(MARIZ “IZZY” VILLORIA)
Minsan, ang mga pangarap ay parang bituin—maliwanag pero mailap. At kung minsan, kailangan mong suungin ang dilim bago mo makita kung alin ang talagang para sa ’yo. “Hoy, ’Nay! Seryoso ka ba talaga dito? katulong? Sa Maynila pa?” reklamo ko habang bitbit ang maleta kong halos mas malaki pa sa akin. Si Nanay, kunot-noo pero may halong tawa, “Oo, anak. At ’wag ka ngang maarte. Basta’t trabaho, kahit katulong, malinis na hanapbuhay. Pambili ng bigas, pambili ng load, pambili ng shampoo mo na special pa!” Napangiwi ako pero ngumiti rin. Tama si Nanay. Para sa pamilya naman ’to. Kahit maid ako sa Maynila, maid with dignity naman! Charot. “Grabe, parang ibang planeta pala talaga ’to,” bulong ko sa sarili ko habang nasa jeep. Kaliwa’t kanan ang mga ilaw, ang daming tao, tapos may Grab, may Angkas, may hindi ko maintindihang mga app na ginagamit nila. Sa probinsya kasi, ang pinakamasosyal naming transpo ay padyak! Kung merong award para sa “Pinakamalaking Bag na Nadala sa Jeep,” ako na siguro ’yon. Bitbit ko ang maletang halos kasing laki ko, at tuwing bababa ako ng jeep, pakiramdam ko nagdodonate ako ng relief goods. Finally, dumating ako sa mansion ng magiging amo ko. As in, mansion na may gate na puwedeng gawing basketball court, may garden na mas malaki pa sa plaza namin sa baryo, at may chandelier na mukhang mas mahal pa sa buong bahay namin. “Grabe. Kung sa baryo, may chandelier din kami… gawa nga lang sa tansan at Christmas lights,” bulong ko sa sarili ko. “Hija, dito ka na. Ikaw ba ang bagong katulong?,” sabi ng mayordoma. “Ikaw ba si Mariz?” tanong nito sakin. Tumango ako, nakangiti. “Ako po. At wag po kayo mag-alala, sanay akong maglaba, magplantsa, magsaing, pati magluto ng sinigang na walang sabaw... hehe accident lang naman po ’yon.” Napailing siya pero natatawa. “Mukhang ikaw ang magpapasaya dito sa bahay. Sige, halika, ipakikilala na kita kay Sir.” saad nito at naglakad na kami sa kung saan man sa loob ng mansion na to, grabe! sala ba to? o lobby sa mall? Maya maya pa ay may kung sinong anghel-- este lalaking pababa mula sa hagdan. Parang laging nasa runway ng fashion show. Polo na puti, trousers na plantsado, at wristwatch na baka presyo pa lang ay pambili na ng isang ektarya ng palayan sa probinsya. “Sir,” tawagni Ate Linda. Wow sya pala ang magiging boss ko? ang hot ah? ha? gaga izzy ano bang iniisip mo?! “ito na po ang bagong maid.” ani Ate linda at hinawakan ako sa braso para iharap sa boss namin. Tumigil siya saglit, tumingin sa akin. Straight face. Walang emosyon. So siyempre, ako, ngumiti ng todo. “Good morning, Sir! ako po si Mariz Villoria , Izzy nalang po for short.. Hmm, wag po kayong mag alala, marunong po akong maghugas ng pinggan. At magluto ng itlog..sunog nga lang minsan pero at least luto, ’di ba?” Tahimik lang siya. Yung tipong blank stare. “Hmm. Probinsyana ka?” tanong niya, malamig ang boses. “Opo, Sir! Fresh from the mountains!” biro ko pa. Napakunot siya ng noo, tapos umiling. “Just… do your job. That’s all.” At umalis na siya. Ako naman, napabulong, “Wow, lakas maka-iceberg ni Kuya. Titanic na lang ang kulang.” Nakatingin lang ako sa lalaking naglalakad palabas, at sumakay sa nakaparadang magarang sasakyan. Matapos ay inaya na ako ni Ate Linda, dinala nya ako sa Maid's quarter, at doon ay pinalowanag niya sakin lahat ng mga hindi dapat at dapat gawin, inabot niya rin ang uniform ko na kulay black and white, maganda parang sa hotel ka lang nagtatrabaho. Sana maging maayos ang mga araw ko rito, ewan lang sa mga makakasama ko? HAHAHHA Maid in Manila, Loved in Secret.(MARIZ POV) Minsan iniisip ko, kung may award para sa pinaka-maingay na maid sa buong Maynila, malamang ako na ‘yon. Medyo nabubulabog ko na daw kasi itong tahimik na mansyong ito, grabe? dinaig ko na ba speaker nyan? Habang nagpipirito ako ng tuyo sa kusina, aba eh kumakanta pa ako ng theme song ng isang lumang telenovela na hindi ko naman masyadong kabisado. “ Kung ako na lang sana ang iyong minahal...” sabay kurot kay kawali dahil feeling ko partner ko siya sa duet. “Ay, Diyos ko, Mariz! Umaga pa lang, sakit na ng ulo ko!” sigaw ni Aling Berta habang pumipilipit ang ilong sa amoy ng tuyo. Napangisi ako. “Eh, Aling Berta, sabi nga nila, music is life. Baka sakaling lumambot ang ugat n’yo kung madalas kayong makinig ng magandang boses.” “Magandang boses?!” Halos mabasag ang sandok niya sa mesa. “Kung magandang boses ‘yan, edi sana sumikat ka na, hindi nandito nagpiprito ng tuyo!” Tumawa ako, hindi dahil napikon ako, kundi dahil sanay na ako sa mga banat niya. Deep inside, ala
(GABRIEL'S POV) Tahimik ang buong mansyon. Ang tipong katahimikan na sanay na akong kasama walang ingay, walang istorbo, walang kalat. Pero nitong mga nakaraang araw, parang nagkaroon ng sariling ugong ang mga dingding. At ang pangalan ng ugong na iyon... Mariz. Kung saan siya dumaan, laging may kaluskos. Kung hindi naglalaglag ng tsinelas, sumisigaw ng, “Ay, aray!” dahil natapilok sa sarili niyang paa. Kung hindi kumakanta ng sintunado habang nagwawalis, kinakausap ang walis mismo. At ang mas nakakainis? Nadarama kong inaabangan ko ang ingay na iyon. Kanina, habang nakaupo ako sa opisina ko, dinig ko mula sa kusina ang boses niya. “Uy, Walis Tambo, ikaw na naman ang kasama ko. ‘Wag ka na magsungit ha, kasi naiinis na ako sa pagsusungit ni Coloring Book. Kala mo naman kung sino e parehas lang namin kaming katulong” Coloring Book. Napakunot noo ako. Hindi na kailangan ng imahinasyon para matukoy kung sino iyon, dahil alam kong ang tinutukoy niya ay si Gisiell. Si Gisiell tatl
(MARIZ POV) “Mariz! Ikaw na naman ang inuutusan ni Ate Linda? Baka mapagod ka,” si Aling Berta iyon, sabay abot ng tuwalya habang pawis na pawis akong nagpunas ng sahig sa gilid ng hallway. Napangiwi ako. “Ay, naku ‘Nay Berta, sanay na ‘to. Para ngang exercise lang, oh.” Nagpa-split ako ng konti, kunyari gymnast. Syempre, napahagalpak ng tawa si Ate Linda na katabi niya. “Susmaryosep, babae! Baka mabalian ka diyan,” sabay kamot sa batok ni Aling Berta. “Eh ano naman, Nay? Libre therapy din ‘to. Tsaka baka pag nakita ako ni Sir Gabe, isipin niya sporty ako. Ay wow, plus ganda points,” pabiro kong sagot, sabay kindat. “Ambisyosa!” sigaw ni Ate Linda na natatawa. “Hoy, maid ka lang dito, huwag kang umasa na mapapansin ka ng amo natin.” Napapout ako. “Eh, ewan. Malay niyo, ako pala ang susunod na leading lady sa teleserye niya.” Nagtawanan silang dalawa, at habang busy pa kami sa tawanan, biglang bumukas ang pinto ng library. At doon, lumabas ang tao na ayaw kong makita habang paw
(GABRIEL'S POV)There are two things I hate the most distractions and… well, distractions in human form.Guess who?Exactly.It’s seven in the morning, and I’m already seated at my office desk in Alcantara Holdings, with a pile of contracts demanding my full attention. Normally, I thrive in this numbers, proposals, negotiations. My world is supposed to be black and white. Clear. Predictable.But right now, it’s a complete mess.Because instead of numbers, all I see is her face.That ridiculous maid.Mariz.She almost fell on the staircase last night. Kung hindi ko siya nasalo, baka headline na sa tabloids ngayon “Alcantara Household Maid Dead by Tragic Tray Accident.”And yet, instead of moving on like a normal, functioning adult, here I am, replaying the scene over and over again.Her eyes wide, startled, parang tupa na hinabol ng lobo. Yung kamay ko, mahigpit sa braso niya. Mainit ang balat niya. Soft. Too soft.Damn it.I shake my head and force my attention back to the document in
(MARIZ POV)Kung teleserye lang ang buhay ko, swear! Yun na yung slow-motion moment ko.Imagine nakatapak na ako sa hagdan, dala ang tray, then boom! muntik na akong sumemplang, pero ayun siya si bossing, si Sir Gabe, ang supladong walang ngiti, biglang naging knight in shining… polo shirt.As in, nahawakan niya ako. Sa braso. Mahigpit. Mainit. At parang tumigil ang mundo.“Are you okay?” sabi niya.Woaaah, may boses pala siya! Hindi pala automatic “hmp” lang o “focus” lang. At ang soft ng tone. Hindi yung parang teacher na nagagalit kasi wala kang assignment.At syempre, ang lola niyo, napa-“O-opo… I mean, yes, Sir! Okay lang ako. Hindi pa po oras para ma-ospital.”Napakagat ako ng labi habang binabalikan yung eksena. Ay Diyos ko. Sino bang maid ang nagiging leading lady sa ganitong set-up? Ako lang yata.---Pagbalik ko sa kwarto, hindi ako mapakali. Nagpaikot-ikot ako parang turumpo. Nakatitig ako sa ceiling, tapos sa pader, tapos bumagsak ako sa kama, hawak yung unan.“Mariz, wha
(GABRIEL'S POV)Hindi ko alam kung bakit ko siya hinayaan.Kung bakit ko pa tinanggap yung sinangag na niluto niya. Hindi ko naman ugali tumanggap ng kung anu-ano mula sa tao, lalo na sa isang maid na ilang linggo pa lang dito. Pero nang makita ko yung simpleng excitement sa mata niya habang inilalapag yung plato sa harap ko… napakain ako. Walang tanong, walang reklamo.Hindi ko rin maintindihan kung bakit, hanggang ngayon, hindi ko matanggal sa isip ko yung amoy ng bawang at mantika na parang nagmarka sa mesa ko.Get a grip, Gabe.---Kanina sa sala, habang naglilinis siya, naririnig ko yung boses niya kahit hindi ko gusto. Ang kulit. Hindi siya mapakali. Lahat may commentary, kahit ang kausap niya yung sarili niya.“Hay nako, Mariz, ang ganda mo talaga. Parang hindi bagay maglinis. Dapat artista ka na lang.”Narinig ko yun. At bago ko mapigilan ang sarili ko, tinawag ko siya.“Mariz.”Nagulat siya. Bigla siyang tumikhim. “Ano po?”I was about to say focus on your work, pero ang luma