Share

Chapter 9

KINABUKASAN ay inagahan ni Monica ang gising at sinimulan ang paglalaba. Una niyang nilabhan ang mga damit nila ni Kenji. Tulog pa si Federico kaya hindi niya makuha ang labahin sa kuwarto nito. Nagising na rin ang kaniyang anak kaya nagtimpla siya ng gatas nito.

Mayamaya ay nagising na rin si Federico at diretso ang pasok sa kusina. Nilapitan nito si Kenji na nakaupo sa silya at hinalikan sa pisngi. Puting t-shirt lang ang suot nito at puti ring jogging pants.

“What are you eating, Kenji?” tanong nito sa bata.

“Da-Da!” sagot lang ni Kenji. May bago na itong salita. Kumakain ng chocolate cookies si Kenji.

“It’s daddy, right?” Umupo na ito sa tabi ng bata.

“Daddy nga siguro ang gusto niyang sabihin, sir,” ani Monica. Ibinigay na niya ang gatas ni Kenji na nasa plastic na baso. Marunong naman itong uminom basta hindi masyadong mainit ang gatas.

“Yeah. He heard that word from me.” Tinulungan nito si Kenji sa pag-inom ng gatas.

Sinasawsaw ni Kenji ang cookies sa gatas kaya nagkalat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status