Share

Chapter 3

Author: cassie
last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-17 21:36:57

Chapter 3

Ang Mansion at Ang Bagong Maid

Tina's POV

Hindi ko alam kung ilang beses na akong napatingin sa bintana ng sasakyan.

Siguro isang daan.

O baka dalawang daan.

Basta ang alam ko...

Hindi ako mapakali.

Ang sarap kasi sa loob.

Malamig.

Mabango.

Malambot ang upuan.

At higit sa lahat...

Hindi amoy kulungan.

Tahimik naman si Mister Sungit sa driver's seat.

Nakatingin lang sa daan.

Parang walang balak makipag-usap.

Samantalang ako...

Parang sasabog kapag hindi nagsalita.

"Sir."

Tahimik ang buong sasakyan at hindi ako komportable sa ganoong awra.

"Sir."

Bahagya siyang napapikit. Naguguluhan ata sa tulad ko

"Ano?"

"Mayaman ka ba?"

Napalingon siya sa akin.

Sandali lang.

Tapos bumalik agad ang tingin sa daan. Kuryoso lang talaga ako sa kaniya dahil nabayaran niya ang malaking multa ko sa presento.

"Sa tingin mo?"

Tumango ako. Dahil sa itsura niya pa lang, obvious na.

"Mayaman."

Tumahimik ulit. Bago siya nagsalita nanaman

"Edi mayaman."

Napangiti ako.

Tama pala hula ko.

"Sir."

"Ano na naman?"

Kita na ang inis niya sa boses at reaksyon niya. Hindi nga kasi ako komportable ng tahimik, Ang haba haba ng biyahe eh

"Artista ka ba?"

"Hindi."

"Mayor?"

"Hindi."

"Senador?"

"Hindi."

"Drug lord?"

Biglang tumigil ang sasakyan sa stoplight.

Dahan-dahan siyang napalingon sa akin.

Mukhang gusto niya akong ibaba.

Ngayon na.

Dito mismo.

Sa gitna ng kalsada.

"Nagmumukha ba akong drug lord?"

Napaisip ako.

"Hindi."

"Yun naman pala."

"Mukha kang ano mafia, pero iba ka kasi di malaki tiyan mo"

Napapikit siya.

Muli.

Feeling ko hobby niya na iyon kapag kausap ako.

Pagkalipas ng ilang minuto ay pumasok kami sa isang napakalaking gate.

Nanlaki agad ang mga mata ko.

"Ang laki naman ng gate niyo?!"

Hindi siya sumagot.

Pero hindi ko rin naman kailangan ng sagot.

Kita ko naman.

Mansion.

Napakalaking mansion.

Mas malaki pa yata sa buong bahay ampunan.

"Oy!"

Napadikit pa ako sa salamin.

"Sir!"

Tahimik lang siya.

"Sir!"

"Ano?"

"Bahay mo yan?!"

"Oo."

Napasinghap ako.

"Hala!"

Ako lang ata ang gulat na gulat na nakakita ng ganito kalaking bahay.

"Halaaaaa!"

"Tina."

"Halaaaaaaaaaaa!"

"Tina."

"Totoo ba yan?!"

Parang gusto na naman niyang mag-resign sa buhay.

Maya-maya ay pumasok na kami sa driveway.

Nang huminto ang sasakyan ay agad akong bumaba.

At halos malaglag ako sa kinatatayuan ko.

Napakalaki.

Napakaganda.

Napakalinis.

At napakamahal tingnan.

Pakiramdam ko kapag nahulog ako rito ay sisingilin ako ng isang milyon.

"Wooow..."

Hindi ko namalayang nakabuka na pala bibig ko.

"Isara mo bibig mo."

Agad kong isinara.

Tumikhim pa ako.

"Kailangan ko lang sigurong huminga at ikalma ang sarili ko sa nakikita."

Naglakad na siya papasok.

Ako naman ay mabilis na humabol.

Bitbit-bitbit pa rin ang malaking sako ko.

Pagpasok ko sa loob ay muntik na akong mapasigaw.

May chandelier.

May hagdan.

May napakalaking sala.

May mga painting.

At may sahig na sobrang kinang.

"Sir!"

"Ano?"

"Pwede bang matulog ako dito habang buhay? Ayoko na umalis dito"

"Hindi."

"Ayaw mo talaga sa akin no?"

Hindi siya sumagot. Talagang ayaw niya sa akin, tumahimik siya eh

Diretso lang sa paglalakad.

Parang sanay nang hindi mamansin ng tao.

Nang makarating kami sa sala ay naupo siya sa sofa.

Ako naman ay nakatayo sa harapan niya.

Parang estudyanteng pinatawag sa guidance office.

"Tina."

"Po."

"Marunong ka bang maglinis?"

Tumango ako.

"Opo."

"Maglaba?"

"Opo."

"Maghugas ng plato?"

"Opo."

"Magluto?"

Napahinto ako.

"..."

"Tina."

"Depende."

"Sa?"

"Sa recipe at lulutuin. May iba kasing putahe na hindi ko alam"

Napapikit siya.

Mukhang maling tanong yata iyon.

"Tina."

"Po?"

"Kailangan mo ng trabaho diba?"

"Opo."

"Kailangan mo rin ng matutuluyan?"

"Opo."

"Kaya may alok ako."

Agad akong tumuwid.

Parang sundalong tinawag ng heneral.

"Ano po yun?"

Tahimik muna siya.

Parang pinag-iisipan pa.

Pagkatapos ay tumingin diretso sa akin.

"Magtrabaho ka rito."

Napakurap ako.

"Huh?"

"Bilang maid."

Nanlaki agad ang mga mata ko.

"Ako?"

"May iba pa bang Tina dito?"

Napangiti ako.

Malaki.

Sobrang laki.

Yung tipong parang nanalo sa lotto.

"Talaga?!"

"Oo."

"Talaga talaga?!"

"Oo."

"Talaga talaga talaga?!"

"Tina."

"Opo."

"Kapag hindi ka tumigil..."

Agad akong natahimik.

Pero hindi nawala ang ngiti ko. Kaya naman bigla ko na lang siyang nayakap sa subrang saya

”Maraming salamant Señorito!"

Hindi ko mapigilan.

May trabaho na ako.

May bahay na ako.

Hindi na ako matutulog sa kalsada.

Hindi na rin ako babalik sa presinto.

Medyo naging awkward naman ang pagyakap ko sa kaniya kaya humiwalay na ako at pinutol ang katahimikan.

"Magkano sweldo?"

Tanong ko.

Nagbanggit siya ng halaga.

At muntik na akong mahimatay.

"Ha?!"

"Tina."

"Totoo ba yan?!"

"Oo."

"Isang buwan lang yun?!"

"Oo."

Napahawak ako sa dibdib.

Parang aatakihin ako sa puso.

"Ang yaman mo nga talaga."

Tahimik siyang tumingin sa akin.

At sa unang pagkakataon simula nang magkita kami...

Parang bahagyang gumaan ang ekspresyon niya.

Masyadong kaunti para mapansin ng iba.

Pero napansin ko.

Napakabilis lang.

At agad din nawala.

"Tina."

"Po?"

"May kondisyon."

Agad akong napatayo nang tuwid.

"Ano po?"

"Walang gulo."

Tumango ako.

"Promise"

"Walang prank."

Tumango ulit ako.

"Sige Señorito"

"Walang pananakit."

"Opo."

"Walang kalokohan."

Tahimik ako.

"Tina."

"...Susubukan ko."

Napapikit siya.

Muli.

At pakiramdam ko...

Hindi niya alam kung nakakuha ba siya ng maid...

O ng panibagong problema.

To be continued...

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Mahal na Kita, Señorito   Chapter 9

    Chapter 9Hindi Ko Siya GirlfriendThird Person POVTahimik.Napakatahimik.Kung kanina ay tila huminto lamang ang oras...Ngayon naman ay parang huminto ang buong mundo.Nanatiling nakatitig si Celestine sa anak.Habang si Rhylle ay seryoso lamang ang mukha, tila walang anumang nangyari.Sa kabilang banda...Si Tina naman ay salit-salitan ang tingin sa kanilang lahat."...""...""..."Napakamot siya sa ulo."Bakit po parang may namatay?"Biglang napalingon sa kaniya ang lahat.Napakagat-labi si Magnus upang pigilan ang sarili niyang matawa.Samantalang si Rhylle ay napapikit na naman."Tina..."Mahina nitong tawag."Opo?""Huwag kang magsalita."Napanguso ang dalaga."Bakit?""Dahil lalo lang lumalala.""Hindi ko naman alam.""Basta."

  • Mahal na Kita, Señorito   Chapter 8

    Chapter 8"Girlfriend Mo Ba Siya?"Third Person POVTahimik.Iyon ang unang salitang maaaring ilarawan sa loob ng mansion matapos ang biglaang pagkikita.Ngunit para kay Rhylle...Hindi katahimikan ang nararamdaman niya.Kundi...Panganib.Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan habang salitan ang tingin sa kaniyang mga magulang, lola, at kay Tina na walang kamalay-malay sa kung anong klaseng sitwasyon ang pinasok nito."Mom... Dad... Grandma..."Malamig ang boses niya gaya ng nakasanayan."Bakit wala kayong pasabi?"Ngumiti si Celestine."Kailangan pa ba?""Tumawag man lang sana kayo.""Para makatakas ka?"Agad siyang napatingin sa ina."What?""Surprise visit nga."Napabuntong-hininga si Rhylle."Welcome."Iyon lang ang sinabi niya.Pagkatapos ay bumaba na siya sa huling baitang ng

  • Mahal na Kita, Señorito   Chapter 7

    Chapter 7Ang Biglaang PagbisitaThird Person POVMaliwanag pa lamang ang sikat ng araw nang marahan na huminto ang isang mahabang itim na luxury sedan sa harap ng Roxwell Mansion.Kasunod nito ang isa pang sasakyan.Tahimik.Elegante.Ngunit sapat ang presensya ng mga ito upang ipaalam na may mga importanteng bisitang dumating.Unang bumukas ang pinto ng sasakyan.Dahan-dahang bumaba si Donya Esperanza Roxwell.Kasunod sina Magnus at Celestine.Hindi na sila nagpasabi.Walang tawag.Walang text.Isang tunay na surprise visit."Sigurado ba tayong hindi siya nasa opisina?" tanong ni Celestine habang inaayos ang kaniyang salaming pang-araw."Nasa mansion ang kotse niya."Sagot ni Magnus."Nakita ko bago tayo bumaba."Tumango si Donya Esperanza."Kung ganoon, narito siya."Naglakad silang tatlo patungo sa napakalaking pintuan ng mansion.Pinindot ni Magnus ang doorbell.Ding...Tahimik.Walang sumasagot.Makalipas ang ilang segundo ay muli niya itong pinindot.Ding...Ding...Sa loob ng

  • Mahal na Kita, Señorito   Chapter 6

    Chapter 6Ang Hinala ni LolaThird Person POVTahimik ang loob ng ancestral mansion ng pamilya Roxwell.Sa ikalawang palapag, magkatabing nakatayo sa harap ng malaking bintana sina Magnus at Celestine Roxwell—ang mga magulang ni Rhylle. Pareho silang nakatanaw sa hardin habang sari-saring posibilidad ang tumatakbo sa kanilang isipan."Sigurado ka bang may babae?" mahinang tanong ni Magnus habang hinihigop ang kaniyang mainit na kape.Hindi agad sumagot si Celestine.Ngunit hindi rin nawala ang makahulugang ngiti sa kaniyang mga labi."Hindi ako sigurado..." aniya. "Pero bilang ina niya... may kutob ako.""Kutob?"Tumango ito."Dalawampu't siyam na taon ko nang kilala ang anak natin. Hindi siya uuwi sa mansion nang halos gabi-gabi kung walang dahilan."Napabuntong-hininga si Magnus."Pero bakit hindi niya sinabi sa atin?""Dahil kilala mo rin ang anak mo."Napatawa nang bahagya ang lalaki."Tama ka."Hindi palasalita si Rhylle.Hindi rin iyon mahilig magbahagi ng personal na buhay.Sa

  • Mahal na Kita, Señorito   Chapter 5

    Chapter 5Ang Babaeng DahilanTahimik ang buong opisina ng Roxwell Corporation.Alas-nuwebe na ng gabi.Isa-isa nang nagsiuwian ang mga empleyado, ngunit may isang babae ang nanatiling nakaupo sa kaniyang mesa.Si Mia.Ang executive secretary ni Rhylle Voine Roxwell.Mahigit limang taon na siyang nagtatrabaho para rito.At sa loob ng limang taong iyon...Kabisa na niya ang iskedyul ng kaniyang boss.Kung saan ito kumakain.Kung anong oras ito natutulog.Kung saang condominium ito umuuwi.Kung ilang beses itong nagpapa-reschedule ng meeting.At higit sa lahat...Alam niyang hindi mahilig umuwi si Rhylle sa mansion.Sa katunayan, halos buwan ang lumilipas bago ito magpakita roon.Mas gusto nitong manatili sa condominium malapit sa opisina upang hindi na mag-aksaya ng oras sa biyahe.Ngunit nitong mga nakalipas na linggo...May nagbago.Halos gabi-gabi na itong dumidiretso sa mansion.Walang meeting.Walang family gathering.Walang okasyon.At lalong walang paliwanag.Napabuntong-hininga

  • Mahal na Kita, Señorito   Chapter 4

    Chapter 4Bakit Ka Na Laging Umuuwi?Tina's POVTatlong linggo.Tatlong linggo na akong nakatira sa mansion.At sa loob ng tatlong linggong iyon...Tatlong beses pa lang ako muntik masibak.Para sa akin achievement na iyon.Talaga."Tina!"Napalingon ako.Nasa kusina ako at kasalukuyang nakikipag-usap sa microwave."Hindi ko kasalanan."Sabi ko rito.Tumunog ang microwave.Parang sumagot."Kita mo? Naiintindihan niya ako.""Tina!"Mas malakas na sigaw.Napalingon ako sa may pintuan.At nakita ko si Rhylle.Nakatayo.Nakasimangot.At mukhang nawawalan na naman ng pasensya."Ano na naman ginawa mo?"Tanong niya.Tinaasan ko siya ng kilay."Wala.""Talaga?""Opo."Tumuro siya sa likod ko.Paglingon ko ay nakita ko ang toaster.May usok.Maraming usok.Napakamot ako sa ulo."Nagulat din ako diyan.""Tina.""Hindi ko talaga alam paano nangyari.""Tina.""Siguro kusang nasunog.""Tina.""Okay na, ako na may kasalanan."Napapikit siya.Muli.Napansin kong halos araw-araw na siyang napapapiki

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status