LOGIN
Marahang bumababa ng hagdan si Ariella habang iginagala niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng kanilang bahay. It has been a year since she last went home. Isang buong taon din kasi siyang namalagi sa ibang bansa at kahapon pa lamang nakauwi ng Pilipinas.
Nang makababa na ay tuloy-tuloy na siyang naglakad patungo sa kanilang komedor at hindi pa nga maiwasang mapangiti nang maabutan doon ang kanyang mga magulang--- ang kanyang Daddy Ronniel at Mommy Arianna. Masaya pang nagkukuwentuhan ang mga ito habang sinasalinan ng kanyang ina ng juice ang baso ng kanyang ama. Natigil lamang ang pag-uusap ng dalawa nang kapwa na napalingon sa kanya. “Oh, Ariella, hija,” sambit ni Arianna sabay lapag na ng pitsel na hawak nito. Mabilis na itong naglakad palapit sa kanya saka siya pinatakan ng isang halik sa kanyang pisngi. “Good morning, baby. Come join me and your dad for breakfast.” Pagkawika ay marahan na siya nitong iginiya palapit sa hapag. Sa kaliwang panig ng kanyang ama siya pumuwesto habang ang Mommy Aria niya ay umikot na sa kanang bahagi at doon naman naupo. Lumapit pa muna siya sa kanyang ama bago tuluyang maupo sa silyang laan para sa kanya. “Good morning, Dad,” bati niya kay Ronniel kasabay ng paggawad dito ng isang halik sa kaliwang pisngi. “Good morning. Have your breakfast,” anito sa banayad na tinig na sadyang inilahad pa ang kamay upang maituro ang kanyang upuan. Ariella sat and looked at the food in front of them. Hindi siya nakadarama ng gutom kanina pero pagkakita sa mga pagkain ay sadyang natakam siya. It had been a year since she has been home. Na-miss niya rin talaga ang mga pagkaing Pinoy, lalo na ang makasalo ang kanyang pamilya sa iisang hapag. Isa sa mga hinanap-hanap niya habang nasa ibang bansa ay ang mga luto ng kanyang Mommy Arianna. Napangiti pa siya nang makitang ang kanyang ama na ang kumilos para malagyan siya ng pagkain sa kanyang pinggan. Ronniel put sunny-side up egg, two hotdogs and some bacon. Naglagay din ito ng sinangag sa plato niya na mabilis niya nang inawat nang mapansing ang dami nitong kinuha. “Dad, it’s too much,” napapangiti niya pang sabi. “You have to eat. Look at yourself. I wonder what had you been eating abroad and you look so thin,” parang nanenermon pang sabi ng daddy niya. Ariella almost rolled her eyes upwardly after hearing what her father said. “Dad, it’s slim, not thin,” pagtatama niya pa rito. “What’s the difference?” he snapped at her. Marahan na lamang na natawa si Ariella saka napatitig sa kanyang ina. Napapangiti ito habang pinagmamasdan silang mag-ama. “I miss you so much, Ariella, and I am so glad that you are home now,” parang naiiyak pa nitong sabi. “I miss you too, Mom. But please, let’s skip the drama,” wika niya pa sa pinasiglang tinig upang iwaksi ang mga luhang parang nabubuo sa kanyang mga mata dahil sa mga sinabi nito. She missed her parents too. Maging ang nakatatanda niyang kapatid na si Rafael ay na-miss niya rin kahit pa sabihing madalas ay istrikto ito sa kanya. Kung tutuusin ay hindi niya naman nga sana gustong umalis ng bansa at malayo sa mga ito. As the youngest in their family, hindi rin naman siya sanay na wala ang mga ito sa tabi niya. But she decided to leave. Mas pinili niyang umalis dahil kung hindi niya pa iyon gagawin ay tuluyan niyang maiwawala ang kanyang sarili. She had to bring back her own sanity before she totally lost it... lost it because of one man--- si Gael. Mariing napalunok si Ariella nang sumagi sa isipan niya ang binata. Ito ang dahilan kung bakit siya umalis ng bansa. Labis na sakit ang idinulot sa kanya ni Gael at para makalimutan ito ay nagpasya siyang manirahan muna sa pinsan ng kanyang ina na nakabase sa Canada. Hindi pa sana sang-ayon ang mga magulang niya sa kanyang pag-alis pero nagpumilit siya. She just told them that she wanted a new environment... that she needed some rest. Nang-usisa pa ang mga ito, lalo na ang kanyang ina, pero hindi na siya masyadong nagbigay ng detalye. Pakiramdam niya naman, kahit hindi niya sabihin sa kanyang ina ay nahuhulaan na nito kung bakit bigla niyang ginustong umalis ng bansa. “Anyway,” natatawang sabi na ni Arianna. Nagsimula na rin itong kumuha ng pagkain nang magsalita. “This Friday is your Uncle Paul’s birthday. We are invited so, you’ll come with us.” Agad na nahinto ang akmang pagsubo ni Ariella nang marinig niya ang mga sinabi nito. Pilit niya pang hindi ipinahalata ang pagkabiglang nadama saka mabilis na hinamig ang kanyang sarili. Ang Paul na tinutukoy nito ay ang ama ni Gael... ang ama ng lalaking minahal niya nang lubos pero walang ibang ginawa kundi ang saktan siya. Ang pamilya ng ina ni Gael, si Beatrice Olvidares-Velasquez, ay matalik na kaibigan ng kanyang ama. May dalawang kapatid pang lalaki ang Auntie Beatrice niya, sina Jake at Vincent Olvidares na matatalik na kaibigan ng daddy niya. Kahit hindi nila kadugo ang mga ito ay parang totoong tiyahin at tiyuhin talaga ang turing niya sa magkakapatid. They were like real families. It may not be by blood, but with affinity. Dahilan nga iyon para makilala niya rin nang lubusan si Gael. Ngunit kumpara sa mga pinsan nito ay hindi siya malapit sa binata. “S-Sure, Mom,” aniya, napaupo pa nang tuwid. “How about Kuya Rafael and Diana? Are they coming too?” tanong niya pa na ang tinutukoy ay ang kapatid niya at asawa nito. Her Kuya Rafael was already married. Isang taon na ring nagsasama ito at si Diana. Katunayan, buntis na ang hipag niya at lalaki ang inaasahan ng mga ito bilang panganay na anak. At sa bahay ng pamilya ni Diana nakatira ang mag-asawa dahilan para hindi na nila kasama ngayon ang kapatid niya. “Yes,” tugon ni Arianna sa tanong niya kanina. “Sa bahay na ng mga Velasquez sila tutuloy.” Tumango-tango siya. “O-Okay. I’ll go with you.” Narinig niya pa ang pagpapakawala ng isang malalim na buntonghininga ng kanyang ina. “Narito ka at makadadalo sa kaarawan ng Uncle Paul mo. Sa katapusan naman ay ang first birthday celebration ng kambal nina Lucas at Janel. Hopefully, you are here on our birthdays, hija.” Ariella couldn’t help but chuckled. “Of course, I am, Mom. I am staying for good.” She paused for a while and smiled. “I am excited to meet the twins,” aniya pa na ang tinutukoy ay ang kambal na anak ni Lucas. Lucas is Gael’s cousin. Panganay itong anak ng Uncle Jake niya. At sa lahat ng magpipinsan, kay Lucas talaga siya pinakamalapit. Matanda man ito sa kanya ng ilang taon, hindi pa rin iyon naging hadlang para maging matalik silang magkaibigan. And she couldn’t wait to see all of them again. Isa lang ang gumugulo sa isipan niya ngayon--- si Gael. Paniguradong magkikita rin sila sa kaarawan ng ama nito. Paano niya pakikiharapan ngayon ang lalaking naging dahilan ng unang pagkabigo niya sa pag-ibig? ***** INISANG lagok ni Ariella ang lamang alak ng kopitang hawak niya. Pangatlong salin niya na iyon at sa totoo lang ay unti-unti niya nang nararamdaman ng epekto ng alak sa kanyang katawan. Hindi siya malakas uminom. Kahit isang kopita lang ay mabilis ang epekto sa kanya. But she didn’t mind drinking that time. Pakiramdam niya ay kailangan niya iyon. Kanina pa kasi siya hindi mapalagay at nababalot ng labis na kaba sa kanyang dibdib. Kasalukuyan na silang nasa bahay ng mga Velasquez, ang bahay nina Gael. Marami nang tao sa malawak na bakuran ng mga ito kung saan ginaganap ang pagdiriwang sa kaarawan ng ama ng binata. Ang ibang naroon ay pawang pamilyar na sa kanya kaya paniguradong hindi siya mangangapang makihalubilo. But Ariella chose to be alone. Mas pinili niyang manatili malayo sa karamihan. Sa halip nga na makipag-usap sa mga taong naroon ay dinala niya ang kopitang sinalinan ng alak at naglakad patungo sa bahagi kung saan naroon ang swimming pool ng naturang bahay. Kanina pa siya nakatayo roon at nakatuon lamang ang kanyang mga mata sa malinaw na tubig ng pool. Mula sa kinaroroonan niya ay rinig niya pa ang malakas na tugtugin at masayang kuwentuhan ng mga tao ngunit wala roon ang kanyang atensyon. Instead, Ariella couldn’t help but think of the man who, despite the years that had passed, still lingered in her mind. Bakit ba hindi niya magawang kalimutan ang binata? Bakit ba sa kabila ng mga nagawa nito sa kanya ay hindi man lang nawala ang nararamdaman niya para rito? Was she that stupid to still love the man that made her feel worthless? “Damn, Ariella...” she murmured to herself. Napapikit pa siya ng kanyang mga mata at bahagyang napatingala habang bumubulong sa kanyang sarili. “You should have stayed in Canada. Hindi ka na sana bumalik dito.” “How ironic! Hindi ganyan ang narinig ko kay Auntie Aria kanina,” wika ng isang pamilyar na tinig na agad nagpamulat ng kanyang mga mata. Parang itinulos sa kanyang kinatatayuan si Ariella at sa loob ng ilang saglit ay hindi siya nakahuma. Nakatayo lang siya roon at ni hindi magawang lumingon sa kanyang likuran kung saan nasisiguro niyang naroon ang nagsalita. Ramdam niya pa nga ang paninitig nito sa kanyang likod, dahilan para lukuban siya ng labis na pagkailang. “Kausap ng mommy mo ang mga magulang ko,” wika pa ng baritonong tinig. “She said you are staying for good. Now, you are saying you should have just stayed in Canada? Why, Ariella?” Slowly, Ariella turned to look at the man behind her. Hindi niya pa maipaliwanag ang kakaibang emosyong nasa dibdib niya nang tuluyan nang mapaharap dito. She saw him again. After a year, she saw him again! “G-Gael...” she said in almost a whisper. May pakiramdam pa siyang walang lumabas na tinig mula sa kanya. Para kasing may bumara sa lalamunan niya nang makita niya ulit ang binata. Gael was staring at her intently. Hindi pa nakaligtas sa kanya ang paggala ng paningin nito sa kanyang mukha. Mayamaya ay bumaba pa ang tingin nito sa kanyang kabuuan na para bang sinusuri siya. Then, his gaze when up again until their eyes met. An unexplainable emotion enveloped her. Nakatayo ngayon sa kanyang harapan ang lalaking mula pa yata pagkabata ay tinatangi na ng puso niya. At bagay iyon na alam ng binata. But instead of getting a mutual emotion, what she got were humiliation and embarrassment. Wala itong ibang ginawa kundi ang saktan siya... pero bakit hindi niya magawang kalimutan ang nararamdaman niya para rito?Mistulang nakuryente na mabilis na humiwalay si Ariella kay Gael. Dalawang hakbang paatras pa ang ginawa niya upang magbigay ng distansiya sa pagitan nilang dalawa. At dahil sa paglayong ginawa niya ay agad na nitong nabitiwan ang kanang braso niyang hawak nito.She looked at him in disbelief. Parang gusto niya pang isiping nananaginip lamang siya kaya niya ito nakikita roon. O baka dahil lagi niya itong iniisip kaya pakiramdam niya ay ito ang kanyang kaharap. She must be hallucinating and Ariella almost wanted to pinch herself just so she could wake up.Pero alin man sa dalawa ay hindi totoo. Hindi siya nananaginip. Mas lalong hindi rin siya nagha-hallucinate lamang. Totoong kaharap niya nga ngayon si Gael at patunay lamang niyon ang pagwika nito sa kanya pagkaraan ng ilang saglit.“Are you okay, Ariella?” he asked her worriedly.That voice! Ariella swallowed hard. Hindi niya maipagkakamali sa iba ang tinig na iyon. Nahihinuha niya na nga ngayon na si Gael ang kanyang kaharap.Pero a
Mula sa niluluto niyang almusal ay agad napalingon si Ariella sa may entrada ng kusina nang pumasok ang kanyang Tita Norma. Kagigising pa lamang nito at sa kusina nga dumiretso. Sa tuwina kasi ay naghahanda ito ng makakain nila sa umaga kasabay na ng dadalhin nitong baon sa ospital na pinagtatrabahuan.Ngunit sa umagang iyon ay inunahan niya na ito sa pag-aasikaso sa kusina. Nagluto siya ng bacon, itlog at sausage. Nagsaing na rin siya ng kaunting kanin. May inihanda rin siyang tinapay at ang kapeng para sa kanyang tiyahin ay naisalang na niya sa percolator.“Good morning, Tita,” nakangiti niyang bati rito kasabay ng muli nang pagtuon ng kanyang mga mata sa kanyang niluluto. Kasalukuyan na niyang inilalagay sa isang plato ang mga prinitong sausages. Ang iba namang mga niluto niya ay nakahain na sa mesa.“You woke up early, Ariella. Sana ay ginising mo na lang ako para ako na ang maghanda ng almusal nating dalawa,” wika nito na ngayon ay tuluyan nang nakalapit sa mesa. Isang ngiti pa n
Hindi maiwasang magdikit ng mga kilay ni Ariella nang nakailang pindot na siya sa doorbell ng apartment na nasa kanyang harapan pero hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa ring nagbubukas ng pinto para sa kanya. Marahan pa siyang humakbang palapit sa bintana upang sana ay sumilip sa loob ng naturang bahay. But she wasn’t able to see anything. Sarado kasi iyon hindi katulad kanina pagdaan niya.“Hello...” wika niya pa sa malakas na tinig. “Tao po...”Hindi na siya nag-alangan pang magtawag sa salitang Tagalog. Ayon naman sa Tita Norma niya ay pinoy ang nakatira roon. Nasisiguro niyang mauunawaan naman nito ang mga sinasabi niya.“Tao po!” tawag niya pa sa mas malakas na tinig. Naglakad na rin siyang muli palapit sa may pintuan at doon ay marahang kumatok. She did it repeatedly. Ilang saglit din siyang nanatili roon ngunit hindi man lang nakakuha ng tugon.Hanggang sa wari ay napagod na rin siyang magtawag. Pumihit na siya patalikod at iginala pa ang kanyang paningin sa paligid. Baka
CANADA...Tuloy-tuloy na naglalakad si Ariella pabalik sa apartment na tinitirhan ng kanyang Tita Norma. It was past seven in the morning and she just had her morning walk around the village. Nakaugalian na niya mula nang dumating doon ang maglakad-lakad muna tuwing umaga. It made her feel good before she starts her day.Ilang bahay na lamang bago makarating sa kanilang tinutuluyan nang hindi sinasadyang mapalingon si Ariella sa isa sa mga apartment na naroon. Ang alam niya ay walang nakatira doon dahil ayon sa kanyang tiyahin ay bumalik na sa Europa ang mag-asawang dating nanunuluyan sa naturang bahay.And she didn’t know why but her attention was caught by something on that apartment. Napahinto pa nga siya sa paglalakad at napatitig sa bintana niyon na nakabukas na. Mag-iisang buwan na siyang nasa Canada at waring ngayon niya lang napunang bukas na ulit iyon.She sighed and continued walking. Iwinaksi na niya sa kanyang isipan ang tungkol sa bagay na iyon at tuluyan nang umuwi. Ilan
“Buo na ba talaga ang pasya mo sa pag-alis?”Mula sa paglalagay ng ilang damit sa maleta niyang nasa ibabaw ng kanyang kama ay napalingon si Gael sa direksyon ng pintuan ng kanyang silid. Naroon ang kanyang ina, nakatayo at titig na titig sa kanya. Sa mga mata nito ay hindi maitago ang lungkot na alam niyang dahil sa binabalak niyang pag-alis.Gael shrugged his shoulders then continued what he was doing. Nag-aayos na siya ulit ng kanyang mga damit nang sumagot siya sa kanyang ina.“I just want to take a chance, Mama. If she accepts me, it is worth it. Kung hindi man, at least, I’ve tried.”“You really love Ariella,” sambit pa ni Beatrice sa mahinang tinig. “You are really willing to leave everything behind just to go and follow her.”“And I’ve been so idiot not to realize before how important she was to me, Mama. Mas pinairal ko ang pagsisisi sa kanya sa bagay na hindi niya naman ginustong mangyari.”Tuluyang humakbang palapit sa kanya si Beatrice saka nagsimulang tulungan siya sa pag
Pagkapatay na pagkapatay pa lamang ni Gael sa makina ng kanyang sasakyan ay agad na siyang lumabas mula sa may driver’s seat niyon. Dali-dali siyang naglakad palapit sa mataas na gate ng mga Certeza saka paulit-ulit na pinindot ang doorbell niyon. Ni wala na siyang pakialam kung halos makabulahaw siya sa loob ng bahay dahil sa walang tigil niyang pagdo-doorbell.Nasa bahay nga siya ng mga Certeza. Matapos sabihin ng kanyang Mama Beatrice na aalis ng bansa si Ariella at muli na itong babalik sa Canada ay agad siyang nagpasyang puntahan ang tinitirhan ng mga ito. Wala na siyang pakialam pa kung hindi siya makapasok sa kanilang kompanya. Ang tanging nasa isipan niya nang mga sandaling iyon ay ang makita si Ariella at makausap ito.Hindi siya pinigilan ng kanyang ina. Kahit pa hindi nito sabihin ay dama ni Gael na nakikisimpatya ito sa kanya sa kung ano ang nangyari sa kanila ni Ariella. Bago pa nga sila tuluyang maghiwalay kanina ay pinalakas pa nito ang loob niya. She was also hoping th
“I can’t believe you are really wearing this kind of stuff, Lucas,” nakangiting sabi ni Ariella sa kanyang kaibigan habang inaayos pa ang necktie ng suot nitong business suit. “Alam kong hindi ito ang tamang oras para magbiro pero, to tell you honestly, mukha kang tuod sa hitsura mo.”Marahan pa si
Apat na araw ang mabilis na lumipas mula nang mangyari ang gabing iyon sa pagitan nilang dalawa ni Gael. Apat na araw na rin siyang nagbabakasaling makatanggap ng tawag o mensahe mula rito. Pero halos bumagsak ang mga balikat ni Ariella nang wala man lang siyang matanggap kahit isa mula sa binata.
Sa lahat ng new readers ng MAKE YOU MINE (Endlessly Series 10), gusto ko lang pong sabihing ang kuwento nina Gael at Ariella ay parte ng series kong ENDLESSLY. Narito pa ang ibang kuwentong kabilang sa seryeng ito:***FIRST GENERATION***ENDLESSLY SERIES 1: MY RUTHLESS LOVER (Jake and Francheska’s s
Matulin na lumipas ang ilang araw. Marami pa ang nangyari matapos makilala ni Ariella ang kasintahan ni Gael. Dahil sa malapit na magkakaibigan ang kanilang mga pamilya ay hindi pa maiwasang makaharap niya ulit ang dalaga.Sa tuwing nakakasama niya nga sina Gael at Lexie ay hindi niya pa mapigilang







