Share

CHAPTER 2

last update publish date: 2026-03-03 06:29:08

Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ni Ariella habang nanatiling nakatitig kay Gael. Ilang hakbang lamang ang pagitan nilang dalawa dahilan para magkaroon siya ng pagkakataong masusing mapagmasdan ito.

Isang taon silang hindi nagkita ngunit waring walang halos nag-iba sa binata. He was still good-looking. Lagi naman. Kahit nga ano ang suot nito ay lumalabas pa rin ang pagiging magandang lalaki. At hindi man lang iyon nagbago sa kabila ng isang taong lumipas.

Gael was now wearing a dark blue long-sleeved polo. Pinaresan iyon ng isang itim na slacks. Naka-tuck in pa ito na nagdagdag ng maawtoridad na awra rito. And his hair, as usual, was always clean cut. Ni hindi niya pa ito nakitang lumampas sa batok ang haba ng buhok. Lagi rin iyong maayos sanhi para lagi itong malinis kung tingnan.

Isang beses niya lang itong nakitang magulo ang buhok--- noong gabing may nangyari sa kanila dahil sa hindi niya napigilang halos masabunutan ito dahil sa sakit na dulot ng unang karanasan niya sa kama... unang karanasan kasama ito.

Bahagya niyang ipiniling ang kanyang ulo upang iwaksi ang alaalang iyon na pilit nagsusumiksik sa kanyang isipan. Sa kabila ng mga araw na nagdaan ay hindi niya man lang nakalimutan ang gabing iyon. Pakiramdam niya pa ay nakaukit na iyon sa isipan niya dahil lagi niya na lamang naaalala.

Despite the days that passed, she could still remember every detail... his touch, his kisses, the words that he uttered as he was taking her... and the way he took her. Lahat ng iyon, parang sirang plaka nang naglalaro sa isipan niya kahit nang nasa Canada na siya.

And of course, the humiliation that she felt after that night. Maging iyon ay hinding-hindi niya makalimutan. Mistulang punyal na isinaksak sa kanya ang mga salitang binitiwan nito matapos ng nangyari sa kanilang dalawa. All those things were just nothing to him. Para kay Gael, one-night stand lang ang namagitan sa kanilang dalawa. Iyon lang!

Disimulado niya nang hinamig ang kanyang sarili. Hangga’t maaari ay hindi niya gustong ipahalata sa binata na may epekto pa rin sa kanya ang presensiya nito.

“H-Happy birthday to Uncle Paul,” saad niya sa kawalan ng masabi.

For a moment, Gael didn’t speak. Para pa ngang hindi naman nito narinig ang mga sinabi niya. Mataman lang itong nakatitig sa kanya na kung ano man ang tumatakbo sa isipan ay hindi niya mahulaan.

Mayamaya pa ay pinasadahan din nitong muli ang kanyang kabuuan. Ariella was always confident with herself. Hindi niya gustong magyabang pero alam niya sa kanyang sariling may angkin din siyang ganda. And aside from a beautiful face, she also got a sexy body. Sapat lamang iyong dahilan para lagi siyang magkaroon ng lakas ng loob.

Pero hindi niya alam kung bakit sa pagkakataong iyon ay waring gusto niyang pagdudahan ang kanyang sarili. Kapag si Gael ang kaharap niya ay parang laging may mali sa kanya. Iyon pa nga ang rason kung bakit pakiramdam niya ay hindi siya nito magustuhan. Maybe he saw something off on her.

Katulad na lamang ngayong gabi, mataman ito kung makatitig sa kanya. Gusto niya pa tuloy isiping may mali sa suot niya.

Ariella stood up straight. She was wearing an ankle-length black dress that almost hugged her body. Fit na fit iyon sa kanya na halos ihulma na ang balingkinitan niyang katawan. Backless din iyon na halos maging dahilan para labis niyang maramdaman ang panggabing hangin sa kanyang likod. Ang maninipis naman nitong straps ay nakatali sa may batok niya kaya alam niyang lantad sa paningin ng binata ang mapuputi niyang balikat.

She knew the dress was just fine on her. Pagdating pa lang nila kanina ay nakatanggap na nga siya ng papuri mula sa mga kakilala nilang naroon din sa pagdiriwang na iyon. Some even said that staying abroad added glow in her. Waring nahiyang daw siya sa ibang bansa.

Pero sa ginagawang pagtitig sa kanya ni Gael ngayon ay hindi niya maiwasang makadama ng panliliit. Pakiramdam niya ay laging may kulang sa kanya.

“Staying in Canada did you good, Ariella. You changed... physically, I mean,” mayamaya ay saad ni Gael na agad nagpatigil sa kanya.

Was he complimenting her? Mariin pa siyang napalunok saka nag-iwas ng tingin dito. Ni hindi niya alam kung ano ang isasagot sa mga sinabi ng binata.

“Are you planning on going back to Canada?” tanong pa ni Gael dahilan para muli siyang mapatitig sa mukha nito.

Seryoso ang pagkakabitiw nito sa tanong na iyon. Ni hindi niya alam kung bakit ito nang-uusisa. Kung sakali bang sabihin niyang hindi na, ikatutuwa ba nito?

“Ariella---”

“Hon! You’re there. I’ve been looking for you.”

Ano mang sasabihin ni Gael ay agad nang naawat nang marinig nila ang malambing na tinig na iyon. Kapwa pa sila napalingon ng binata sa may sliding door na patungo sa may kusinang bahagi ng bahay ng mga Velasquez. Mula roon ay naglalakad na palapit sa kinaroroonan nila ang kasintahan nito--- si Lexie.

Ariella instantly looked away. Agad niyang itinuon ang kanyang mga mata sa swimming pool at nagkunwaring hindi apektado sa presensiya ng dalawa.

Hindi niya pa nga maiwasang mapalunok nang makita si Lexie. They were still together. Matibay pa rin ang relasyon ng mga ito sa kabila ng taong dumaan... sa kabila ng nangyari sa kanila ni Gael. Patunay lang yata talaga iyon na balewala lamang sa binata ang namagitan sa kanilang dalawa. Hayun nga at mistulang hindi ito apektado ng nangyari nang gabing iyon.

“Magsisimula na ang programa para kay Uncle Paul. Let’s go there?” narinig niya pang sabi ni Lexie.

Bahagya siyang napasulyap ulit sa dalawa. Nakakapit na si Lexie sa kaliwang braso ni Gael at para pa siyang sinampal sa pisngi nang makitang nakahawak pa ang kanang kamay ng binata sa kamay ng dalaga na nakahawak sa braso nito.

“Oh! You are Ariella, right?” bulalas pa ni Lexie nang mapansin siya.

She had no choice but to smile at her, a genuine smile, for that matter. Kahit noon pa ay hindi niya magawang makadama ng animosity para kay Lexie. Dama niya kasing totoo rin ang ipinapakita nito sa kanya. She’s sweet. Lagi pang namamansin at nagpapakita ng pagkagiliw.

Ilang rason pa nga iyon para makadama siya ng pag-uusig sa kanyang budhi. Mabuting tao si Lexie pero nakagawa siya ng malaking kasalanan dito--- something happened between her and Gael. At nangyari iyon habang may relasyon ang mga ito!

“H-Hi...” bati niya sa alanganing tinig.

“I heard that you’ve just came back from Canada. How are you?”

“G-Good. I-I’m good.”

Akmang magbubuka pa sana ng bibig nito si Lexie nang marinig na nilang nagsisimula nang magsalita ang emcee para sa kaarawan ng ama ni Gael. Sa halip na kausapin pa siya ni Lexie ay ang binata na ang binalingan nito.

“Shall we?”

“Yes,” nakangiti namang sagot ni Gael bago siya sinulyapan. “How about you, Ariella?”

She did her best to give them her sweetest smile. “Susunod na lang ako.”

Lexie smiled back. Si Gael naman ay mataman siyang pinagmasdan na wari bang tinitimbang ang kung ano ang nararamdaman niya. Parang wala pa nga sana itong balak na putulin ang paninitig sa kanya kung hind lang muling nagsalita si Lexie.

“Let’s go, hon?”

Doon na hinamig ni Gaal ang sarili nito. Ngumiti pa muna ito sa kasintahan saka inalalayan na ang dalaga sa paglalakad. Nagtungo na nga ang mga ito sa bahagi ng bakuran kung saan nagaganap ang birthday celebration ng ama nito.

Nang maiwan mag-isa ay agad pang napabuga ng isang malalim na buntonghininga si Ariella. Nagpalipas din muna siya ng ilang saglit bago tuluyang sumunod na rin sa pagpunta sa kinaroroonan ng mga ito. Agad na niyang hinanap ang kanyang mga magulang at nang makita ang mga ito ay mabilis na niyang nilapitan.

Her parents were occupying a table with Gael’s Uncle Jake. Kasama nila ang asawa nitong si Francheska at ang mag-asawang Drew at Minerva. Nakilala niya na rin ang mga ito at kung tama ang pagkakaalala niya ay dating asawa ng ama ni Gael si Minerva. Sadyang hindi lang tumagal ang pagsasama ng mga ito at naghiwalay din agad. Ngayon, sa kabila ng mga nangyari, ay matatalik na magkakaibigan ang mga ito. Tito at tita rin ang tawag niya sa mag-asawang Drew at Minerva.

“Where have you been, hija?” agad na tanong ng kanyang ina nang makaupo na siya sa tabi nito.

She greeted everyone first before answering her mother. “Nagpahangin lang, Mom.”

Nagpatuloy ang programa. Nagsalita pa sa unahan ang ama ni Gael na si Paul Velasquez. Nagpaabot din ng pagbati ang ilang kaanak nito, kabilang na ang asawang si Beatrice at siyempre ang anak ng mga itong si Gael.

Naging masaya ang pagdiriwang. May masaganang handa at umuulan pa ng alak. Masaya ring nagkukuwentuhan ang mga tao. But Ariella couldn’t help but got bored. Naroon lang siya at nakaupo, sumisimsim ng alak habang nakikinig sa usapan ng mga kasama niya sa mesa. Ni hindi siya makasabay sa kuwentuhan ng mga ito. Mas tungkol kasi sa trabaho ang paksa ng kanyang mga kaharap.

Hanggang sa mayamaya ay napaangat ng kanyang ulo si Ariella nang may isang lalaking lumapit sa kanilang mesa. Lumapit ito sa kinauupuan ng dating asawa ng ama ni Gael at agad pang humalik sa pisngi ni Minerva.

“I am sorry I am late, Ma,” wika ng lalaki na agad naging dahilan para mapaupo nang tuwid si Ariella.

Ito na ba ang anak ng mag-asawang Drew at Minerva? Pilit niya pang hinahagilap sa kanyang isipan kung ano na nga ba ang pangalan nito. Dahil nga sa magkakaibigan ang kanilang mga pamilya ay kilala niya na rin naman ang mga ito. And years ago, she already got the chance to meet their children. Kapwa lalaki ang anak nina Drew at Minerva. Ang bunso ay si Jace na matanda lang yata sa kanya ng dalawang taon.

And the eldest was this man--- Justin. Yes, she remembered! He’s Justin. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa trenta anyos na ito.

Hindi pa nga mapigilan ni Ariella ang pagmasdan ang binata. Nakaupo na ito sa mismong katapat niya habang kausap pa rin ang inang si Minerva. Hanggang sa mayamaya ay bigla itong napabaling sa kanya. His forehead furrowed. Wari bang kinikilala rin siya. Then, his lips suddenly broke into a smile as he recognized her.

“Ariella, right?” anito sa kanya.

Tipid na napangiti si Ariella saka marahang tumango. “Yes, I am.”

“Buti at nakikilala pa ninyo ang isa’t isa kahit na bihira lang kayong magkita,” narinig niyang sabi ni Minerva. “Kababalik lang din ni Justin mula America, hija,” wika pa nito sa kanya. “He stayed in Florida for his masteral.”

“Really?” nakangiti niyang sabi. “Kababalik ko lang din pero sa Canada ako nag-stay.”

“I see,” nakangiti na ring sabi ni Justin. “Ang huling naaalala ko, highschool ka pa lang. You’re a grown-up lady now, Ariella.”

She couldn’t help but chuckled. “Years passed so fast, right?”

Marahan na ring natawa si Justin habang napapailing pa. Mayamaya ay iginala nito ang paningin sa kanilang paligid nang may ngiti pa rin sa mga labi.

Tapos nang magsalita ang ilang nagbigay ng pagbati para sa ama ni Gael. Ngayon naman ay pumapailanlang na ang isang romantikong awitin at kasalukuyang sumasayaw ang mag-asawang Paul at Beatrice. Maging ang ibang bisita ay nasa gitna na rin ng bulwagan at nakikisayaw.

“Care to dance with me?” narinig niyang tanong ni Justin dahilan para muli siyang mapalingon dito.

Nahuli niya pang titig na titig sa kanya ang binata at naghihintay na ng kanyang sagot. And Ariella couldn’t suppress a smile. Marahan siyang tumango at mas nagpatiuna nang tumayo.

Mabilis na ngang sumunod sa kanya si Justin habang ang ilang kasama nila sa mesang iyon ay napasunod na lamang ng tingin sa kanilang dalawa, kabilang na ang kanilang mga magulang. Ni hindi niya na nagawa pang magpaalam sa kanyang ina na katabi niya lamang. Agad na rin kasi siyang inakay ni Justin sa gitna at nagsimula na silang sumayaw.

It was a sweet dance. Agad niya nang itinaas ang kanyang mga kamay sa magkabilang balikat ng binata. Ang mga kamay naman nito ay pumaikot na sa kanyang baywang. They were only inches away from each other when they started to slowly sway to the music.

Panaka-nakang nagsasalita si Justin at kinakausap siya. Sinasagot niya ang bawat tanong nito hanggang sa mayamaya ay hindi sinasadyang napatuon ang kanyang mga mata sa isang mesang hindi kalayuan sa kinaroroonan nilang dalawa. The feeling of someone was watching them made her looked at its direction. At hindi nga nagkamali ang pakiramdam niya. Naroon sa mesang iyon si Gael, nakaupo at katabi ang kasintahang si Lexie. Sa kanila ni Justin nakatuon ang mga mata nito at mataman silang pinagmamasdan.

Ariella swallowed hard. Gael didn’t even look away even though she caught him staring. Nagtagpo pa nga ang kanilang mga paningin at hindi niya maunawaan kung bakit pakiramdam niya ay may talim na ang tinging iginagawad nito sa kanya. Was he mad? But for what?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Make You Mine   CHAPTER 24

    Bahagyang napaawang ang bibig ni Ariella habang nakatitig pa rin siya kina Justin at Lexie na nang mga sandaling iyon ay kababakasan na ng pagkagulat matapos silang makita ni Gael. Nakalarawan na rin ngayon sa mukha ni Lexie ang pagkaasiwa dahil sa kaalamang naabutan nilang kahalikan nito si Justin. Hindi man ito magsalita ngunit alam niyang nakadarama na ito ngayon ng hiya dahil doon.Then, she stared at Justin. Seryoso ang ekspresyon sa mukha nito sa kabila ng alam niyang nababahala rin ito matapos malamang naroon sila ni Gael sa ospital. Katulad ni Lexie, alam niyang naasiwa ito sa ideyang nahuli nila ito sa ganoong sitwasyon.“A-Ariella...” Justin murmured and was about to walk towards her. Nahinto lang ito sa balak na paglapit sa kanya nang halos iilang hakbang lamang ni Gael ang distansiya sa pagitan nilang apat at mabilis na sinugod ang binata. Isang malakas na suntok ang agad nitong iginawad sa mukha ni Justin na agad nang ikinatili ni Lexie.“Gael!” natatarantang sigaw ni Lex

  • Make You Mine   CHAPTER 23

    “Bakit hindi mo itinama ang mga sinabi ng bata?”Mula sa tahimik na pagmamaneho ay napalingon si Gael kay Ariella. Saglit niya lang itong sinulyapan saka muling ibinalik ang kanyang paningin sa daan. Kasalukuyan na silang nasa biyahe pabalik ng Maynila mula sa lugar kung saan sila nagsagawa ng medical mission.Dahil nga sa nangyari sa ama ni Justin ay sa kanya na sumabay sa pag-uwi si Ariella, bagay na hindi naman problema sa kanya. Sa kabila ng lahat, sang-ayon naman siya sa mga sinabi ni Justin kanina. Mas maigi na ngang hindi nito isama ang dalaga sa ospital kung saan na ito didiretso. Ni hindi nila sigurado kung wala na ngang kapahamakang nakaamba sa abogado nitong ama.He was also worried to Justin’s father. Malapit din sa pamilya nila ang pamilya Manzano at nang marinig niya ang sinapit nito ay totoong nag-alala rin siya. He was even planning to visit his Uncle Drew once he got back to Manila.“Gael...” untag ni Ariella nang hindi siya sumagot sa tanong nito kanina. Napalingon n

  • Make You Mine   CHAPTER 22

    Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Ariella nang maihinto ni Justin ang sasakyan nito sa tapat ng barangay hall ng lugar kung saan nakatakdang magsagawa ng isang medical mission ang Health Well Company. Sa taon na iyon ay mas pinili ng mga Velasquez na gawin ang taunang medical mission ng mga ito sa isang barangay sa bayan ng Tanauan, Batangas.It was already passed nine in the morning. Kararating lang nila sa lugar at kay Justin na siya sumabay sa pagtungo roon. Hindi niya na nga natanggihan ang mga magulang ni Gael nang ayain siyang sumama sa nasabing aktibidad ng kompanya ng mga ito.Sa totoo lang ay wala naman sanang problema sa kanya. Masaya rin siyang makatulong. Katunayan, kahit ang kanyang ina ay nagsasagawa rin ng pamamahagi ng kanilang biyaya sa ilang kapos sa buhay. Kung hindi feeding program ay pamimigay ng ilang school supplies sa ilang piling eskuwelahan ang ginagawa nito. At sa ilang pagkakataong iyon ay sumasama rin naman siya sa kanyang ina.Pero iba ka

  • Make You Mine   CHAPTER 21

    Ariella was busy checking the list of new supplies of their boutique the next day. Halos dalawang beses sa isang linggo may dumarating na mga bagong damit na paninda sa kanilang establisyemento. At dahil siya ang naroon at nag-aasikaso ng kanilang negosyo ay siya na ang sumuri ng listahan ng mga bagong dating.Abala nga siya sa kanyang ginagawa nang lapitan siya ng isa sa mga staff ng Arianna’s. Nakangiti pa ito nang magwika sa kanya.“Excuse me po, Ma’am. May naghahanap po sa iyo.”Hindi pa man niya naitatanong kung sino ang tinutukoy nito ay agad niya nang nakita ang lalaking kasunod nitong naglalakad. It was Lucas. He instantly smiled as he saw her. Si Ariella naman ay napakunot ng noo dahil sa pagdating nito.“Parang hindi ka masayang makita ako, ah,” wika pa nito nang makita ang reaksyon niya.Marahang natawa si Ariella saka nagpasalamat na sa staff nila. Bumalik na ito sa ginagawa at iniwan na nga sila ni Lucas.“I was just curious what you are doing here. Don’t you have work to

  • Make You Mine   CHAPTER 20

    Matuling lumipas ang ilang araw mula nang matapos ang art exhibit na sinalihan ni Ariella. Nakabalik na rin mula sa bakasyon ng mga ito ang kanyang mga magulang at laking tuwa pa, lalo na ng kanyang ina, nang malamang naibenta niya lahat ng paintings na dinala niya sa naturang event.Matapos nga niyon ay muli niya nang inilaan ang kanyang atensyon sa pag-aasikaso sa boutique nila. Ni hindi naging kainip-inip para kay Ariella ang mga nagdaang araw dahil sa totoo lang ay talagang masaya siya sa ideya na natutulungan niya na ang kanyang ina sa kanilang negosyo.Dumating na rin ang araw ng pagdiriwang ng unang kaarawan ng anak na kambal ni Lucas. Of course, she and her family were invited. Nasa dibdib pa sana ni Ariella ang kagustuhang huwag na lang dumalo. Hindi dahil sa hindi niya gusto, kundi dahil alam niyang may posibilidad na muli niya na namang makikita si Gael sa nasabing okasyon. Kamag-anak lang ito ni Lucas. For sure, he would be there.But nevertheless, she decided to go. Hindi

  • Make You Mine   CHAPTER 19

    Dama ni Ariella na maging si Justin ay nabigla sa kanyang mga sinabi. Kahit kasi sabihing suhestiyon nito ang tungkol sa bagay na iyon ay hindi pa rin nila napag-uusapan nang maigi. Ni hindi pa nga siya sumasang-ayon sa nais nitong mangyari pero hayun at siya pa ang unang nagsabi kay Gael na nobyo niya na ang binata.The truth was, she really didn’t want to accept Justin’s offer. She didn’t want to enter a relationship with him, kahit pa iyon ay parang pagkukunwari lamang. Ang katotohanang malalaman pa rin iyon ng kanilang mga kakilala, lalo na ng kanilang mga pamilya, ay sapat nang rason para tumanggi siya sa alok nito.Hindi gusto ni Ariella na lokohin ang mga taong nakakikilala sa kanila ni Justin. Magkaibigan lamang ang kanilang mga pamilya kaya paniguradong makararating sa mga itong ‘magnobyo’ silang dalawa.And most especially, she didn’t want to use him. Sa mangyayari kasi ay mistula bang gagamitin niya ito upang malaman kung may tiyansa ba sila ni Gael. Justin was nice to her.

  • Make You Mine   CHAPTER 14

    “I advise you to stay here for at least two to four hours for observation. Anaphylaxis cases have a biphasic reaction sometimes, so we need to monitor your condition. I also advise you to always carry your EpiPens at all times wherever you go. Mas maigi nang laging handa, Miss Certeza,” mahabang pa

  • Make You Mine   CHAPTER 9

    Matulin na lumipas ang ilang araw. Marami pa ang nangyari matapos makilala ni Ariella ang kasintahan ni Gael. Dahil sa malapit na magkakaibigan ang kanilang mga pamilya ay hindi pa maiwasang makaharap niya ulit ang dalaga.Sa tuwing nakakasama niya nga sina Gael at Lexie ay hindi niya pa mapigilang

  • Make You Mine   AUTHOR'S NOTE

    Sa lahat ng new readers ng MAKE YOU MINE (Endlessly Series 10), gusto ko lang pong sabihing ang kuwento nina Gael at Ariella ay parte ng series kong ENDLESSLY. Narito pa ang ibang kuwentong kabilang sa seryeng ito:***FIRST GENERATION***ENDLESSLY SERIES 1: MY RUTHLESS LOVER (Jake and Francheska’s s

  • Make You Mine   CHAPTER 6

    Apat na araw ang mabilis na lumipas mula nang mangyari ang gabing iyon sa pagitan nilang dalawa ni Gael. Apat na araw na rin siyang nagbabakasaling makatanggap ng tawag o mensahe mula rito. Pero halos bumagsak ang mga balikat ni Ariella nang wala man lang siyang matanggap kahit isa mula sa binata.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status