Share

Chapter 10

“WHAT is it for?” kunot-noong tanong ni Federico habang nakatitig sa cover ng audio recorder.

“Ah, sa ano ko ‘yan, sa earphone. Nakikinig kasi ako ng music. Naka-konekta sa phone ko ang earphone, wireless at may Bluetooth,” palusot niya.

“Baka maisama sa labahin mo ‘to.” Ibinigay rin nito sa kaniya ang takip ng device.

“Pasensiya na.” Kinuha naman niya ang takip at ikinabit sa device na patago.

“Take your time. Don’t rush the laundry. May machine naman at merong dryer. Maliligo lang kami ni Kenji.” Umalis din si Federico.

Nang maalala na wala pang nakahandang damit pamalit si Kenji ay tumakbo siya palabas.

“Sandali lang! Hindi pa ako nakapaglabas ng damit ni Kenji,” aniya.

Tumakbo na siya papasok ng kuwarto. Mabilisan niyang sininop ang nagkalat niyang gamit. Kumuha lang siya ng isang pares na damit ni Kenji at iniwan sa salas.

Binuhat na ni Federico si Kenji at dinala sa labas.

Paspasang ipinasok ni Monica sa washing machine na malaki ang mga labahin mula kay Federico. Atat na rin si
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status