LOGINChapter 6
Nakita niya ang mga call boys doon. Tulad nang dati nagtayuan, buong kakisigang nagkukwentuhan. Animo mga modelo na lakaran ng lakaran, na kapag nakakita ng kotseng dumarating. Pinapara, na para bang kilala nila ang sakay. Nakikita rin ni Lovely na may mangilan-ngilang kotseng tumitigil. Lalapitan ng mga lalaki at kakausapin. Saglit lang, sasakay na ang kausap at aalis na ang kotse. Hindi lingid sa kaalaman niya na ang mga babaeng nagtutungo roon ay puro may mga edad na. Mga matronang tulad ni Annica at tulad niya. At may mga mayayamang bakla din na naliligaw doon. Pero hindi iyon ang sadya ni Lovely, kundi si Sam. Nagbabakasakali siyang makita doon si Sam, dahil doon sila nagkita nito. Nainip si Lovely, hindi niya nakita ang sadya doon. Lumalalim na ang gabi, kaya naisipan niyang umalis na. Pinaandar na niya ang sasakyan, binaybay ang kahabaan ng Avenida. Marahan lang ang takbo niya, nagbabakasakali pa ring mamataan ang binata. Wala. Talagang wala ang sadya niya. Ang lalaking unang nakayakap at nakahalik sa kanya mula ng mamatay ang asawang si Elrick. --- Abala si Lovely sa opisina. Natambak ang mga trabaho. Maraming tawag, mga bisita at kliyente na kinakausap. Marami siyang pinipirmihan. Kaya lang siya medyo napahinga nang mag-alas dose. Breaktime. Pero di siya makakain, malayo ang kanyang iniisip. Isinandig lang niya ang likod sa swivel chair. Naalala niya si Sam. Gwapo. Makisig. Maamo ang mukha. Malamlam na mga mata. Pantay-pantay na mga ngipin. Paano niya malilimot ang pagkakayakap sa kanya nito? Ang paghagkan nito sa kanyang mga labi? Siya na matagal ng biyuda? Nayakap at nahagkan ng isang makisig at gwapong lalaki? Ah, kay sarap isipin non! Wala sa loob na dinarama ni Lovely ang kanyang mga labi. Sa unang pagkakataon, parang empleyada si Lovely na naiinip sa oras ng uwian. Panay ang sulyap niya sa relo sa dingding. Saglit na nalimutan, na siya ang amo doon. At maaari siyang umalis anumang oras niya ibigin, na hindi na kailangan pang hintayin ang oras ng uwian. Alas singko ng hapon. Hinintay lang niya na makaalis ang mga empleyado. Nang matiyak na wala na ang lahat, saka pa lang siya lumabas ng silid. Iyon ay bago niya matiyak na ayos ang damit niya, at maayos din ang mukha na matagal niyang nilagyan n bahagyang make-up. Tinungo niya ang parking lot. Sumakay sa kotse at umalis na. Subalit ang direksyon niya ay hindi pauwi. Ang kotse ay tumalunton sa kahabaan ng Avenida. Alam niya sa likod ng Avenida may mga iskwater na bahay doon, mga bahay na dikit-dikit. At alam niya, doon umuuwi si Sam. Natatandaan niya pa dahil naglakad lang sila noon, pero di niya tiyak kung saan at aling bahay iyon. Maaga pa, at maraming tao ang Avenida. Pati ang maliliit na eskinita, maraming vendor na nagtitinda. Hindi niya alam kung aling maliit na kalye ang papasukin. Natataranta na din siya. Itinigil niya ang kotse sa isang tabi, bahagyang nag-iisip. Nagtatalo ang isip at damdamin kung ano ba talaga ang gagawin niya. Hindi sinasadya, napatuon ang paningin niya sa mga taong tumatawid. At nagulat pa siya nang makita si Sam. Hindi niya alam kung anong unang gagawin? Tatawagin ba niya o bubusinahan, makita lang siya? Tuloy-tuloy nga si Sam sa kabilang kalsada. Sumasabay sa daloy ng maraming tao. Bumaba si Lovely. At bago pa niya mapuna, tumatawid na rin siya. Ibig niyang sundan si Sam. Ibig niyang makita at makausap ang lalaking ewan niya kung bakit gumugulo sa kanyang isipan. Sa bangketa, panay ang linga niya. Nawala ang sinusundan, marami kasing tao. Linga uli siya. Talagang wala. Lumakad-lakad siya. Nagbabakasakali. Ang kahabaan ng Avenida ay binubuo ng mga department store. Mga tindahang sari-sari ang paninda. May class na restaurant. May mga bookstore. May botikang malaki. Meron ding maliliit na kainan na kung tawagin ay turu-turo. Napadako doon si Lovely. At nakita niya nga ang binata. Nakaupo. Kumakain. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Lalapitan niya ba ito? O hihintayin na lamang niya itong matapos at lumabas? Pano ba siya mapapansin ng lalaki? Itutuloy..“Ang Babaeng Hindi na Natatako Lumalaki ang tiyan ni RaiLen. Kasabay ng paglaki nito ay ang pagbabago ng kanyang mundo. Hindi na lamang siya asawa. Hindi na lamang siya kapatid. Isa na siyang ina. Sa tuwing mararamdaman niya ang munting sipa sa kanyang sinapupunan, napapangiti siya. Parang may lihim silang usapan ng batang nasa loob niya. Ngunit hindi lahat ng pagbabago ay madali. Mas madalas siyang mapagod. Mas madalas maging emosyonal. At mas madalas ding bumalik ang mga insecurities na akala niya ay tuluyan nang nawala. Isang hapon, habang nagpapahinga siya sa sala, may narinig siyang bulungan sa labas. Dalawang babae mula sa baryo. “Kamukha raw ni RiaMae.” “Parang ipinagpatuloy lang ang dating kwento.” Hindi niya sinasadyang marinig iyon. Ngunit sapat iyon upang sumikip ang kanyang dibdib. Hanggang ngayon… ikinukumpara pa rin siya. Hanggang ngayon… may anino pa rin ang ate niya sa likod ng kanyang pangalan. Tahimik siyang bumalik sa silid. Naupo sa gilid ng ka
“Sa Ilalim ng Bagong Apelyido Tatlong buwan matapos ang kanilang kasal… Iba na ang tunog ng pangalan ni RaiLen. Hindi na lamang siya si RaiLen— Siya na si Mrs. RaiLen Jorge. Sa tuwing tinatawag siya ng mga tao sa ganoong paraan, may kakaibang kilig sa kanyang dibdib. Parang panibagong pangarap na araw-araw niyang hinahawakan. Ngunit ang pag-aasawa, natuklasan niya, ay hindi puro kilig. May mga umaga na pareho silang pagod. May mga hapon na hindi magkasundo. May mga gabing pareho silang tahimik. At ngayong araw, isa iyon sa mga araw na iyon. “Hindi mo man lang ba ako mahihintay?” bahagyang mataas ang boses ni RaiLen habang inilalapag ang sandok sa mesa. Tahimik si Jorge. Galing ito sa bayan. May inasikasong papeles tungkol sa lupa. “Nagmamadali ako kanina,” sagot nito. “Pero sinabi mong babalik ka agad.” “Hindi ko kontrolado ang pila.” Sandaling nanahimik ang dalawa. Maliit na bagay. Ngunit sa isang bagong kasal, kahit maliit na pagkukulang ay parang malaking bato s
Special Chapter 1 “Ang Pangakong Hindi Bibitaw Maagang nagising si RaiLen. Hindi dahil sa tilaok ng manok. Hindi rin dahil sa sikat ng araw. Kundi dahil sa kakaibang kaba sa kanyang dibdib. Marahan siyang bumangon mula sa higaan. Nilingon niya si Jorge na mahimbing pang natutulog sa kanyang tabi. Tahimik. Payapa. Ang lalaking halos mawala sa kanya. Ang lalaking muntik na niyang habulin hanggang dulo ng mundo. Unti-unti niyang hinaplos ang pisngi nito. “Salamat…” bulong niya. Sa unang pagkakataon sa buhay niya, hindi na siya nagising na may takot na baka iwan siya. Ngunit hindi ibig sabihin noon ay wala nang pangamba. May isang bagay na gumugulo pa rin sa kanyang isip— Si Ruth. Ilang araw na ang nakalipas mula nang makita ni Ruth ang eksena sa burol. Hindi na ito bumalik. Hindi na nagparamdam. Ngunit alam ni RaiLen… hindi ganoon kadaling tapusin ang nararamdaman ng isang babae. Habang naghahanda siya ng almusal, tahimik ang bahay. Mula sa likod, may mga braso na yum
Pasok sa kabahayan si RaiLen.Balak niyang magluto na.Subalit mainit pa ang kalan.Palatandaan ang baga na nagniningas pa.Nang buksan niya ang kaldero, may kanin na.Luto na...Sa mesa, nakita niya ang ulam na luto na rin at natatakpan nang pinggan.Todo na ang kaba ni RaiLen.Dumungaw siya.Tumanaw sa dakong burol.Sigid ang kaba sa kanyang dibdib.Si Jorge, naroon...Nasa harapan nang puntod ni RiaMae.Takbo siya.Nagmamadali.Inakyat ang burol.Sumisigaw.Tuwang-tuwa."JORGE...""JORGEEEE...." sunod-sunod na sigaw nang dalaga habang patakbong paakyat sa burol.Nang mag-abot, mahigpit na yumakap siya sa binata.Isinubsob ang ulo sa dibdib nito.Dumaloy ang mga luha."HINDI AKO PAPAYAG NA UMALIS KA!" humihikbi na animo batang himig ni RaiLen."AYOKONG UMALIS KA, JORGE. MAHAL KITA! MAHAL NA KITA! PAG UMALIS KA AT INIWAN MO AKO, ISUSUMBONG KITA SA ATE KO. BABANGON IYON SA LIBINGAN NIYA AT IPAGTATANGGOL NIYA AKO." tuloy-tuloy na himig ni RaiLen na sinasalitan nang mga hikbi.Mahigpit
Tinanong niya ang pangalan ni Jorge. "Room 143." Hinanap niya ito, kumatok siya sa pinto. Malakas. Matagal. Walang nagbubukas. Balik siya sa counter. Nagtanong. "Walang sumasagot, ah." "Baka ho lumabas, hintayin na lang ho ninyo." Pero iba ang kutob nang dibdib ni RaiLen. Baka nga tuluyan nang umalis ang binata, gaya nang sabi ni Mark na uuwi na ito sa Maynila. Nagtanong uli siya. "May dumating na bang eroplano galing Maynila?" "Ngayon wala pa, pero mamaya meron. Huling flight iyon." "Salamat." Hindi alam ni RaiLen ang gagawin. Kung maghihintay o hahanapin si Jorge sa kabayanan. Naalala niya ang isang kaibigan malapit sa palengke. Ipinasiya niyang doon muna magpalipas ng oras. Maya-maya na siya babalik sa Hotel, pagbalik niya siguro nandon na iyon. Nalibang si RaiLen sa pakikipagkwentuhan sa dating ka-eskwela na kay tagal ding hindi nakita at nakausap. Kaya nagulat pa siya nang makita ang oras. Alas-singko na pala nang hapon. Kaagad siyang nagpaalam. At nagdud
"G-ginawa niya yon?" nagtatakang tanong ni RaiLen na nagulat pa sa narinig. "Oo... Nong nasa Maynila ka pa nga at nag-aaral... Alam mo bang narito siya?" "Huh? Bakit?" "Aba, siya ang nagpapakain at nagbabantay ng mga alaga mo dito. Siya rin ang nag-aalaga ng mga bulaklak mo sa hardin. At pagkatapos, doon na siya aabutan nang dilim sa itaas ng burol, sa puntod ni RiaMae." ani pa ni Ruth sabay turo sa tuktok nang burol. Saglit na natigilan si RaiLen. Kaya pala nawala si Jorge nang nasa Maynila na siya, nandito pala ang binata at nagbalik sa Daranak. Na habang wala siya at nasa Maynila, inalagaan ang mga naiwanan niya. Kaya pala, kahit na sa mismong graduation niya, wala rin ito. Kinausap pala nito ang mga taong sumalubong sa kanya, nagbigay nang pera para sa lahat-lahat. Kagagawan pala ni Jorge ang lahat nang iyon. Saglit na nawala ang hinanakit niya sa binata. Nakadama siya nang panluluwag ng kalooban. Isipin na lamang na ito ang taong kay tagal niyang binalak na patayin d







