Share

Chapter 5

Author: Ms. JN
last update publish date: 2026-02-04 18:58:54

Chapter 5

Sinabayan na nga ni Annica ang kaibigan.

Kung ano ang bilis ng subo niya ng pagkain, siya ring bilis ng kwento niya.

"Talagang nakakainis ka, wala tuloy akong na-hunting kagabi sa sobrang taranta ko sayo. Hindi ako lumigaya kagabi."

Tawa ng tawa si Lovely.

Alam niya, di naman maniniwala si Annica magpaliwanag man siya.

"At ikaw, Amiga haa? Kung bibili ka ng kaligayahan. Iyon lang! Mahirap ang magkaroon ng pananagutan. Basta magbayad ka lang, tapos na. Wala na. Goodbye na."

"Hayaan mo, tatandaan kong lahat ang mga sinabi mo." paniniyak ni Lovely kay Annica, matigil lang ito.

Tumayo na si Annica, sapo ang tiyan.

Nabusog. Siya halos lahat ang umubos nang dinalang pagkain ng maid.

"Sige, aalis na ako. Pero mamayang gabi, gusto mong sumama?"

"Huwag na lang, Annica. Naiintindihan mo ako diba?"

"Oh, edi sige. Okay lang."

Tinungo na nito ang pintuan.

"Thank's for the breakfast." at lumabas na ito ng tuluyan.

---

Tamad na tamad si Lovely sa maghapong iyon.

Wala siyang ginawa kundi ang magbasa.

Manood nang movie.

At ayusin ang ilang gamit sa opisina.

Siya na ang nakialam sa kusina. Inihanda ang mga lulutuin. Inalam kung ano pa ang wala sa ref.

Narinig niya mula sa kusina ang tunog ng doorbell.

Hindi niya pinansin.

Alam niya bubuksan na iyon nang maid, at aalamin kung ano ang kailangan.

Ilang saglit lang, kaharap na niya si Alysah.

"Mam, may naghahanap ho sa inyo. Lalaki ho."

"Lalaki? Sino raw? Anong pangalan?"

"Sam raw ho."

Muntik nang mabitiwan ni Lovely ang hawak na sandok.

"Si Sam, iyon ang lalaking nakabangga ko kagabi."

"Paano niya ako natunton? Paano niya nalaman ang bahay ko?" anang isipan niya.

Sumilip muna si Lovely sa bintanang salamin upang tiyakin ang sinabi ni Alysah.

"Si Sam nga."

Nakatayo sa pinto.

Naghihintay.

Lumabas na si Lovely, at sinalubong ang lalaki.

"Pasok ka." anyaya ni Lovely.

Pumasok naman si Sam. Lilinga-linga.

Halatang nalula sa laki at ganda nang kabahayan, ni hindi makuhang umupo sa malambot na sopa.

Nahihiya.

Sa pagbungad ni Alysah, bihis na bihis.

Nagpapaalam.

Day off kasi nito, kaya binigyan na siya ni Lovely nang pera.

Saka pa lang niya hinarap si Sam pagkaalis nang maid.

Natatawa si Lovely sa nakikitang expression sa mukha ng binata.

Pinilit niya itong maupo, saka pa lang naupo si Sam.

"Oh, paano mo ako natunton dito?" panimula ni Lovely.

"Kagabi, bigla kang nawala." kimi nitong tugon.

"Nag-iwan ka pa ng pera. Ang dami. Naibili ko na nga nang gamot si Nanay."

"Para sa inyo yon talaga. Sadyang iniwan ko." nakangiting paliwanag ni Lovely.

"Napasama ito," sabay abot sa calling card ni Lovely.

"Dito ko nalaman ang pangalan mo at address."

"Okay lang, salamat ha?"

"Ako ang dapat na magpasalamat. Ang laki nang naitulong mo."

"Hindi, okay lang."

"Mahirap lang akong tao, kaya wala akong maigaganti sayo."

"Hindi naman ako naghihintay ng kapalit. Basta alam kong nakatulong ako, okay na ko."

Biglang niyakap ni Sam si Lovely.

Nabigla ang biyuda.

H******n siya. Mariin.

Damang-dama.

At ewan ni Lovely, kung bakit, hindi manlang siya nagpumiglas.

Sa halip, nagpaubaya siya.

At napapikit pa.

Tama si Annica.

Mabango ang isang gwapong batang lalaki.

Pati hininga.

Tama pa rin si Annica.

Halos mabali ang tulatod niya sa higpit ng yakap ni Sam.

At nang bitawan siya nito, habol-habol niya ang hininga.

"Iyan lang ang kaya kong iganti sayo," himig ni Sam sabay tayo.

Tinungo na nito ang pinto.

"Maraming salamat uli, Lovely. Hindi kita malilimutan."

Pahabol pa nito sa may pintuan, bago tuluyang umalis.

---

Sa unang pagkakataon, umaawit si Lovely habang naliligo.

Sa unang pagkakataon, inasikaso niya ang sarili.

Ang katawan. Ang mukha.

At sa unang pagkakataon, naisukat niya lahat ang mga damit niya na inaamag na yata sa cabinet sa tagal ng di pagkakagamit.

Nang gabing iyon, nagbihis si Lovely.

Sumakay sa kanyang kotse, at lihim na nagtungo sa Avenida.

Doon sa lugar mismo na pinuntahan nila ni Annica.

Itinigil niya ang kotse sa isang madilim na bahagi ng Avenida

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mapagalarong Pag - ibig   Special chapter 3

    “Ang Babaeng Hindi na Natatako Lumalaki ang tiyan ni RaiLen. Kasabay ng paglaki nito ay ang pagbabago ng kanyang mundo. Hindi na lamang siya asawa. Hindi na lamang siya kapatid. Isa na siyang ina. Sa tuwing mararamdaman niya ang munting sipa sa kanyang sinapupunan, napapangiti siya. Parang may lihim silang usapan ng batang nasa loob niya. Ngunit hindi lahat ng pagbabago ay madali. Mas madalas siyang mapagod. Mas madalas maging emosyonal. At mas madalas ding bumalik ang mga insecurities na akala niya ay tuluyan nang nawala. Isang hapon, habang nagpapahinga siya sa sala, may narinig siyang bulungan sa labas. Dalawang babae mula sa baryo. “Kamukha raw ni RiaMae.” “Parang ipinagpatuloy lang ang dating kwento.” Hindi niya sinasadyang marinig iyon. Ngunit sapat iyon upang sumikip ang kanyang dibdib. Hanggang ngayon… ikinukumpara pa rin siya. Hanggang ngayon… may anino pa rin ang ate niya sa likod ng kanyang pangalan. Tahimik siyang bumalik sa silid. Naupo sa gilid ng ka

  • Mapagalarong Pag - ibig   Special chapter 2

    “Sa Ilalim ng Bagong Apelyido Tatlong buwan matapos ang kanilang kasal… Iba na ang tunog ng pangalan ni RaiLen. Hindi na lamang siya si RaiLen— Siya na si Mrs. RaiLen Jorge. Sa tuwing tinatawag siya ng mga tao sa ganoong paraan, may kakaibang kilig sa kanyang dibdib. Parang panibagong pangarap na araw-araw niyang hinahawakan. Ngunit ang pag-aasawa, natuklasan niya, ay hindi puro kilig. May mga umaga na pareho silang pagod. May mga hapon na hindi magkasundo. May mga gabing pareho silang tahimik. At ngayong araw, isa iyon sa mga araw na iyon. “Hindi mo man lang ba ako mahihintay?” bahagyang mataas ang boses ni RaiLen habang inilalapag ang sandok sa mesa. Tahimik si Jorge. Galing ito sa bayan. May inasikasong papeles tungkol sa lupa. “Nagmamadali ako kanina,” sagot nito. “Pero sinabi mong babalik ka agad.” “Hindi ko kontrolado ang pila.” Sandaling nanahimik ang dalawa. Maliit na bagay. Ngunit sa isang bagong kasal, kahit maliit na pagkukulang ay parang malaking bato s

  • Mapagalarong Pag - ibig   special chapter 1

    Special Chapter 1 “Ang Pangakong Hindi Bibitaw Maagang nagising si RaiLen. Hindi dahil sa tilaok ng manok. Hindi rin dahil sa sikat ng araw. Kundi dahil sa kakaibang kaba sa kanyang dibdib. Marahan siyang bumangon mula sa higaan. Nilingon niya si Jorge na mahimbing pang natutulog sa kanyang tabi. Tahimik. Payapa. Ang lalaking halos mawala sa kanya. Ang lalaking muntik na niyang habulin hanggang dulo ng mundo. Unti-unti niyang hinaplos ang pisngi nito. “Salamat…” bulong niya. Sa unang pagkakataon sa buhay niya, hindi na siya nagising na may takot na baka iwan siya. Ngunit hindi ibig sabihin noon ay wala nang pangamba. May isang bagay na gumugulo pa rin sa kanyang isip— Si Ruth. Ilang araw na ang nakalipas mula nang makita ni Ruth ang eksena sa burol. Hindi na ito bumalik. Hindi na nagparamdam. Ngunit alam ni RaiLen… hindi ganoon kadaling tapusin ang nararamdaman ng isang babae. Habang naghahanda siya ng almusal, tahimik ang bahay. Mula sa likod, may mga braso na yum

  • Mapagalarong Pag - ibig   Finale Epilogue

    Pasok sa kabahayan si RaiLen.Balak niyang magluto na.Subalit mainit pa ang kalan.Palatandaan ang baga na nagniningas pa.Nang buksan niya ang kaldero, may kanin na.Luto na...Sa mesa, nakita niya ang ulam na luto na rin at natatakpan nang pinggan.Todo na ang kaba ni RaiLen.Dumungaw siya.Tumanaw sa dakong burol.Sigid ang kaba sa kanyang dibdib.Si Jorge, naroon...Nasa harapan nang puntod ni RiaMae.Takbo siya.Nagmamadali.Inakyat ang burol.Sumisigaw.Tuwang-tuwa."JORGE...""JORGEEEE...." sunod-sunod na sigaw nang dalaga habang patakbong paakyat sa burol.Nang mag-abot, mahigpit na yumakap siya sa binata.Isinubsob ang ulo sa dibdib nito.Dumaloy ang mga luha."HINDI AKO PAPAYAG NA UMALIS KA!" humihikbi na animo batang himig ni RaiLen."AYOKONG UMALIS KA, JORGE. MAHAL KITA! MAHAL NA KITA! PAG UMALIS KA AT INIWAN MO AKO, ISUSUMBONG KITA SA ATE KO. BABANGON IYON SA LIBINGAN NIYA AT IPAGTATANGGOL NIYA AKO." tuloy-tuloy na himig ni RaiLen na sinasalitan nang mga hikbi.Mahigpit

  • Mapagalarong Pag - ibig   Chapter 41

    Tinanong niya ang pangalan ni Jorge. "Room 143." Hinanap niya ito, kumatok siya sa pinto. Malakas. Matagal. Walang nagbubukas. Balik siya sa counter. Nagtanong. "Walang sumasagot, ah." "Baka ho lumabas, hintayin na lang ho ninyo." Pero iba ang kutob nang dibdib ni RaiLen. Baka nga tuluyan nang umalis ang binata, gaya nang sabi ni Mark na uuwi na ito sa Maynila. Nagtanong uli siya. "May dumating na bang eroplano galing Maynila?" "Ngayon wala pa, pero mamaya meron. Huling flight iyon." "Salamat." Hindi alam ni RaiLen ang gagawin. Kung maghihintay o hahanapin si Jorge sa kabayanan. Naalala niya ang isang kaibigan malapit sa palengke. Ipinasiya niyang doon muna magpalipas ng oras. Maya-maya na siya babalik sa Hotel, pagbalik niya siguro nandon na iyon. Nalibang si RaiLen sa pakikipagkwentuhan sa dating ka-eskwela na kay tagal ding hindi nakita at nakausap. Kaya nagulat pa siya nang makita ang oras. Alas-singko na pala nang hapon. Kaagad siyang nagpaalam. At nagdud

  • Mapagalarong Pag - ibig   Chapter 40

    "G-ginawa niya yon?" nagtatakang tanong ni RaiLen na nagulat pa sa narinig. "Oo... Nong nasa Maynila ka pa nga at nag-aaral... Alam mo bang narito siya?" "Huh? Bakit?" "Aba, siya ang nagpapakain at nagbabantay ng mga alaga mo dito. Siya rin ang nag-aalaga ng mga bulaklak mo sa hardin. At pagkatapos, doon na siya aabutan nang dilim sa itaas ng burol, sa puntod ni RiaMae." ani pa ni Ruth sabay turo sa tuktok nang burol. Saglit na natigilan si RaiLen. Kaya pala nawala si Jorge nang nasa Maynila na siya, nandito pala ang binata at nagbalik sa Daranak. Na habang wala siya at nasa Maynila, inalagaan ang mga naiwanan niya. Kaya pala, kahit na sa mismong graduation niya, wala rin ito. Kinausap pala nito ang mga taong sumalubong sa kanya, nagbigay nang pera para sa lahat-lahat. Kagagawan pala ni Jorge ang lahat nang iyon. Saglit na nawala ang hinanakit niya sa binata. Nakadama siya nang panluluwag ng kalooban. Isipin na lamang na ito ang taong kay tagal niyang binalak na patayin d

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status