(MARIZ POV)
Hindi na muna ako pinatrabaho kahapon ni Ate Linda dahil panigurado raw na pagod ako sa byahe. Kasi totoo naman, ikaw ba naman bumyahe ng dalawa at kalahating araw?! Pagising ako ay agad na akong naligo, pagtapos ay sinuot ang binigay sakin na uniform ni Ate Linda, alangan mag daster ako diba? charot. Unang assignment maglinis ng dining area. Simple lang ’yon, di ba? Walis, mop, konting punas. Pero dahil maligalig ako, nagkaroon ng eksena. Habang pinupunasan ko ang malaking table, natabig ko yung vase na imported daw. Syempre, sakto pa sa timing, pumasok si Boss. Pak! Nahulog yung vase. At parang nag slow motion bigla ang paligid, kitang-kita ko ang pag-crash nito sa sahig. “Ay, Diyos ko po!” sigaw ko, sabay takbo para saluhin kahit obvious na hindi ko na masasalba. Basag. Pulbos. Goodbye, vase. Ntahimik ako, medyo nakakaramdam ako ng kaba. Tapos… biglang nagsalita na nga ang boss kong kala mo yelo. “That vase is worth more than your one-year salary.” walang buhay nitong sabi, pero alam kong galit ito dahil sa pustura niya. Napalunok ako. “Sir, sorry po! Hindi ko sinasadya! Promise, hindi na mauulit. Kung gusto n’yo po, papalitan ko ng vase… sa Divisoria. Ang mura po doon, limang piraso na.” Tumingin siya sakin. Blank face ulit. Napakamot ako ng ulo. “Sir, joke po. Pero seryoso ako sa sorry. Hindi ko talaga sinasadya.” Umiling lang siya. “You’re unbelievable.” At nag-walk out ulit. “Grabe, parang exercise sa kanya ang pagwa-walk out. Para siyang laging nasa runway. Walk out here, walk out there.” bulong kong sabi at inumpisahan ng linisin ang mga kapiraso ng vase na nabasag. Matapos ay tinuloy ko na lahat ng nakatoka saking trabaho, hanggang sa ayain na ako ni Ate Linda na kumain. Nagtataka ako kasi sa pagkakaalam ko dapat nauuna ang boss sa mga maids, yun pala ay nagkataon lang na maaga ang alis ni Boss. Kinausap ako ni Ate Linda. “Alam mo, ikaw ang una kong nakitang hindi natakot kay Sir.” saad nito at isinuboag kutsarang may lamang kanin at ulam na tocino sa ibabaw. “Eh kasi naman, Ate, ang sungit niya. Hindi ba siya napapagod magmukhang bato?” Saad ko, ewan ko ba, pag kabado bente na ako napapajoke time ako bigla. Napahalakhak si Ate Linda. “Sanay kami. Pero ikaw… mukhang matagal kang mabubuhay dito kasi hindi ka natitinag.” saad nito at tinignan ang mga kasamahan namin, yung iba sangayon yung iba naman nakakamatay mga titig sakin. Ehh? Ngumisi ako. “Pag kasi medyo iba na ang ihip ng hangin, gusto ko nalang idaan sa biro, baka maisalba pa.. Swerte ko naman kasi kahit papaano ay gumana kanina, ewan lang sa sunod?" saad ko. Sa totoo lang, medyo kinabahan talaga ako kanina.. Akala ko ay unang araw ko palang e mawawalan na ako ng trabaho. Matapos naming mananghalian ay hinugasan ko ang mga pinggan na pinag gamitan namin, sinabihan pa ako ni Ate Linda na iba na ang gagawa pero nagpumilit ako. Matapos kong naghugas sa pinag gamitan namin, ay nagpunta agad ako sa plaza.. este sala hehe, doon naka line up ang dalawa ko pang katulad na katulong, sa tansya ko mukhang ako lang ata ang pinakabata rito? Habang naglalakad papunta sakanila ay sumesenyas ang isa sakin, hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng papilig pilig ng ulo niya hanggang sa napansin ko ang pag nguso niya banda sa likuran ko. At ayun na nga, another epic fail ang ganad ng babaeng to, kasi naman nakaharang lang naman ako sa daanan ng aming kamahalan! "Ay sorry sir.." sambit ko, napayuko at mabilis na pumwesto sa tabi ng mga kasamahan ko. "Grabeng papansin ha?" bulong ng isa, e narinig ko? bulong pa ba tawag don? "Papansin agad te? di pwedeng naligaw?" sabat ko at bahagya itong inirapan. Agad na umawat si Ate Linda samin, ako nakinig pero si ate mong kala mo coloring book ang mukha? ayaw paawat! jombagin ko kaya?! Mabilis ang ginawa naming pagkilos, inatasan ako ni Ate Linda na i prepare ang pagkain ni Sir, grabe? nagumpisa na ako magtrabaho pero di ko pa alam pangalan ng boss ko? "Hoy Izzy! anong tinutulala mo jan? bilisan mo na." saad ni Ate Linda, grabe tulala talaga? mabilis akong kumilos, nadatnan ko si Coloring Book na nagsasalin ng tubig sa baso ni Sir mula sa pitsel. Ang isa naman ay nag aayos ng parang panyo sa tabi, habang ang isa ay naglalagay ng mga kubyertos. Shalaaa! restaurant yarn? Marahan kong inilapag sa mesa ang pagkain ni Sir, hindi ko maipaliwanag kasi ngayon lang ako nakakita bg ganitong pagkain? Pagtapos kong mailapag ay nagumpisa ng kumain si Sir, kami naman ay nakatayo lang sa may gilid, naghihintay ng iuutos niya. Napaisip ako bigla, wala ba siyang ibang kamag anak? siya lang talaga mag isa rito sa malaking mansion na to? Syempre hindi? tanga ka ba MARIZ? dami nyo kaya dito? Napapilig ako sa ulo ko, pero grabe ang lungkot siguro ng buhay nitong si sir? asan kaya ang mga magulang niya? wala ba siyang kapatid? “Ano ayaw mo na umalis sa kinatatayuan mo?” si coloring book ulit. Doon ako bumalik sa huwisyo ko, nagliligpit na pala.. Ang bilis niya atang kumain? kumain ba siya? parang walang bawas yung inihanda sakaniya. Dibale na nga. Matapos non, ay ang mga natirang pagkain ay inilipat ni Ate Linda sa isang plastic. "Anong gagawin mo Ate Linda?" tanong ko. "Itatapon" deretsyo niyang sagot. “itatapon? may ref naman ah? bat di nakang i ref, ako kakain niyan.. Mukha pa namang masarap!" nakabusangot kong sabi, pero umiling lang si Ate Linda. "Kabilin-bilinan ni Sir Gabe, bawal magtabi ng tira tira, itapon daw or ibigay sa may mga alagang hayop. Ayaw niyang makita na may kumakain sa napagkainan niya na." litanya nito, nagpatango tango nalang ako, pero deep inside, takam na takam ako sa isinusupot niyang pagkain. Naging mabilis ang oras, gabi na.. Natapos na akong naglinis ulit sa sala, at ng mapadaan ako sa kitchen ay may mga natira pang hugasin. Habang nag-aayos ako ng mga pinggan sa kusina, bigla may dumating. Si Sir Gabe, Hindi naka-suit, kundi simpleng shirt at sweatpants. Pero kahit simple, parang model pa rin. “Still awake?” tanong niya. “Ah, opo, Sir. Naghuhugas lang. Hindi kasi ako makatulog kapag may maruming plato. Allergic po ako sa dumi. Charot.” Tumitig siya sandali. For the first time, parang may bahagyang ngiti sa labi niya. “Fresh from the mountain girl,” tawag niya. “Sir?” sagot ko, grabeng nickname yan? parang fullname with extra pa. “Don’t break anything tomorrow.” malamig na sabi nito at kumuha ng bottled water sa ref. Napailing ako pero ngumiti rin. “Promise, Sir. Kung may mababasag man, plato ko na po.” He shook his head, then left. At sa unang pagkakataon, naramdaman kong hindi lang iceberg si Boss. May konting init din pala sa likod ng lamig.GABRIEL’S POV. The mansion is wrapped in silence, but in my head, the words of my private investigator keep echoing. Clarisse faked her pregnancy. And now, she’s dead. Found in her condo, her body lying there for almost a week before anyone discovered it. Tutok lang ang mata ko sa screen monitor, pinapanuod ang mga footage showing the van na sinakyan ng mga kumuha kay Mariz. I rubbed my temples, forcing my mind to stay steady. Focus, Gabriel. You can’t afford to break down. She needs you. Paulit ulit kong sinasabi sa sarili na hindi pwedeng sumikat ang araw ng hindi ko nababawi si Mariz sa mga taong kumuha sakaniya, hangga’t hindi ko nalalaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito. Napapikit ako, pilit binubura ang image ni Liza na lumilitaw sa isip ko sa tuwing tinatanong ko ang sarili kung sino ang may pakana. I know.. she can't do things like this... Alam kong terror siya, as in masungit, mapanghusga pero sh’s to innocent for doing those fucking things.. But
MARIZ POV.Nagising ako dahil sa gulat ng may biglang malamig na bumuhos.. tubig. Napamulat ako at sinamaan ng tingin ang dalawang lalaki na nasa harapan ko, ang isa may hawak na baril habang ang isa naman ay may hawak na timba, na siya sigurong pinaglagyan ng tubig na binuhos sakin kanina.“Wala ba kayong balak na pakawalan nalang ako?!” sigaw ko sakanila, pero nagtinginan lang ang mga ito at sabay pang tumawa. “Ano ka sinuswerte?” dinig kong boses mula sa likod nila. May palatok ng takong sa sahig, dahan dahan.. Sa bawat hakbang nito ay sinasabayan ng tibok ng puso at paghinga ko.“Hi my dear!” bungad nito sakin..Nangilabot ako sa paraan ng pag ngiti niya, ngiting umaabot hindi lang sa mata kundi pati sa tainga. Ganito talaga siya kasaya? ganito siya kasayang nakikita akong nahihirapan.. ganito niya ba talaga plinano ang lahat?“Liza..” halos pabulong kong sabi. “O yes! it's me!” patawa tawa pa nitong sabi. Mas nakakapangilabot siyang makita ngayon, nakapulang dress, black boots
Gabriel's POV Hindi ako mapakali. Kanina pa ako paikot-ikot sa loob ng kuwarto, hawak ang cellphone ko, pero hanggang ngayon wala pa ring, tawag, wala pa ring balita tungkol kay Mariz. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko, kung ano pa ang iisipin ko. Nakakabaliw, nakakabaliw dahil hindi ko alam kung napaano na si Mariz, kung okay pa ba siya.. Every second na lumilipas, ramdam ko na parang may sumisikip sa dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil sa sobrang kaba o dahil sa sobrang galit na kanina ko pa sinusubukang pigilan. “Where are you, Mariz…” bulong ko, napasabunot na lang ako sa sarili ko, hindi ko alam ang gagawin! Hindi ako relihiyoso, pero para akong nagdadasal na lang na sana safe siya. Sana lang talaga, dahil pag may mangyaring masama kay Mariz, i Swear! i swear! i will make them pay! Mula sa bulsa ng coat ko, ilang beses kong na
MARIZ POV Ramdam ko ang bigat at sakit ng ulo ko, dahan-dahan kong minulat ang mata ko, at wal sa sariling sinuri ang paligid. Parang isang container van, makalawang na ang paligid, parang sanay na sila sa ganitong gawain, at mukhang hindi lang ako ang unang biltima nila. Amoy ko ang masangsang na amoy ng langis at alikabok, naririnig ko rin ang mga tawanan sa di kalayuan.. Masaya pa talaga sila? Masaya sila na may buhay silang sinisira? Sinubukan kong igalaw ang kamay ko, pero humapdi lang ito dahil sa higpit ng pagkakatali ng lubid dito. Nakatali ang dalawa kong kamay sa magkapares kong paa. Ramdam ko rin ang lamig ng sahig ng container van. Parang sinadya talaga itong gawin para sa mga ganitong gawain nila, may malamlam na kulay dilaw na ilaw sa gitna, may mga tubig ng drum sa paligid, lubid, mga kahoy.. at iba pa. “Jusko” saad ko sa isip ko, hindi ko kayang magsalita dahil sa telang nakatali sa bibig ko. Hindi na ako nagsayang ng lakas na sumigaw o kung ano pa man,
Gabriel's POV Pagkapasok ko sa kuwarto, halos ibagsak ko na lang ang sarili sa sahig, hindi ako sanay na uuwi ako nang wala si Mariz sa paningin ko. Sobrang sakit! naiinis ako sa sarili ko kasi wala akong magawa, nandito ako ngayon habang siya, hindi ko alam kung nasan, kung kumain na ba siya, kung ayos ba ang tutulugan niya... kung... kung buhay pa ba siy--. “Tanginaaaaa!” sigaw ko at pinagsusuntok ang pader, hindi ko na alam kanino ko ibubuhos ang galit ko.. natatakot ako para kay Mariz, natatakot ako para sa magiging anak namin. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko, hapdi at kirot dahil sa ginawa kong pagsuntok ng malakas sa pader. Hindi ko na rin pinapansin ang dugo na namumuo rito. Hindi ko matanggap. Hindi ko maisip na sa isang iglap, may naglakas-loob na kunin siya. Wala man lang rin nag-tangkang tumawag, hindi ko alam kung anong iisipin ko, h
LIZA'S POV When the door shut close, humiga agad ako sa kama, hawak ang phone ko. I didn't expect na ang galing ko palang umarte? like kanina lang, todo luha at panginginig ako sa harap nila Gabriel at ng lahat. But now? Napapangisi nalang ako. Ang sarap sa pakiramdam na makita silang nag-aalala, naguguluhan, at higit sa lahat, si Gabriel na, galit, takot na takot, at halos mabaliw dahil sa pagkawala ni Mariz. I can't imagine kung ano pang magiging itshura ni Gabriel if he see Mariz without a life? Haha. Nung palang nahirapan ng huminga si Mariz at nahimatay, dahil kinain niya ang niluto ko na para sakaniya lang talaga. Hindi ako kumikilos without knowing the background.. Someone told me na Allergy siya sa Peanuts, woah.. I cannot believe na makakasalubong ko ang lalaking ‘yon sa entrada. May dalang paper bag, regalo niya raw for Mariz and Giselle.. And he said that na sibihin ko raw kay Gisielle na bawal ang mani kay Mariz.. Sa una i was like.. Mukha ba akong utusan? but i smil