Share

Kabanata 3

Nakabalot ng benda ang mga mata, ulo, braso, at binti ni Alona. May mga neck braces din na nakakabit sa leeg ng dalaga.

Sa ngayon, ang oxygen concentrator lang ang sumusuporta sa kaniyang katawan para mabuhay.

Halos hindi niya maigalaw ang buong katawan niya at hindi rin siya makapagsalita. Para siyang bangkay na nakahiga ngunit humihinga pa rin at gising na gising ang kaniyang diwa.

Nanginginig na lumapit sa kaniya si Ivan at mabigat ang bawat hakbang niya. Nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata at hindi siya makapaniwala sa sinapit ng dalaga.

Pero hindi siya gaanong nakalapit kay Alona dahil biglang dumating ang magiging asawa niyang si Karlos. Binangga pa siya nito sa balikat, pero hindi na lang niya ito pinansin.

“Alona! naririnig mo ba ako?" sabi niya na may pag-aalala. Dahan-dahang ginalaw ng dalaga ang isang daliri niya at nakita ito ng dalawang binata.

Napangiti si Karlos at napaluha, sabay halik sa kamay niya. Tumalikod na lang si Ivan at lumabas sandali ng kuwarto.

Bumuga siya ng malalim na paghinga at isinandal ang likuran sa pader. Nanlalambot ang kaniyang mga tuhod at hindi pa rin niya matanggap ang trahedya na sinapit ng pamilyang Desepeda.

Ivan Jonathan Ocampo o mas kilala bilang Ivan, tatlumpung taong gulang. Dating matalik na kaibigan at kababata ni Mike Desepeda, ang nakatatandang kapatid ni Alona.

Noong bata pa lamang sila ay talagang malapit na talaga siya sa pamilya Desepeda. Nang dahil sa pang-aabuso ng kaniyang mga magulang, kaya minarapat nila na kunin siya at ampunin bilang bahagi ng kanilang pamilya.

Malaki ang utang na loob niya sa mga Desepeda's, pero lahat ng iyon ay dahil sa matalik niyang kaibigan na si Mike. Pinili na lang niyang pagsilbihan sila bilang personal tutor ng magkapatid. Higit pa rito, nadama niya na mas mabuting huwag maging pabigat at abusuhin ang kanilang kabaitan sa kaniya.

Kaya bilang kapalit, nangako siya sa mag-asawang Desepeda na balang araw ay susuklian niya ang kabutihang ibinigay ng mga ito para sa kaniya. Mula noon, siya ay nagtrabaho nang husto sa gabi at isang estudyante naman sa umaga. Ayaw din niyang umasa sa ibinibigay sa kaniya ng magkapatid kaya kahit na madalas ang pagtulo ng dugo sa ilong niya ay nagpatuloy siya at hindi nag-aksaya ng oras.

Nasaksihan ni Mike ang kasipagan nito. Napapangiti lang siya at namamangha sa kaibigan sa tuwing mahahanap niya itong mahimbing na natutulog sa mesa at halatang pagod.

Isang araw, kinausap niya ang kaibigan at humingi siya ng pabor.

"Ivan, puwede ba akong humingi ng kahit isang hiling sa iyo?" sabi ni Mike habang naglalakad silang dalawa sa garden.

“Wish?” ani naman ni Ivan at tumingin siya sa kaibigan. Tumigil sila saglit sa paglalakad at hinarap ni Mike ang binata.

"Ivan, ipangako mo sa akin na pakakasalan mo ang kapatid kong si Alona." Alam niyang nagulat si Ivan kaya hinawakan niya ito sa kamay.

“Huh? ano ba ang sinasabi mo? kasal? masyado pang bata si Alona para pakasalan ko siya at alam mo namang para kaming aso't pusa ng kapatid mong 'yan." Aniya na may pilyong ngiti sa labi.

“Please, nakikiusap ako, Ivan. Ingatan mo siya. Ayaw 'kong nakikita siyang nasasaktan at umiiyak dahil sa ibang lalaki.” Pagsusumamo niya rito.

“Ano bang sinasabi mo, Mike? bakit parang ang seryoso mo yata ngayon? may problema ka ba?" natahimik sandali si Mike. Nakayuko lang siya at parang pinipigilan ang emosyong nararamdaman.

“I'm sorry, alam kong hindi ka mahilig sa mga seryosohang usapan. Pero sa tuwing naiisip ko ang magiging future ng kapatid ko ay para akong sinasaksak ng paulit-ulit sa aking puso.” Aniya at biglang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata na ikinabahala ng binata.

Nabigla si Ivan dahil ito ang unang pagkakataon na nakita at narinig niya ito ng emosyonal. Madalas niya itong nakikitang nakangiti, masaya at laging tumatawa sa tuwing magkasama sila. Ngunit sa mga sandaling iyon ay tila sumuko na ang dating Mike na kilala niyang matapang at masigla. Duda siya na sa kabila ng lahat ng mayroon siya ay may pinagdadaanan din pala siyang problema.

Mahigit dalawang araw lang ang nakalipas nang aminin ni Mike sa harap ng kaniyang pamilya na mayroon siyang Bone Marrow Cancer o Leukemia. Ang masamang balitang batid niya ang biglang nagpabagsak sa mga Desepedas. Halos mawalan na rin sila ng pag-asa na maitawid muli ang kanilang kumpanya at maipasa sa kaniya ang mana dahil sa lumalalang sakit nito.

Mahigit isang linggong hindi nagpakita si Ivan sa kaniyang kaibigan. Sandali siyang namalagi sa bahay ng kaniyang katrabaho, ngunit mas pinili niyang huwag magtagal doon kaya naghanap siya ng mauupahan sa mas mababang upa.

Hindi pa siya handang harapin muli ang matalik niyang kaibigan matapos niyang malaman ang malubha nitong kondisyon sa kalusugan. Gayunpaman ay madalas siyang dumadaan at humihinto sa tapat ng bahay nito pero umaalis din siya kaagad.

Inisip naman ni Mike na masama ang loob nito sa kaniya dahil inilihim niya ang kaniyang malubhang karamdaman sa kaibigan. Pero ang hindi niya alam ay takot lang siyang harapin ito at makita ang kalagayan niya.

Habang tumatagal, unti-unti siyang nahihirapan at pumapayat dahil sa kaniyang kondisyon. Lagi lang siyang nasa loob ng ospital at naggigitara. Paminsan-minsan, napapangiti siya ni Alona at nagsasanay siya ng ballerina sa harap niya.

Hindi rin nila ipinakita o ipinaramdam sa binata ang lungkot at sakit na naramdaman nila sa sinapit ng kanilang anak. Sa halip, ibinuhos nila ng mag-asawa ang lahat ng kanilang pagmamahal, pangangalaga, at tapang sa kaniya.

Ganiyan si Mike kaya kahit sobrang hirap na ng sitwasyon ay pilit pa rin siyang lumaban at hindi siya nawalan ng pag-asa na malalagpasan din niya ang bawat pagsubok na iyon.

Ngunit ang katahimikan at katapangan niyang iyon ay biglang nabasag. Nagising sila sa katotohanang wala nang pag-asa na pahabain pa ang buhay ng binata.

Napaiyak na lang si Mrs. Desepeda, habang niyayakap siya ng asawa. Nagkataon namang sumilip si Mike sa labas ng kaniyang silid at sa unang pagkakataon ay nakita niya ang kaniyang mga magulang na umiiyak nang dahil sa kaniya.

Kaya imbes na maglakas-loob, bigla siyang nawalan ng pag-asa at natakot sa kinabukasan.

Napaatras lang siya at naupo sa isang tabi. Doon niya ibinuhos ang lahat ng sakit at bigat na matagal na niyang kinikimkim sa kaniyang puso.

Ilang saglit pa ay pumasok na rin sa kanoyang silid ang mag-asawang Desepeda. Laking gulat nila nang makitang nakahandusay sa sahig ang binata at walang malay.

Kaagad silang tumawag ng nurse at doktor. Muli siyang inihiga sa kaniyang kama at pinagmasdang mabuti ang kalagayan ng kaniyang katawan.

Kinausap sila ng masinsinan ng doktor.

“Nasa final stage na ang sakit ng inyong anak. Mas malala at mas mahirap ang kalagayan niya ngayon. Hindi ko rin maipapangako na madudugtungan pa siya ng mahabang buhay, within this week or maybe after three to four days baka mawala na siya. Lubos po akong humihingi ng paumanhin sa inyo.“ Pagkasabi niyon ng doktor ay tumalikod siya at lumabas saglit sa opisina niya.

Parang hindi makapaniwala ang mag-asawa sa narinig. Hinabol ni Mrs. Desepeda ang doktor at lumuhod ito sa harapan niya.

“Please, nakikiusap ako sa inyong lahat. We are willing to pay, kahit magkano, basta tulungan niyo lang ang anak ko na gumaling. Wala akong pakialam kung gaano katagal o gaano kamahal ang magagastos namin, kung puwede ipasa mo na lang sa akin ang sakit niya ay hindi ako magdadalawang isip na gawin iyon. Dok, bata pa po si Mike. Siya ay matalino at napakabait na bata. Kaya, bakit sa dinami-dami ng taong maaaring magkaroon ng ganoong sakit, bakit yung anak ko pa? wala na ba talagang ibang paraan para mailigtas niyo ang aking anak sa bingit ng kamatayan? nakikiusap ako, doktor. Tulungan mo ang aking anak. Ako na lang, kunin niyo na lang ako." Sa kabila ng kaniyang pagmamakaawa, siya ay pinakawalan sa mga kamay ng doktor. Nakaupo sa sahig at patuloy lang sa pag-iyak. Nasaksihan at narinig ni Ivan ang lahat ng kaniyang pakiusap sa doktor. Nangingilid ang luha sa mga mata niya at tumingin na lang siya sa ibang direksyon upang paupahin ang bigat na kaniyang nararamdaman.

“Pasensiya na, misis. Pero isa lang akong doktor at hindi po Diyos.” Sagot ng doktor sabay alis niya.

Sa 'di kalayuan ay bigla niyang nakita si Alona na naglalakad palapit sa kanila at nakatingin sa mga pasyenteng nakakasalubong niya.

Bigla siyang natakot na baka makita ng dalaga ang kaawa-awang kalagayan ng kaniyang mga magulang. Kaya naman, dali-dali siyang lumapit kay Alona at humarang sa harapan niya.

“Kuya Ivan?” pagtataka niya nang makita ito.

"Alona, alam mo ba kung saan makakabili ng prutas?" tanging tanong niya para makuha ang atensyon ng dalaga.

“Huh? may nakita ako kanina sa labas na nagtitinda ng mga prutas." Nagtuturo siya sa labas ng ospital.

"Ganoon ba? puwede bang sumama ka sa akin?”

“Pero-” sisilip na sana siya sa likod ni Ivan, pero mabilis siyang hinarangan ng binata at inakbayan siya sa balikat.

“Sumama ka na sa akin, hindi ko alam kung anong prutas ang gusto ng kapatid mo.” Yon na lamang ang sinabi niya sa kaniya.

“Sige, pero sandali lang tayo ha?” nakumbinsi din naman niya na sumama ito sa kaniya. Lumingon saglit si Ivan sa likuran niya at nakita niyang binubuhat ng mga nurse si Mrs. Desepeda, dahil bigla itong nahimatay doon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status