Halos tumulo na lang ang luha sa mga mata niya nang hindi namamalayan at napayuko dahil sa lubos na kahihiyan."Karlos, hijo. Totoo ba 'tong sinasabi ng Dad mo? balak mo ba talagang mapakasalan ang ganoong klaseng babae? alalahanin mo naman ang reputasyon mo at ng buong angkan natin kapag napag-alaman nila ang tungkol sa kaniya." Mahinang turan ng kaniyang ina at hinahawakan siya sa dalawa niyang kamay."Kung tutuusin hindi ka na bata pa para pagsabihan ka namin sa kailangan mong gawin. Bukod pa roon, nakapagtapos ka sa mataas na uri ng unibersidad at kilala kang pinakamatalino sa lahat ng kasabayan mo. Pero ano lang sa tingin mo ang iisipin nila sa'yo, sa oras na matuklasan nilang umiibig ka sa isang bayarang babae at nagseserbisyo sa iba't-ibang klase ng lalaki gamit ang sarili niyang katawan. Hindi ba't napakalaking kahihiyan iyon? hindi lang kahihiyan sa ating pamilya, kundi para na rin sa iyong sarili." Nananatili pa ring tulala at tikom ang bibig si Karlos habang
"Anong problema niya? bakit niya 'ko hinulugan ng barya?" angil pa nito sa kaniyang sarili. Hanggang sa naging sunud-sunod na nga ang mga nagbibigay sa kaniya ng barya."O? anong ginagawa niyo?""Teka, miss! nahulog mo yung pera mo!""Tama na! ayoko na! hindi ako pulubi no!" aniya sa bawat taong naghuhulog ng barya sa kaniya pero umiiling lang ito sa ulo at hindi siya pinapansin.Napatulala naman yung pulubi sa kaniya kanina habang nakaawang pa ang bibig nito. Tila hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita at naririnig.Ngayon lamang siya nakakita ng isang pulubi na kagaya niya, na nagrereklamo sa barya o perang binibigay sa kaniya. At ang masahol pa roon ay binabalik niya sa may ari o hinahabol niya ang taong naghulog ng barya sa kaniya upang ibalik iyon."Tch!" umiiling na usal nito habang nakatingin pa rin siya sa kinaroroonan ng binata.Wala rin namang nagawa pa si Karlos at napabuga na lang ng malalim na pa
Kasalukuyang nakatayo si Karlos sa tabing bintana. Nakatindig na nakasulyap habang may kinakausap ito mula sa cellphone niya. "I will pay you any amount. Just don’t hurt her, just scare her a little bit." Pagkatapos niyang sabihin iyon sa kausap ay binabaan na niya ito kaagad ng tawag at pinamulsa ang dalawa niyang kamay. Nag-hire siya ng sarili niyang tauhan at binabalak niyang banggain ang nag-iisang tagapagmana ng mga Desepeda, na si Alona. Pagkatapos ng mga pinagdaanan niya ay napag-isipan niyang gamitin ang dalaga upang makapaghiganti sa sariling ama. Pinili niya ang magsunud-sunuran na muna sa mga pinaplano nitong mangyari sa kaniyang buhay, ngunit ang tunay niyang agenda ay ang mapabagsak ang sarili niyang ama at angkinin ang trono na dapat ay sa kaniya. Binabalak niyang pakasalan ang dalaga, ga
"Ano ang ibig mong sabihin?" usisa ni Karlos sa dalaga na may bakas ng pagtataka sa kaniyang mukha."Huwag ka ng magkaila pa. Kilala ko ang mga tipo at hindi mo 'ko basta-basta na lang maloloko." Ang tinugon ni Alona sa kaniya.Tila nakahinga naman ng maluwag ang binata sa kaniyang narinig. Ang buong akala niya ay nakukutuban siya ng dalaga sa mga binabalak niyang gawin."Ako manloloko? teka nga lang, ano ba talaga ang pagkakakilala mo sa akin? iniisip mo ba na pinaglalaruan lang kita? nasa mukha ko ba ang ganoong klase ng lalaki?" aniya habang tinuturo ang kaniyang sarili."Isang beses ko lang nakita ang mukha mo pero hindi ko 'yon makakalimutan," mahinang turan niya."Hindi makalimutan? anong ibig mong sabihin? huwag mo sabihing may nararamdaman ka na para sa akin?" pabirong usal niya sa dalaga, ngunit sumimangot lang ito at sumalubong ang dalawang kilay."Hindi ko makakalimutan ang babaero mong mukha, iyan ang ibig kong sabihin."
"So, sinasabi mo bang gumagawa lang ako ng kwento? gusto mong palabasin sa akin ngayon na nasisiraan lang ako ng ulo at pinagbibintangan kita? ganoon ba ang gusto mong isipin ko ngayon, pagkatapos mo kong sakmalin kagabi?" taas-kilay na saad ni Nara sa harapan ni Karlos.Pinagmasdan naman ng maigi ni Karlos ang natamo nitong gasgas sa leeg, ngunit saglit lamang iyon at muling tinuonan ng atensyon ang mga pasyenteng nagpapa-araw sa may hardin."Equal na tayo, hindi ba?" nakangising tugon niya sa dalaga na ikinabigla naman nito.Napayuko na lang ng ulo si Sab at tumikom ang sariling bibig. Sandali namang natahimik ang dalawa, nang mapukaw ng atensyon ni Karlos ang dalagang si Alona. Nakaupo ito sa bench, nakapikit ang mga mata at nakatingala ang sariling ulo na animoy dinadama niya ang pakiramdam ng malaya mula sa madilim na silid.Napangiti tuloy ang binata at maigi siyang minamasdan. Nang biglang sumagi sa isipan niya ang dalagang si Shaina, kung
"Hi, beautiful lady. Can i sit here next to you?" ani ni Karlos sa dalagang si Alona, habang nakaupo ito sa bench.Tila nabosesan naman siya ng dalaga, kung kaya't bigla ring sumimangot ang mukha nito. Nakangiting umupo si Karlos sa tabi niya na may gumamelang hawak sa isang kamay niya."Kumain ka na ba?" tanong niya nang makaupo na siya. Hindi naman tumugon ang dalaga sa kaniya at napatayo ito."Oh, saan ka pupunta? kakaupo ko lang e, aalis ka na kaagad?" ani ni Karlos sa dalaga.Subalit hindi siya pinansin nito at tinalikuran siya.Napatayo tuloy siya at sinusundan niya ito ng tingin, habang kumakapa naman sa bawat gilid ang dalaga gamit ang sarili niyang kamay. Tipong lalapitan na sana siya ng personal nurse niya, subalit pinigilan naman siya ng binata at ikinumpas na lamang ang kaniyang kamay upang pahintuin ito sa paglapit kay Alona."Ako na ang bahalang maghatid sa silid niya," mahinang tinuran niya sa babaeng n
Na-discharge na sa hospital ang binatang si Karlos ngunit araw-araw pa rin naman niyang binibisita si Alona sa silid nito dahilan upang magkapalagayan sila ng loob sa isa't-isa.Paunti-unti ay nakukuha na niya ang tiwala at kalooban ng dalaga. Tila ang matigas at pusong bato ni Alona ay napaamo ng isang pilyong binata at romantikong si Karlos.Bagamat madalas pa rin siyang pinagtatabuyan at sinisigawan ng dalaga ay pinagpapasensyahan na lamang niya ito at iniisip ang kapakanan niya.Subalit ang hindi niya alam ay paraan lamang iyon ng dalaga, upang hindi ipahalata sa kaniya ang hiya at kabang nararamdaman niya sa tuwing naririnig niya ang boses nito.Makalipas ang mahigit isang taon ay muling nakauwi at nakabalik si Alona, sa dating mansyon na tinutuluyan nila noong nabubuhay pa ang kaniyang mga magulang.Naninibago pa rin siya at hindi pa siya gaanong sanay, gayung nawalan siya ng kakayahang makakita at tanging metal stick lamang ang ginagamit niyang
"Welcome to our sweet home, hija!" bungad na bati ng ina ni Karlos sa dalagang si Alona, habang naglalakad ito papasok sa may pintuan.Pansamantala na munang pinatuloy ni Karlos ang dalaga sa kanilang tahanan habang nililinis at nirerenovate ang mansyon nito.Wala rin naman kasi siyang ibang mapupuntahan at hindi rin siya puwedeng manuluyan sa mga hotels o sa ibang lugar, gayung ganoon ang kalagayan nila. Medyo nahirapan din ang binata na kumbinsihin ito dahil masyado itong maingat sa sarili at hindi basta-bastang nagtitiwala sa kahit na sino.Napalagay lang ang kalooban niya nang marinig niya ang magalak na pagsalubong ng ginang sa kaniya at saka siya niyakap ng mahigpit."Masaya akong makita ka muli, hija." Buong galak niyang batid na may malawak na ngiti sa kaniyang labi."It's been a long time, Alona." Ang sinaad naman ng ama ni Karlos sa dalaga at nakatayo sa bandang likuran ng kaniyang asawa."Thank you po. It's been a long time di