author-banner
Yojselah
Yojselah
Author

Nobela ni Yojselah

Maid for my Playboy Master's Desire

Maid for my Playboy Master's Desire

She was a maid. Until she became pregnant with his child. Ezrha knew her place… serving the wealthy family she worked for and staying far away from their playboy son, Axelrod Monteverde… But one forbidden night changed everything. Dahil lamang sa pagkakaakalang inaakit siya ni Ezrha. Until three weeks later... Ezrha found out that she was carrying her master’s baby.
Basahin
Chapter: Chapter 175
Tinulungan ni Papa si Mama na magsimula ulit. At doon nagsimula ang kuwento nilang dalawa."P-patawarin mo ako, anak. Nilihim ko sa 'yo ang lahat ng ito..." nanginginig na wika ni Mama sa akin. "N-noong nalaman kong anak ni Sandra si Axel, gusto ko kayong paghiwalayin. Ayokong matulad ka sa akin."Napahinto siya sa pagsasalita."A-ang hirap lang kasi..." Napatigil siya habang kinakagat ang ibabang labi, pilit na pinipigilan ang pag-iyak."K-kasi nakikita ko si Axel kay Larex noon. Kung paano niya ginagawa ang lahat para sa 'yo. Kahit anong tulak mo sa kaniya, hinahanap ka pa rin niya."Napayuko si Mama."Ganoon kasi si Larex sa akin dati."Hindi ko alam kung bakit, ngunit mas lalo akong nakaramdam ng kirot sa dibdib."M-mahal ko ang Papa ninyo," patuloy niya. "Pero minsan, naiisip ko lang talaga si Larex. Noong nalaman kong naospital siya, hindi ko maiwasang mag-alala."Napatingin ako sa kaniya."Kaya ba siya humingi ng pabor kay Axel na dito sa ospital magpagamot?" tanong ko.Napatan
Huling Na-update: 2026-11-21
Chapter: Chapter 174
Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari.Nahanap ko na lamang ang sarili ko na nasa labas ng silid ni Sir Larex, katabi si Mama. Ngunit pareho kaming tahimik. Ni isa sa amin ay walang naglakas-loob na magsalita.Samantala, naiwan naman sa loob sina Ma'am Sandra at Axel.Hindi ko alam kung paano ko napilit si Axel na manatili sa tabi ng kaniyang ama. Kanina lamang ay ayaw pa niyang gumalaw. Mas gusto na lamang niya akong ilayo roon, marahil dahil hindi na niya kayang makita akong muling masaktan ng kaniyang ina.Ngunit alam kong kailangan siya ni Sir Larex.At kahit gaano kasakit ang lahat, hindi ko kayang ipagkait sa kaniya ang pagkakataong makasama ang kaniyang ama.Napasulyap ako kay Mama.Tulala siya habang nakatitig sa pintuan ng silid. Para bang naroon pa rin ang lahat ng alaala ng nakaraan, naghihintay lamang na muling bumalik sa kaniya.Marami akong gustong itanong.Marami akong gustong malaman.Ngunit masyado akong natatakot sa mga sagot na maaari kong marinig mula s
Huling Na-update: 2026-11-21
Chapter: Chapter 173
Halos sabay-sabay kaming napasinghap sa loob ng silid.Napatingin ako kay Axel. Seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa kaniyang ina."You have no right to hurt Ezrha. How dare you hurt the woman I love, Mom?" bumasag ang boses ni Axel nang sabihin iyon.Napalingon sa akin si Axel. He wiped my tears when he saw them rolling down my cheeks.Ang kanina'y seryosong mga matang ipinukol niya sa kaniyang ina ay agad na lumambot nang ibaling niya ang tingin sa akin.At sa pamamagitan ng titig na iyon, nakilala ko ang lalaking mahal ko.Ang lalaking ni minsan ay hindi nagtaas ng kamay sa akin. He never shouted at me. Hindi niya ako kailanman sinaktan, kahit sa mga panahong pareho kaming nasasaktan at hindi nagkakasundo.Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan namin, hindi niya kailanman ginamit ang galit niya para saktan ako.At ngayon, habang nakatingin siya sa akin, muli kong naramdaman ang pagmamahal na matagal ko nang hinahanap.Ang pagmamahal na kahit anong pagtulak ko sa kaniya palayo ay g
Huling Na-update: 2026-11-21
Chapter: Chapter 172
"You're too busy deciding what's best for me. Pero ni hindi mo man lang naisip ang nararamdaman ko. Kung ano talaga ang gusto ko," dagdag ni Axel. Ramdam ang matinding hinanakit sa kaniyang boses."Axel, hindi mo ako naiintindihan," wika ni Ma'am Sandra habang sunod-sunod na napapailing. "She's the curse in our family, Axel. Siya at ang ina niya.""Kaya ba nagawa mong tangkaing saktan ang buhay niya? Kaya ba pati ang anak ko, idinamay mo sa galit mo sa kaniya?"Natigilan si Ma'am Sandra."Anak, hindi mo alam ang buong kuwento—""Then tell me! Ano ba ang ginawa nila sa pamilya natin para ituring mo silang sumpa? At bakit kailangang si Ezrha ang magdusa sa lahat ng iyon?"Hindi agad nakasagot si Ma'am Sandra. Napatingin siya kay Mama, na nanatiling nakayuko habang tahimik na umiiyak."Mom, look at me. I want the truth. Hindi na ako bata para pagtakpan mo ang lahat sa pamamagitan ng pagsasabing ginagawa mo lang iyon para sa ikabubuti ko."Napahigpit ang hawak ni Axel sa kamay ko."Kung m
Huling Na-update: 2026-11-20
Chapter: Chapter 171
"A-anak..." utal na wika ni Ma'am Sandra nang makita ang anak niyang si Axel.Mula sa kaniya ay nalipat ang tingin nito sa akin. Ngunit unti-unting nawala ang takot na nararamdaman ko nang maramdaman ko ang mainit na kamay ni Axel sa aking baywang.Napalingon ako sa kaniya.Marahan niya akong hinila patungo sa likuran niya bago taas-noong hinarap ang kaniyang ina. Para bang ipinapakita niyang hindi niya hahayaang lapitan ako ni Ma'am Sandra, lalo na kung may balak itong saktan ako."S-sabi mo sa akin, tanggap mo na ang lahat. Ano iyon, Mommy? When you said that you felt sorry for me because Ezrha and I broke up, pagpapanggap mo lang ba ang lahat? None of those were true?" hindi makapaniwalang tanong ni Axel.Ramdam na ramdam ko ang hinanakit sa kaniyang boses."A-Axel, makinig ka..." ani Ma'am Sandra.Sinubukan niyang lumapit sa anak, ngunit agad itong napaatras.Kasabay niyon ay ang paghigpit ng hawak ni Axel sa kamay ko. Para bang nais niyang tiyaking hindi ako maaabot ng kaniyang i
Huling Na-update: 2026-11-20
Chapter: Chapter 170
Umalingawngaw ang malakas na sampal na iginawad ni Mama kay Ma'am Sandra. Napasinghap ako sa nakita. "Huwag mong idadamay ang anak ko rito, Sandra!" sigaw ni Mama sa kaniya. Napalingon ako kay Sir Larex. Bahagya siyang gumalaw, tila unti-unti na ring nagigising dahil sa dalawang babaeng nagbabangayan sa tabi ng kaniyang hospital bed. "Bakit hindi ko idadamay ang anak mo? He stole my son from me! I was trying to push her away, pero sadyang matigas ang ulo niya. Sa tuwing makikita ko siya, ikaw lang ang naaalala ko. Naalala ko ang kalandian mo! At alam ko kung ano ang puno, ganoon din ang magiging bunga. Kaya hindi ako magtataka kung bakit ganiyan na lamang kadesperada ang anak mo sa anak ko!" Para akong nawalan ng lakas sa narinig. Ngayon, mas lalo kong naintindihan ang lahat. Ang galit na hindi kayang pigilan ni Ma'am Sandra. Ang hinanakit na matagal na niyang kinikimkim. Ako ang naging puntirya ng lahat ng iyon, kahit ang totoo, nadamay lamang ako sa galit niya kay Mama. Kung
Huling Na-update: 2026-11-20
Secretly Marriage with my Rival Boss

Secretly Marriage with my Rival Boss

"I hate my boss." That was Adriana Rivera's only certainty—until she was forced to marry him. To save the life of her sick half-sister, the illegitimate daughter of the Rivera family agrees to an arranged marriage with the last man she wants: Garvin Harrison, her cold-hearted CEO. Ang Boss niyang kinasusuklaman niya sa lahat. Ang Boss niyang halos isumpa niya na. At work, he makes her life miserable. At home, he acts like a caring husband. Dahil sa pilit na kasal, sinisiguro ni Adriana ang distansya sa pagitan nila ni Garvin. But as the line between hatred and attraction begins to blur, she starts to question everything she felt about Garvin. Unti-unti, nakilala nito ang totoong siya. Unti-unti, umiiba ang landas ng nararamdaman niya. She married her worst enemy. Now she’s in danger of falling for him. Is she able to fight for it or just accept the fact that she’s already falling?
Basahin
Chapter: Chapter 21
"Paubos na ang laman ng ref natin. I think we need to buy some groceries," bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Garvin.Ibig sabihin ay magkasama kaming bibili sa grocery? Hindi ako makapaniwala. Eh, dati nga, kung minsan ay siya lang mag-isa ang naggo-grocery at nagpapalista lang siya sa akin ng mga gusto kong bilhin. O hindi kaya'y ako ang nagte-take ng initiative na bumili kapag paubos na ang laman ng ref. Lalo pa't napapansin kong siya lagi ang nagluluto para sa aming dalawa."D-dalawa tayo?" nagtatakang tanong ko. Hindi ba siya natatakot na may makakita sa amin na kakilala namin?Narinig ko ang marahas niyang buntong-hininga. "Oo, dalawa tayo. Don't worry, walang makakakita sa atin," mahinang wika niya. Para bang may hinanakit siya nang sabihin iyon.Napasimangot ako. How funny. No one knows about us. Tanging kami lang dalawa at ang mga magulang namin ang nakakaalam.Even my parents won't let me reveal our marriage to everyone. Low-key lang daw dapat. Huwag pilitin si Garvin
Huling Na-update: 2026-10-12
Chapter: Chapter 20
Hindi ko alam kung paano kami nakauwi pagkatapos no'n. I can't believe how many years of secretly being married to him. Ngayon ko lang siya nahawakan ng ganoon. Ngayon ko lang naramdaman ang init na dala niya sa akin. Totoo't nakakaramdam na ako ng pagnanasa sa kaniya noon pa man. Kaya't aksidente ko siyang nasumbatan na ni kahit minsan ay hindi kami nakapagtalik na dalawa. Ngayon, hindi ko pa matatawag na p********k ang ginagawa namin. He just tasted me. And I tasted him. Iba pa rin kapag mag-isa ang katawan namin. I can't believe that I desire for this... I desired for him. Alangan naman sa ibang lalaki ko ito hahanapin. Eh, siya ang asawa ko. Even though it's a secret and we don't truly love each other. But I vowed that I won't cheat. Ayokong isipin niyang manloloko akong asawa. Kahit inaalila niya ako sa trabaho. Inaalila nga ba? Kahit pinapahirapan niya ako. Hindi ako manloloko. Kinaumagahan, nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Unti-unti akong napadilat.
Huling Na-update: 2026-10-06
Chapter: Chapter 19
"Pero hindi ka pumupunta sa bar, 'di ba?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. "Hindi naman talaga," sagot pa niya, bagay na mas lalong ikinapagtaka ko. "Pero sabi mo—" "Damn it. Isn't it obvious? Pupunta lang ako roon para sa 'yo," napasinghap ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay parang bumigat ang bawat paghinga ko. Pakiramdam ko ay naramdaman niya rin iyon. He looked at my chest as I breathed heavily. Kitang-kita niya ang pagtaas-baba nito. Kung isubsob pa niya ang mukha niya sa dibdib ko ay paniguradong pati ang walanghiyang kabog ng puso ko ay maririnig niya rin. Tila ba nakikipagkarera ang mga ito sa sampung kabayo sa sobrang bilis ng tibok. Damn it. Why am I suddenly melting? "Maybe I need to set a rule about that goddamn professional clothing," aniya habang nananatili ang tingin sa dibdib ko. Napatingin ako sa suot ko. Off-shoulder ang blouse ko, bahagyang nakalantad ang aking balikat at kaunting cleavage. Hindi naman iyon ganoon ka-revealing. At lalong hindi ko iyon sinuot
Huling Na-update: 2026-10-05
Chapter: Chapter 18
Sandaling hindi ako nakasagot sa biglaang tanong ni Clara. Sa huli ay napatikhim ako. "Iyon ba? Nagkita kasi kami sa daan. Naghihintay ako ng sasakyan, sakto rin namang nakita niya ako. Kaya nag-offer na lang siya na sabay na lang kami papuntang kompanya," pagsisinungaling ko pa. Naningkit ang mga mata ni Clara. Napakunok naman ako dahil doon. "Nakakapagtataka lang kasi. Magkaaway kayo pero kakaiba ang tinginan ninyo minsan," nag-iisip na wika pa niya. Halos magpasalamat ako nang biglang bumukas ang elevator. Papalabas pa lang ako bigla na akong hinila ni bakla. "Ang tagal mo naman doon kay Sir. Himala at hindi kayo nagsisigawan, ah," nakangising ani pa niya. Halos kaladkarin ako ni bakla. Habang naglalakad kami. Napasulyap ako kay Clara na nakasunod sa likod namin ngunit ramdam ko ang lalim ng titig niya sa akin. Pakiramdam ko nga ay parang hinuhukay niya ang kaloob-loobanbko sa pagitan ng tingin niya. Nakahinga ako ng maayos nang maupo siya sa station niya. "Ang weird ni
Huling Na-update: 2026-09-16
Chapter: Chapter 17
Nagising ako na magaan ang pakiramdam ko. Pagdilat ng mga mata ko, bumungad sa akin ang hindi pamilyar na kwarto. Inilibot ko ang paningin ko. Nagulat ako nang makita si Garvin, nakaupo sa maliit na mesa. Ang mga mata ay nakatutok sa dokumento. Seryoso ang mukha niya, bahagya pang nagkakasalubong ang kilay. Nadako ang tingin niya sa akin nang mapansin ang paggalaw ko. "How's your sleep?" tanong niya sa akin. "Nasaan ako?" tanong ko pabalik. I didn't even bother to answer his question. "You're in my secret room. This is the extension of my office. Ikaw lang ang makakaalam nito," wika pa niya. Nagulat ako roon. Secret pala, bakit niya sinabi sa akin? Ibig sabihin ay binuhat niya ako papunta rito? Pwede niya rin naman akong hayaan sa sala niya. Alam ko tuloy na may sekretong kwarto pala siya rito sa opisina niya. Baka bigla akong antukin at magdesisyon na matulog sa kwarto niya rito. "O-okay na ba ang dokumento ko?" tanong ko naman sa kaniya. Napabuntong-hininga siy
Huling Na-update: 2026-09-16
Chapter: Chapter 16
"What is it, Clara?" tanong ni Garvin sa kaniya. Sandaling hindi siya nakasagot dahil tumatagal ang titig niya sa akin. Napatikhim siya at unti-unting dinako ang tingin kay Garvin. "Gusto ko lang pong itanong kung tapos ka na po sa pag-re-review. May panibagong dokumentong dala po kasi ako rito." Halos lumuwa ang mata ko sa dami no'n. Napasimangot ako. Edi, mas lalo pang tatagal ang akin! "Almost done na rin, Clara. Pakilapag na lang iyan at isusunod ko," ani pa ni Garvin. Nakaramdam ako ng inis. Uunahin niya ulit iyang kay Clara? Matalim ko siyang tinitigan. Alam kong napansin niya iyon pero mukhang wala lang sa kaniya iyon. Tila ba sanay na sanay na siya sa ganitong pag-uugali ko. "Sir, pwede bang maupo habang naghihintay?" halos mapairap ako nang marinig ang tanong ni Clara. Pakiramdam ko ay parang nalukot ang mukha ko. Parang gusto ko na lang tulungan si Garvin sa pag-re-review para makaalis na siya rito. "Hmm... pwede bang makisuyo, Clara?" nangunot ang noo ko
Huling Na-update: 2026-09-14
My Chosen Slave

My Chosen Slave

Chiara Villanueva thought marrying Alejandro Montenegro would give her the love she had always dreamed of. Instead, she became the wife of a man who treated her like a stranger. Sa loob ng ilang taon, tiniis niya ang malamig at walang pagmamahal na pagsasama nila ng asawa niyang si Alejandro Montenegro. Umaasa siyang balang araw ay mamahalin din siya nito. Ngunit sa halip na pagmamahal, ibang lalaki ang ibinigay nito sa kaniya. Tobias Ellington. A slave chosen to get her pregnant. Isang misteryosong lalaking may abong mga mata, nakamamatay na karisma, at nakaraan na walang nakaaalam. Ang tanging papel ni Tobias ay ang pabuntisin siya. Ngunit paano kung sa bawat halik, bawat haplos, at bawat sandaling kasama niya si Tobias ay unti-unti niyang nakakalimutan ang lalaking matagal niyang minahal? At paano kung ang lalaking tinatawag na "alipin" ng asawa niya ay nagtatago ng lihim na kayang wasakin ang lahat? Sa pagitan ng asawang hindi siya kailanman pinili at ng lalaking hindi niya dapat mahalin, sino ang pipiliin ni Chiara? At kapag lumabas na ang katotohanan... May matitira pa bang pusong hindi wasak?
Basahin
Chapter: Chapter 13
Nahinto ang bangka sa isang tahimik na bahagi ng dagat.Maging ang ingay ng makina ay tuluyang nawala, kaya mas malinaw kong narinig ang paghampas ng maliliit na alon sa gilid ng bangka.Unti-unti ring kumalma ang ibang turista matapos ang biglang pag-uga kanina.Ngunit ako...Hindi ko magawang kumalma.Nananatili pa rin ang kamay ni Tobias sa baywang ko.Hindi niya agad inalis ang pagkakahawak niya.Marahil ay hinihintay niyang maging stable muna ang bangka bago niya ako pakawalan.Ilang segundo ang lumipas bago siya dahan-dahang bumitaw.Agad akong napaatras nang kaunti at inayos ang sarili ko.Napatingin ako sa dagat upang itago ang pamumula ng mukha ko.Sa harapan namin, makikita ang malawak na karagatan na halos walang katapusan. Sa di-kalayuan ay may maliliit na bangkang nakahimpil, habang ang mga isla sa paligid ay napaliligiran ng malinaw na tubig.Napangiti ako.Ang ganda.Ito talaga ang gusto kong makita.Hindi ko na napansin na napalapit na pala si Tobias sa tabi ko. Tahimi
Huling Na-update: 2026-10-08
Chapter: Chapter 12
Hindi pa rin ako makapaniwalang mabilis niya akong naagapan bago pa tuluyang umalis ang bangkang sinasakyan namin. Nanatiling nakaawang ang labi ko sa gulat.Maging ang tour guide ay gulat na gulat din sa biglaang pagsulpot ni Tobias.Nanatiling matalim ang mga mata ni Tobias habang nakatingin sa akin. At saka padarag na umakyat sa bangkang sinasakyan namin. He looked really mad, his eyes were sharp and dark.Pinanood ko siyang inilapag ang bag namin kung saan naroon ang mga gamit namin. Napasimangot ako, napagtanto kong hindi ko nga pala nadala iyon.Padabog niyang inilapag sa upuan ang malaking bag. Ngunit nagbigay siya roon ng espasyo."Sit," turo niya sa bakanteng upuan, ni hindi niya ako matingnan sa mga mata.So, galit nga talaga siya?Pakialam ko sa galit niya. Mas galit ako sa kaniya.Napairap ako at padabog na naupo sa upuan. Hindi niya pinansin ang pagsusungit ko.Sa halip, tahimik lamang siyang umupo sa kabilang bahagi ng bangka. Nakapako ang tingin niya sa dagat habang mah
Huling Na-update: 2026-10-07
Chapter: Chapter 11
"Let's just say that we're both living in a different world," makahulugang wika pa ni Tobias. "What do you mean?" nagtatakang tanong ko. He clenched his jaw and avoided my eyes. "Sa tingin ko ay hindi na dapat nating pag-usapan iyan, Ma'am Chiara," matigas na wika niya. Naikagat ko ang ibabang labi ko. Masyado ba akong madaldal? Sabagay, hindi ko naman kailangang alamin iyon. Wala rin naman akong pakialam sa kaniya. "Yeah, you're right. Let's just keep up with our business," ani ko pa at napairap. Nauna akong naglakad at nilampasan siya. Anong business namin dito? Eh, hanggang ngayon ay hindi pa kami nakakapagtalik? Ngunit may punto siya. Mahaba pa naman ang panahon. Habang nandito pa kami, mas mabuti na sigurong huwag kong sayangin ito. Maaga pa akong gumising para mag-ayos. Hindi ako makapaghintay sa tour na tinutukoy ng tour guide kahapon. Sa sobrang excited ko ay buong gabi kong pinag-isipan iyon. Inasahan kong tulog pa si Tobias paglabas ko sa banyo. Nagula
Huling Na-update: 2026-09-14
Chapter: Chapter 10
Tuloy-tuloy ang lakad ko. Ngunit hanga ako na nagawa pa rin ni Tobias na pantayan ang lakad ko. Hindi ko alam kung mabilis lang ba talaga siyang maglakad o sadyang pinagpala lang siya ng mahahabang biyas."Ma'am, may island tour po kami. Baka gusto niyo pong sumali sa amin bukas."Napalingon ako sa isang lalaking nakangiti habang namimigay ng flyers sa mga turista."Island tour?" ulit ko."Yes, Ma'am. May snorkeling, sandbar, at sightseeing po."Bahagya akong napatigil. Mukhang masaya iyon.Mahilig pa naman akong maglibot at makakita ng mga bagong lugar.Iniabot sa akin ng lalaki ang flyer. Namumula pa ang pisngi nito at nahihiyang ngumiti sa akin. Hindi ko na lamang iyon pinansin at tinanggap na lamang ang flyer.Agad kong tiningnan iyon. Naramdaman ko si Tobias sa likuran ko, bahagya ring sinilip ang flyer."You want us to come?" tanong niya bigla sa akin.Napalingon ako sa lalaking namimigay ng flyer kanina. Kita ko ang pagkakamot niya sa ulo; mukhang dismayado ang mukha niya."U-u
Huling Na-update: 2026-09-12
Chapter: Chapter 9
Naligo ako sa dagat. Tobias was merely watching me swim, he never took his eyes off me. Ramdam ko ang madilim niyang titig sa akin, lalo na sa katawan ko. Hinubad ko na ang nakatakip sa katawan ko. Tanging one-piece swimsuit na lamang ang suot ko ngayon.I was in the middle of swimming when I suddenly stopped. Nakita ko ang babaeng lumapit kay Tobias. Nakaupo siya at bahagyang yumuko. May ibinulong ang babae sa kaniya. Buong akala ko ay magtatanong siya ng direksiyon, ngunit nagulat ako nang bigla siyang dumapa sa telang hinigaan ko kanina. Iniabot niya kay Tobias ang lotion.My head suddenly boiled. Napaiwas ako ng tingin sa kanila. Tinalikuran ko sila at lumangoy pa nang mas malalim, palayo sa kanila para hindi ko na sila makita nang maayos. Sumisid ako sa dagat at nagtagal ako roon.Mabuti na lang at malinaw ang tubig. I'm also an expert swimmer, kaya marunong akong magkontrol ng pagpigil ng hininga ko sa ilalim ng tubig.I'm adventurous. Mahilig ako sa kalikasan. Na-e-enjoy kong m
Huling Na-update: 2026-09-11
Chapter: Chapter 8
Kung ano man ang dahilan ng pagkaaksidente niya, hindi na ako nag-intriga pa. Even though I want to ask more about him."I'll sleep on the couch. And then you sleep in bed," wika niya bigla sa akin. Agad siyang tumayo."Why? We can share a bed. Ang lapad nito," offer ko pa sa kaniya.Ngunit napailing siya. "N-no..." paos na tanggi niya. "My dick won't behave if that happens," walang prenong sabi niya.Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Akala ko ba walang sex?" ngisi ko."Yeah. Pero baka hindi ko, Ma'am. Ayokong isipin ng asawa mo na ginagapang kita kahit hindi mo gusto at hindi ka pa handa," magalang na sagot niya. Napangiwi ako.Nagawa niya pa talagang isingit si Alejandro na wala namang pakialam sa akin."Bahala ka," tanging nasabi ko at nagkibit-balikat. "You want to come with me?""Lalabas ka?" tanong niya sa akin.Napatango ako. "Oo. Maliligo sa dagat. If you won't fuck me here, gagawa ako ng bagay na pagkakaabalahan ko. Pag-iisipan ko pa ang sinabi mo," sagot ko pa. Mukhang nawi
Huling Na-update: 2026-09-10
Father, Father, My Gigolo

Father, Father, My Gigolo

Matapos masawi sa pag-ibig, naniwala si Beatrice na gigolo ang kailangan niya para makalimot. Sa isang gabi ng kahinaan, pinili niya ang isang misteryosong lalaki—matangkad, gwapo, may nakakabighaning mga mata, at isang katawan na kayang magpawala ng lahat ng kaniyang iniisip. One night turned into a week. A week turned into a month. Hanggang sa isang araw, bigla na lamang itong nawala. Hindi na sumasagot sa mga tawag at mensahe niya. Doon niya napagtanto ang masakit na katotohanan— She had been ghosted by her own gigolo. Ngunit nang muli silang magkita, halos tumigil ang mundo ni Beatrice. Dahil ang lalaking binayaran niya para aliwin siya sa gabi… Ay nakatayo sa harap ng altar. At kasalukuyang nagdaraos ng misa. The gigolo she hired… was a priest.
Basahin
Chapter: Chapter 5
I woke up in bed with a heavy feeling. Ngunit sinubukan ko pa ring bumangon dahil may photoshoot pa kami.Binasa ko ang pagpapalitan ng mensahe namin ni Blyte kagabi. Iyon na iyon, wala nang kasunod kinabukasan. Ni hindi niya pa sinend sa akin ang bank account niya.Me: Paki-send na iyong bank account mo para mabayaran kita.Pagka-send ko no’n, nagsimula na ako sa trabaho. Habang nasa kalagitnaan kami ng photoshoot, natigilan ako nang makita si Manuel kasama ang babae niya. Sikat na modelo iyon, habang si Manuel naman ay isang kilalang artista. Ibinalewala ko lamang sila.But every time that I’m trying to do my job, napapalingon ako sa hagikhik ng babae. My heart hurts. How can they act like nothing happened? Na para bang hindi nila ako sinaktan.“Uuwi ka na, Beatrice? Ayaw mo bang uminom muna sa bar?” tanong ng kasama ko.“Aalis na ako. May pupuntahan pa ako,” sagot ko habang nagliligpit ng mga gamit ko.“Ganoon ba? Sayang naman!” wika pa ng kasama ko.Tahimik akong umalis. Habang na
Huling Na-update: 2026-09-14
Chapter: Chapter 4
Pagkapasok ko sa building, agad akong sinalubong ng malamig na hangin mula sa air-conditioning. Malinis ang lobby, makintab ang sahig, at may malaking digital directory sa gilid na puno ng iba’t ibang pangalan ng mga kumpanya.Kaya lalo akong nakampante. See? Legit naman.Tinungo ko ang elevator at pinindot ang floor na sinabi sa akin sa message.Pagbukas ng elevator, isang mahabang hallway ang bumungad sa akin. Tahimik. Halos wala akong makitang ibang tao.Napatingin ako sa cellphone ko. Veloura Studios — 12th Floor.Ang layo naman! ‘Di ba dapat malapit ito para hindi mahirapan ang mga modelo niya?Sinundan ko ang direksyong ipinadala sa akin hanggang sa makita ko ang isang malaking glass door na may nakasulat na VELÓURA CREATIVE STUDIO.Napangiti ako. Mukhang professional talaga.Pagpasok ko, isang lalaking suot ang pormal na damit ang sumalubong sa akin.“Beatrice?” tanong niya sa akin.Napatango ako. “Yes, ako iyon.”“You’re the model scheduled for tonight?”“Yes.”“Come on. The p
Huling Na-update: 2026-09-14
Chapter: Chapter 3
Magtatanong pa sana ako nang biglang kumatok sa pinto namin. Napatingin ako roon. Maya-maya pa’y biglang tumunog ng selpon ko. Napatingin ako roon at nabasa ko ang mensahe mula sa katrabaho ko. Nagmamadali kong inabot ang card ko sa gigilo ko. “I need to go. Here’s my number, contact me kung magkano ang kailangan mo. And also, wait for my next contact with you,” wika ko pa habanh pinupulot ang heel ko at isinuot iyon. “What’s this for?” nagtatakang tanong niya habang hawak-hawak ang card ko kung saan naroon ang numero ko. “For payment, of course. Hindi naman libre na maging gigolo kita,” wika ko pa sa kaniya. Kita ko ang pag-awang ng labi niya. He qas about to say something but he suddenly shut his mouth. A smile suddenly rose up from his lips. Napakurap ako dahil agad din naman iyong nawala. “Okay,” simpleng wika niya at ibinulsa ang binigay ko sa kaniya. “Good. Now, I have to go,” wika ko pa. “I’ll come with you. Ihahatid na lang kita. Aalis na rin naman ako,” ani pa niya.
Huling Na-update: 2026-09-14
Chapter: Chapter 2
Pinahiga niya ako sa kama. Hindi pa man ako nakapag-aayos sa pagkakahiga nang bigla niya akong dinaganan. He began to kiss my neck until it went down to my breast. "A-ah..." I moaned loudly. He didn't leave my breast feeling lonely. Patuloy siya paghalik sa tuktok habang ang daliri ay nilalaro-laro ang tuktok ko. I don't know where to focus, both are demanding. May lalo kong nagliyab nang maramdaman ko ang halik niya na bumaba patungong tiyan ko hanggang sa napunta ito sa gitna ko. Unti-unti niyang tinanggal ang lingerie ko. Hindi pa man ako nakabwelo nang bigla niyang sinisid iyon. My body automatically trembled, not because of the felt but a different sensation embracing my body. His tongue hardened while licking me. Hindi ko alam kung saan kakapit, nanginginig ang katawan ko sa kakaibang sensasyon. I can't believe it. In my entire life I've never experienced this kind of pleasure. Kakaiba ito. Nakakabaliw. Nakakawala sa sarili. Hindi ko na makilala ng sariling boses ko. Pilit k
Huling Na-update: 2026-09-14
Chapter: Chapter 1
Wala na palang mas sasakit pa kapag mahuli mo ang boyfriend mo na may ibang babae.My heart shattered as I walked through the hallway. Nasa pinakaloob na ako ng bar. I had decided to hire a gigolo.Gusto kong patunayan kay Manuel na kaya ko ring gawin ang ginagawa niya. Before I broke up with him, his words were like daggers to me. Kesyo masyado akong conservative, walang dating, mukhang manang manamit, at hindi raw ako kaakit-akit.Maybe he said that because he couldn't handle the fact that I rejected him every time he asked for sex.Pero noong handa na sana akong ibigay ang sarili ko sa kaniya, nahuli ko siyang nagpapakasaya sa piling ng ibang babae.Kaya kung kaya niya, kaya ko rin."Pasok lang po, Ma'am. Narito na po ang gigolo na mag-aaliw sa inyo ngayong gabi," nakangising sabi ng babaeng nag-alok sa akin nito."Pasok lang po, Ma'am. Papasok lang po rito iyong gigolo na aaliw sa 'yo ngayong gabi," ngisi ng babae na nag-offer sa akin na gawin ito. "S-salamat," utal na wika ko.
Huling Na-update: 2026-09-14
Maaari mong magustuhan
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status