(GABRIEL'S POV)
Madalas kong simulan ang araw ko nang tahimik. Black coffee. Email. Meetings. Walang unnecessary conversations, walang energy wasted. Ganito na ang sistema ko for years predictable, efficient, at above all, controlled. Pero ngayong umaga, hindi ko magawa. Kahit ilang beses kong subukang i-review ang quarterly report ng kumpanya, ang naiisip ko lang ay yung bagong maid na dumating kahapon. Mariz. Kung ibang tao siguro, hindi ko na maalala. Pero siya? She’s… loud. Irritatingly loud. At hindi lang basta maingay sa salita kundi sa presence. Parang kahit wala siyang sinasabi, naririnig ko pa rin ang ingay niya sa utak ko. At hindi ko alam kung bakit. Pumasok ako sa opisina, dala ang laptop at folder ng mga kontratang dapat kong basahin. Sa conference room, nakapila na ang mga managers. Tumango lang ako. “Let’s start.” Pero habang nagsasalita ang isa sa kanila tungkol sa sales projections, bigla kong naalala yung eksena kaninang umaga. ‘Eh paano po yung abs niyo?’ Napapikit ako. Hindi dahil napagod, kundi dahil nainis. Bakit kailangan niyang banggitin yun? At bakit, sa dinami-dami ng sinabi niya, yun ang pabalik-balik sa utak ko ngayon habang nagsu-survive ako sa meeting na ito? Hindi dapat. Hindi ako dapat magpa-distract sa ganito. “Sir, what do you think?” tanong ng isa sa mga manager. Napatitig ako sa projector. Blurry. Hindi dahil sa presentation kundi dahil nakikita ko pa rin ang ngisi ng babaeng iyon. Yung nakakalokong kindat niya bago ako umalis ng bahay. “I’ll review the numbers later,” sagot ko, malamig ang tono. “Meeting adjourned.” Nagulat ang lahat. Karaniwan kasi, umaabot ng dalawang oras ang mga ganitong discussion. Pero ngayon? Sampung minuto lang, tinapos ko. I need silence. Pagbalik ko sa opisina, ibinagsak ko ang ballpen sa mesa. Bakit siya naiiba? Marami na akong nakasama sa bahay mga maids, drivers, staff. Lahat sila, maingat. Tahimik. Halos walang lakas ng loob para makipag-usap sa akin nang lampas sa “opo” at “sige po.” Pero itong si Mariz… parang wala siyang pakialam na ako si Gabriel Alcantara. Para bang tingin niya sa akin… normal na tao lang. At hindi ko alam kung dapat ba akong mainis o… …matuwa. No. Hindi ako natutuwa. Napahawak ako sa sentido. This is ridiculous. Hindi pwedeng makaapekto sa akin ang isang probinsyana na hindi marunong tumahimik. Pag-uwi ko kinagabihan, tahimik ang bahay. Sa wakas, peace. O, at least, akala ko. “Sir! Welcome home!” And there she was. Nakasalubong ko agad sa pinto, nakangiti, parang may banner ng Congratulations, Nakabalik Ka! Napahinto ako. “What are you doing?” “Eh di binabati ko kayo! Sabi nila, importante raw yung warm welcome sa bahay. Para daw stress-free.” Stress-free? Kung stress ang gusto kong iwasan, dapat pinaalis na kita kanina pa lang. “Don’t do that again,” sagot ko, dumiretso na ako sa hagdan. “Copy, Sir! Next time, may pompom na ako!” Napahinto ako sa gitna ng hagdan. Dahan-dahan akong lumingon, at nakita ko siyang nakangiti nang parang wala siyang kasalanan. “Mariz…” malamig kong tono. “Yes, Sir?” “Stop. Talking.” Ngumiti siya, sabay thumbs up. “Roger that! …Pero Sir, gusto niyo bang i-massage yung balikat niyo? Para ma-relax—” “Mariz.” “Okay, okay! Shhh na ako.” Sabay tinakpan ang bibig niya gamit ang dalawang kamay, pero hindi pa rin maitago yung mga mata niyang nagngingitian. I turned away, pero ramdam ko yung ngisi niya kahit hindi ko nakikita. Sa kwarto, binuksan ko ang laptop at pilit nagbasa ng report. Pero ilang minuto lang, sumuko ako. Hindi ko ma-concentrate. Ilang taon na akong sanay sa routine. Everything under control. Work, exercise, sleep. Walang abala. Pero ngayong nandito siya… lahat ng bagay nagiging… gulo. Yung kusina na dati’y tahimik, ngayon puno ng kwento niya tungkol sa baryo. Yung sala na dati’y laging maayos, ngayon may tunog ng pagtawa niya kahit simpleng walis lang ang hawak niya. And worse… yung utak ko, dati laging nakatutok sa negosyo, pero ngayon, punong-puno ng tanong Ano na naman kaya ang sasabihin niya bukas? Bakit kailangan niyang ngumiti ng ganun? At bakit… bakit parang hindi ko gustong tumigil siya? Napapikit ako. Hindi pwede. I’ve built my walls for a reason. Hindi ako pwede ulit madistract ng kahit sino lalo na ng isang kagaya niya. Pero kahit ilang beses kong kumbinsihin ang sarili ko, may isang katotohanan na hindi ko matakasan Na ang tahimik kong mundo, pilit yinayanig ng bagong katulong sa mansion ko.GABRIEL’S POV. The mansion is wrapped in silence, but in my head, the words of my private investigator keep echoing. Clarisse faked her pregnancy. And now, she’s dead. Found in her condo, her body lying there for almost a week before anyone discovered it. Tutok lang ang mata ko sa screen monitor, pinapanuod ang mga footage showing the van na sinakyan ng mga kumuha kay Mariz. I rubbed my temples, forcing my mind to stay steady. Focus, Gabriel. You can’t afford to break down. She needs you. Paulit ulit kong sinasabi sa sarili na hindi pwedeng sumikat ang araw ng hindi ko nababawi si Mariz sa mga taong kumuha sakaniya, hangga’t hindi ko nalalaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito. Napapikit ako, pilit binubura ang image ni Liza na lumilitaw sa isip ko sa tuwing tinatanong ko ang sarili kung sino ang may pakana. I know.. she can't do things like this... Alam kong terror siya, as in masungit, mapanghusga pero sh’s to innocent for doing those fucking things.. But
MARIZ POV.Nagising ako dahil sa gulat ng may biglang malamig na bumuhos.. tubig. Napamulat ako at sinamaan ng tingin ang dalawang lalaki na nasa harapan ko, ang isa may hawak na baril habang ang isa naman ay may hawak na timba, na siya sigurong pinaglagyan ng tubig na binuhos sakin kanina.“Wala ba kayong balak na pakawalan nalang ako?!” sigaw ko sakanila, pero nagtinginan lang ang mga ito at sabay pang tumawa. “Ano ka sinuswerte?” dinig kong boses mula sa likod nila. May palatok ng takong sa sahig, dahan dahan.. Sa bawat hakbang nito ay sinasabayan ng tibok ng puso at paghinga ko.“Hi my dear!” bungad nito sakin..Nangilabot ako sa paraan ng pag ngiti niya, ngiting umaabot hindi lang sa mata kundi pati sa tainga. Ganito talaga siya kasaya? ganito siya kasayang nakikita akong nahihirapan.. ganito niya ba talaga plinano ang lahat?“Liza..” halos pabulong kong sabi. “O yes! it's me!” patawa tawa pa nitong sabi. Mas nakakapangilabot siyang makita ngayon, nakapulang dress, black boots
Gabriel's POV Hindi ako mapakali. Kanina pa ako paikot-ikot sa loob ng kuwarto, hawak ang cellphone ko, pero hanggang ngayon wala pa ring, tawag, wala pa ring balita tungkol kay Mariz. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko, kung ano pa ang iisipin ko. Nakakabaliw, nakakabaliw dahil hindi ko alam kung napaano na si Mariz, kung okay pa ba siya.. Every second na lumilipas, ramdam ko na parang may sumisikip sa dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil sa sobrang kaba o dahil sa sobrang galit na kanina ko pa sinusubukang pigilan. “Where are you, Mariz…” bulong ko, napasabunot na lang ako sa sarili ko, hindi ko alam ang gagawin! Hindi ako relihiyoso, pero para akong nagdadasal na lang na sana safe siya. Sana lang talaga, dahil pag may mangyaring masama kay Mariz, i Swear! i swear! i will make them pay! Mula sa bulsa ng coat ko, ilang beses kong na
MARIZ POV Ramdam ko ang bigat at sakit ng ulo ko, dahan-dahan kong minulat ang mata ko, at wal sa sariling sinuri ang paligid. Parang isang container van, makalawang na ang paligid, parang sanay na sila sa ganitong gawain, at mukhang hindi lang ako ang unang biltima nila. Amoy ko ang masangsang na amoy ng langis at alikabok, naririnig ko rin ang mga tawanan sa di kalayuan.. Masaya pa talaga sila? Masaya sila na may buhay silang sinisira? Sinubukan kong igalaw ang kamay ko, pero humapdi lang ito dahil sa higpit ng pagkakatali ng lubid dito. Nakatali ang dalawa kong kamay sa magkapares kong paa. Ramdam ko rin ang lamig ng sahig ng container van. Parang sinadya talaga itong gawin para sa mga ganitong gawain nila, may malamlam na kulay dilaw na ilaw sa gitna, may mga tubig ng drum sa paligid, lubid, mga kahoy.. at iba pa. “Jusko” saad ko sa isip ko, hindi ko kayang magsalita dahil sa telang nakatali sa bibig ko. Hindi na ako nagsayang ng lakas na sumigaw o kung ano pa man,
Gabriel's POV Pagkapasok ko sa kuwarto, halos ibagsak ko na lang ang sarili sa sahig, hindi ako sanay na uuwi ako nang wala si Mariz sa paningin ko. Sobrang sakit! naiinis ako sa sarili ko kasi wala akong magawa, nandito ako ngayon habang siya, hindi ko alam kung nasan, kung kumain na ba siya, kung ayos ba ang tutulugan niya... kung... kung buhay pa ba siy--. “Tanginaaaaa!” sigaw ko at pinagsusuntok ang pader, hindi ko na alam kanino ko ibubuhos ang galit ko.. natatakot ako para kay Mariz, natatakot ako para sa magiging anak namin. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko, hapdi at kirot dahil sa ginawa kong pagsuntok ng malakas sa pader. Hindi ko na rin pinapansin ang dugo na namumuo rito. Hindi ko matanggap. Hindi ko maisip na sa isang iglap, may naglakas-loob na kunin siya. Wala man lang rin nag-tangkang tumawag, hindi ko alam kung anong iisipin ko, h
LIZA'S POV When the door shut close, humiga agad ako sa kama, hawak ang phone ko. I didn't expect na ang galing ko palang umarte? like kanina lang, todo luha at panginginig ako sa harap nila Gabriel at ng lahat. But now? Napapangisi nalang ako. Ang sarap sa pakiramdam na makita silang nag-aalala, naguguluhan, at higit sa lahat, si Gabriel na, galit, takot na takot, at halos mabaliw dahil sa pagkawala ni Mariz. I can't imagine kung ano pang magiging itshura ni Gabriel if he see Mariz without a life? Haha. Nung palang nahirapan ng huminga si Mariz at nahimatay, dahil kinain niya ang niluto ko na para sakaniya lang talaga. Hindi ako kumikilos without knowing the background.. Someone told me na Allergy siya sa Peanuts, woah.. I cannot believe na makakasalubong ko ang lalaking ‘yon sa entrada. May dalang paper bag, regalo niya raw for Mariz and Giselle.. And he said that na sibihin ko raw kay Gisielle na bawal ang mani kay Mariz.. Sa una i was like.. Mukha ba akong utusan? but i smil