Share

Chapter 17

Author: Venera
last update Last Updated: 2023-10-02 09:00:41
MATULIN na dumaan ang isang buwan. Hindi naging biro ang pagtatrabaho ni Mabelle sa mansyon gayong kasama niya sa iisang bubong ang babae ni Navi. Araw-araw, gigising siya para lang masaksihan kung paano akitin ni Siren ang kanyang amo. Kung iisipin ay napakasakit n'on dahil kay Navi umiikot ang mundo niya ngunit pilit itong hinihila palayo sa kanya.

Mahirap man ang sitwasyon, sinisikap na lang ni Mabelle na mag-focus sa kanyang trabaho, alang-alang sa kanyang unica hija na mag-isa niyang tinataguyod sa kabila ng maraming pagsubok na kinakaharap.

Tanghaling tapat at katatapos lang patulugin ni Mabelle si Paris nang may kumatok sa pintuan ng kanyang silid. Tahimik siyang umalis sa higaan upang pagbuksan ng pinto ang taong nasa labas.

Pagbukas niya ay bumungad sa harap niya ang dalawang kasambahay na sina Jhazz at Hyacinth. Bihis na bihis ang mga ito at halatang may pupuntahan.

"O, mga sis. Saan ang punta niyo?" pabulong na sabi ni Mabelle sa dalawang kasambahay.

"Sa Health Office, Ate M
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Maid of my Heartless Ex-Husband   Wakas

    Makalipas ang dalawang taon... ANG PAGTAMA ng mataas na sikat ng araw ang gumising kay Mabelle mula sa mahimbing na pagtulog, hudyat na panibagong araw na naman ang kailangan niyang harapin. Though this wasn't an ordinary day for her. It was special. Hindi na siya nasurpresa nang makitang wala na ang kanyang anak sa higaan. Nang makapag-inat-inat ay minabuti na niyang bumangon at ligpitin ang higaan. She left the room, yawning. Agad na nakatawag ng pansin niya ang mabangong amoy. Sinundan niya ito hanggang sa dalhin siya ng kanyang mga paa sa kusina kung saan naabutan niya ang inang si Belinda na abala sa pagluluto. Nasulyapan niya rin ang kanyang anak na matiyagang gumuguhit sa mesa ng dining table. "Mommy!" pansamantala itong tumigil sa ginagawa upang sugurin siya ng isang mahigpit na yakap sa baywang. "Happy birthday, Mommy ko!" Naantig naman ang puso ni Mabelle sa paglalambing ng anak. "Thank you, anak! Kumain ka na ba ng breakfast?" "Opo! Nagd-drawing po ako pero mamaya ko

  • Maid of my Heartless Ex-Husband   Chapter 43

    KAPWA nanlaki ang mata ng dalawa sa nasaksihan nilang eksena. Nang tumagos ang bala sa sentido ng matanda ay agad itong bumagsak sa semento na parang mannequin. Dahan-dahang lumingon sina Mabelle at Navi upang alamin kung sino ang nagpaputok. "Siren?" usal ni Navi sa babaeng nakatayo mula sa 'di kalayuan hawak ang baril na ginamit nito sa matanda. "Hindi ko inakalang ganito pala kahinang nilalang ang tatay-tatayan mo, Navi. I should have known in the first place, hindi na sana ako nagsayang pa ng oras na makipagsabwatan sa lecheng matandang 'yan." "Napakasama mo talaga! Demonyo!" lakas-loob na singhal ni Mabelle rito. "Oh, really? Eh ikaw, anong tawag sa 'yo? Anghel? Alam nating pareho kung gaano ka karuming tao kaya 'wag kang magmalinis diyan! Malanding higad!" bwelta pa nito pabalik. "Bakit nagpakita ka pa? Ano bang gusto mong mangyari?" "Don't worry, hindi naman ako magtatagal dahil alam kong paparating na rin ang mga pulis para hulihin ako. Pero syempre, hindi ako papayag n

  • Maid of my Heartless Ex-Husband   Chapter 42

    HINDI naging hadlang ang iniindang lagnat para makarating sa abandonadong opisina ni Belinda. Agad-agad siyang bumaba pagkahinto ng sasakyan sa harap mismo ng gusali. Sa bungad ay dalawang lalaki agad ang humarang sa kanya pero dahil kilala naman siya ng mga ito ay pinahintulutan si Navi na makapasok. Dumaan sila sa underground parking lot. Maririnig na sa 'di kalayuan ang boses ni Nicholas. Sa tono pa lang ay halatang galit na galit ito kaya mas lalong nadagdagan ang kaba niya. Tuloy-tuloy siya sa paglalakad, hanggang sa marating nila ang mismong paradahan kung saan naka-parking ang sasakyan na pinaniniwalaan niyang pag-aari ng kanyang ama. "Boss, andito na ang anak ninyo," anunsyo ng isa sa mga tauhan nito na nasa unahan. Lalong nanghina si Navi sa naabutan niyang eksena pagpasok niya sa gusali. Ilang hakbang mula sa pwesto ng service car ni Nicholas ay nakaupo ang matanda sa isang lumang monoblock chair kaharap ang babaeng nakagapos ang buong katawan. May hawak itong baril

  • Maid of my Heartless Ex-Husband   Chapter 41

    NAVI can't help but wonder what's going on. Trenta minutos na siyang naghihintay kay Mabelle pero hindi pa ito nakakabalik. Ilang hakbang lang ang layo ng bahay na kinatitirikan nila mula sa botika. If she walks by foot, it won't take her more than ten minutes to return.He tried to call her phone, but she's not picking up. Nag-aalala na siya, knowing na kamamatay lang ni Earnest at posibleng hinahanap din sila ng taong nasa likod ng pagkasawi nito.Bagama't nanghihina ang katawan, pinilit ni Navi na makatayo mula sa higaan. Napansin naman agad ito ng kanyang anak na naglalaro ng manika sa gilid kaya tinawag siya nito."Daddy...""Dito ka lang, anak, ha? Hahanapin ko lang ang mommy mo," sabi niya sa bata."Huh? Bakit po, daddy ko?""Nag-aalala na si Daddy, it's been half an hour since she left pero hanggang ngayon ay wala pa siya," ani Navi sabay dampot niya ng cellphone na nakapatong sa ibabaw ng kama."Pero daddy, 'di ba po may sakit kayo? Baka mapa'no po kayo sa labas," Paris said

  • Maid of my Heartless Ex-Husband   Chapter 40

    MAG-ISANG nakaupo sa salas si Navi habang abala sa pagbabasa ng news articles sa internet. Paraan niya ito para hindi maburyo habang hinihintay niya ang pag-uwi ng mag-inang Mabelle at Belinda kasama ang kanyang anak na si Paris.Saglit na natigil sa pag-scroll ang lalaki nang marinig niya ang mahihinang footsteps palapit sa kanya. "Busy sa cellphone, ah," pabirong wika ni Lucas. "O heto, magkape ka muna."Dala ng matanda ang dalawang tasa ng mainit na kape. Nilapag nito ang isa sa lamesita. Samantala, ibinaba ni Navi ang hawak na cellphone at maingat na kinuha ang tasa sa kaharap na mesa."Salamat," aniya.Naupo si Lucas sa tabi niya at sinamhan siya nitong magkape. "Ang tagal naman ng mag-inang 'yon. Aba'y mag-a-alas-sais na. Madalas ay maagang umuuwi ang dalawang iyon mula sa palengke. Nakakapagtaka't mukhang gagabihin pa 'ata sila sa daan.""Kasama nila si Paris. Baka naglibot-libot muna sila sa bayan para ipasyal 'yong bata," pakiwari ni Navi. Nagpakawala ito ng malalim na bunt

  • Maid of my Heartless Ex-Husband   Chapter 39

    MALUNGKOT na nagmamaneho ng sasakyan si Siren pauwi sa mansyon ng mga Reinhart. Alas-otso na ng gabi at kasalukuyan niyang binabaybay ang madilim na zigzag road.Galing siya sa bahay ng kanyang kaibigang modelo at naisipan niyang tumambay roon maghapon. Though, nakatulong ang pagbisita niya sa kaibigan upang pansamantalang makalimutan ang kanyang mga problema, that doesn't change the fact that Navi left her and her life is still miserable without him.Maikukumpara siya sa kadilang unti-unting nauupos. She was devastated. She couldn't accept that her plan didn't work. Idagdag pa ang problema niya sa lalaking nakabuntis sa kanya. He keeps sending blackmail letters to her almost every day. Kung pwede lang mag-hire ng taong papatay sa taong 'yon ay ginawa niya na...Naputol ang kanyang pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone na nakapatong sa dashboard. Sinikap niyang ikonekta ang telepono sa Bluetooth receiver saka niya sinagot ang tawag."How's my daughter?" She rolled her eyes as s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status