LOGINTinulungan ni Papa si Mama na magsimula ulit. At doon nagsimula ang kuwento nilang dalawa."P-patawarin mo ako, anak. Nilihim ko sa 'yo ang lahat ng ito..." nanginginig na wika ni Mama sa akin. "N-noong nalaman kong anak ni Sandra si Axel, gusto ko kayong paghiwalayin. Ayokong matulad ka sa akin."Napahinto siya sa pagsasalita."A-ang hirap lang kasi..." Napatigil siya habang kinakagat ang ibabang labi, pilit na pinipigilan ang pag-iyak."K-kasi nakikita ko si Axel kay Larex noon. Kung paano niya ginagawa ang lahat para sa 'yo. Kahit anong tulak mo sa kaniya, hinahanap ka pa rin niya."Napayuko si Mama."Ganoon kasi si Larex sa akin dati."Hindi ko alam kung bakit, ngunit mas lalo akong nakaramdam ng kirot sa dibdib."M-mahal ko ang Papa ninyo," patuloy niya. "Pero minsan, naiisip ko lang talaga si Larex. Noong nalaman kong naospital siya, hindi ko maiwasang mag-alala."Napatingin ako sa kaniya."Kaya ba siya humingi ng pabor kay Axel na dito sa ospital magpagamot?" tanong ko.Napatan
Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari.Nahanap ko na lamang ang sarili ko na nasa labas ng silid ni Sir Larex, katabi si Mama. Ngunit pareho kaming tahimik. Ni isa sa amin ay walang naglakas-loob na magsalita.Samantala, naiwan naman sa loob sina Ma'am Sandra at Axel.Hindi ko alam kung paano ko napilit si Axel na manatili sa tabi ng kaniyang ama. Kanina lamang ay ayaw pa niyang gumalaw. Mas gusto na lamang niya akong ilayo roon, marahil dahil hindi na niya kayang makita akong muling masaktan ng kaniyang ina.Ngunit alam kong kailangan siya ni Sir Larex.At kahit gaano kasakit ang lahat, hindi ko kayang ipagkait sa kaniya ang pagkakataong makasama ang kaniyang ama.Napasulyap ako kay Mama.Tulala siya habang nakatitig sa pintuan ng silid. Para bang naroon pa rin ang lahat ng alaala ng nakaraan, naghihintay lamang na muling bumalik sa kaniya.Marami akong gustong itanong.Marami akong gustong malaman.Ngunit masyado akong natatakot sa mga sagot na maaari kong marinig mula s
Halos sabay-sabay kaming napasinghap sa loob ng silid.Napatingin ako kay Axel. Seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa kaniyang ina."You have no right to hurt Ezrha. How dare you hurt the woman I love, Mom?" bumasag ang boses ni Axel nang sabihin iyon.Napalingon sa akin si Axel. He wiped my tears when he saw them rolling down my cheeks.Ang kanina'y seryosong mga matang ipinukol niya sa kaniyang ina ay agad na lumambot nang ibaling niya ang tingin sa akin.At sa pamamagitan ng titig na iyon, nakilala ko ang lalaking mahal ko.Ang lalaking ni minsan ay hindi nagtaas ng kamay sa akin. He never shouted at me. Hindi niya ako kailanman sinaktan, kahit sa mga panahong pareho kaming nasasaktan at hindi nagkakasundo.Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan namin, hindi niya kailanman ginamit ang galit niya para saktan ako.At ngayon, habang nakatingin siya sa akin, muli kong naramdaman ang pagmamahal na matagal ko nang hinahanap.Ang pagmamahal na kahit anong pagtulak ko sa kaniya palayo ay g
"You're too busy deciding what's best for me. Pero ni hindi mo man lang naisip ang nararamdaman ko. Kung ano talaga ang gusto ko," dagdag ni Axel. Ramdam ang matinding hinanakit sa kaniyang boses."Axel, hindi mo ako naiintindihan," wika ni Ma'am Sandra habang sunod-sunod na napapailing. "She's the curse in our family, Axel. Siya at ang ina niya.""Kaya ba nagawa mong tangkaing saktan ang buhay niya? Kaya ba pati ang anak ko, idinamay mo sa galit mo sa kaniya?"Natigilan si Ma'am Sandra."Anak, hindi mo alam ang buong kuwento—""Then tell me! Ano ba ang ginawa nila sa pamilya natin para ituring mo silang sumpa? At bakit kailangang si Ezrha ang magdusa sa lahat ng iyon?"Hindi agad nakasagot si Ma'am Sandra. Napatingin siya kay Mama, na nanatiling nakayuko habang tahimik na umiiyak."Mom, look at me. I want the truth. Hindi na ako bata para pagtakpan mo ang lahat sa pamamagitan ng pagsasabing ginagawa mo lang iyon para sa ikabubuti ko."Napahigpit ang hawak ni Axel sa kamay ko."Kung m
"A-anak..." utal na wika ni Ma'am Sandra nang makita ang anak niyang si Axel.Mula sa kaniya ay nalipat ang tingin nito sa akin. Ngunit unti-unting nawala ang takot na nararamdaman ko nang maramdaman ko ang mainit na kamay ni Axel sa aking baywang.Napalingon ako sa kaniya.Marahan niya akong hinila patungo sa likuran niya bago taas-noong hinarap ang kaniyang ina. Para bang ipinapakita niyang hindi niya hahayaang lapitan ako ni Ma'am Sandra, lalo na kung may balak itong saktan ako."S-sabi mo sa akin, tanggap mo na ang lahat. Ano iyon, Mommy? When you said that you felt sorry for me because Ezrha and I broke up, pagpapanggap mo lang ba ang lahat? None of those were true?" hindi makapaniwalang tanong ni Axel.Ramdam na ramdam ko ang hinanakit sa kaniyang boses."A-Axel, makinig ka..." ani Ma'am Sandra.Sinubukan niyang lumapit sa anak, ngunit agad itong napaatras.Kasabay niyon ay ang paghigpit ng hawak ni Axel sa kamay ko. Para bang nais niyang tiyaking hindi ako maaabot ng kaniyang i
Umalingawngaw ang malakas na sampal na iginawad ni Mama kay Ma'am Sandra. Napasinghap ako sa nakita. "Huwag mong idadamay ang anak ko rito, Sandra!" sigaw ni Mama sa kaniya. Napalingon ako kay Sir Larex. Bahagya siyang gumalaw, tila unti-unti na ring nagigising dahil sa dalawang babaeng nagbabangayan sa tabi ng kaniyang hospital bed. "Bakit hindi ko idadamay ang anak mo? He stole my son from me! I was trying to push her away, pero sadyang matigas ang ulo niya. Sa tuwing makikita ko siya, ikaw lang ang naaalala ko. Naalala ko ang kalandian mo! At alam ko kung ano ang puno, ganoon din ang magiging bunga. Kaya hindi ako magtataka kung bakit ganiyan na lamang kadesperada ang anak mo sa anak ko!" Para akong nawalan ng lakas sa narinig. Ngayon, mas lalo kong naintindihan ang lahat. Ang galit na hindi kayang pigilan ni Ma'am Sandra. Ang hinanakit na matagal na niyang kinikimkim. Ako ang naging puntirya ng lahat ng iyon, kahit ang totoo, nadamay lamang ako sa galit niya kay Mama. Kung

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





