Beranda / Paranormal / Mamamatay Na Ako... Bukas! / Mamamatay Na Ako... Bukas! - Prologo

Share

Mamamatay Na Ako... Bukas!
Mamamatay Na Ako... Bukas!
Penulis: Maja Rocha

Mamamatay Na Ako... Bukas! - Prologo

Penulis: Maja Rocha
last update Terakhir Diperbarui: 2021-08-31 20:30:43

PAG-AALAY

Para sa matalik kong kaibigang si Bianca, at sa pinsan kong si Jomari na nangarap na maka-talik ang matalik kong kaibigan… Maganda ba ang langit?

***

"MAMAMATAY NA AKO..." paulit-ulit na sinasabi ng maliit na boses sa isip ko. Walang iba kundi sa akin ang maliit na boses na iyon. Ito na yata ang pinaka nakakatakot na sandali ng buhay ko. Narito ako sa isang silid na bahagyang nasisinagan ng liwanag. Bahagya ko ring nasisilayan ang mukha ng walang hiyang kasulukuyang lumalapastangan sa akin! Nakangisi siyang parang isang demonyo!

Nakahiga ako sa isang malambot na kama. Nakatodo ang lamig ng air-con. Nanghihina ako sa lamig. Nakaibabaw sa akin ang walang hiyang gustong tumikim sa sariwa kong katawan! Wala siyang saplot na pang-itaas. Magkagayunman, hindi ako naaakit sa ganda ng katawan niya. Nasusuklam ako!

Gumagapang ang mga kamay niya sa iba't ibang parte ng katawan ko: sa hita ko, sa gitna ng pantalon ko, sa tiyan ko, sa d****b ko. 'Di pa nakuntento, itinaas niya ang pang-itaas na damit ko. Nandiri ako nang maramdamang dumampi ang laway niya sa d****b ko. Wala akong ibang nagawa kundi umiyak. Ayaw ko sana, pero hindi ko kayang sikmurain ang kababuyang ginagawa niya sa akin. Ang masama pa noon, hindi lang puri ko ang gusto niyang kunin, kundi pati buhay ko!

Masaklap, pero alam kong iyon ang kahahantungan ko. Pagkatapos niyang makakuha ng pansamantalang kaligayahan, alam kong parang b****a lang niya akong itatapon gaya ng ginawa niya sa mga kaibigan ko. Pinatay niya sila! At ngayon, ngayong ubos na sila... Ako naman ang isusunod niya.

"Ikaw, Bianca, alam mo ba kung kailan at paano ka mamamatay?" tanong niya sa akin. Mapanubok ang tanong, kaya kailangan din ng mapanubok na sagot.       

Sa kabila ng takot na nararamdaman ko, nagpakita ako ng katapangan.       

"Hindi! Pero sige, kung gusto mo akong patayin... Kung mamamatay man ako, huwag BUKAS! Sige na, ngayon na!" paghamon ko sa kanya.

Akala ko, kahit paano maaawa siya sa akin. Pero hindi! Sinakal niya ako!

"Hayop ka!" sigaw ng isip ko. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makahinga!

Sinubukan kong pigilan ang mga kamay niya, pero masyado siyang malakas! Wala na ring silbi ang mga paa ko. Kanina pa ako pumapadyak at lumalaban para sa buhay ko. Kanina pa rin dumadagan sa akin at nagpapakasasa sa makamundong kaligayahan ang baliw na ito.

"MAMAMATAY NA AKO..." sabi ng maliit na boses sa isip ko. Hindi ko na pinilit huminga. Itinigil ko na ang paglaban. 'Di nagtagal, nakita ko na lang na dumilim ang paligid ko. Isa lang ang nasa isip ko, hindi na ako aabutan ng BUKAS. Susundan ko na ang mga kaibigan ko, ngayon na...

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   PSK - Kabanata III.I

    Bandang alas nuebe ng gabi nang magkaroon ng misa para kay Jomari. May ilang mga kamag-anak niya ang nagsalita ng magagandang bagay tungkol sa kanya. Isa na roon si Jude."Siya yung madalas kong kasama... sa gimik, mga kalokohan, pagbabasa ng FHM... panonood ng porn... Hindi, joke lang. Hindi ako nanonood ng porn. Pinapakuwento ko lang kay Jomari kung anong meron doon sa video. Tapos, sa pag-akyat ng ligaw kay Bianca... "Nagtinginan ang lahat sa akin nang banggitin ni Jude ang pangalan ko. Hinagod ng katabi ko sa kaliwa, isa sa mga tita nina Jomari at Jude, ang likuran ko."Everything will be ok, Bianca," sabi nito. Tumango ako. Sana nga ganoon kadali lahat.Nagpatuloy ako sa pakikinig kay Jude."Itong pagkamatay niya... Hindi ko matanggap e! Tinatanong ko yung sarili ko... Ano ba ito? Panaginip ba ito? Ginu-good time ba ako ni Jom? Ano ba? May surprise ba in the end? Na nandito nga itong kabaong niya sa likuran ko. Nagdedeliver ako ng eulogy rito... Pero 'di ko alam kung eulogy nga

  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   PSK - Kabanata III

    Isang panyo... Isang panyong kulay rosas at may bulaklaking disenyo. Nabigla ako nang iabot iyon sa akin ng lalaki. Ilang segundo rin akong nakatingin dito bago ko napagdesisyunang kunin ito dahil napagtanto kong sa akin pala ang panyo."A... Y-y-your welcome," naging tugon ko nang kunin ko iyon.Mariin akong nakatingin sa estranghero sa harap ko. "Sino ba ito?" ang nasa isip ko."That helped me... a lot," sabi niya at doon ko napag-isip-isip kung sino nga ba siya.Siya... Siya siguro yung lalaking naroon sa roof top kahapon."Buti naman kung ganoon," tugon ko sabay ngiti."Nakakahiya! Nakita mo pa akong umiiyak kahapon," sabi niyang tila nahihiya, and at the same time ay natatawa.So siya pala talaga yung lalaki sa roof top. Kaso, bakit naman siya mahihiya? Wala naman sigurong masama kung umiyak ang isang tao lalo na sa panahon ng pagdadalamhati, 'di ba? Sa ganitong sitwasyon, mas makatutulong ang pag-iyak kaysa sa pagtawa, pag-ngiti o pagpapakitang masaya ka kahit hindi."Normal nam

  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   PSK - Kabanata II.I

    Nasasaktan ako sa mga sinasabi ko sa kanya, pero anong magagawa ko? Iyon ang katotohanan! At gustuhin ko man, alam kong hindi na maibabalik si Jomari sa katawan niya."Shit!" Napasigaw siya. "Nalaman ba kung sino yung walang hiyang sumagasa sa akin?""Inaalam pa," mahinang tugon ko."Gaano naman katagal bago malaman iyon? Baka naman ten years na akong patay, wala pa ring nangyayari!""Nabigla ako sa nangyari, Jom," sabi ko.Natahimik siya bigla. Binasag ang katahimikan ng pagtatanong niya ng,"Nami-miss mo ba ako?""Hindi," agaran kong isinagot. Pero alam ng Diyos kung gaano ko siya nami-miss!"Hindi mo ako nami-miss? Heartless ka talaga," pagtatampo niya."Paano naman kita mami-miss? Nandito ka naman sa tabi ko, 'di ba?" katwiran ko. Natigilan siya."A... tama. I'm your guardian angel."Guardian angel... Sana nga. Sana huwag niya na akong iwan kahit kailan. Sana bantayan niya na lang ako. Dahil alam ko, hangga't nasa tabi ko siya, ligtas ako."Ano'ng pakiramdam ng mamatay?" tanong ko

  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   PSK - Kabanata II

    Nababalot ng kakarampot na liwanag ang paligid. Sa kailaliman ng gabi, dalawang babae ang nagnanais na maisalba ang kanilang buhay. Kapit na kapit ang kanilang mga kamay habang tinatahak ang madilim na daan. Kapwa sila hinihingal dahil sa pagtakbo nang walang direksyon. Ilang saglit pa ay huminto sila. Bumitiw ang nakatatanda sa nakababata."Magtago ka roon, dali!" utos ng babae sa kanyang kasama. May katamtaman siyang pangangatawan. Hindi rin naman ganoon katangkaran. Mala-anghel at maamo ang kanyang mukha, ngunit sa kabila nito, nakikitaan ko siya ng bahid ng takot --takot na hangga't maaari ay ayaw niyang ipahalata sa kasama niya. Itinuro niya ang isang kotse sa madilim na sulok ng kalsada. Humahalo ang itim na kulay ng sasakyan sa kadiliman.Tiningnan siya ng kasama na puno ng pag-aalala. "Paano ka, ate?" tanong nito. Teka... Kilala ko siya, si Rhee!Umiling ang babae, tila gustong iparating na huwag siyang intindihin. "Basta, magtago ka roon! Kung sakaling mahuli ako, hindi ka ni

  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   PSK - Kabanata I

    Memories... Yung alaala ng nakangiti niyang mukha noong ibinigay niya sa akin yung Valentine's Card na ipinagyayabang pa noon ng pinsan niyang si Jude. Yung alaala ng saya at kilig na naramdaman ko noong tinanggap ko yung card na pinaghirapan niya at dinisenyuhan. Alam kong torpe siya. Kung sabihin niya ngang mahal niya ako, pabiro lang e! Minsan nga yung pinsan niya pang si Jude ang nagiging tulay namin. Pero noong gabing iyon, kung kailan pumasok na sa isip kong gawing totohanan yung relasyon naming biru-biruan lang... Yung gabing iyon kung kailan masaya kaming umuwi galing sa "date" namin matapos naming malagpasan ang isang kakila-kilabot na experience na ayaw ko na sanang maalala... Yung gabing iyon na pala ang huling sandaling makikita ko siyang nakangiti. At yung mga alaala ng masaya naming pinagsamahan, iyon na lang yung pinanghahawakan ko ngayon. "Jom!!!" Flashback... Ilang beses kong isinigaw ang pangalan niya noong gabing iyon. Halos gumuho ang mundo ko nang makita ko ang d

  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   Pinatay Siya... Kahapon! (MNA... B! and PK... M! Series) - Teaser

    PANIMULAMemories...Yung alaala ng nakangiti niyang mukha noong ibinigay niya sa akin yung Valentine's Card na ipinagyayabang pa noon ng pinsan niyang si Jude. Yung alaala ng saya at kilig na naramdaman ko noong tinanggap ko yung card na pinaghirapan niya at dinisenyuhan. Alam kong torpe siya. Kung sabihin niya ngang mahal niya ako, pabiro lang e! Minsan nga yung pinsan niya pang si Jude ang nagiging tulay namin. Pero noong gabing iyon, kung kailan pumasok na sa isip kong gawing totohanan yung relasyon naming biru-biruan lang... Yung gabing iyon kung kailan masaya kaming umuwi galing sa "date" namin matapos naming malagpasan ang isang kakila-kilabot na experience na ayaw ko na sanang maalala... Yung gabing iyon na pala ang huling sandaling makikita ko siyang nakangiti. At yung mga alaala ng masaya naming p

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status