Share

Chapter 27

KINABUKSAN ng umaga ay kasama na naman si Monica at anak niya sa opisina ni Federico. Pumayag na siya na magpasalon. Pero bago ‘yon, tinulungan muna niya ang binata sa paperwork nito. Nakapagluto na rin siya ng tanghalian.

Nasorpresa naman siya nang dumating si Duke at naghatid ng papeles kay Federico.

“Hi, Monica!” kaswal na bati ni Duke.

“Hello po!” nakangiting ganti niya. Nakaupo lang siya sa silyang nasa kabilang table ni Federico. Nag-aayos siya ng papeles.

“May bago ka na palang office assistant, Eagle,” ani Duke.

“She was a volunteer,” sabi naman ni Federico.

“Anyway, I will proceed to Pampanga headquarters later. I forgot the time. Can I have lunch here?”

Napailing si Federico. “Kailan ka ba tumitingin sa oras? Of course, you can eat with us. May naluto na ring lunch si Monica.”

“Mag-extra na lang akong yaya ang anak n’yo.” Nilapitan ni Duke si Kenji na nakaupo sa couch at naglalaro ng munting robot at kotse.

Natatawa si Monica sa hitsura ni Duke habang kinakausap si
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (2)
goodnovel comment avatar
josephine
hahaha ok na sana Monica..halatang dika sanay sa may inches na sandal
goodnovel comment avatar
Dennis Peralta Silvestre
ahahaha panira ng moment natapilok pa haha
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status