Share

Kabanata 2

Author: Hope
last update Last Updated: 2021-11-03 15:54:15

Yngrid

"Magkano ang makukuhang sahod?" Nanlalaking mga mata kong tanong kaya inulit niya muli ang paliwanag sa akin.

"25, 000 Pesos sa isang buwan." Pag-uulit niya pa kaya hindi ko maiwasang mapahawak sa bibig ko dahil sobrang laki ng makukuha ko. Shet! Talaga bang maid ang gagawin ko? Baka mamaya ay sindikato na pala ito na nagbebenta ng katawan. Jusko!

"Sobrang laki naman, parang nag-trabaho ka na rin sa isang kumpanya. Sigurado ka bang isang buwang sahod 'yan? Ganiyan ba kayaman ang naging amo mo?" Kaya sa tinanong kong 'yon ay muli na namang natawa si Lara at malakas akong hinampas sa braso kaya napangiwi ako. Bakit kailangan may paghampas? Nagtatanong lang naman ako, ah.

Ang brutal talaga ng babaeng 'to.

"Oo nga. Kaya nga makakapunta na ako ng abroad dahil nakapag-ipon ako sa trabahong 'yon. At saka 'di lang siya basta mayaman, sobrang gwapo pa." Parang bulateng inasinan siya ng sabihin niya kaya napaismid na lang ako.

Hindi na importante sa akin kung gwapo ang magiging Amo ko. Ang importante ngayon ay ang sahod na makukuha ko. Grabe, pwede ko na rin ipangbayad 'yon sa natitirang upa ko. At kapag napag-ipunan ko 'yon ay pwede na ulit akong magaral at matupad ang mga pangarap ko.

"Baka scam 'yan?" Pag-uulit ko pa kaya napasimangot na siya at napairap na dahil sa sobrang kakulitan ko.

"Anong scam. Jusko, Yngrid kapag nakita mo talaga ang Amo natin ay talagang hindi ka na aalis sa trabaho mo." Malanding saad niya kaya napailing na lamang ako.

"Hindi gwapong Amo ang pupuntahan ko doon, Lara. 'Yung sahod. 'Yung sahod kasi malaki talaga ang maitutulong sa akin." Paliwanag ko kaya napatango naman siya at tuluyan ng ibinigay sa akin ang address na papasukan ko.

"Ano? Payag ka na ba talaga, Yngrid? Wala ng atrasan ito." Pagtatanong niyang muli kaya 'di na ako nagdalawang isip na tumango.

Baka ito na ang way para umangat ang buhay ko. Wala namang masama kung magta-try ako.

"Sige, sayang din eh. Opportunity na ang lumalapit sa akin, iiwasan ko pa ba?" Sagot ko naman kaya lumawak ang pagkakangiti niya sa akin.

"Dahil pumayag ka na ay bukas ka na agad magsisimula."

"Ano? Bukas agad?! Eh, wala pa akong naaayos sa gamit ko. Ganyan ba talaga ang magiging Amo ko, biglaang desisyon?!" Histerikal kong sigaw kaya malakas niyang hinampas ang braso ko dahil pinagtitinginan na kami.

"Kumalma ka nga pwede ba?" Nakikiusap nyang saad kaya nag-inhale at exhale ako para pakalmahin ang sarili. Nanggugulat naman kasi 'tong kausap ko.

"Oo, bukas ka na magsisimula. Ganoon kasi ang patakaran sa pinapasukan ko. Sa oras na umalis ka ay siguraduhin mong may kapalit ka ng nakuha para hindi hassle. So, since pumayag ka na ay bukas na agad ang pagpunta mo doon. 'Wag kang mag-alala, mababait ang makakasama mo." Mahabang litanya at bakas sa boses niyang kinukumbinsi na ako.

Kaya wala na akong magawa kundi ang magtiwala sa kaniya. Since bukas na rin pala ang pagpunta ko doon ay kailangan ko ng kumilos pag-uwi ko. Malalim na rin ang gabi kaya kailangan ko na talagang ayusin ang gamit ko.

Nagsimula na kaming maglakad ni Lara dahil magkapit-bahay lang naman kami. Habang naglalakad ako, ang katabi ko naman ay daldal lang ng daldal. Hindi ko alam kung nangangalay ba minsan ang bunganga niya o hindi, eh.

"At saka, Yngrid. Kapag nakita mo talaga ang hacienda niya talagang mapapa-wow ka. Sobrang yaman niya talaga tapos sobrang gwapo pa kaso seryoso nga lang." Ramdam ko ang panghihinayang sa boses ni Lara kaya tumawa na lang ako.

"Sigurado kang hindi scam 'to, ha? Nako, kapag talaga scam 'to talagang hindi na kita papansinin." Pananakot ko kaya tumalim ang tingin niya sa akin at pabirong hinigit ang mahabang buhok ko.

"Loka! Edi sana hindi talaga ako makakapunta sa ibang bansa kung scam 'to. Kagaya mo noong una kong nalaman 'yan ay natatakot ako. Paano kung illegal pala 'yan? Paano na ang kagandahan ko?" Madrama niyang saad kaya palihim na lang akong umirap sa pinagsasabi niya.

Alam kong maganda siya pero walang makakatalo sa ganda kong 'to. Ako lang naman si Yngrid Dela Fuente, ang future model ng Victoria Secret.

Kaya ng nakarating na ako sa tapat Ng apartment ko ay hindi na ako nakapagpaalam kay Lara at bigla na lamang pumasok. Pagpasok ko ay naramdaman ko kaagad ang matinding pagod kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong bumagsak sa sofa.

Huminga na lamang ako ng malalim at natulala sa kisame. Hindi ko alam kung anong magiging kapalaran ko sa oras na pumasok akong katulong sa Montecillo na 'yon. Basta ang importante ay lagi kong dala ang determinasyon at tiyaga na ipinamana sa akin ni Papa.

Kahit hindi yaman o pera man ang pamana sa akin ni Papa ay natutuwa pa rin ako dahil nakuha ko naman ang determinasyon at tiyaga para hindi ako sumuko sa buhay. Nang maalala kong mag-aayos ako ng mga gamit ko ay mabilis akong bumangon at basta-basta na lamang hinigit ang maleta para doon ilagay ang mga damit na dadalhin ko.

Nang matapos na ako ay nag-unat ako ng mga braso at tumalon sa kama ko. Napangiti na lamang ako dahil magsisimula na ako bukas pero nandoon pa rin ang kaba sa dibdib ko. Kaya pumikit ako at bumulong sa sarili ko.

"Kaya mo 'yan, Yngrid. Para sa pangarap mo! Fighting!"

"Wow!! Hindi ko mapigilang bulalas ko ng tuluyan ko ng makita ang loob ng hacienda na pinagta-trabahuhan ko. Napatingin naman sa akin ang matandang babaeng sumundo sa akin dahil sa ingay ko kaya nahihiya akong ngumiti sa kaniya.

Totoo nga ang sabi ni Lara, talagang mayaman ang magiging Amo ko. May fountain pa sa gitna tapos puro halaman at bulaklak ang makikita mo sa paligid mo. Mas lalo pa akong namangha ng makita kong nakapalibot ang mga body guard sa buong hacienda. Ang iba sa kanila ay napapatingin pa sa akin kaya nginingitian ko sila.

Pero napatigil ako sa paglalakad ng may dalawang body guard ang humarang sa akin bago pa ako tuluyang makapasok sa mansion.

"For security po, Miss." Saad niya ng mahalata niya ang pagtataka sa mukha ko. Tinapat niya ang detector sa akin at maingat niya itong inilibot sa katawan ko. Nang ayos na ay tuluyan na akong nakapasok sa mansiyon.

Pero halos tumulo ang laway ko at lumuwa ang mata ko sa nakikita ko ngayon. Hari ba ang nakatira dito? Grabe sa labas ay simple lamang pero pagpasok mo sa loob ay kumikinang ang lahat ng kagamitan. Kulang na yata ay masilaw ako dahil ang kikintab ng mga ito. Buti hindi siya nananakawan?

"Manang Lordes ang pangalan ko." Nawala ang atensyon ko ng magpakilala ang matandang babae sa harapan ko. Nakangiti na siya sa akin kaya hindi ko na mapigilan ang ngumiti. Mabait naman pala.

"Yngrid Dela Fuente po, Manang." Pagpapakilala ko naman at nakita kong natigilan siya. Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya at malalim akong tinignan sa mata kaya nailang ako.

"Kaya ka pala pamilyar." Kahit bulong 'yon ay narinig ko naman na lalong ikinataka ko. Hala, baka mamaya ay nagkita na pala kami ng hindi ko alam.

"Ahm… nagkita na po ba tayo?" Kamot-ulo kong tanong at nakita ko naman na parang nagulat siya at muling bumalik ang ngiti sa labi niya.

"Halika na, ipapakita ko na sa'yo ang kuwarto mo." Anyaya niya at wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

Sa second floor kami napadpad. Akala ko ay sa hagdanan kami aakyat pero nagulat na lang ako ng makita kong sa elevator ang pasok namin. Mukhang araw-araw yata akong magugulat sa makikita ko.

Tumigil ang elevator sa ikalawang palapag kaya tuluyan ko ng hinigit ang maleta ko palabas. Nakita ko ang napakaraming kwarto at sa dulong bahagi ako hinatid kung saan ay baka ito ang dating kwarto ni Lara. Binuksan ni Manang Lordes ang pintuan at mas lalo pa akong namangha.

Bakit parang hindi naman yata katulong ang ipinasok ko dito? Kumpleto sa lahat ng kagamitan. May aircon, may walk in the closet. May cr pa na malaki at mas malambot na kama.

"Grabe, hindi ako makapaniwala. Talagang nakakamangha." Hindi ko na mapigilan ang lumabas sa bibig ko kaya narinig ko ang pagtawa ni Manang Lordes.

"Ito na ang kwarto mo, Yngrid. Sa oras na naayos mo na ang mga damit mo ay naka-hanger na ang damit mong susuutin sa trabaho." Paalala niya at muling nagpatuloy.

"Bago ka magsimula ay may iilan akong ibinilin sa'yo. Una, huwag kang mala-late. Pangalawa ay señorito ang itatawag mo sa ating Amo. Maliwanag ba?" Bumalik sa pagiging seryoso ang boses niya kaya napalunok muna ako bago sumagot.

"Opo, Manang Lordes."

Kaya tinitigan niya muna ako pero bago siya tuluyang makalabas sa kwarto ko ay tumayo ako at muli siyang tinawag. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin alam kung ano ang pangalan ng sinasabi nilang Señorito.

"Ano po bang pangalan ni Señorito?"

"Devron Heiz Montecillo."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Maid for You (Hiding Series #2)   Kabanata 20

    YngridMALAKAS AKONG napaungol ng magising ako sa sikat ng araw. Nang matamaan ang mata ko ay nakasimangot akong napabangon at kinusot ko ang mga mata ko. Napahawak ulit ako sa ulo ko dahil muli na naman itong sumakit. Ngayon ko lang napansin na hindi ko pala ito kwarto kaya dali-dali akong tumayo at tiningnan ang sarili ko. Napahinga na lang ako ng maluwag ng makita kong kumpleto ang suot ko, kaya muli akong umupo sa kama at muling inalala ang nangyari kagabi. Pumunta ako bahay at uminom ng wine, dumating si Devron at umamin sa kanya ng ‘di oras. Umamin na ako kay Devron! Shet na malupet, iba talaga nagagawa kapag lasing saka lang nasasabi ang totoo. Salamat sa wine na ininom ko, mapaparamdam ko na rin kay Devron ang pagmamahal ko sa kanya. Dahil sa sobrang excited ko ngayong araw ay dali-dali akong naligo at inayos ang sarili ko. Hindi ko man alam kung nasaan man kaming lupalop ni Devron ngayon ang mahalaga ay magkasama kaming dalawa at kami lang muna sa ngayon. Nang makita kong

  • Maid for You (Hiding Series #2)   Kabanata 19

    YngridWALA NA AKONG nagawa kundi sabihin ang lahat kay Gelene. Minsan ay napapatigil pa nga ako dahil tili siya ng tili at nahahampas ko pa ang braso. Hindi ko namalayang mag-iisang oras na pala kaming nagke-kwentuhan dito sa loob ng opisina ni Devron kaya naisipan na naming lumabas. Habang hinihintay namin ang pagbukas ng elevator ay muli na naman akong kinausap ni Gelene kaya wala na akong nagawa kundi ang sagutin ito dahil hindi siya titigil hangga’t hindi ko talaga sinasagot ang lahat ng katanungan niya. “Kailan ka aamin, be? Eh pareho lang naman pala kayong naghihintayan no boss eh. Parehong pakipot,” pang-aasar niya sa huli kaya inirapan ko siya at inismiran. “Palibhasa kasi ay nagde-date na sila ni Storm,” balik ko sa kaniya kaya pinanlakihan niya ako ng mata na akala mo ay may makakarinig sa usapan namin dalawa kaya nginisian ko lang siya at nagpatuloy. “Ay be, huwag mong iiba ang usapan.”“Handa naman akong umamin, eh. Hindi nga lang ngayon,” sagot ko pa at napakrus nam

  • Maid for You (Hiding Series #2)   Kabanata 18

    YngridPAREHO kaming natigilan ni Devron sa naging tanong ko. Nakita ko ang takot sa mga mata niya sa kauna-unahang pagkakataon. Nanginginig niyang hinawakan ang pisngi ko at mas hinapit pa ang bewang ko para mapalapit sa kanya. “Devron,” paos kong wika pero pinagdikit niya ang noo naming dalawa at marahang hinaplos ang sugat ko sa balikat kung saan ako nadaplisan ng bala kaya lumamlam ang mata ko sa ginawa niya. "Sino ka ba talaga?" Muli kong pagtatanong kaya mariin siyang pumikit. Pakiramdam ko ay natatakot siyang marinig ko ang tunay niyang pagkatao pero hindi ko muna siya huhusgahan. Kailangan kong malaman kung sino ba ang lalaking nagugustuhan. "Dev," malambing kong pagtawag at sa wakas ay binuksan niya na ang mata niya na ngayon ay matapang ng nakatingin sa akin. "Hindi mo magugustuhan kung sino ako, Yngrid," aniya kaya tumango ako at marahang hinaplos ang pisngi niya dahilan para mas lalo pang humigpit ang pagkakakapit niya sa bewang ko. "Handa akong makinig, Devron. Handa

  • Maid for You (Hiding Series #2)   Kabanata 17

    YngridNANLALAMIG na ang katawan simula ng magising ako, ramdam na ramdam ko ang mahigpit na pagkakatali ng kamay ko dahil ramdam ko ang hapdi nito kapag sinusubukan kong kalagin. Ang mata ko ay nababalot ng kadiliman dahil tinakpan ito, nagsimula na ring manginig ang labi ko sa takot.Nasaan ba ako? Saan ba ako dinala? Anong kailangan nila sa akin?“Pre, gising na yata ‘tong babae ni Devron. Nagalaw na eh!” Sigaw ng kung sino at naramdaman ko ang mabilisang paglapit nila sa akin at basta na lamang tinanggal ang pagkakatakip ng mata ko at nag-adjust ako sa liwanag. Nang matanggal na ito ay nangilabot ako ng makita ko ang mga mata nila. Mapupula ito na akala mo ay nakahithit sila ng mga ipinagbabawal na gamot. Kayo na ang bahala sa akin, gusto ko pang mabuhay.“Gising na pala ang babae ni Devron, ano kayang magiging reaksyon niya ng malaman niyang kinuha ka namin?” Natatawang saad niya at pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko kaya mas lalo akong sumiksik sa kinauupuan kahit feeli

  • Maid for You (Hiding Series #2)   Kabanata 16

    YngridPUNISHMENT? Teka anong punishment na naman ang matatanggap ko ngayon. Iniwasan at inasar ko na lang siya. Papaalisin niya na ba ako dito? Sisibakin niya na ba ako sa pwesto? Omg, sana pala nag-isip muna ako bago ko gawin ‘yon.“S-sinabi ko na sa’yo kanina ang rason ko,” matapang kong saad kaya nanlaki ang mata ko ng mabilis siyang umalis sa pwesto niya at binuhat ako at inupo sa ibabaw ng mesa niya. Kahit gusto kong magpumiglas ay hinapit niya ang bewang ko at pinagdikit ang katawan naming dalawa. Pucha! Ramdam na ramdam ko tuloy ang mainit niyang katawan dahil magkadikit na kami at amoy na amoy ko na ang pabango niya, ano ba tong ginagawa ni Devron? Nahihibang na ba siya? Paano kung may pumasok sa opisina niya ay abutan kami ng ganito, paniguradong may iba silang iisipin. "Teka, teka kalma Devron. Pwede bang ihiwalay mo ng kaunti itong katawan mo sa akin," natatawang saad ko pero ang totoo ay grabe na ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Imbis na sundin niya ang si

  • Maid for You (Hiding Series #2)   Kabanata 15

    YngridMAKALIPAS ang dalawang araw na marinig ko 'yon ay umiwas muna ako kay Devron. Ayokong mas mapalapit sa kanya dahil may magiging asawa na pala siya, ngayon alam ko na kung bakit mainit ang dugo sa akin ni Kalista. Ayaw niyang may babaeng umaaligid sa mapapangasawa niya. At sa dalawang araw na nakalipas ay hindi naman ako pinapatawag ni Devron kahit na halata niyang iniiwasan ko siya, kapag kasi magsasalubong ang landas naming dalawa ay ako na agad ang umiiwas na pinagtataka na nila Manang lalo na si Gelene. "Yngrid, be. Hindi naman sa nanghihimasok ako, ha. Pansin ko lang nitong nakaraang araw na hindi kayo nagpapansinan ni Señorito, 'diba Personal Maid ka niya? Anyare?" Panguusisa ni Gelene ng minsang nagtagpo ang landas naming dalawa sa kusina. Ako ay naghuhugas ng pinggan habang siya naman ay pinupunasan ang mga ito. "Ah, nagpaalam naman ako na dito naman para matulungan ko kayo at saka hindi ko naman iniiwasan si Señorito, hindi lang talaga nagtatagpo ang landas naming da

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status