Share

CHAPTER 57

CHAPTER 57

Alas-singko ng umaga, gising na si Javier dahil sa tilaok ng mga manok at mabangong aroma ng putahe na sinisimulang lutuin sa bakuran. Bumaba siya ng sasakyan at nakita si Manong Cesar na may hawak ng tasa ng kape habang ka-kuwentuhan ang lolo ni Estrella. Pahikab-hikab pa s'ya noong una pero nang masalubong niya si Teodora na kalalabas lang ng bahay, tila nagising pati kaluluwa niya.

" Oh, aga niyo namang nagising. Alas-singko pa lang, " anito habang nagkakabit ng apron sa katawan. " Kumusta naman ang tulog ninyo? Nakatulog ba kayo nang maayos sa kwarto? "

" Ah, nakatulog naman ho kami, " sagot ni Javier at umagang-umaga, pinagpapawisan agad siya. Hindi na siya bumalik kagabi sa kwarto kaya naman wala siyang ideya kung doon ba natulog si Estrella o bumalik ito sa sala. Pero sa kaso ng pinsan niya ngayon, mukhang hindi na nito pinalabas pa ang asawa kagabi sa kwarto.

" Mabuti naman kung ganoon. Siya nga pala kung nagugutom na kayo, kumain na kayo at may naluto naman ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status