LOGINMaraming salamat po sa pagbabasa ng MAKE YOU MINE (ENDLESSLY SERIES 10). Abangan ang kasunod na kuwentong kabilang sa series na iyo, ang YOURS UNTIL THE END (ENDLESSLY SERIES 11). Kuwento ito ng pinsan ni Gael na si Aleya (anak nina Vincent at Ysabella). Para malaman ang pagkakasunod-sunod ng kuwento sa ENDLESSLY SERIES:***FIRST GENERATION***ENDLESSLY SERIES 1: MY RUTHLESS LOVER (Jake and Francheska’s story)ENDLESSLY SERIES 2: CAPTIVE (Ronniel and Arianna’s story)ENDLESSLY SERIES 3: MY LONGTIME FIANCEE (Vincent and Ysabella’s story)ENDLESSLY SERIES 4: TAMING MY WIFE (Paul and Beatrice’s story)ENDLESSLY SERIES 5: ONE NIGHT OF ENCHANTMENT (Luis and Bettina’s story)ENDLESSLY SERIES 6: ONCE AGAIN (Andrew and Minerva’s story)***SECOND GENERATION***ENDLESSLY SERIES 7: WAY TO YOUR HEART (Lucas and Janel’s story)ENDLESSLY SERIES 8: FOR THE LOVE OF FIONA (Randall and Fiona’s story)ENDLESSLY SERIES 9: UNTIL YOU LOVE ME (Rafael and Diana’s story)ENDLESSLY SERIES 10: MAKE YOU MINE (Gae
Ariella was gently stroking her paintbrush on the canvass in front of her. May isang masuyong ngiti pa ang hindi maiwasang mamutawi mula sa kanyang mga labi habang patuloy siya sa pagpinta.Yes, she went back to painting. Aminado siyang nitong mga nagdaang buwan ay nawalan siya ng motibasyon para magpinta. Isinantabi niya ang hilig niyang iyon dahil na rin sa mga nangyari sa kanya. But now, she found reasons to get going. Nagkaroon ulit siya ng sigla para gawin ulit ang mga bagay na noon pa lang ay minahal na niya. Nakaranas ulit siya ng masasayang sandali sa buhay niya na naging rason para makapagpinta ulit siya nang maayos.And one of those reasons was her wedding with Gael. Yes! After everything that happened between them, finally, they got married. Asawa niya na nga ang lalaking mula pa pagkabata ay laman na ng puso niya!It has been eight months since she found out that Gael followed her to Canada. Walong buwan na rin mula nang magkaayos silang dalawa at tanggapin niya nga ang in
Mulagat na napatitig si Ariella sa mukha ni Gael matapos niyang marinig ang mga sinabi nito. Hindi na niya kailangan pang itanong. Alam niyang sa kanyang Tita Norma nito nalaman ang tungkol sa pagbubuntis niya. Hindi niya alam kung paano pero dahil alam niyang nakakapag-usap ang dalawa, hindi malayong mangyaring nabanggit nga ng tiyahin niya rito na nagdadalang-tao siya.Ang tanong na lang, kilala na kaya ito ng kanyang Tita Norma? Ang pakilala ng binata ay Seth ang pangalan nito. Alam kaya ng tiyahin niya na ang lalaking nakakausap nito... ang lalaking bago nitong kapitbahay ay ang lalaking ama ng batang nasa sinapupunan niya?“Y-You knew...” wika niya sa pabulong na tinig. “Alam kong nalaman mo mula kay Tita Norma. A-Alam niya ba na... I mean, kilala ka na ba niya?”For a moment, Gael didn’t say a word. Nakatitig lamang ito sa kanya hanggang sa gumuhit ang isang nahihiyang ngiti mula sa mga labi nito.“Like what I told you, I didn’t mean to lie. Sadyang naghahanap lang ako ng tamang
Mistulang nakuryente na mabilis na humiwalay si Ariella kay Gael. Dalawang hakbang paatras pa ang ginawa niya upang magbigay ng distansiya sa pagitan nilang dalawa. At dahil sa paglayong ginawa niya ay agad na nitong nabitiwan ang kanang braso niyang hawak nito.She looked at him in disbelief. Parang gusto niya pang isiping nananaginip lamang siya kaya niya ito nakikita roon. O baka dahil lagi niya itong iniisip kaya pakiramdam niya ay ito ang kanyang kaharap. She must be hallucinating and Ariella almost wanted to pinch herself just so she could wake up.Pero alin man sa dalawa ay hindi totoo. Hindi siya nananaginip. Mas lalong hindi rin siya nagha-hallucinate lamang. Totoong kaharap niya nga ngayon si Gael at patunay lamang niyon ang pagwika nito sa kanya pagkaraan ng ilang saglit.“Are you okay, Ariella?” he asked her worriedly.That voice! Ariella swallowed hard. Hindi niya maipagkakamali sa iba ang tinig na iyon. Nahihinuha niya na nga ngayon na si Gael ang kanyang kaharap.Pero a
Mula sa niluluto niyang almusal ay agad napalingon si Ariella sa may entrada ng kusina nang pumasok ang kanyang Tita Norma. Kagigising pa lamang nito at sa kusina nga dumiretso. Sa tuwina kasi ay naghahanda ito ng makakain nila sa umaga kasabay na ng dadalhin nitong baon sa ospital na pinagtatrabahuan.Ngunit sa umagang iyon ay inunahan niya na ito sa pag-aasikaso sa kusina. Nagluto siya ng bacon, itlog at sausage. Nagsaing na rin siya ng kaunting kanin. May inihanda rin siyang tinapay at ang kapeng para sa kanyang tiyahin ay naisalang na niya sa percolator.“Good morning, Tita,” nakangiti niyang bati rito kasabay ng muli nang pagtuon ng kanyang mga mata sa kanyang niluluto. Kasalukuyan na niyang inilalagay sa isang plato ang mga prinitong sausages. Ang iba namang mga niluto niya ay nakahain na sa mesa.“You woke up early, Ariella. Sana ay ginising mo na lang ako para ako na ang maghanda ng almusal nating dalawa,” wika nito na ngayon ay tuluyan nang nakalapit sa mesa. Isang ngiti pa n
Hindi maiwasang magdikit ng mga kilay ni Ariella nang nakailang pindot na siya sa doorbell ng apartment na nasa kanyang harapan pero hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa ring nagbubukas ng pinto para sa kanya. Marahan pa siyang humakbang palapit sa bintana upang sana ay sumilip sa loob ng naturang bahay. But she wasn’t able to see anything. Sarado kasi iyon hindi katulad kanina pagdaan niya.“Hello...” wika niya pa sa malakas na tinig. “Tao po...”Hindi na siya nag-alangan pang magtawag sa salitang Tagalog. Ayon naman sa Tita Norma niya ay pinoy ang nakatira roon. Nasisiguro niyang mauunawaan naman nito ang mga sinasabi niya.“Tao po!” tawag niya pa sa mas malakas na tinig. Naglakad na rin siyang muli palapit sa may pintuan at doon ay marahang kumatok. She did it repeatedly. Ilang saglit din siyang nanatili roon ngunit hindi man lang nakakuha ng tugon.Hanggang sa wari ay napagod na rin siyang magtawag. Pumihit na siya patalikod at iginala pa ang kanyang paningin sa paligid. Baka
CANADA...Tuloy-tuloy na naglalakad si Ariella pabalik sa apartment na tinitirhan ng kanyang Tita Norma. It was past seven in the morning and she just had her morning walk around the village. Nakaugalian na niya mula nang dumating doon ang maglakad-lakad muna tuwing umaga. It made her feel good bef
Idineklarang patay na bago pa man madala sa ospital si Pauline. Tuluyan nga itong binawian ng buhay dahil sa mga nangyari. Napuno ng lungkot ang pamilya Olvidares at Velasquez. Labis ang pagdadalamhati ng mag-asawang Paul at Beatrice... and of course, ni Gael.Sa mismong bahay ng mga Velasquez pini
“Y-You... you are so unfair,” wika ni Ariella sa garalgal na boses. Halos wala pang lumabas na tinig mula sa kanya dahil sa labis na emosyong nadarama niya. Ni hindi niya na rin mapigilan ang paglandas ng kanyang mga luha sa kanyang mga pisngi dahil sa itinatakbo ng usapan nila ni Gael.“Ariella, l
“Can you blame me? Sa tuwing nakikita ko si Ariella, hindi ko maiwasang maalala ang kapatid ko. We lost Pauline because of her,” wika ni Gael kay Lexie na kasalukuyan niyang kausap sa kanyang cell phone.He was talking to her while he was cooking something for him and Ariella. Sinadya pa niyang gum







