CHAPTER 54 Kapag marami ka ng nakikitang mga puno sa paligid, ibig sabihin ay nasa probinsya ka na. Wala na ang naglalakihang mga gusali, ingay ng mga sasakyan at mga taong nagkalat sa daan. Ang tanging makikita mo na lang sa daan ay mga bukiran, mga simpleng bahay na matatawag mong tahanan at hindi mawawala ang preskong hangin na madalang magparamdam sa siyudad. " Ang lawak pala talaga sa lugar na'to, Este. Parang ang sarap gumala kapag ganito 'yong dadaanan mo, " komento ni Anna na hindi maalis ang atensyon sa bintana ng sasakyan dahil ngayon na lang siya ulit nakakita ng mga kulay berde sa daan. " Ang sarap din siguro magpalipad ng saranggola dito, ano? Walang masyadong kable ng kuryente sa taas. Maganda rin mag habulan dito kasi ang dami mong pwedeng takbuhan at lusutan— " " Anna, bata ka pa ba? Iyang mga napapansin mo, hindi ayon sa edad mo, " puna ni Manang Susan na kinatawa ng mga nasa loob ng sasakyan. " Huwag kang mag-alala, Anna. Papasyal ko kayo mamayang hapon para hi
CHAPTER 55 " Pwede naman kayong tumanggi sa kanila kung hindi niyo naman kaya. Wala pang laman mga sikmura niyo kanina, alak agad ang ininom niyo, " ani Estrella kay Sebastian habang sila'y naglalakad-lakad sa bukiran kasama sina Anna at Javier na may sariling mundo sa kanilang likuran. Naiwan sa bahay nila sina Manang Susan, Manong Cesar at ang dalawa pang kasama nilang kasambahay na piniling hindi muna sumama sa paglilibot nila dahil napasarap ang kwentuhan sa mesa. Alas kwatro na ng hapon at may lilim na rin ang dinadaanan nila. Masarap at presko ang hangin subalit dahil piyesta ngayon, bawat bahay ay may ingay dahil ang ilan sa mga ito, may mga nagkakantahan na animo'y na sa isang paligsahan. May ilang bata ring naglalaro at nagkalat sa daan. Mga pawisan pero bakas naman sakanila ang kasiyahan. " Ayos lang, hindi naman ganoon kalakas 'yong alak na pinainom nila kanina, " ani Sebastian saka pasimpleng hinawakan ang kaniyang kamay habang ang mga tingin ay diretso sa daan. " Saan
CHAPTER 56 Isang plato, dalawang baso at dalawang chi-chirya. Iyon ang hawak-hawak ni Anna at Estella habang pinanonood at tatlong lalakeng kasama nila na naglalaro na kung saan, kailangan mong maghagis ng barya sa isang malaking tabla na may mga numero na kapag ang hinagis mo ay sumakto sa numerong ninanais mo, mayroon kang premyo. Pero kapag ito'y walang tinamaan, kukuhanin ito ng nagbabantay sa gitna. Marami ring mga naglalaro pero mas maraming nanonood na mga kabataan na kababaihan na ang mga atensyon ay na kayla Sebastian, Javier at Adam. Halos tunawin na nila ito sa titig na hindi naman nakapagtataka dahil sa kanilang mga hitsura, pananamit at tindig. Para silang mga bida sa pelikula na pinagkakaguluhan habang 'yong dalawa, ekstra na nakikinood lang. " Akala ko kanina hindi mag e-enjoy si sir, pero tignan mo, ayaw pa nilang paawat, " bulong ni Anna kay Estrella na lihim na natawa. " Ang akala ko nga rin kanina, magyayaya na siyang umuwi dahil halata namang nababagot na siy
CHAPTER 57 Alas-singko ng umaga, gising na si Javier dahil sa tilaok ng mga manok at mabangong aroma ng putahe na sinisimulang lutuin sa bakuran. Bumaba siya ng sasakyan at nakita si Manong Cesar na may hawak ng tasa ng kape habang ka-kuwentuhan ang lolo ni Estrella. Pahikab-hikab pa s'ya noong una pero nang masalubong niya si Teodora na kalalabas lang ng bahay, tila nagising pati kaluluwa niya. " Oh, aga niyo namang nagising. Alas-singko pa lang, " anito habang nagkakabit ng apron sa katawan. " Kumusta naman ang tulog ninyo? Nakatulog ba kayo nang maayos sa kwarto? " " Ah, nakatulog naman ho kami, " sagot ni Javier at umagang-umaga, pinagpapawisan agad siya. Hindi na siya bumalik kagabi sa kwarto kaya naman wala siyang ideya kung doon ba natulog si Estrella o bumalik ito sa sala. Pero sa kaso ng pinsan niya ngayon, mukhang hindi na nito pinalabas pa ang asawa kagabi sa kwarto. " Mabuti naman kung ganoon. Siya nga pala kung nagugutom na kayo, kumain na kayo at may naluto naman ng
CHAPTER 58 " Imposible 'yang sinasabi mo, hija. Amo ni Estrella ang tinutukoy mo, hindi naman sila mag-asawa, " paglilinaw ni Lola Teodora kay Azami na nagsalubong ang kilay sa pagtataka. Maingay ang karaoke pero malinaw sa pandinig niya ang sinabi ng matandang babae sa harap niya. " Ano pong ibig niyong sabihin? " hindi pa rin inaalis ni Azami ang ngiti sa labi pero kitang-kita ang pagkalito sa mukha niya. " Nagta-trabaho po si Estrella kay Sebastian? " " Oo, kasambahay ang pinasok ng apo ko doon sa mansyon nila. Hindi naman sila mag-asawa, ano ka ba? Napagkamalan mo pa sila, " ang mga katanungan sa isipan ni Azami ay unti-unting nabibigyan ng linaw matapos madinig ang sinabi nito. Hindi siya agad nakaimik dahil pino-proseso pa ng isip niya ang impormasyong nalaman niya ngayon. " Kung ganoon, hindi niyo po pala alam... " ang tanging lumabas sa bibig ni Azami na unti-unting kinawala ng ngiti sa labi ng matanda, ngunit bago pa ito muling makapagtanong, dumating si Estrella sa pwes
CHAPTER 59 Hindi alam ni Estrella kung saan siya pupunta. Ang nasa isip niya lang sa mga oras na ito ay makalayo sa bahay nila dahil sobra siyang nahihiya sa nangyari. Hindi siya makapaniwala na nagawa niyang sumagot nang ganoon sa lola niya. Pakiramdam niya, napakasama niyang tao. Siya ang may mali, siya ang may kasalanan, pero bigla siyang nawala sa sarili niya noong sabihin ng lola niya na paghihiwalayin sila ni Sebastian dahilan para masabi niya ang pinainiwalaan niyang dahilan ng pag-abandona sakaniya ng magulang niya. Huminto si Estrella sa pagtakbo nang manghina ang mga tuhod niya. Nasa gitna siya ng kalsada at may mga tao sa daan na nakatingin sakaniya at nagtataka. Malayo na siya sa bahay nila at ang unang pumasok sa isip niya ay ang batis na malapit lang sa kaniyang kinatatayuan kaya agad siyang nagtungo sa masukal na daan pababa pero sa kasamaang palad, bigla siyang nadapa nang matisod sa ugat ng puno sa lupa. Nagpagulong-gulong siya pababa at kagaya ng inaasahan, dumir
CHAPTER 60 Alas nuebe nang gabi noong makabalik sila sa mansyon at lahat sila ay ramdam ang pagod sa dalawang araw nilang bakasyon sa probinsya at ilang oras na byahe pauwi sa siyudad. Sa loob ng dalawang araw na 'yon, parang napakadaming nangyari sa bawat isa sa kanila, lalong-lalo na sa mag-asawa. " Manang Susan, nasaan po 'yong first aid kit? " tanong ni Sebastian nang makitang pumanhik na sa taas si Estrella upang makapagpahinga. " Ah, sandali lang. " Nagpunta naman agad si Manang Susan sa kusina upang kuhanin ito sa cabinet at pagkatapos ay inabot kay Sebastian. " Para saan niyo ba 'yan gagamitin? Mayroon ba kayong sugat? " " Hindi po para saakin, " ani Sebastian saka binuksan ang kit upang silipin kung nandoon ang mga kailangan niya. " Sige ho, magpahinga na ho kayong lahat. Goodnight. " Nagtataka man ay tumango na lamang si Manang Susan saka pinanood na maglakad paalis si Sebastian. Naisip niya na baka para kay Estrella iyon pero hindi rin siya sigurado dahil wala naman s
CHAPTER 61 " Ayos. " Pinagdikit ni Javier ang dalawa niyang palad para magpagpag matapos ibaba ang huling kahon na naglalaman ng mga gamit niya. Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng unit na kaniyang titirhan simula ngayon. Tamang-tama lang para sa iisang tao. Hindi maliit, ngunit hindi rin naman kalakihan. " Sir Javier? " Napalingon si Javier sa likuran nang marinig ang boses ni Anna. " Nakalimutan niyo 'tong kuhanin sa kotse. " " Ah, oo nga pala. Mabuti nakita mo. " Kinuha ni Javier 'yong kahon na bitbit ni Anna na naglalaman ng mga lens ng camera niya. " Halika, tumuloy ka sa loob. Nag order ako ng pagkain, padating na 'yon at saluhan mo na ako. " Sa una ay nagdadalawang isip si Anna kung papasok ba siya pero wala na siyang nagawa noong tapikin ni Javier ang likod niya na para bang pinapapasok siya sa loob. " Ako na maghahatid sa'yo mamaya pauwi. Kain lang tayo para makabawi ako sa pagtulong saakin sa paglilipat, " saad ni Javier saka binaba ang kahon sa isang lamesita. " Up