Share

Kabanata 46

Halos tumulo na lang ang luha sa mga mata niya nang hindi namamalayan at napayuko dahil sa lubos na kahihiyan.

"Karlos, hijo. Totoo ba 'tong sinasabi ng Dad mo? balak mo ba talagang mapakasalan ang ganoong klaseng babae? alalahanin mo naman ang reputasyon mo at ng buong angkan natin kapag napag-alaman nila ang tungkol sa kaniya." Mahinang turan ng kaniyang ina at hinahawakan siya sa dalawa niyang kamay.

"Kung tutuusin hindi ka na bata pa para pagsabihan ka namin sa kailangan mong gawin. Bukod pa roon, nakapagtapos ka sa mataas na uri ng unibersidad at kilala kang pinakamatalino sa lahat ng kasabayan mo. Pero ano lang sa tingin mo ang iisipin nila sa'yo, sa oras na matuklasan nilang umiibig ka sa isang bayarang babae at nagseserbisyo sa iba't-ibang klase ng lalaki gamit ang sarili niyang katawan. Hindi ba't napakalaking kahihiyan iyon? hindi lang kahihiyan sa ating pamilya, kundi para na rin sa iyong sarili." Nananatili pa ring tulala at tikom ang bibig si Karlos habang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status