Share

Chapter 138

Author: Yojselah
last update publish date: 2026-10-29 23:23:53

Mas pinili kong piliting ituon ang atensiyon ko sa ginagawa ko. I kept myself busy. Marami pa ang mga taong nakapila, kaya wala akong dahilan para magpaabala sa mga bagay na hindi ko naman dapat iniintindi.

Maya-maya pa ay dumating ang mga kahon ng pagkain. Napalingon ako muli sa direksiyon nina Axel.

"Bigyan ninyo ng pagkain ang mga pumipila para may makain sila," narinig kong utos niya sa ibang volunteers.

"Ako na riyan, Ma'am. Pahinga po muna kayo. Kanina pa kayo rito, eh," wika ng isa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Maid for my Playboy Master's Desire   Chapter 150

    Ano'ng tungkol sa kanila ni Mario?Napalingon ako kay Axel na ngayon ay tahimik na hawak ang kamay ko habang naglalakad kaming dalawa. Hindi kami patungo sa kabilang bayan kundi pauwi sa bahay."B-bakit tayo uuwi?" tanong ko kay Axel matapos ang ilang sandaling katahimikan."Alam kong pagod ka na kaya uuwi na lang tayo," simpleng sagot niya sa akin."Paano iyong pupuntahan natin?"Nagkibit-balikat siya. "Maraming tao roon," aniya habang hindi makatingin sa akin nang diretso."A-ano nga pala ang ibig sabihin ni Alex tungkol kay Mario?" hindi ko mapigilang tanungin siya."I'll tell you... kapag sinabi mo rin sa akin kung bakit ka umiinom ng gamot," tugon niya sa akin na ikinasimangot ko.Hindi talaga niya ako tatantanan. Wala talaga siyang balak na magpatalo."T-tatanungin ko na lang pala si Mario," wika ko.Biglang humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Ngunit batid kong sapat na puwersa lamang ang ginamit niya upang hindi ako masaktan."Ezrha, I want to know everything. It hurts me to k

  • Maid for my Playboy Master's Desire   Chapter 149

    Ilang beses ba dapat magmahal sa isang tao? Kasi ako, hindi ko na mabilang ang pagmamahal ko kay Axel.Even if he's near or far. Kahit itulak ko pa siya palayo sa akin. Hindi ko alam kung tadhana ba ang nagpapabalik sa amin o kami rin mismo.Kami rin mismo ang pumipiling bumalik sa isa't isa.Dalawang singsing na ang nasayang. Ilang taon na rin ang sinayang namin na dapat ay magkasama kami. Buo kaming magpamilya. Lumaki si Lexie na may kilalang ama.Ngunit pinangunahan ako ng takot ko. Naduwag ako. No matter how much I love him, it scares me. Nakakatakot siyang mahalin. Hindi dahil sa kaniya, kung hindi dahil sa mga taong nasa paligid niya."You're not wearing any ring..." Napatingin ako sa kamay kong hawak niya."You can't get over with me," bulong ni Axel at hinalikan ang likod ng palad ko. "Mahal mo pa rin ako, Ezrha," paos na dugtong pa niya.Hindi ako nakapagsalita. Dinala niya ang kamay ko sa pisngi niya. Mapupungay ang mga mata niyang nakatitig sa akin.Napadaing ako nang patak

  • Maid for my Playboy Master's Desire   Chapter 148

    "A-ah, Mario... aalis na pala kami. May pupuntahan pa kami," paalam ko kay Mario. "R-really? I'll wait here then. Ano'ng oras kayo uuwi?" tanong ni Mario. Ni hindi na nito tinanong kung saan kami pupunta ni Axel. "Gagabihin kami," si Axel na mismo ang sumagot no'n. Naikagat ko ang ibabang labi ko. Pakiramdam ko ay sobrang bigat ng awra ng paligid. Napalingon ako kay Mario. Nagulat ako nang bigla niya akong dinampian ng halik sa pisngi. Natigilan ako bigla. "Ako na ang bahala rito. Take care, okay?" mahinang wika ni Mario sa akin. Wala sa sariling napatango na lamang ako. "I'll take care of her," biglang singit ni Axel. Napalingon ako sa kaniya na ngayon ay madilim na ang mga matang nakatingin sa amin. "Halika na, Ezrha," aniya at biglang nauna nang maglakad sa akin. "S-sige na, Mario. A-aalis na ako," paalam ko sa kaniya. Hindi ko na hinintay pa ang tugon niya at bigla na lamang tinalikuran siya. Mabilis kong hinabol si Axel. Hindi ko alam kung bakit ganit

  • Maid for my Playboy Master's Desire   Chapter 147

    Natigilan ako habang nakatingin kay Mario. Hindi pa ako tuluyang nakakabawi sa pagkagulat nang bigla siyang lumapit sa akin. He suddenly leaned closer and kissed my cheek.Napalunok ako. Napaawang ang labi ko sa gulat."I'm sorry po. Hindi na ako kumatok. Bukas naman na po kasi ang pinto ninyo," nakangiting paliwanag ni Mario sa pamilya ko."M-Mario, ikaw pala! Ang tagal ka naming hindi nakita, ah," bati ni Mama nang makabawi."K-Kuya Mario, puwede po pa-picture?" aliw na tanong ni Rafaella.Mabilis niyang inubos ang pagkain sa bibig, kinuha ang cellphone sa bulsa niya, at lumapit kay Mario."Sure," natatawang sagot nito sa reaksiyon ng kapatid ko.Pinanood ko si Rafaella na mangha-mangha at aliw na aliw kay Mario. Nang magtama ang aming mga paningin, napakindat siya sa akin."U-uh... Mario, hindi ka nagsabi na pupunta ka rito, ah," sabi ko sa kaniya."Oo nga po, Tito Mario. We miss you!" singit naman ni Lexie."Dahil na-miss ko kayong mag-ina. And I just want to surprise you."Bumaba

  • Maid for my Playboy Master's Desire   Chapter 146

    Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko mula sa bintana.Kinapkap ko ang kama sa tabi ko. Tuluyan akong napadilat nang mapagtantong wala na si Lexie roon.Mabilis akong napabangon at inayos ang sarili ko.Nasaan na ang anak ko?Umuwi na ba si Axel kagabi noong nakatulog ako?Napatingin ako sa bakanteng bahagi ng kama bago napabuntong-hininga.Of course, baka inuwi na niya si Alexa. Tumawag pa naman iyon sa kaniya kagabi.Napailing ako.I shouldn't be affected.Wala naman akong karapatang magtanong kung saan siya nagpunta o kung sino ang kasama niya. Hindi na kami katulad ng dati. Hindi ko na rin dapat pakialaman ang mga ginagawa niya.Pero sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi niya kagabi, hindi ko maiwasang muling maguluhan.Lalo na kapag naiisip ko ang tattoo na nakita ko sa gilid ng tiyan niya.That tattoo.Hindi ko alam kung ilang beses ko nang sinubukang unawain kung bakit niya iyon ipinagawa. Hindi ko rin maalis sa isip ko ang sinabi niyang, "Because I didn't wan

  • Maid for my Playboy Master's Desire   Chapter 145

    Hindi ko siya magawang sagutin. Upang makaiwas sa tanong niya, bigla akong napatayo at inayos ang sarili ko. Mabilis kong pinulot ang mga nakakalat kong gamit. Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga. Maya-maya, yumuko rin siya at tumulong sa pagpulot ng mga gamit ko. "I have an extra T-shirt here. Magbihis ka na para hindi ka magkasakit," wika ko sa kaniya. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Kinuha ko mula sa kaniya ang mga hawak niyang gamit at inilapag ang bag ko sa maliit na lamesa. Nagtungo ako sa closet at kumuha roon ng damit. Pagkatapos, agad ko iyong iniabot sa kaniya. Tumagal ang titig niya sa damit. Halos mamula ang mga pisngi ko nang mapagtanto kong pagmamay-ari niya rin pala iyon. Ito ang damit na naiwan niya sa USA na madalas kong isuot kapag natutulog ako. Pakiramdam ko kasi, sa tuwing isinusuot ko iyon, kahit paano ay nababawasan ang pangungulila ko sa kaniya. Hindi ko inaasahang hanggang dito ay dala ko pa rin ang damit niya. Hindi ko naman kasi ala

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status