“Hoy, Mariz! Ang aga-aga, daldal ka na naman!” sigaw ni Aling Berta mula sa kusina habang nag-aayos ng almusal.
Ayun na. First thing in the morning, sermon agad. Pero syempre, hindi pwedeng mawalan ng energy si Mariz a.k.a ako. Ang motto ko sa buhay, Kung hindi mo kayang maging maganda, edi manggulo ka nalang, at least mapapansin ka pa rin. “Nay Berta, positive vibes lang tayo, baka malas kapag tahimik ako sa umaga!” sagot ko habang todo linis sa sala. “Kung hindi ka lang bago rito, baka nasandok na kita.” Napangiti ako. Ganyan kami ka-sweet dito. Everyday may threat, pero with love. Nagwawalis lang ako nang biglang… muntik na akong mabangga. As in literal na face-to-chest collision. At hindi lang basta dibdib kundi dibdib na naka-mamahaling suit, may hawak pang briefcase na parang mas mahal pa sa tuition ko nung college, kaya di ko na itinuloy. “Oh my gosh! Sorry po, Sir!” halos matapon ko yung basurahan sa kamay ko. Dahan-dahan siyang tumingin mula sa cellphone niya. Nakakunot ang noo, malamig ang mga mata, at ang panga niya… Diyos ko, ang panga niya parang kayang maghiwa ng mansanas. “Next time,” malamig niyang sabi, “look where you’re going.” Opo, next time iiwas na ako sa inyo kasi baka tuluyan akong matunaw sa titig niyo, Sir. Pero syempre, smile lang ako. Kasi hello, baka matanggal agad ako sa trabaho kung nagtaray ako. Pangalawang araw ko palang, no? Si Boss? nakwento na sakin ni Ate linda kagabi lahat ng tungkol kay Sir Gabriel “Gabe” Alcantara. Thirty-five. CEO ng isang malaking kumpanya. Mayaman. Suplado. At base sa tsismis ng mga kasambahay dito, allergic daw sa commitment. Parang sa kanya, mas okay pa ang spreadsheet kaysa sa girlfriend. At eto na nga. Ako bilang bagong maid, at officially nasa territory ng isang lalaking mukhang mas gusto pang makipag-usap sa calculator kaysa sa tao, need ko daw mag behave.. Parang di ko keri! Habang nag iisip nga ako ng kung ano ano ay napansin ko si Sir na naupo sa dining area kaya naman agad ko siyang nilapitan. “Good morning, Sir Gabriel!” bati ko, pilit ginawang parang TV commercial ang boses ko. “Kape po? Para fresh and alive!” Nakaupo lang siya sa dining table, di man lang ako nilingon. “Sir Gabe nalang, and for Coffee? Black. No sugar.” walang emosyon nitong sabi. Habang nagtitimpla ako ng kape, napa-bulong ako, “Parang pag tinitigan ako nito, mabubura ako sa mundo. Baka ma-possess ako bigla.” “What?” biglang tanong niya, malamig pa rin ang boses. Patay kang bata ka, narinig niya. Mabilis akong ngumiti. “Ah, sabi ko po… ang pogi niyo, Sir!” Tahimik siya. Walang reaction. Nakatitig lang sa akin. Expressionless. Ito na ba yung sinasabi nilang titig ng lalaking hindi mo alam kung bibigyan ka ng bulaklak o death certificate? “Don’t waste my time on nonsense,” sagot niya finally, tapos binuksan na ang laptop. Napakagat-labi ako. Wow. Gwapo na, suplado pa. Complete package. Parang cellphone na walang load useless kung hindi makakausap. Pinilit kong hindi mainis at nagsimulang mag-serve ng breakfast. Omelette, bacon, tapos may konting fruits pa. “Sir, kumain na po kayo. Sabi ng mga doktor, importante ang breakfast para healthy ang katawan.” “Coffee is enough,” sagot niya, hindi man lang nagtaas ng ulo. “Eh paano po yung abs niyo?” nabulalas ko bigla. Napatingin siya sa akin, mabagal, parang nananadya. “Excuse me?” Shocks, Mariz, ano ba sinasabi mo! Brain, bakit mo ko sinabotahe? Ngumisi ako, pilit. “Eh kasi po… kapag hindi kayo kumain, baka mawalan kayo ng energy. Eh sayang naman… yung abs. Char.” Pinanood niya ako sandali, tapos umiling lang. “You talk too much.” At ikaw naman, talk too little. Balance lang tayo, Sir. Pagbalik ko sa kusina, hindi ko mapigilang ngumiti. Ang sungit niya sobra, pero may kakaiba. Parang lahat ng tao sa bahay natatakot sa kanya, pero ako? Hindi ko alam kung matatakot ba ako o matutuwa kasi mukha siyang challenge. After a few minutes, lumabas siya ulit ng dining room, suot pa rin yung serious face niya na parang board meeting every second ng buhay. Nakasunod ako bitbit yung jacket niya. “Sir, jacket niyo po. Baka malamigan kayo sa office.” He stopped. Tiningnan ako. Then, with a sigh, kinuha niya yung jacket. “Next time, wag kang masyadong..” “Maganda?” singit ko, sabay kindat. Napahinto siya. Tapos dumiretso na lang palabas. Iniwan akong natatawa mag-isa. Aba, kinindatan ko na yung boss ko. Lord, baka bukas wala na akong trabaho!(MARIZ POV) Minsan iniisip ko, kung may award para sa pinaka-maingay na maid sa buong Maynila, malamang ako na ‘yon. Medyo nabubulabog ko na daw kasi itong tahimik na mansyong ito, grabe? dinaig ko na ba speaker nyan? Habang nagpipirito ako ng tuyo sa kusina, aba eh kumakanta pa ako ng theme song ng isang lumang telenovela na hindi ko naman masyadong kabisado. “ Kung ako na lang sana ang iyong minahal...” sabay kurot kay kawali dahil feeling ko partner ko siya sa duet. “Ay, Diyos ko, Mariz! Umaga pa lang, sakit na ng ulo ko!” sigaw ni Aling Berta habang pumipilipit ang ilong sa amoy ng tuyo. Napangisi ako. “Eh, Aling Berta, sabi nga nila, music is life. Baka sakaling lumambot ang ugat n’yo kung madalas kayong makinig ng magandang boses.” “Magandang boses?!” Halos mabasag ang sandok niya sa mesa. “Kung magandang boses ‘yan, edi sana sumikat ka na, hindi nandito nagpiprito ng tuyo!” Tumawa ako, hindi dahil napikon ako, kundi dahil sanay na ako sa mga banat niya. Deep inside, ala
(GABRIEL'S POV) Tahimik ang buong mansyon. Ang tipong katahimikan na sanay na akong kasama walang ingay, walang istorbo, walang kalat. Pero nitong mga nakaraang araw, parang nagkaroon ng sariling ugong ang mga dingding. At ang pangalan ng ugong na iyon... Mariz. Kung saan siya dumaan, laging may kaluskos. Kung hindi naglalaglag ng tsinelas, sumisigaw ng, “Ay, aray!” dahil natapilok sa sarili niyang paa. Kung hindi kumakanta ng sintunado habang nagwawalis, kinakausap ang walis mismo. At ang mas nakakainis? Nadarama kong inaabangan ko ang ingay na iyon. Kanina, habang nakaupo ako sa opisina ko, dinig ko mula sa kusina ang boses niya. “Uy, Walis Tambo, ikaw na naman ang kasama ko. ‘Wag ka na magsungit ha, kasi naiinis na ako sa pagsusungit ni Coloring Book. Kala mo naman kung sino e parehas lang namin kaming katulong” Coloring Book. Napakunot noo ako. Hindi na kailangan ng imahinasyon para matukoy kung sino iyon, dahil alam kong ang tinutukoy niya ay si Gisiell. Si Gisiell tatl
(MARIZ POV) “Mariz! Ikaw na naman ang inuutusan ni Ate Linda? Baka mapagod ka,” si Aling Berta iyon, sabay abot ng tuwalya habang pawis na pawis akong nagpunas ng sahig sa gilid ng hallway. Napangiwi ako. “Ay, naku ‘Nay Berta, sanay na ‘to. Para ngang exercise lang, oh.” Nagpa-split ako ng konti, kunyari gymnast. Syempre, napahagalpak ng tawa si Ate Linda na katabi niya. “Susmaryosep, babae! Baka mabalian ka diyan,” sabay kamot sa batok ni Aling Berta. “Eh ano naman, Nay? Libre therapy din ‘to. Tsaka baka pag nakita ako ni Sir Gabe, isipin niya sporty ako. Ay wow, plus ganda points,” pabiro kong sagot, sabay kindat. “Ambisyosa!” sigaw ni Ate Linda na natatawa. “Hoy, maid ka lang dito, huwag kang umasa na mapapansin ka ng amo natin.” Napapout ako. “Eh, ewan. Malay niyo, ako pala ang susunod na leading lady sa teleserye niya.” Nagtawanan silang dalawa, at habang busy pa kami sa tawanan, biglang bumukas ang pinto ng library. At doon, lumabas ang tao na ayaw kong makita habang paw
(GABRIEL'S POV)There are two things I hate the most distractions and… well, distractions in human form.Guess who?Exactly.It’s seven in the morning, and I’m already seated at my office desk in Alcantara Holdings, with a pile of contracts demanding my full attention. Normally, I thrive in this numbers, proposals, negotiations. My world is supposed to be black and white. Clear. Predictable.But right now, it’s a complete mess.Because instead of numbers, all I see is her face.That ridiculous maid.Mariz.She almost fell on the staircase last night. Kung hindi ko siya nasalo, baka headline na sa tabloids ngayon “Alcantara Household Maid Dead by Tragic Tray Accident.”And yet, instead of moving on like a normal, functioning adult, here I am, replaying the scene over and over again.Her eyes wide, startled, parang tupa na hinabol ng lobo. Yung kamay ko, mahigpit sa braso niya. Mainit ang balat niya. Soft. Too soft.Damn it.I shake my head and force my attention back to the document in
(MARIZ POV)Kung teleserye lang ang buhay ko, swear! Yun na yung slow-motion moment ko.Imagine nakatapak na ako sa hagdan, dala ang tray, then boom! muntik na akong sumemplang, pero ayun siya si bossing, si Sir Gabe, ang supladong walang ngiti, biglang naging knight in shining… polo shirt.As in, nahawakan niya ako. Sa braso. Mahigpit. Mainit. At parang tumigil ang mundo.“Are you okay?” sabi niya.Woaaah, may boses pala siya! Hindi pala automatic “hmp” lang o “focus” lang. At ang soft ng tone. Hindi yung parang teacher na nagagalit kasi wala kang assignment.At syempre, ang lola niyo, napa-“O-opo… I mean, yes, Sir! Okay lang ako. Hindi pa po oras para ma-ospital.”Napakagat ako ng labi habang binabalikan yung eksena. Ay Diyos ko. Sino bang maid ang nagiging leading lady sa ganitong set-up? Ako lang yata.---Pagbalik ko sa kwarto, hindi ako mapakali. Nagpaikot-ikot ako parang turumpo. Nakatitig ako sa ceiling, tapos sa pader, tapos bumagsak ako sa kama, hawak yung unan.“Mariz, wha
(GABRIEL'S POV)Hindi ko alam kung bakit ko siya hinayaan.Kung bakit ko pa tinanggap yung sinangag na niluto niya. Hindi ko naman ugali tumanggap ng kung anu-ano mula sa tao, lalo na sa isang maid na ilang linggo pa lang dito. Pero nang makita ko yung simpleng excitement sa mata niya habang inilalapag yung plato sa harap ko… napakain ako. Walang tanong, walang reklamo.Hindi ko rin maintindihan kung bakit, hanggang ngayon, hindi ko matanggal sa isip ko yung amoy ng bawang at mantika na parang nagmarka sa mesa ko.Get a grip, Gabe.---Kanina sa sala, habang naglilinis siya, naririnig ko yung boses niya kahit hindi ko gusto. Ang kulit. Hindi siya mapakali. Lahat may commentary, kahit ang kausap niya yung sarili niya.“Hay nako, Mariz, ang ganda mo talaga. Parang hindi bagay maglinis. Dapat artista ka na lang.”Narinig ko yun. At bago ko mapigilan ang sarili ko, tinawag ko siya.“Mariz.”Nagulat siya. Bigla siyang tumikhim. “Ano po?”I was about to say focus on your work, pero ang luma