MasukCarel RainSOBRA ang inis ang nararamdaman ko. Gustong-gusto ko na talaga sumigaw kanina kaso tinakot niya ako. Paano nga kung makulong ako? Ano sasabihin ko kina Nanay at Nyll. Masisira pa ang tiwala ibinigay nila sa akin at ayokong mangyari ‘yon. Napamahal na sila sa akin kaya hinding-hindi ko hahayaan na magalit sila sa akin. Kaya kahit ayoko ay pinagbigyan ko na ang manyak na lalaki na ‘to.Aaminin ko, nakaramdam ako ng takot pero nang ipaalala niya sa akin ‘yong ginawa niya pagtulong ay natahimik ako. Oo nga naman kasi, tinulungan niya ako kahit hindi niya ako kilala pero nagawa ko pa siyang nakawan.Pasimple ko siyang tinitingnan, masyado siya seryoso sa pagmamaneho. Nang dumako ang tingin niya sa akin ay mabilis kong binawi ang tingin at tiningnan ang mga kuko ko. Mukhang kailangan ko na maglinis ng kuko. Nang maramdaman kong hindi na siya nakatingin ay nakahinga ako nang maluwag pero hindi ko napigilan humikab. Inaantok na ako. Imbes na natutulog na kasi ako sa mga oras na ‘to
Jacob“IS that my precious bag pack?” tanong ko nang hindi na siya kumurap at gumalaw sa kanyang kinatatayuan. I can't believe she's really in front of me.Kanina nang sabihin ni Sammy na ‘shes here’ akala ko talaga ay siya na pero ‘yong babae pala kausap namin kanina at sinabihan kami na umalis na raw siya, meron nga rin daw may gusto i-table siya pero umayaw at sinabi rin sa amin na isa sa rules nila ay walang pilitan sa mga trabahador nila. Which I found interesting.Nang marinig kong umuwi na siya ay mabilis akong tumayo at kinuha ang wallet ko para ilabas ang isa sa mga cards ko. Inilapag ko ‘yon sa lamesa. Sigurado naman ako na wala na naman silang pambayad.Hindi ko pa rin nakalimutan ang naging reaksyon nila.“What the fvck, Daddy Jacob!” Nagulat na tanong ni Samuel. “May lakad pa pala ako, nakalimutan ko. That's my card, I know you don't bring money to pay and just call a taxi,” pagkasabi ko no’n ay mabilis ko silang tinalikuran. “Daddy Jacob, come back here. Huwag mo kami i
Carel Rain MABILIS AKONG humakbang paalis ng entablado matapos ang aking pagsasayaw. Alam ko naman na may tagakuha ng mga perang inihagis kaya panatag ang loob ko na umalis agad. Kung bawasan man nila ‘yon, bahala sila sa buhay nila. Konsensiya na nila ‘yon pero alam ko na mapagkakatiwalaan naman ang mga trabahador dito dahil ‘yon ang unang-una pinapangalagaan ng club. Nang makapasok ako sa backstage ay napatingin pa sila sa akin dahil sa totoo lang ay bakas sa mukha ko ang gulat kaya hindi na ako magtataka kung magtanong sila. “Anyare sa ‘yo, gurl? Para kang nakakita ng multo. Jusko, mga tao ang nasa harapan mas mukha pa nga silang aswang na handa kang lapain,” biro ni Angel na may kasama pang pagtawa. “Hu-huh?” Wala sa sariling sambit ko dahilan para mapalitan ng pag-aalala ang kanilang reaksyon. Dahil si Angel ang pang-huli ay siya na lang ang nakalapit sa akin. Nandoon din pala si Marimar na kunot ang noo nakatingin sa akin dahil hindi siya makalapit at nakaantabay siya kay Lyk
Jacob HANGGANG sa natapos ang pagsasayaw nila ay hindi pa rin ako makapaniwala na makikita ko siya rito. Kahit na may konting pagdududa akong nararamdaman ay gusto ko pa rin paniwalaan na siya nga ‘yon. Mas lalong lumakas ang kutob ko nang maalala ang nangyari noon, ‘yong nakita kong waitress. Pero bakit ngayon ay dancer siya? Bigla ay nagduda na naman ako.“Pikit-pikit din pag may time.” Nabalik ako sa aking sarili nang marinig ang boses ni Sammy na parang ang lapit-lapit kaya naman nilingon ko siya at saktong paatras siya kaya sigurado ako na nilapitan niya ako kanina.“Sino ba ang tinitingnan mo at hindi ka na maistorbo?” nakangisi ring tanong ni Samuel. Hindi ko sila sinagot bagkus ay nagsalin ako ulit ng alak sa baso ko at walang sabi-sabi na tinungga ‘yon.“Mukhang may nakakuha sa atensyon ni Daddy Jacob, ah. Masaya ‘to!” Pinaningkitan ko ng mga mata si Samuel sa sinabi niya. Pero wala akong balak na magsabi hanggang hindi ako nakakasigurado kung siya ba talaga ‘yon. Pero sure
JacobWALA akong nagawa kundi sumunod sa kanila dahil sa pésteng scandal daw na ‘yon. Paano naging scandal ‘yon? Pero kahit na hindi naman explicit scandal ‘yon ay hindi pa rin magandang mapakinggang ng ibang tao at baka isipin nila ay napakamanyak ko.Hanggang sa makarating kami sa Dyosa Club na ‘yon ay hindi talaga maipinta ang mukha ko. Kung hindi lang talaga sila mga kaibigan ng kapatid ko baka talagang binaon ko na sila sa ilalim ng lupa.Matapos ko mag-park ay mabilis pa sila sa kidlat bumaba at tulad dati ay pinagbuksan pa ako ni Sammy. Ang bilis nakalipat ng môkong.“Smile naman diyan, Daddy Jacob.” Tinusok pa ni Sammy ang tagiliran ko pero isang matalim na tingin ang isinukli ko sa kanya. “Sabi ko nga, okay na ‘yan mukha mo,” pang-aasar niya pang sabi.“Burahin niyo na ‘yan,” utos ko habang naglalakad kami papasok sa loob. Hindi man lang nila ako sinagot at tuloy-tuloy na pumasok. Tingnan mo talaga mga ugali. Katulad ng dati ay patay-sindi ang ilaw. Pero pansin ko na mas mar
Carel Rain MABUTI na lang talaga at well train ako noon pa man kaya kahit nagulat ako sa aking nakita ay nagawa ko pa rin sumabay sa bawat galaw ng mga kasama ko. Ngunit ramdam na ramdam ko ang titig na ‘yon. Titig na nakakapanghina ng mga tuhod. Nang matapos ang aming group performance ay mabilis akong bumalik sa backstage. “Okay ka lang? Infairness, magaling ang pinakita mo,” tanong at puri ni Rowena sa akin na hinawakan pa ako sa braso. “Ayos lang ako.” “Good job, girls. Good job, Rain, hindi halatang ngayon ka lang nagpraktis. Be ready, solo performance, next,” wika ni Mama Irene at pumalakpak pa. Gusto ko siya kausapin na kung pwede ‘wag na lang ako magsolo kaso nakalabas na siya. Nanghihina ako napaupo. Ano ang ginagawa niya rito? Bakit sa dinami-rami ng club ay talaga naman dito pa siya naligaw? Huminga ako nang malalim. Kailangan ko ikalma ang aking sarili at may solo dance pa ako gagawin. Makakaya ko kaya? Pwede bang umatras? Ginulo ko ang buhok ko saka wala sa sariling
“NAKAKABADTRIP talaga!” Padabog na umupo si Jarret sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Sandrew. “Problema mo, couz?” tanong ni Sandrew na tinapunan ng tingin si Jarret saka ibinalik ang atensyon sa cellphone niya. “Si Kiara na naman ba ang sumira ng araw mo?” natatawang tanong naman ni Avin na gum
HINDI maipinta ang mukha ni Kiara habang papasok sa loob ng kanilang bahay. Naiinis siya sa kanyang Kuya Jarret na walang ginawa kundi takutin ang mga lalaking lalapit sa kanya. “Zane! I'm still talking to you,” tawag ni Jarret sa kapatid na basta na lang siya iniwan sa kotse habang nagsasalita pa
ABALA SI Clara sa pag-aasikaso ng kanilang bagong branch ng JDZ Bakeshop. Pinalitan nila ang pangalan nang dumating sa buhay nila si Kiara Zane. Ang kanilang pangatlong anak. At napagdesisyunan na nilang huli na si Kiara Zane dahil delikado na talaga na magbuntis pa siya. Laking pasalamat lang nila
ISANG BUWAN na ang lumipas mula nang magka-ayos sina Clara at Anthony. Sa ngayon ay nanatili silang nakatira sa mansion ng mga magulang nang huli dahil 'yun ang pakiusap ng mga magulang nito.Gusto daw kasi ng mga ito makabawi kay Jarret. Kaya naman pumayag na rin silang mag-asawa habang ginagawa a


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




