"Children without families are the most valuable people in the world" Lagi kung tinatatak sa isip ko na kakaiba ako, na malakas ako dahil wala akong mga magulang. Pero habang tumatagal, habang tumatanda ay parang sinasampal na ako ng katutuhanang......ang gaya ko...ay walang karapatang mabuhay sa mundo.Nang lumabas ako ng bahay ampunan dahil nasa legal age na ako, dun ako mas namulat sa kahirapang mamuhay sa mundo.Saan man ako tumitingin, may nakikita akong magpapamilya. Mga batang babae at lalaki, kasama ang kanilang mga magulang.Habang ako heto, hila-hila ang aking malaking sakong bag kung saan nakalagay ang aking mga gamit galing pang ampunan.Andito ako ngayon sa syudad at naghahanap ng matutuluyan, tanging 1,000 pesos lamang ang binigay sa akin ni Sister na budget para sa bedspace, kaya kailangan ko talagang humanap ng trabaho.“Mommy look...ohhh... Kadiri yung babae” Sabi ng batang babae na nasa sampong taong gulang at naka pink pa na bistida. Diring diri talaga sa aking a
Huling Na-update : 2026-06-15 Magbasa pa