MasukSunod-sunod ang paglunok na ginawa ni Ariella nang maihinto na ni Gael ang sasakyan nito sa may parking lot ng isang mataas na gusali. Hindi man sila lumabas ng kotse nito ay alam niya pa rin kung nasaan sila. They were in a building where condo units were located. At alam niya rin may pag-aaring unit doon si Gael, katulad ng pinsan nitong si Lucas. Kung bakit siya roon dinala nito ay hindi niya pa maunawaan.Narinig niya ang pagpapakawala ng isang malalim na buntonghininga ni Gael kaya napilitan siyang lumingon dito. Nakatuon pa rin ang mga mata ng binata sa unahan ng kotse. Ganoon pa man ay hindi nakaligtas sa kanya ang pagtiim ng mukha nito.Hanggang sa mayamaya ay marahan na itong lumingon sa kanyang direksiyon. Nakalarawan sa mga mata nito ang samu’t saring emosyon at isa sa mga iyon ay... panlulumo?“W-Why did you bring me here?” tanong niya para maputol ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Nilakipan niya pa ng kalamigan ang kanyang tinig para pagtakpan ang pa
Hindi maawat ni Gael ang mabilis na pagtibok ng kanyang dibdib dahil sa mga sinabi ng ama ni Ariella. Napatayo pa siya nang tuwid at hindi makapaniwalang napatitig sa mukha nito. Napuno rin siya ng labis na antisipasyon sa kung ano ang isasagot nito sa huli niyang itinanong.“U-Uncle Ron,” sambit niya sa mababang tinig. “I-If she got pregnant, where is our child?”“I-I don’t understand,” narinig niyang wika ng kanyang ama na nasa kanyang tabi na. “What do you mean yours and Ariella’s child? You got her pregnant, Gael?”“Damn!” malutong namang pagmumura ng kanyang Uncle Jake. Naihilamos pa nito ang dalawang palad sa mukha dahil sa tensiyong namamagitan sa kanilang lahat.Hindi niya na nagawang pagtuunan pa ng pansin ang pang-uusisa ng kanyang papa. Nanatiling nasa ama ni Ariella nakatutok ang kanyang mga mata at naghihintay sa mga sasabihin nito. Hindi niya pa maipaliwanag ang emosyong umahon sa kanyang dibdib dahil sa ideya na nabuntis si Ariella... na nagbunga ang isang gabing pinags
“Answer me, Ariella. What did she mean you had a miscarriage?” maagap na usisa ng kanyang Daddy Ronniel na ngayon ay kababakasan na ng kaseryosohan ang mukha.“I-I... I’m sorry, I didn’t mean to---” Halos hindi pa malaman ni Carly ang sasabihin habang pinapaglipat-lipat ang tingin sa kanya at sa mga magulang niya. “I thought yours parents knew, Ariella.”“I-It’s okay, Nurse Carly. It wasn’t your fault,” natataranta niyang sagot sa babae.“It was nice meeting you, Nurse Carly, but I-I guess, we need to go,” saad ng kanyang Mommy Arianna sa mahinahong tinig kahit pa sa totoo lang ay dama niya na rin ang pagkabahala nito. Alam niya pa na mas nababahala ito dahil sa nakikitang ekspresyon sa mukha ng kanyang ama. Alam kasi nila kung paano ito magalit. Siya man din ay kinakabahan na sa kung paano ipaliliwanag ang lahat sa mga ito.“O-Of course,” saad na lamang ni Carly. “I also need to go now. Nice seeing you again, Ariella.”Hindi na niya nakuha pang sumagot. Marahan na lamang siyang napat
Pasado alas-dies na ng gabi ngunit hindi pa rin dalawin ng antok si Ariella. Ginugulo pa rin ang isipan niya ng mga nangyari kahapon at ng naging laman ng usapan nila ni Justin kanina. He was urging for her to fight for her feelings for Gael. Hindi ba’t sa loob ng ilang taon ay iyon na ang ginawa niya? She did everything to fight for what she felt. She did everything to be noticed by him... and for her love to be reciprocated.Pero hindi naman nakakuha ng tugon ang nararamdaman niya para sa binata. Harap-harapan pa nga nitong ipinamukha sa kanya na hindi siya nito kailanman magugustuhan. At hindi man tuwiran pero ipinararamdam lagi nito ang galit para sa kanya na kung ano man ang dahilan ay wala siyang ideya.So, how could she even fight for him? Ipagsisiksikan niya pa ba ang sarili kay Gael gayong ito na mismo ang nagtutulak sa kanya palayo? Tama na rin siguro talagang ihinto niya na ang pagkahumaling sa binata at mas unahin naman ang kanyang sarili.She sighed heavily. Papalalim na
Agad na napaupo nang tuwid si Gael nang makita niyang naglalakad na palapit sa mesang kinaroroonan niya si Lexie. Nagtagpo pa ang kanilang mga paningin at hindi nakaligtas sa kanya ang nakalarawang hiya at pagkaasiwa sa mukha ng kanyang kasintahan.Or should he say... his ex-girlfriend?Gael’s face hardened. Hinintay niyang tuluyang makalapit si Lexie at makaupo muna ito sa silyang nasa harapan niya. Hapon na iyon nang sumunod na araw at kasalukuyan silang nasa isang sikat at mamahaling restaurant. Matapos nga ng mga nangyari kahapon ay ngayon niya lamang makahaharap ang dalaga.Hindi niya pa maiwasang maalala si Ariella. Matapos niya itong makausap sa may parking lot ng ospital kung saan naka-confine ang ama ni Justin ay nagpumilit siyang maihatid ito pauwi dahilan para hindi na niya nakaharap pa si Lexie. Hindi niya kayang hayaan itong bumiyahe pauwi. She totally had a breakdown. Bagay nga iyon na nagpapaahon ng galit sa kanyang dibdib.Ariella must really have some feelings for Jus
Bahagyang napaawang ang bibig ni Ariella habang nakatitig pa rin siya kina Justin at Lexie na nang mga sandaling iyon ay kababakasan na ng pagkagulat matapos silang makita ni Gael. Nakalarawan na rin ngayon sa mukha ni Lexie ang pagkaasiwa dahil sa kaalamang naabutan nilang kahalikan nito si Justin. Hindi man ito magsalita ngunit alam niyang nakadarama na ito ngayon ng hiya dahil doon.Then, she stared at Justin. Seryoso ang ekspresyon sa mukha nito sa kabila ng alam niyang nababahala rin ito matapos malamang naroon sila ni Gael sa ospital. Katulad ni Lexie, alam niyang naasiwa ito sa ideyang nahuli nila ito sa ganoong sitwasyon.“A-Ariella...” Justin murmured and was about to walk towards her. Nahinto lang ito sa balak na paglapit sa kanya nang halos iilang hakbang lamang ni Gael ang distansiya sa pagitan nilang apat at mabilis na sinugod ang binata. Isang malakas na suntok ang agad nitong iginawad sa mukha ni Justin na agad nang ikinatili ni Lexie.“Gael!” natatarantang sigaw ni Lex
Matulin na lumipas ang ilang araw. Marami pa ang nangyari matapos makilala ni Ariella ang kasintahan ni Gael. Dahil sa malapit na magkakaibigan ang kanilang mga pamilya ay hindi pa maiwasang makaharap niya ulit ang dalaga.Sa tuwing nakakasama niya nga sina Gael at Lexie ay hindi niya pa mapigilang
Sa lahat ng new readers ng MAKE YOU MINE (Endlessly Series 10), gusto ko lang pong sabihing ang kuwento nina Gael at Ariella ay parte ng series kong ENDLESSLY. Narito pa ang ibang kuwentong kabilang sa seryeng ito:***FIRST GENERATION***ENDLESSLY SERIES 1: MY RUTHLESS LOVER (Jake and Francheska’s s
“I can’t believe you are really wearing this kind of stuff, Lucas,” nakangiting sabi ni Ariella sa kanyang kaibigan habang inaayos pa ang necktie ng suot nitong business suit. “Alam kong hindi ito ang tamang oras para magbiro pero, to tell you honestly, mukha kang tuod sa hitsura mo.”Marahan pa si
Apat na araw ang mabilis na lumipas mula nang mangyari ang gabing iyon sa pagitan nilang dalawa ni Gael. Apat na araw na rin siyang nagbabakasaling makatanggap ng tawag o mensahe mula rito. Pero halos bumagsak ang mga balikat ni Ariella nang wala man lang siyang matanggap kahit isa mula sa binata.







