawa ko. Nagugutom na rin ako. Next time magbaon na ako ng pagkain ko para hindi na ako lalabas pa. Kailangan kong tawagan ang Lola ko para ipaalam na gagabihin ako ng uwi mamaya. *Phone call* "Hello, apo ko." "Hello, Lola. Baka po gabihin ako ng uwi mamaya. Huwag mo na po akong hintayin, La. May susi naman po ako. Paki-lock ng mabuti ang mga bintana at pintuan, ah. Kumain ka na rin po, damihan mo ang kumain, okay po?" malambing na bilin ko sa aking Lola. "Kaya ko na ang sarili ko. Alam ko ang ginagawa ko, apo. Ginawa mo na naman akong bata!" Napangiti ako dahil nagsungit na naman ito. "Oo na, Lola. Nagsungit ka na naman po. Sige na po. Ba-bye na po. Love you!" Huminga ako ng malalim bago pinagpatuloy ang ginagawa ko. Nagulat pa ako sa pagtikhim ng boss ko sa di kalayuan dito sa desk ko. Nakikinig kaya ito sa usapan namin ni Lola

  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 3

    Scolded Amara Wala na akong nagawa kundi itigil na muna ang trabaho ko at unahin ang pinapagawa ng maarteng lalaking 'to. Pakiramdam ko talaga sinasadya nitong inisin ang bawat umaga ko. Alam ko talagang maayos na ang ginawa kong report. "Gumawa ka ng bagong report, Miss Sarmiento. I want it on my desk in thirty minutes," malamig nitong sabi bago lumakad papunta sa opisina nito. Lihim kong naikuyom ang mga kamao ko sa inis. Kung hindi ko lang talaga ito boss, baka kanina ko pa ito nasigawan. Pero bago ito tuluyang pumasok, saglit itong lumingon. "At this time, make sure you're not wasting my time." Umirap pa talaga ang damuhong ito. Pagkaalis ng boss ko, saka lang ako nakahinga ng maluwag. Naisuntok ko pa sa hangin ang nakakuyom kong kamao sa inis. "Whooaah!" inis na buga ko sa hangin. Ilang beses na akong napagalitan ni Tristan, hindi ko na rin mabilang iyon. Pero tuwing nangyayari iyon, laging pareho ang epekto niya sa akin, takot, kaba, at 'yung kakaibang init

  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 2

    Insulted Amara "Lola, mauna na po ako. May pagkain ka na pong niluto ko mamayang tanghalian. Inumin mo na muna ang gamot mo bago ako pumasok na sa trabaho," sabi ko sa Lola ko. "Nakakalakad at kaya ko pa ang sarili ko, apo. Hayaan mo na ako dito. Kaya ko na ang magluto ng sarili kong pagkain. Ano ka ba, ginagawa mo akong lumpo araw-araw," sita niya sa akin. "Ayoko lang kasi na mapagod ka, Lola. Alam mo naman po na ikaw na lang ang karamay ko sa buhay. Kaya hayaan mo na ako sa ginagawa ko sa iyo, Lola," yakap ko sa kanya. "Ano pa nga ba ang magagawa ko, ang kulit mong bata ka!" ngiti naman ni Lola. Nang maasikaso ko na ang Lola ko, ay nagmadali na ako dahil gusto ko ay maaga akong pumasok sa trabaho. Baka mainis na naman ang boss ko dahil mali-mali ang ginawa kong trabaho kahapon. Ang sungit pa naman ng lalaking iyon. Kung gaano kasarap ang labi niya, ganoon rin ka pasmado. "Bwesit ka, Tristan!" sambit ko. "Alis na ako, Lola, love you po!" lambing ko at humalik na mu

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status