Yngrid
"Devron Heize Montecillo." Muli kong sambit sa pangalan niya ng makaalis na si Manang Lordes sa kwarto. Napatango pa ako at inayos ko muna ang mga gamit ko. Infairness mabango at maganda ang pangalan.
Sa pangalan pa lang ay gwapo na paano kaya kapag nakita ko na ng personal? I mean, nacurious tuloy ako sa mukha ng Amo ko. Totoo kayang gwapo o baka naman sa pangalan lang?
Imbis na problemahin kung ano ang mukha ng magiging Amo ko ay pinokus ko na lamang muna ang sarili ko sa pag-aayos ng mga damitan ko. Nang masiguro kong ayos na ay nilagay ko na sa ilalim ng kama ang maleta ko at tumayo.
Sinuyod ko pa ang kabuuan ng kwarto ko at natigilan ako ng makita kong may cctv pa lang nakakabit at nakatutok ito sa direksyon ko. Ibig sabihin ay nakikita nila kung ano ang ginagawa ko sa loob at labas ng kwarto.
Grabe parang nasa palasyo talaga kami. Miski ang uniform ng mga maid ay talagang elegante. Ang iba kasi ay parang basta-basta na lang. Pero itong uniform ko ay talagang may kumikinang pa na diamond sa may dibdib ko.
Kaya imbis na tumunganga at malate sa trabaho ay kinuha ko na ang uniform at sinuot na. Matapos kong maisuot ito ay napaatras na lang ako sa salamin at napahawak sa bibig ko.
Sakto lang kasi ito sa katawan ko at lampas tuhod ito. Ang balat ko ay mas lalong lumabas ang kaputian sa suot ko. Maluwag din ito kaya kumportableng suotin. Umikot pa ako sa harap ng salamin at nag-model. Pumapalakpak pa ako dahil sobrang ganda ko.
Hindi naman sa nagbubuhat ako ng sarili kong bangko pero marami ang nagsasabing maganda daw ako. Well, buti alam nila, chos. Kaya simula bata pa lang ako ay pangarap ko na talagang maging modelo at 'yun din ang pangarap sa akin ni Papa.
Kaya nga nagsisikap akong makahanap ng trabaho at kung papalaring mag-ipon ay talagang babalik ako sa pag-aaral at unti-unti kong tutuparin ang pangarap ko sa buhay.
At saka dapat naman talaga na simulat-sapul pa lamang ay sarili mo na agad ang maniniwala sa'yo. Kasi alam natin kahit kailan ay hindi nagsinungaling ang sarili natin. Kung alam mong ikaw ang pinaka-maganda, ikaw talaga. Lahat naman tayo ay maganda kahit ano pa ang itsura at kulay.
Bago pa ako tuluyang lumabas ng kwarto ay nag-finger heart muna ako sa cctv at natatawa na lumabas. Nabuang na yata ako dito, grabe naman kasi ang pasabog ng trabaho ko. Kasalanan ko rin naman kasi hindi ako kumuha ng impormasyon kay Lara.
Nang tuluyan na akong nakababa ay pinagtitinginan na agad ako ng mga kasamahan ko. Ang iba sa kanila ay napatigil pa sa pagpupunas at ang iba naman ay nagbulungan pa.
Nahihiya pa nga ako dahil talagang naagaw ko ang atensyon nila. Pero agad akong napatigil ng may humarang sa daanan ko. Nang mag-angat ako ng mukha ay nagulat pa ako sa make-up niya.
Ang blush on niya kasi ay pulang-pula na akala mo ay sinampal siya ng sampung beses. Ang lipstick naman niya ay pulang-pula din kaya 'di ko maiwasang mapangiwi. Miski ang foundation niya ay hindi pa pantay sa kulay ng leeg.
Ang judgerist ko yata ngayon. Sorry po, 'yung makeup mo kasi ay agaw pansin.
"Maid ka ba talaga? O baka isa ka sa mga spy para mapa-ibig si Señorito?" Nakataas kilay niyang tanong kaya lumukot ang mukha ko sa pagtataka.
Spy? Ayun ba 'yung pinapanood niya ang bawat galaw ng sinusundan niya? Sa ganda kong 'to, napagkamalan niya pa ako? Kaya marahas akong umiling at sumagot. Shet may question and answer portion na agad akong nasalihan.
"Hala hindi po. Maid po talaga ako dito, bagong dating lang. Namali po ba ako ng napasukan?" Nakuha ko pang magbiro kaya mas lalo pang tumaas ang kilay niya.
Nakaramdam ako ng inis dahil wala naman akong ginagawa sa kanya ay ganito na agad ang pinapakita niya sa akin na trato. Nagulat na lang ako ng marahas niyang hawakan ang braso ko at naramdaman kong pinisil niya pa ito.
"Kutis mayaman ka. Sigurado bang maid ka talaga dito?" Pag-uulit niya pa at hindi na ako nakatiis at malakas na hiniklat ang braso ko sa kanya. Nagulat pa ang iba sa ginawa ko.
"With all due respect po pero ano po bang problema? Bagong salta lang po ako dito at hindi ko pa alam 'yang spy na sinasabi mo po." Magalang kong pagsagot kaya nakita kong nanlaki ang mata niya sa gulat.
Ako naman ay huminga na lamang ng malalim dahil nawalan ako ng pasensya at nasagot ko pa ang isa sa kasamahan ko. Nagpapasalamat na lang ako dahil wala si Manang Lordes at hindi ito narinig. Paniguradong unang araw pa lang ay tanggal na ako.
Akmang sasagot na sana ang babaeng kaharap ko pero sabay kaming napalingon sa likuran namin ng marinig ko si Manang Lordes na nagsalita.
"Aubrey! Kapag oras ng trabaho ay oras ng trabaho. Sinong nagsabi sa'yo na tanungin mo ang bagong maid sa oras ng trabaho?" Seryoso at nakakatakot ang boses niya kaya muling nagsibalikan ang kasamahan ko sa ginagawa nila.
Matalim pa akong tinignan ng Aubrey bago humarap kay Manang Lordes na nakangiti at akala mo ay isang anghel. Ako naman ay napatingin sa kaniya at tumaas ang kilay.
Bakit parang kasalanan ko pa na napagalitan ka?
"Hindi na po uulit, Manang." Saad niya at tuluyan ng umalis sa harapan ko.
Pero halos mawalan naman ng kulay ang mukha ko ng sa akin naman bumaling ang paningin ni Manang at sinenyasan ako na sundan siya na ginawa ko naman. Ang sabi ni Lara ay mabait daw ang magiging kasama bakit parang hindi naman.
Nakakatakot sila lalong-lalo na si Manang.
Nang makarating na ako sa kusina ay inihanda ko na ang sarili kong mapaalis. Wala pa nga akong ginagawa ay napaalis na agad ako.
"Magaling ba ang naging acting ko?" Umangat agad ang ulo ko sa narinig at nakita kong nakangiti na ngayon si Manang. Habang ako naman ay lumipad yata ang utak ko.
"Po?"
"Wala, ang sabi ko ay hindi ka halatang maid. Mukhang model ka tuloy at imo-model iyan." Pagpuri niya kaya umiwas agad ng tingin at natawa.
"Hala, si Manang. Hindi po. At saka sino po ba ang Aubrey na 'yon?" Pang-uusisa ko kaya muling tinignan ni Manang ang mga kasama ko at sinigurado niyang walang nakakarinig sa usapan namin.
"Ang babaeng may gusto kay Señorito. Hindi naman siya pinapansin ng Señorito, kung makabakod ay akala niya ay pagmamay-ari niya ito." Ramdam ko ang inis sa boses ni Manang kaya hindi ko maiwasang tumawa.
"Ah, kaya po pala."
"At saka, huwag mo na lang pansinin 'yan Ganiyan talaga ang ugali. Pero mag-iingat ka dahil minsan ay sinisiraan niya ang kasamahan niya kay Señorito at sa iba. Kaya huwag kang lumapit minsan diyan." Paalala niya kaya napatango na lang ako.
Nang maalala kong trabaho ang pinunta ko dito at hindi chismis ay muli akong nagsalita at tinanong si Manang kung ano ang una kong gagawin.
"Ay, oo nga pala. Sige, ang uunahin mo muna ngayon linisin ay ang kwarto ng Señorito. Nasa ikatlong palapag 'yon. Ito ang mga kagamitan." Aniya at basta-basta na lamang binigay sa akin ang mga gamit na nasasalo ko naman.
"Sa kwarto po ni Señorito?" Pag-uulit ko pa kaya tumango naman sa akin si Manang at tinulak na ako palabas ng kusina.
"Oo, parating na kasi ang Señorito ngayong araw. Kaya busy ang lahat, mabuti na lamang at dumating ka para ikaw ang maglinis ng kwarto niya," sagot niya kaya wala na akong nagawa kundi tuluyan ng pumasok sa elevator.
Sabi ni Manang ay nasa ikatlong palapag ang kwarto nf Señorito. Kulay itim ang pinto at nasa gitnang bahagi ito ng hallway kaya madali lang daw hanapin. Noong una ay nag-aalinlangan pa ako dahil bagong maid lang ako tapos biglang kwarto na ng Amo ko ang lilinisin ko.
Ang iba kasi ay hindi nagpapapasok sa kwarto nila unless mapagkakatiwalaan ito at matagal ng naninilbihan sa kanila. Pero pagdating sa akin ay bago pa lamang ako at sa akin na agad binigay ito. Ganoon ba kalaki ang tiwala sa akin ni Manang?
Tuluyan na akong nakapasok sa kwarto ng Señorito at mas lalo akong namangha. Ang kulay ng kwarto niya ay black and white na talagang malamig sa mata. Sobrang laki din ng kama niya. Kumpleto din sa kagamitan at maaliwalas ang paligid. Napakamot na lang ako sa kilay ko dahil sobrang linis naman ng kuwarto.
"Pinagloloko yata ako ni Manang. Wala ka naman makikita na dumi o alikabok. Hayaan na nga." Nasabi ko na lamang at nagsimula ng mag-vacuum. Kumakanta-kanta pa ako habang vina-vacuum ang carpet.
"Ang bango at ang linis pa ng kwarto ni Señorito. Siya rin kaya ay ganito rin kalinis at kabango?" Parang tangang tanong ko sa sarili ko mahina kong pinagsasampal ang sarili ko. Baka mamaya ay may makarinig sa akin. Delikado na.
Matapos ko ng mag-vacuum ay inayos at pinapagpag ko naman ang kama niya. Ang human size na salamin ay pinunasan ko na rin. Ang mga kurtina ay pinalitan ko ng bago at mas maaliwalas. Nang matapos na ako ay napamewang na lang ako at inilibot ko ang paningin ko.
Nang makita kong maayos at malinis na ay napangiti na lamang ako at ang mga gamit ko naman ang pang-linis ko. Huli kong binunot ang vacuum at inayos ito. Nang maalala kong ngayon pa lang ang dating ng senyorito ay mabilisan na akong kumilos dahil baka maabutan niya ako dito.
Kailangan ko siyang makita.
Kaya ng ayos na ay nagmamadali akong lumapit sa pinto at para lumabas na. Pagbukas ko ay malakas akong napasigaw dahil sa bulto ng isang taong nakatayo sa harapan ko.
Dahil sa pagkataranta akala ko ay babagsak ako sa sahig pero mabilisan niyang hinawakan ang braso ko at hinigit ako pabalik sa pwesto ko. Dahil sa ginawa niyang 'yon ay inangat ko ang mukha at ang una kong nakita ay ang seryoso niyang mata na nakakatitig sa akin.
"Sino ka?"
YngridMALAKAS AKONG napaungol ng magising ako sa sikat ng araw. Nang matamaan ang mata ko ay nakasimangot akong napabangon at kinusot ko ang mga mata ko. Napahawak ulit ako sa ulo ko dahil muli na naman itong sumakit. Ngayon ko lang napansin na hindi ko pala ito kwarto kaya dali-dali akong tumayo at tiningnan ang sarili ko. Napahinga na lang ako ng maluwag ng makita kong kumpleto ang suot ko, kaya muli akong umupo sa kama at muling inalala ang nangyari kagabi. Pumunta ako bahay at uminom ng wine, dumating si Devron at umamin sa kanya ng ‘di oras. Umamin na ako kay Devron! Shet na malupet, iba talaga nagagawa kapag lasing saka lang nasasabi ang totoo. Salamat sa wine na ininom ko, mapaparamdam ko na rin kay Devron ang pagmamahal ko sa kanya. Dahil sa sobrang excited ko ngayong araw ay dali-dali akong naligo at inayos ang sarili ko. Hindi ko man alam kung nasaan man kaming lupalop ni Devron ngayon ang mahalaga ay magkasama kaming dalawa at kami lang muna sa ngayon. Nang makita kong
YngridWALA NA AKONG nagawa kundi sabihin ang lahat kay Gelene. Minsan ay napapatigil pa nga ako dahil tili siya ng tili at nahahampas ko pa ang braso. Hindi ko namalayang mag-iisang oras na pala kaming nagke-kwentuhan dito sa loob ng opisina ni Devron kaya naisipan na naming lumabas. Habang hinihintay namin ang pagbukas ng elevator ay muli na naman akong kinausap ni Gelene kaya wala na akong nagawa kundi ang sagutin ito dahil hindi siya titigil hangga’t hindi ko talaga sinasagot ang lahat ng katanungan niya. “Kailan ka aamin, be? Eh pareho lang naman pala kayong naghihintayan no boss eh. Parehong pakipot,” pang-aasar niya sa huli kaya inirapan ko siya at inismiran. “Palibhasa kasi ay nagde-date na sila ni Storm,” balik ko sa kaniya kaya pinanlakihan niya ako ng mata na akala mo ay may makakarinig sa usapan namin dalawa kaya nginisian ko lang siya at nagpatuloy. “Ay be, huwag mong iiba ang usapan.”“Handa naman akong umamin, eh. Hindi nga lang ngayon,” sagot ko pa at napakrus nam
YngridPAREHO kaming natigilan ni Devron sa naging tanong ko. Nakita ko ang takot sa mga mata niya sa kauna-unahang pagkakataon. Nanginginig niyang hinawakan ang pisngi ko at mas hinapit pa ang bewang ko para mapalapit sa kanya. “Devron,” paos kong wika pero pinagdikit niya ang noo naming dalawa at marahang hinaplos ang sugat ko sa balikat kung saan ako nadaplisan ng bala kaya lumamlam ang mata ko sa ginawa niya. "Sino ka ba talaga?" Muli kong pagtatanong kaya mariin siyang pumikit. Pakiramdam ko ay natatakot siyang marinig ko ang tunay niyang pagkatao pero hindi ko muna siya huhusgahan. Kailangan kong malaman kung sino ba ang lalaking nagugustuhan. "Dev," malambing kong pagtawag at sa wakas ay binuksan niya na ang mata niya na ngayon ay matapang ng nakatingin sa akin. "Hindi mo magugustuhan kung sino ako, Yngrid," aniya kaya tumango ako at marahang hinaplos ang pisngi niya dahilan para mas lalo pang humigpit ang pagkakakapit niya sa bewang ko. "Handa akong makinig, Devron. Handa
YngridNANLALAMIG na ang katawan simula ng magising ako, ramdam na ramdam ko ang mahigpit na pagkakatali ng kamay ko dahil ramdam ko ang hapdi nito kapag sinusubukan kong kalagin. Ang mata ko ay nababalot ng kadiliman dahil tinakpan ito, nagsimula na ring manginig ang labi ko sa takot.Nasaan ba ako? Saan ba ako dinala? Anong kailangan nila sa akin?“Pre, gising na yata ‘tong babae ni Devron. Nagalaw na eh!” Sigaw ng kung sino at naramdaman ko ang mabilisang paglapit nila sa akin at basta na lamang tinanggal ang pagkakatakip ng mata ko at nag-adjust ako sa liwanag. Nang matanggal na ito ay nangilabot ako ng makita ko ang mga mata nila. Mapupula ito na akala mo ay nakahithit sila ng mga ipinagbabawal na gamot. Kayo na ang bahala sa akin, gusto ko pang mabuhay.“Gising na pala ang babae ni Devron, ano kayang magiging reaksyon niya ng malaman niyang kinuha ka namin?” Natatawang saad niya at pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko kaya mas lalo akong sumiksik sa kinauupuan kahit feeli
YngridPUNISHMENT? Teka anong punishment na naman ang matatanggap ko ngayon. Iniwasan at inasar ko na lang siya. Papaalisin niya na ba ako dito? Sisibakin niya na ba ako sa pwesto? Omg, sana pala nag-isip muna ako bago ko gawin ‘yon.“S-sinabi ko na sa’yo kanina ang rason ko,” matapang kong saad kaya nanlaki ang mata ko ng mabilis siyang umalis sa pwesto niya at binuhat ako at inupo sa ibabaw ng mesa niya. Kahit gusto kong magpumiglas ay hinapit niya ang bewang ko at pinagdikit ang katawan naming dalawa. Pucha! Ramdam na ramdam ko tuloy ang mainit niyang katawan dahil magkadikit na kami at amoy na amoy ko na ang pabango niya, ano ba tong ginagawa ni Devron? Nahihibang na ba siya? Paano kung may pumasok sa opisina niya ay abutan kami ng ganito, paniguradong may iba silang iisipin. "Teka, teka kalma Devron. Pwede bang ihiwalay mo ng kaunti itong katawan mo sa akin," natatawang saad ko pero ang totoo ay grabe na ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Imbis na sundin niya ang si
YngridMAKALIPAS ang dalawang araw na marinig ko 'yon ay umiwas muna ako kay Devron. Ayokong mas mapalapit sa kanya dahil may magiging asawa na pala siya, ngayon alam ko na kung bakit mainit ang dugo sa akin ni Kalista. Ayaw niyang may babaeng umaaligid sa mapapangasawa niya. At sa dalawang araw na nakalipas ay hindi naman ako pinapatawag ni Devron kahit na halata niyang iniiwasan ko siya, kapag kasi magsasalubong ang landas naming dalawa ay ako na agad ang umiiwas na pinagtataka na nila Manang lalo na si Gelene. "Yngrid, be. Hindi naman sa nanghihimasok ako, ha. Pansin ko lang nitong nakaraang araw na hindi kayo nagpapansinan ni Señorito, 'diba Personal Maid ka niya? Anyare?" Panguusisa ni Gelene ng minsang nagtagpo ang landas naming dalawa sa kusina. Ako ay naghuhugas ng pinggan habang siya naman ay pinupunasan ang mga ito. "Ah, nagpaalam naman ako na dito naman para matulungan ko kayo at saka hindi ko naman iniiwasan si Señorito, hindi lang talaga nagtatagpo ang landas naming da