로그인CHAPTER - 4
Titig na titig naman si Lovely sa kaharap. Gwapo ito. Malamlam ang mga mata, pantay-pantay ang mga mapuputing ngipin. "H-hindi naman ako call boy talaga. Gusto ko lang kumita ngayon dahil nga may sakit ang nanay ko. Kailangan kong makabili ng gamot." Ang walang gatol nitong himig na animo nangungumpisal. Hindi namalayan ni Lovely na napapasabay na siya sa paglalakad ng kausap, palayo sa lugar na iyon. "Ikaw, ano ang ginagawa mo doon? Nakita kitang paalis na doon. Isa ka rin ba sa mga--" hindi nito maituloy ang sinasabi. "Galing nga ako doon, pero isinama lang ako ng Amiga ko. Hindi ko masikmura ang mga nakita ko kaya agad akong umalis. Ayon nga, nagkabanggaan pa tayo nang di sinasadya." Nagulat pa si Lovely nang malamang nasa tapat na sila ng bahay ni Sam. Iyon ang pangalang sinabi nito sa kanya. "Dito ako nakatira. Lika, umakyat ka muna. Pero ingat ka haa, baka masilat ka." nahihiyang himig pa nito. Barung-barong lang. At ngayon lang nakaakyat si Lovely sa ganoong klase ng bahay. "Nanay, narito na ho ako." Gising ni Sam sa inang si Rachel na natutulog. Payat ang matanda. Inuubo. Titingin-tingin lang si Lovely. "Yong gamot ko, Sam. Nabili mo ba ha, anak?" tanong ng matanda na panay ang ubo. Halatang hirap na hirap sa pagsasalita. "Hindi ho, Nanay. Siguro baka bukas ho makabili na ko. Maghahanap ako ng pagkakakitaan, kahit na ano." tugon ni Sam sa inang si Rachel. Alam ni Lovely, nakita at narinig niya... Hindi nagsisinungaling si Sam sa sinabi nito sa kanya, at napahanga siya sa pagmamalasakit nito sa ina. Lihim na binuksan ni Lovely ang bag. Dinukot ang dalang salapi, nakabungkos, makapal. Ipinatong niya iyon sa ibaba nang mesita, at lihim na bumaba na rin nang di namamalayan ni Sam. Mabilis siyang lumayo sa lugar na iyon, alam niya squatter's area iyon. Hindi niya kabisado. Pero naging matapang siyang tuntunin ang daan palabas, at nakalabas naman siya doon. --- LINGGO. Tinanghali si Lovely nang gising. Walang opisina, at iyon na lang ang pagkakataon niya para magtagal sa higaan. Kinapa niya ang kanyang diyaryong pang-umaga, ugali na niya ang magbasa bago tumayo sa kama. Biglang bumukas ang pinto. Malakas. Bumalandra at lumikha ng ingay. Nagulat pa si Lovely. Rumaragasa ang Amiga niya. Tipong galit. Lumalagutok ang mga takong nang sapatos. Humugot nang sigarilyo sa bag, sabay hagis sa bag. Tapos naupo nang pa-dekwatro. Ayaw magsalita, pero madilim ang mukha. Na para bang naghihintay ng paliwanag niya. Nangiti si Lovely, kabisado na niya si Annica. Alam niya nagtatampo ito, dahil sa iniwanan nga niya kagabi ito nang walang paalam. "Kumain ka na ba, Annica." panimula niya. "Halika na, sabay na tayo. Paniguradong marami akong makakain dahil magana kang kumain." Sunud-sunod na himig ni Lovely na pinipilit pawiin ang tampo ng kaibigan. "Ganyan ka naman," nakalabing tugon ni Annica. "Iniwanan mo ko kagabi. Ni hindi ko alam ang nangyari sayo. Takot na takot pa naman ako dahil alam kong wala kang alam sa lugar na iyon. Magpaliwanag ka nga, ano bang nangyari sayo kagabi?" asar na dugtong pa nito. "Eh kasi, Annica. May nakabangga akong lalaki sa may kanto ng di sinasadya. Nakilala ko. Nagpakilala eh!" "Pogi ba? Okay ba? Saan kayo nakarating?" nakangiti ng usisa ni Annica. "Gwapo naman. Makisig. Pero hindi siya yong taong sinasabi mong naghahanapbuhay sa Avenida. Ligaw lang siya doon. Sumama man ako, sa bahay lang nila. Alam mo, mahirap lang siya. May sakit pa ang nanay niya. Totoo lahat ng kwento niya." Walang gatol na kwento ni Lovely na tumayo na mula sa kama at inayos ang sarili. Umirap si Annica, at sinalubong na si Alysah na maid ni Lovely. May dala itong tray nang pagkain. "Dagdagan mo pa ang pagkain, ha? Mag-akyat ka pa, dito ako kakain." Sunud-sunod na utos ni Annica na para bang siya ang amo ni Alysah. Tumango na lang si Lovely nang tumingin ang maid sa kanya, na para bang sinasabing... "Sige na, pagbigyan moCHAPTER - 9 "Iyon lang ang kaya kong ibigay sayo." "Kaya mo ba akong mahalin?" "Kaya mo ba akong buhayin?" "Oo... Oo. Kaya kong ibigay sayo ang lahat, pati na ang langit." Doon na nga tumira si Sam. At ipinamili siya ng mga gamit ni Lovely. Mula sa sapatos, medyas, pantalon, damit at mga alahas. Lahat ng pangangailangan ng isang lalaki, ibinigay ni Lovely. Lalong lumabas ang kakisigan ni Sam nang mabihisan. Nagkalaman ang katawan nang makakain ng tatlong beses sa isang araw, sobra pa. Hindi doon, natatapos ang kabaliwan ni Lovely. Nang hilingin nito na ibili siya ng kotse, ibinili niya ito. Wala ng mahihiling pa si Sam. Wala na. Nasa mga palad na niya si Lovely. At wala ng maaaring makapigil sa kanya. Dahil alam niya, baliw na si Lovely. Nagmumukhang tanga sa lahat ng gusto niya. At ang sukli, kaligayahan sa mga bisig ni Sam. Si Sam na eksperto yata sa lahat ng uri ng pagpapaligaya. Kaligayahang hindi natikman ni Lovely sa mahabang panahong pagkakabiyuda niya. Isinasama
CHAPTER - 8Natameme si Sam. Tipong nagipit siya. Di niya alam ang gagawin, ang sasabihin.Si Lovely naman, kung may stethoscope ka... Maririnig mo ang kabog ng dibdib, na kung mamasdan mo, parang ibig pang mamutla at sisihin ang sarili kung bakit niya nasabi iyon."Hindi ako marunong manligaw, eh. Saka di kita maliligawan.""Bakit?""Wala ring mangyayari. Mahirap lang ako.""Bakit mo natiyak?""Tiyak ko na. Iba ka. Iba ako.""Eh, kung may gusto ako sayo?"Iniladlad na ni Lovely ang baraha. Nagpahalata na siya.Hindi niya mapigilan, pero kinakabahan siya sa kanyang ginawa, sa kanyang sinabi.Alam niya, mali iyon.Hindi dapat sa kalagayan niya bilang matino at disenteng babae.Pero nagulat pa siya nang maramdaman niya ang mga bisig ni Sam.Nagulat pa nang malamang ikinulong na siya nito sa mga bisig.At medyo kinilabutan pa nang madama ang hininga nito sa kanyang tenga.Niyakap siya ni Sam.Hinahagkan ang buhok, ang tenga. Abot na ang kilabot sa buong katawan niya.Dumako ang labi nito
CHAPTER - 7Si Sam naman, ewan ba kung bakit napatingin sa labas.At nakita niya si Lovely.Tumayo siya agad.Lumabas.Tinawag si Lovely.Si Lovely na nagmamaang-maangan pa. Kunwari ay walang naririnig.Pero alam niya si Sam na iyon."L-lovely, anong ginagawa mo dito? Bakit ka narito?"Sunud-sunod na tanong ni Sam na may kasama pang kalabit.Si Lovely naman...Kunwari ay nagulat. Kunwari ay napalingon. At kunwari, nabigla."S-sam, I-ikaw pala.." gumaralgal pa ang tinig niya."May bibilhin sana ako. Iniwanan ko na ang kotse ko sa kabilang kalsada. Sige, aalis na ako." akmang tatalikod na."T-teka, sandali lang. Babayaran ko muna ang kinakain ko doon." sabay turo sa maliit na tindahan."Halika muna, kain ka. May pera pa naman ako dito." himig nito sabay hatak sa bisig ni Lovely, na ewan kung bakit naman napasunod siya sa binata.Minasdan ni Lovely ang pagkaing binabayaran ni Sam.LUGAW.Medyo napangiwi si Lovely. Nakadama siya ng habag sa binata.Iniwanan na ni Sam ang pagkaing di naubo
Chapter 6Nakita niya ang mga call boys doon.Tulad nang dati nagtayuan, buong kakisigang nagkukwentuhan.Animo mga modelo na lakaran ng lakaran, na kapag nakakita ng kotseng dumarating.Pinapara, na para bang kilala nila ang sakay.Nakikita rin ni Lovely na may mangilan-ngilang kotseng tumitigil.Lalapitan ng mga lalaki at kakausapin. Saglit lang, sasakay na ang kausap at aalis na ang kotse.Hindi lingid sa kaalaman niya na ang mga babaeng nagtutungo roon ay puro may mga edad na. Mga matronang tulad ni Annica at tulad niya.At may mga mayayamang bakla din na naliligaw doon.Pero hindi iyon ang sadya ni Lovely, kundi si Sam.Nagbabakasakali siyang makita doon si Sam, dahil doon sila nagkita nito.Nainip si Lovely, hindi niya nakita ang sadya doon.Lumalalim na ang gabi, kaya naisipan niyang umalis na.Pinaandar na niya ang sasakyan, binaybay ang kahabaan ng Avenida.Marahan lang ang takbo niya, nagbabakasakali pa ring mamataan ang binata.Wala. Talagang wala ang sadya niya.Ang lalaki
Chapter 5Sinabayan na nga ni Annica ang kaibigan.Kung ano ang bilis ng subo niya ng pagkain, siya ring bilis ng kwento niya."Talagang nakakainis ka, wala tuloy akong na-hunting kagabi sa sobrang taranta ko sayo. Hindi ako lumigaya kagabi."Tawa ng tawa si Lovely.Alam niya, di naman maniniwala si Annica magpaliwanag man siya."At ikaw, Amiga haa? Kung bibili ka ng kaligayahan. Iyon lang! Mahirap ang magkaroon ng pananagutan. Basta magbayad ka lang, tapos na. Wala na. Goodbye na.""Hayaan mo, tatandaan kong lahat ang mga sinabi mo." paniniyak ni Lovely kay Annica, matigil lang ito.Tumayo na si Annica, sapo ang tiyan. Nabusog. Siya halos lahat ang umubos nang dinalang pagkain ng maid."Sige, aalis na ako. Pero mamayang gabi, gusto mong sumama?""Huwag na lang, Annica. Naiintindihan mo ako diba?""Oh, edi sige. Okay lang."Tinungo na nito ang pintuan."Thank's for the breakfast." at lumabas na ito ng tuluyan.---Tamad na tamad si Lovely sa maghapong iyon.Wala siyang ginawa kundi a
CHAPTER - 4Titig na titig naman si Lovely sa kaharap.Gwapo ito. Malamlam ang mga mata, pantay-pantay ang mga mapuputing ngipin."H-hindi naman ako call boy talaga. Gusto ko lang kumita ngayon dahil nga may sakit ang nanay ko. Kailangan kong makabili ng gamot."Ang walang gatol nitong himig na animo nangungumpisal.Hindi namalayan ni Lovely na napapasabay na siya sa paglalakad ng kausap, palayo sa lugar na iyon."Ikaw, ano ang ginagawa mo doon? Nakita kitang paalis na doon. Isa ka rin ba sa mga--" hindi nito maituloy ang sinasabi."Galing nga ako doon, pero isinama lang ako ng Amiga ko. Hindi ko masikmura ang mga nakita ko kaya agad akong umalis. Ayon nga, nagkabanggaan pa tayo nang di sinasadya."Nagulat pa si Lovely nang malamang nasa tapat na sila ng bahay ni Sam.Iyon ang pangalang sinabi nito sa kanya."Dito ako nakatira. Lika, umakyat ka muna. Pero ingat ka haa, baka masilat ka." nahihiyang himig pa nito.Barung-barong lang. At ngayon lang nakaakyat si Lovely sa ganoong klase n







