Share

Chapter 74:

Author: Hiraya_23
last update publish date: 2026-06-01 21:01:08

Bumagsak ang katahimikan sa loob ng sala ko, isang uri ng katahimikan na nakakabingi at masakit sa dibdib.

Nakatitig lang ako sa mga durog na piraso ng plastik at bakal sa malamig na sahig.

Ang flash drive.

Ang pesteng bagay na naging mitsa ng impiyerno ko buong gabi, ang bagay na ginamit ni Zion para dumiin ang mga maruruming daliri niya sa buhay ko, ay wala na.

Durog. Pira-piraso.

Inangat ko ang tingin ko kay Zian.

Humihingal siya, ang malapad niyang dibdib ay mabilis na tumataas-baba sa ilal
Hiraya_23

So good to be back here <3 Wahhhhhhh! Susubukan ko na talagang pag sabayin lahat pag tapos na yung klase. <3

| 2
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Escaped my Maniac EX, Trapped by His Possessive Twin   Chapter 75:

    “Gusto mo lang akong gawing incubator, Zian. Aanakan? Anong akala mo sa akin? Baboy? Gusto mo lang gamitin ang sinapupunan ko para magkaroon ng anak na isasampal mo sa board of directors para hindi makuha ni Zion ang kumpanya niyo! Pareho lang kayong magkapatid! Mga mapaglaro! Mga manggagamit!” matigas na saad ko habang nakikipag titigan sa nanlilisik niyang mga mata.Nanatiling nakatayo si Zian sa tapat ko. Ang kaniyang mga kamao ay nakakuyom nang napakahigpit, sapat para mas lalong bumuka ang sugat sa kaniyang kamay at pumatak ang sariwang dugo sa aking sahig.“Incubator?” sa wakas ay nagsalita siya, ang boses ay hindi na sumisigaw, kundi naging isang mababa, gumaralgal, at mapanganib na bulong. “Iyan ba talaga ang tingin mo sa akin, Hyacinth? Isang lalaking walang ibang inisip kundi ang pera at posisyon?”“Bakit, hindi ba?!” ganti ko, pilit na itinatago ang panginginig ng aking tuhod. “Itanggi mo, Zian. Sabihin mo sa akin na hindi totoo ang sinabi ni Zion! Sabihin mo sa akin na hin

  • Escaped my Maniac EX, Trapped by His Possessive Twin   Chapter 74:

    Bumagsak ang katahimikan sa loob ng sala ko, isang uri ng katahimikan na nakakabingi at masakit sa dibdib.Nakatitig lang ako sa mga durog na piraso ng plastik at bakal sa malamig na sahig.Ang flash drive.Ang pesteng bagay na naging mitsa ng impiyerno ko buong gabi, ang bagay na ginamit ni Zion para dumiin ang mga maruruming daliri niya sa buhay ko, ay wala na.Durog. Pira-piraso.Inangat ko ang tingin ko kay Zian.Humihingal siya, ang malapad niyang dibdib ay mabilis na tumataas-baba sa ilalim ng kaniyang gulu-gulong navy blue suit.Ang puting napkin na nakabalot sa kaniyang kamay ay tuluyan nang napuno ng pulang dugo, na ngayon ay dahan-dahang lumalapat at nagmamarka sa balikat ng suot kong itim na silk slip dress.“It’s done, Hyacinth...” bulong niya muli, ang boses ay paos at basag, parang nanggaling sa ilalim ng lupa. “He can't hurt you anymore. He can't use those disgusting tapes against you.”Dapat ay nakaramdam ako ng ginhawa. Dapat ay magalak ako sa pasasalamat dahil sa wak

  • Escaped my Maniac EX, Trapped by His Possessive Twin   Chapter 73:

    Halos tinakasan ako ng lakas ng makaakyat sa unit ko.Pumasok ako sa loob, isinara ang pinto. Hindi ko muna binuksan ang ilaw. Ang tanging nagbibigay ng liwanag sa loob ng sala ay ang maliit na lamp na nakalimutan kong patayin kanina, at ang maputlang liwanag ng buwan na tumatagos mula sa bintana.Masyadong mabigat ang katawan ko. Pagod ang utak ko sa bilis ng mga pangyayari. Pagod na pagod na akong maging laruan ng magkapatid na Vladefiero.Unti-unting tumulo ang mga luha sa mga mata ko, mga luha ng matinding galit at kawalan ng pag-asa.Ngunit bago pa ako makahakbang papunta sa kwarto ko... natigilan ako.May kakaibang presence akong naramdaman.Bago pa man ako makakapa sa switch ng ilaw, sumoksok sa ilong ko ang isang amoy na nagpatindig ng lahat ng balahibo ko sa katawan.Ang pamilyar na mamahaling pabango ng lalaking kilalang kilala ko.Nanlaki ang mga mata ko. Sa liwanag na nagmumula sa maliit na lamp, nakita ko ang isang malaking bulto ng tao na nakatayo sa gitna ng sala ko.Na

  • Escaped my Maniac EX, Trapped by His Possessive Twin   Chapter 72:

    Nanatili akong tikom ang bibig sa loob ng sasak’yan. Ayaw kong magsalita at wala akong ganang magsalita.Nakasandal ako sa malamig na bintana ng itim na Bentley ni Zion pero ang utak ko ay bumabalik parin sa lahat ng narinig at nalaman ko kanina sa VIP lounge.“Nakita mo ba ang mukha ni Zian kanina? Nakakatawa talaga siya!”Binasag ni Zion ang katahimikan. Tumawa pa siya ng mahina.“I never imagined na gano’n siya katinamaan sa’yo, Bab—”“Don’t call me babe at hindi ako natutuwa sa’yo! Sa inyo!” sagot ko!Hindi ko mapigilan ang sarili kong sumagot, naiinis na talaga ako sa lalaking ‘to. Nandidiri ako sa sarili ko na kailangan kong umupo sa tabi niya kanina at hanggang ngayon!At si Zian, may lakas pa siya ng loob na magpaliwanag sa akin kanina!Kaya pala siya nagpapagamot sa’kin! Kasi kailangan niyang makabuntis dahil kailangan niyang manatiling CEO. Kailangan niya ng tagapagmana. At dahil hindi gumagana ang pagkalalaki niya sa ibang babae, kailangan niyang makuha ang loob ko. Kailan

  • Escaped my Maniac EX, Trapped by His Possessive Twin   Chapter 71:

    71:“The only woman who can touch me is YOU!”Natigagal ako, hindi ko inasahang sasabihin niya iyon kahit pa nasa labas lang ang babaeng papakasalan niya. For corporate cover man o hindi, ikakasal parin sila.Seryosong-seryoso talaga siyang nakatingin sa akin. Ang labi ko, naghihintay ng sagot, naghihintay na maniwala ako sa kan’ya.Unti-unting bumababa ang mukha niya. Habang ang mga mata ay naniningkit na naka tingin sa akin, ni hindi siya kumukurap.Napalunok ako.Ano bang nangyayari sa akin? Bakit pakiramdam ko gusto kong pumikit. Gusto kong magpadala sa init ng katawan niyang nakakulong sa akin.Ngunit bago pa man maglapat ang aming mga labi, isang matinis at nakakabinging tunog ang bumasag sa tensyon.Ring. Ring. Ring.Ang cellphone ko sa loob ng maliit kong clutch bag.Awtomatikong nanlamig ang buong katawan ko. Parang binuhusan ako ng yelo. Ang pangalang nag-flash sa screen ng isip ko ay sapat na para ibalik ako sa malupit na reyalidad. Si Zion.Ang demonyong ginamit ang sex ta

  • Escaped my Maniac EX, Trapped by His Possessive Twin   Chapter 70:

    Si Zian.Nakatukod ang isang kamay niya sa pader sa gilid ng ulo ko, kinukulong ako sa pagitan ng malamig na tile at ng nag-aapoy niyang katawan.Ang kabilang kamay niya, ang kamay na ginamit niya para takpan ang bibig ko, ay may nakapulupot na puting panyo na ngayon ay basang-basa na ng mapulang dugo.Ang mga mata niya... God, ang mga mata niya. Nagliliyab ito sa isang pinaghalong galit, selos.Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya sa bibig ko, ngunit hindi siya umatras. Ang mukha niya ay ilang pulgada na lang ang layo sa mukha ko. Ang mabilis at mabigat niyang paghinga ay tumatama sa mga labi ko.“Why?” Isang tanong. Paos, basag, at punong-puno ng hindi ko mabasang emosyon. “Tell me why the fuck are you with him, Hyacinth?”Nanginig ang mga labi ko. Bakit parang hinihila ang katawan ko na yumakap at maghanap ng kanlungan sa kan’ya.Gusto kong isumbong sa kaniya na blina-blackmail ako ni Zion, na hawak ng kapatid niya ang reputasyon naming dalawa.Pero hindi pwede. Kung malalaman n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status