LOGINHAVENMakalipas ang ilang arawm..nasa opisina ako nang hapong iyon, nakaupo sa likod ng mesa habang nakaharap sa ilang dokumentong kailangang pirmahan. Sinubukan kong ituon ang isip ko sa trabaho, pero kahit anong gawin ko ay bumabalik pa rin sa akin ang mukha ni Amber at ang huling mensaheng ipinadala ko sa kaniya. Alam kong galit siya sa akin. Pero wala na akong magawa pa dahil gusto ko lang naman protektahan siya pati na ang pamilya niya mula sa pamilya ko.“Sh1t,” sabi ko sabay hawak sa ulo. Wala akong maintindihan sa binabasa ko.Bumukas ang pinto ng opisina at pumasok si Grace. Agad akong napatingin sa kaniya dahil hindi ko siya inaasahan sa oras na iyon.“Haven, gusto mo bang makita si Amber?”Agad akong napatingin sa kaniya.“Oo. Pero paano?”Hindi na siya nagpaligoy-ligoy at lumapit sa mesa ko.“Kung talagang gusto mong makita siya, sumakay ka sa sasakyan ko. Huwag mong gamitin ang sarili mong sasakyan dahil baka sundan ka ng mga tauhan ng Daddy mo. Hindi ko alam kung hanggan
HAVENNasa loob ako ng kuwarto at nakaupo sa gilid ng kama habang tahimik na nakatingin sa labas ng bintana. Isang linggo na rin ang lumipas mula nang mangyari ang kasal. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na kailangan kong tawaging asawa si Marga. Wala akong ibang iniisip kun'di si Amber. At isipin kung kumusta na siya matapos kong iwan nang walang maayos na paliwanag. Alam kong nasaktan ko siya. Pero wala akong ibang paraan noon para maprotektahan ang pamilya niya mula sa banta ni Daddy.Bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Marga. Kakapaligo lamang niya at nakabalot ang isang tuwalya sa katawan habang isa pang tuwalya ang gamit niya sa pagpapatuyo ng buhok. Lumapit siya sa salamin at inayos ang sarili, ngunit napansin kong paminsan-minsan ay palihim siyang tumitingin sa direksyon ko.Hindi ko siya pinansin.Mayamaya, sinadya niyang lumapit sa akin. Nang nasa harapan ko na siya, bigla niyang hinayaan ang tuwalyang nakabalot sa katawan niya na mahulog sa sahig.Napa
AMBERMakalipas ang isang linggo, nagpasya akong umuwi muna sa amin at doon magpalipas ng isang araw. Ilang araw ko na ring gustong makita sina Mama at Noah dahil pakiramdam ko, kailangan ko munang lumayo sa lahat ng bagay na nagpapaalala sa akin kay Haven. Hindi naman tuluyang nawala ang sakit, lalo na dahil wala pa rin akong malinaw na sagot mula sa kaniya. Pero kahit papaano ay natutunan ko nang hindi na araw-araw na tingnan ang cellphone ko para lang maghintay ng panibagong mensahe.Pagdating ko sa bahay, abala si Mama sa maliit naming negosyo. May ilang pagkain na nakahanda sa mesa at may mga customer na nakaupo sa labas, kaya agad akong tumulong kahit sinabi niyang kakarating ko pa lang at magpahinga muna ako. Ngumiti ako at sinabi sa kaniya na ayos lang ako. Pero alam kong hindi siya lubos na naniniwala dahil ilang beses niya akong tinitigan na parang may gusto siyang itanong.Nang tuluyang matapos ang mga ginagawa namin, nakaupo kaming dalawa sa loob ng bahay habang si Noah na
AMBERHalos maibato ko ang cellphone ko sa sobrang inis nang makita ko ang reply ni Haven. Sa dami ng mensaheng ipinadala ko sa kaniya, sa dami ng tanong ko at sa ilang araw kong paghihintay, iyon lang ang kaya niyang sabihin sa akin. I'm sorry? Dalawang salita lang, pero wala man lang paliwanag kung bakit niya ako iniwasan, kung bakit hindi niya sinagot ang mga tawag ko at kung bakit niya ako hinayaang malaman mula sa social media na ikinasal na siya kay Marga.“I'm sorry? Iyon lang talaga? Putanginá mo, Haven!” galit kong sigaw.Mahigpit kong hinawakan ang cellphone ko at ilang beses kong binasa ang mensahe. Gusto kong tawagan siya ulit, gusto kong tanungin kung ano ba talaga ang ibig niyang sabihin. Pero natatakot akong baka hindi na naman niya sagutin ang tawag ko. Mas lalo akong nainis sa sarili ko dahil kahit ganito na ang ginawa niya sa akin, umaasa pa rin akong may maayos siyang paliwanag.“Putanginá mo, Haven! Hay0p ka! Mamaga sana tite mo! Galisin sana yang bayág mong tangin
AMBERAbala ako sa pagpupunas ng mga mesa nang lumapit sa akin si Nico. Kanina pa ako tahimik na nagtatrabaho at halos wala akong ibang ginagawa kun'di ituon ang sarili ko sa bawat gawain. Para hindi na naman mapunta kay Haven ang isip ko. Ilang segundo niya akong pinagmamasdan bago siya tuluyang nagsalita.“Amber, paano mo nga pala nakilala si Mr. Villamor? Kahapon kasi nakita kitang kausap niya nang matagal. Mukhang komportable naman siya sa iyo kaya naisip ko kung matagal mo na ba siyang kilala,” wika ni Nico.Napatingin ako sa kaniya at bahagyang kumunot ang noo.“Mr. Villamor? Sino?”Napangiti si Nico dahil mukhang hindi ko talaga alam kung sino ang tinutukoy niya.“Yung kausap mo kahapon. Hindi mo ba alam kung sino siya?”Bigla kong naalala ang lalaki at tumango.“Ah, si Sir Jefferson.”“Oo, si Mr. Jefferson Villamor. Hindi mo ba talaga siya kilala? Sobrang yaman ng taong iyon. Siya ang may-ari ng Villamor Global Holdings at isa iyon sa pinakamalaking business groups. Malalaki
JEFFERSONMatapos naming mamili sa mall, hinatid ko na si Amber pauwi sa apartment niya. Habang nasa biyahe kami, panay ang pasasalamat niya dahil sa mga damit na binili ko para sa kaniya. Ilang beses pa niyang sinabi na sobra na iyon at hindi ko na sana kailangang gumastos. Pero nginitian ko lang siya dahil wala naman akong pagsisihan sa ginawa ko. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit gusto kong mapasaya siya kahit ngayon ko pa lang siya nakikilala nang mas mabuti.Pagdating namin sa apartment, agad siyang bumaba at kinuha ang mga shopping bag na dala namin. Bago siya tuluyang pumasok sa building, humarap siya sa akin at ngumiti.“Maraming salamat po, Sir Jefferson. Sobra-sobra na po ito. Hindi ko talaga alam kung paano ako makakabawi sa inyo dahil ang dami n’yo nang ginawa para sa akin kahit kakakilala lang naman natin.”Ngumiti ako sa kaniya at bahagyang umiling.“Wala kang kailangang ipagpasalamat nang sobra, Amber. Masaya akong nakilala kita at gusto ko lang naman na makatulong s







