Share

PKM - Kabanata VII

"Ano, Bianking? Ano na'ng nangyari? Ok na ba? Niyaya ka na ba ni Zach?" sunod-sunod na tanong ni Jude nang makalapit na sila ni Jomari sa akin.

"A, oo. Niyaya niya akong makipag-date," matamlay na sagot ko.

Ewan ko ba, dapat masaya ako kasi makaka-date ko si Zach --yung poging si Zach! After how many years, may nagkamali sa aking magyaya, pero bakit hindi maganda ang pakiramdam ko sa date na ito?

"Syempre um-oo ka, 'di ba? Makikipag-date ka sa kanya, 'di ba?" tanong ni Jomari, halatang masama ang loob. Siguro iniisip na naman niyang kinikilig ako kasi niyaya ako ni Zach.

"A... oo," sagot ko suot ang isang tipid na ngiti.

Nanggagalaiti si Jom sa inis, "Ikaw kasi e!" pagsisi niya kay Jude. Muntik pa niyang sikuhin yung pinsan niya.

Inawat ko siya at nagpaliwanag, "Jom, huwag mo nang awayin si Jude. Saka hindi naman para sa akin ito e."

"A right, para kay Star! Si Star, si Star, si Star! Sabihin mo nga riyan sa kai

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status