Share

PKM - Kabanata VII.I

Tahimik lang ako habang hinihintay ang reply ni Jude sa text ko sa kanya. Nabasa niya kaya? May load kaya siya?

Sa gitna ng katahimikan, nagbukas si Zach ng usapan.

"Ilang taon na pala uli kayong magkakaibigan nina Jude?" tanong niya.

"Mula noong maliit pa lang ako, sila na yung mga kasama ko."

"Masaya ba silang kasama? Yung si Jomari kasi mukhang suplado e!"

"Sobrang masaya sila kasama! Kaso minsan, ang kukulit nila e! Lalo na si Jomari. Madalas nga naiinis ako dun e! Parang bata kasi."

Hindi ako nagkukuwento sa iba ng tungkol kina Jude at Jomari. Wala rin naman kasi akong ibang gustong kausapin kundi sila lang. Lagi kasi akong palagay 'pag sila yung kasama ko.

"Bianca, what if, for example, nagka-boyfriend ka. Sigurado, hindi mo na sila madalas na makakasama."

Napaisip ako bigla roon. Tama si Zach. Kung magkaka-boyfriend siguro ako, mababawasan na yung oras ko sa kanila. Kaso... ayaw ko namang ma

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status