공유

Chapter 7

작가: Ms. JN
last update 최신 업데이트: 2026-02-04 18:59:51

CHAPTER - 7

Si Sam naman, ewan ba kung bakit napatingin sa labas.

At nakita niya si Lovely.

Tumayo siya agad.

Lumabas.

Tinawag si Lovely.

Si Lovely na nagmamaang-maangan pa. Kunwari ay walang naririnig.

Pero alam niya si Sam na iyon.

"L-lovely, anong ginagawa mo dito? Bakit ka narito?"

Sunud-sunod na tanong ni Sam na may kasama pang kalabit.

Si Lovely naman...

Kunwari ay nagulat. Kunwari ay napalingon. At kunwari, nabigla.

"S-sam, I-ikaw pala.." gumaralgal pa ang tinig niya.

"May bibilhin sana ako. Iniwanan ko na ang kotse ko sa kabilang kalsada. Sige, aalis na ako." akmang tatalikod na.

"T-teka, sandali lang. Babayaran ko muna ang kinakain ko doon." sabay turo sa maliit na tindahan.

"Halika muna, kain ka. May pera pa naman ako dito." himig nito sabay hatak sa bisig ni Lovely, na ewan kung bakit naman napasunod siya sa binata.

Minasdan ni Lovely ang pagkaing binabayaran ni Sam.

LUGAW.

Medyo napangiwi si Lovely. Nakadama siya ng habag sa binata.

Iniwanan na ni Sam ang pagkaing di naubos.

Sinamahan na si Lovely patungo sa kanyang kotse.

"Bakit di mo inubos ang pagkain mo?" tanong ni Lovely habang patawid na sila.

"Okay lang, nakita kasi kita. Maraming magnanakaw at isnatser dito, baka kung ano pa ang mangyari sayo. Buti na yong samahan kita."

"Medyo madilim na nga pala," untag ni Lovely sabay tingin sa suot na relo.

"Gusto mo, kain na lang tayo?" pagbabakasakali niya sa binata.

Iyon lang ang alam niyang paraan para makausap pa ng matagal ito.

"Kung hindi mo ba ako ikakahiyang makasama, edi sige." ngumiti ito.

At muli nakita ni Lovely ang pantay-pantay na mga ngipin nito.

"Saka ngayon lang ako makakakain ng masasarap. Mamamantikaan ang nguso ko." sabay tawa.

---

Naiilang na bumaba ng kotse si Sam.

Nahihiya siya. Kupas na maong, kupas na damit at nakatsinelas pa.

Samantalang si Lovely, pusturang-pustura. Isang tingin lang, alam agad na mayaman.

Pero hinatak na siya ni Lovely sa loob ng isang class na restaurant.

Kiming naupo si Sam.

Si Lovely ang umorder ng pagkain.

Nagulat pa si Sam nang isa-isang ibaba ng waiter ang pagkain sa mesa.

Halos mapuno ang mesa sa dami nang inorder.

"B-bakit ang dami nito? Mauubos ba natin ito?" may pamumutla pang tanong ni Sam.

Natawa si Lovely.

"Pag di natin naubos, edi iuwi mo sa Nanay mo? Nga pala, kumusta na ang Nanay mo?"

"Magaling-galing na. At salamat uli sayo." ang di makatinging tugon ni Sam.

Tulad ng inaasahan, at alam naman ni Lovely, di nga naubos ang inorder na pagkain.

Ipinabalot lahat iyon, at saka ibinigay kay Sam.

"Iyo yan, sa inyo ng Nanay mo. Sayang kung iiwanan natin dito. Mga waiter lang ang makikinabang." himig ni Lovely sa di makakibong binata.

Walang nagawa si Sam liban sa abutin ang mga supot ng pagkain.

"Uuwi ka na ba niyan?" tanong ni Lovely na pilit na inaarok ang damdamin ng binata.

"Ikaw, uuwi ka na ba?" ganting tanong nito.

"Hindi pa sana, parang gusto ko munang makasagap ng hangin sa tabing-dagat." pananalakab ni Lovely.

---

Roxas Boulevard. Tabing-dagat. Sa may tabi ng Quirino Grandstand.

Doon ipinarada ni Lovely ang kotse.

Bumaba sila. Naglakad-lakad.

Naupo sa isang bangkong semento doon paharap sa dagat.

Sa simula, wala silang imikan.

Naghihintay kung sino ang dapat magsimula ng usapan.

Di nakatagal si Lovely, binuksan niya ang di dapat pag-usapan.

"B-binata ka ba?" panimula ni Lovely na gumaralgal na naman ang tinig.

"Baa, oo, binatang-binata. At wala akong syota." walang gatol na tugon ni Sam.

"Ikaw, a-ano ka ba? Ibig kong sabihin, may asawa ka ba? Tiyak naman di dalaga no?" ang walang kadiska-diskarte nitong tanong.

"Biyuda ako. Matagal na. Nag-iisa sa buhay. Walang kasama."

"Bata ka pa, at maganda. Bakit di ka mag-asawa ulit?"

"Ewan ko, siguro di pa dapat. Siguro, walang makatapat."

"Mga gago ang mga lalaking iyon. Ako? Baa, liligawan kita. Kaya lang di mo rin magugustuhan, mahirap lang ako eh."

"Totoo? Kung ikaw, liligawan mo ako?"

"Oo ba... Maganda na. Matalino pa. Mayaman pa."

"Sige nga, ligawan mo ako."

Itutuloy…

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Mapagalarong Pag - ibig   Chapter 9

    CHAPTER - 9 "Iyon lang ang kaya kong ibigay sayo." "Kaya mo ba akong mahalin?" "Kaya mo ba akong buhayin?" "Oo... Oo. Kaya kong ibigay sayo ang lahat, pati na ang langit." Doon na nga tumira si Sam. At ipinamili siya ng mga gamit ni Lovely. Mula sa sapatos, medyas, pantalon, damit at mga alahas. Lahat ng pangangailangan ng isang lalaki, ibinigay ni Lovely. Lalong lumabas ang kakisigan ni Sam nang mabihisan. Nagkalaman ang katawan nang makakain ng tatlong beses sa isang araw, sobra pa. Hindi doon, natatapos ang kabaliwan ni Lovely. Nang hilingin nito na ibili siya ng kotse, ibinili niya ito. Wala ng mahihiling pa si Sam. Wala na. Nasa mga palad na niya si Lovely. At wala ng maaaring makapigil sa kanya. Dahil alam niya, baliw na si Lovely. Nagmumukhang tanga sa lahat ng gusto niya. At ang sukli, kaligayahan sa mga bisig ni Sam. Si Sam na eksperto yata sa lahat ng uri ng pagpapaligaya. Kaligayahang hindi natikman ni Lovely sa mahabang panahong pagkakabiyuda niya. Isinasama

  • Mapagalarong Pag - ibig   Chapter 8

    CHAPTER - 8Natameme si Sam. Tipong nagipit siya. Di niya alam ang gagawin, ang sasabihin.Si Lovely naman, kung may stethoscope ka... Maririnig mo ang kabog ng dibdib, na kung mamasdan mo, parang ibig pang mamutla at sisihin ang sarili kung bakit niya nasabi iyon."Hindi ako marunong manligaw, eh. Saka di kita maliligawan.""Bakit?""Wala ring mangyayari. Mahirap lang ako.""Bakit mo natiyak?""Tiyak ko na. Iba ka. Iba ako.""Eh, kung may gusto ako sayo?"Iniladlad na ni Lovely ang baraha. Nagpahalata na siya.Hindi niya mapigilan, pero kinakabahan siya sa kanyang ginawa, sa kanyang sinabi.Alam niya, mali iyon.Hindi dapat sa kalagayan niya bilang matino at disenteng babae.Pero nagulat pa siya nang maramdaman niya ang mga bisig ni Sam.Nagulat pa nang malamang ikinulong na siya nito sa mga bisig.At medyo kinilabutan pa nang madama ang hininga nito sa kanyang tenga.Niyakap siya ni Sam.Hinahagkan ang buhok, ang tenga. Abot na ang kilabot sa buong katawan niya.Dumako ang labi nito

  • Mapagalarong Pag - ibig   Chapter 7

    CHAPTER - 7Si Sam naman, ewan ba kung bakit napatingin sa labas.At nakita niya si Lovely.Tumayo siya agad.Lumabas.Tinawag si Lovely.Si Lovely na nagmamaang-maangan pa. Kunwari ay walang naririnig.Pero alam niya si Sam na iyon."L-lovely, anong ginagawa mo dito? Bakit ka narito?"Sunud-sunod na tanong ni Sam na may kasama pang kalabit.Si Lovely naman...Kunwari ay nagulat. Kunwari ay napalingon. At kunwari, nabigla."S-sam, I-ikaw pala.." gumaralgal pa ang tinig niya."May bibilhin sana ako. Iniwanan ko na ang kotse ko sa kabilang kalsada. Sige, aalis na ako." akmang tatalikod na."T-teka, sandali lang. Babayaran ko muna ang kinakain ko doon." sabay turo sa maliit na tindahan."Halika muna, kain ka. May pera pa naman ako dito." himig nito sabay hatak sa bisig ni Lovely, na ewan kung bakit naman napasunod siya sa binata.Minasdan ni Lovely ang pagkaing binabayaran ni Sam.LUGAW.Medyo napangiwi si Lovely. Nakadama siya ng habag sa binata.Iniwanan na ni Sam ang pagkaing di naubo

  • Mapagalarong Pag - ibig   Chapter 6

    Chapter 6Nakita niya ang mga call boys doon.Tulad nang dati nagtayuan, buong kakisigang nagkukwentuhan.Animo mga modelo na lakaran ng lakaran, na kapag nakakita ng kotseng dumarating.Pinapara, na para bang kilala nila ang sakay.Nakikita rin ni Lovely na may mangilan-ngilang kotseng tumitigil.Lalapitan ng mga lalaki at kakausapin. Saglit lang, sasakay na ang kausap at aalis na ang kotse.Hindi lingid sa kaalaman niya na ang mga babaeng nagtutungo roon ay puro may mga edad na. Mga matronang tulad ni Annica at tulad niya.At may mga mayayamang bakla din na naliligaw doon.Pero hindi iyon ang sadya ni Lovely, kundi si Sam.Nagbabakasakali siyang makita doon si Sam, dahil doon sila nagkita nito.Nainip si Lovely, hindi niya nakita ang sadya doon.Lumalalim na ang gabi, kaya naisipan niyang umalis na.Pinaandar na niya ang sasakyan, binaybay ang kahabaan ng Avenida.Marahan lang ang takbo niya, nagbabakasakali pa ring mamataan ang binata.Wala. Talagang wala ang sadya niya.Ang lalaki

  • Mapagalarong Pag - ibig   Chapter 5

    Chapter 5Sinabayan na nga ni Annica ang kaibigan.Kung ano ang bilis ng subo niya ng pagkain, siya ring bilis ng kwento niya."Talagang nakakainis ka, wala tuloy akong na-hunting kagabi sa sobrang taranta ko sayo. Hindi ako lumigaya kagabi."Tawa ng tawa si Lovely.Alam niya, di naman maniniwala si Annica magpaliwanag man siya."At ikaw, Amiga haa? Kung bibili ka ng kaligayahan. Iyon lang! Mahirap ang magkaroon ng pananagutan. Basta magbayad ka lang, tapos na. Wala na. Goodbye na.""Hayaan mo, tatandaan kong lahat ang mga sinabi mo." paniniyak ni Lovely kay Annica, matigil lang ito.Tumayo na si Annica, sapo ang tiyan. Nabusog. Siya halos lahat ang umubos nang dinalang pagkain ng maid."Sige, aalis na ako. Pero mamayang gabi, gusto mong sumama?""Huwag na lang, Annica. Naiintindihan mo ako diba?""Oh, edi sige. Okay lang."Tinungo na nito ang pintuan."Thank's for the breakfast." at lumabas na ito ng tuluyan.---Tamad na tamad si Lovely sa maghapong iyon.Wala siyang ginawa kundi a

  • Mapagalarong Pag - ibig   Chapter 4

    CHAPTER - 4Titig na titig naman si Lovely sa kaharap.Gwapo ito. Malamlam ang mga mata, pantay-pantay ang mga mapuputing ngipin."H-hindi naman ako call boy talaga. Gusto ko lang kumita ngayon dahil nga may sakit ang nanay ko. Kailangan kong makabili ng gamot."Ang walang gatol nitong himig na animo nangungumpisal.Hindi namalayan ni Lovely na napapasabay na siya sa paglalakad ng kausap, palayo sa lugar na iyon."Ikaw, ano ang ginagawa mo doon? Nakita kitang paalis na doon. Isa ka rin ba sa mga--" hindi nito maituloy ang sinasabi."Galing nga ako doon, pero isinama lang ako ng Amiga ko. Hindi ko masikmura ang mga nakita ko kaya agad akong umalis. Ayon nga, nagkabanggaan pa tayo nang di sinasadya."Nagulat pa si Lovely nang malamang nasa tapat na sila ng bahay ni Sam.Iyon ang pangalang sinabi nito sa kanya."Dito ako nakatira. Lika, umakyat ka muna. Pero ingat ka haa, baka masilat ka." nahihiyang himig pa nito.Barung-barong lang. At ngayon lang nakaakyat si Lovely sa ganoong klase n

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status