Share

Kabanata 4

ILANG ulit pang napalunok ng sariling laway si Agata habang nakatungangang nakatingin sa papahinang usok ng kanina lang ay bagong hango sa kalan na inihaw na karneng manok.

"Nasaan na ba ang lalaking iyon?" naiwika na lang sa sarili. Nanulis ang labi niya dahil sa pagkabagot. Nanlalambot pa na tumayo sa kinauupuan at tinungo ang bintana upang doon sungawin ang lalaki.

Ang saglit na pamamaalam ni Efraim ay tumagal na ng ilang oras. Lalo niya lang naramdaman na sobrang tagal ng nawala ng asawa dahil sa pag-aalburuto ng tiyan.

Bagsak na ang dilim sa kapaligiran. May iilang huni na ng mga kulisap sa paligid at maging ang palaka na animo'y nagpupuri sa Panginoon.

Itinukod niya ang dalawang siko sa hamba ng bintana. Pinaningkit ang mga mata para aninagin ang may kadilimang daan. Puti ang kasuotan ni Efraim, kaya natitiyak niyang mabilis niya itong makikilala sa dilim. Idagdag pa ang matikas nitong tindig at pangangatawan na kahit yata nakapikit siya ay magagawa niyang ilarawan.

Lihim niyang nakagat ang ibaba ng labi nang magsimulang maaninag ang bulto ng taong papalapit sa kanilang tahanan. Hindi marahan at hindi rin kabilisan ang ginagawa nitong paghakbang, nakatupi rin ang dalawang braso habang tutok ang paningin sa kaniya.

"Asawa ko!" Matinis ang tinig nang tawagin niya ito. Nagmamadaling lumabas siya ng bahay. Halos magkandabuhol pa ang mga paa nang takbuhin ang espasiyong namamagitan sa kanila.

Agad pumulupot ang dalawang braso ni Efraim sa kaniyang baywang nang malapitan na niya ito.

"Bakit ang tagal mo? Hinatid mo ba siya hanggang bayan?" pag-uusisa ni Agata sa asawa. "Sa gutom ko, pakiramdam ko ay ilang araw akong hindi kumain."

Ilang segundong humalakhak si Efraim dahil sa itinuran niya. Nagawa pa nitong pisilin ang ngayon ay nanlolobo niyang mga pisngi. "Saglit lang akong nawala, Agata. Paano na kung tuluyan akong mawala sa iyo?"

Lalo pang tumibay ang paghalakhak ni Efraim nang mabilis na tumama ang palad ni Agata sa braso niya. Nawala na ang nag-iinarteng mukha ng asawa. Napalitan na iyon ng pagsimangot.

"Wala pa tayong isang araw na ikinasal, pero iyan agad ang iniisip mo," busangot na tugon nito.

"Alam kong mali, Agata. Mali na humiling ako, pero sana hanggang dulo ako pa rin. Ako pa rin ang piliin mo." Lalong humigpit ang pagkakayakap ni Efraim sa asawa.

Nagtatakang tiningnan ni Agata si Efraim. Inaasahan niya na mababakasan nang pagbibiro ang mukha ng lalaki. Pero wala siyang ibang nakita roon, kung 'di ang kaseryusuhan.

Nag-iwas siya ng paningin. Siya pa mismo ang nagluwag sa pagkakayakap nito sa kaniya. "B-akit naman hindi kita pipiliin, Efraim? Magiging magkasintahan ba tayo ng sobrang tagal kung hindi ikaw ang gusto kong maging asawa?"

Muling hinuli ni Efraim ang baywang niya. Lalo lang nitong pinaliit ang espasiyong namamagitan sa kanila. Mahihiya na ang hangin dumaan sa puwesto nila ngayon. Nagawa pa nitong hawakan ang baba niya para muling makasalubungan ang madilim nitong mga mata.

"Dahil wala ka namang pagpipilian, Agata. Sa ayaw at sa gusto mo, sa akin ka pa rin naman babagsak."

Matigas siyang napalunok ng sariling laway. Katulad kanina, walang mababakas na nagbibiro lang ang lalaki—na iwinika lang iyon ni Efraim para patawanin siya.

"Gutom ka na."

Kapuwa natutok na ang atensiyon nila sa kumukulo niyang tiyan. Ipinagpapasalamat na rin niya iyon para mabawasan ang namumuong tensiyon sa pagitan nilang dalawa.

"Oo nga, sinabi ko naman sa iyo 'di ba." Pinaikutan niya ng mga mata si Efraim. Ito na rin ang kusang humiwalay sa pagkakadikit sa kaniya.

Walang imik na tinalikuran niya ito. Nagsimula na siyang humakbang pabalik sa bahay. Dahil likas na mahahaba ang biyas ni Efraim, nagawa rin siya nitong pantayan sa paglalakad.

"Galit ka ba?" pagtatanong nito at mabilis na hinuli ang kanan niyang kamay.

Tanging pag-iling naman ang isinagot ni Agata dito.

"Bakit parang wala ka yatang balak na hintayin ako? Nagmamabilis ka pa kung lumakad. Akala mo naman ay hindi kita mahuhuli."

"Wala akong sinabi, Efraim. Ayokong simulan ang pagsasama natin ng isang bangayan," pag-asik niya.

Wala na itong naging tugon. Humigpit lang ang paghawak nito sa kamay niya.

Narating na nila ang pintuan pero kapuwa pa rin sila walang imik.

Malalim ang naging pagbuga ni Agata ng sariling hangin. Marahan niyang pinisil ang palad ni Efraim bago ito hinarap.

"Sorry, nasungitan kita," bagsak ang balikat na wika niya rito.

"Ako dapat ang humingi nang paumanhin, Mahal. May nasabi akong hindi maganda." Matamis siyang nginitian ni Efraim. Panandalian pa nitong sinilip ang bukas na bintana kung saan matatanaw ang maliit nilang hapag. "Tara na, bago pa lumamig ang pagkain."

Hinayaan na lang ni Agata na tangayin siya ng lalaki papasok sa bahay.

Agad siya nitong ipinaghila ng upuan nang makarating na sa hapag. "Ikaw na ang maupo, Efraim. Ipaghahanda kita ng makakain," pagpigil niya rito nang mapuna ang pagkuha ng plato.

Inilingan lang siya nito. Wala na siyang nagawa kung 'di hayaan ang asawa sa nais nito.

"Hayaan mo na akong pagsilbihan ka, Agata. Ngayon lang ako makakabawi sa iyo, nagkulang pa." Gumuhit ang pait sa mukha ni Efraim ng sabihin iyon.

Agad hinuli ni Agata ang kamay nito na napahinto sa pagsandok ng kanin. "May problema ba?" Hindi ito tumugon sa tanong niya.

Nagbuga siya ng sariling hangin. "Patungkol ba sa kasal, Efraim?"

Nanatiling tikom ang labi ng lalaki. Napagpasyahan na niyang tumayo sa kinauupuan para harapin ito.

Maingat niyang hinawakan ang panga ni Efraim at kinabig paharap sa kaniya. "Kaya mo ba nasabi ang mga bagay na iyon kanina? Dahil ba iniisip mo na malungkot ako sa naging kasal natin? Dahil ba hindi ito bongga na pinapangarap ng ibang babae?"

Sa haba ng nilitanya niya ay tanging pag-iwas lang ng tingin ang nakuha niyang tugon kay Efraim.

"Sa tagal na nating nagsasama, hindi mo pa rin pala ako kilala, Efraim," may bakas nang pag-uuyam na wika niya. "Minahal kita, kahit may kulang sa pagkatao ko. Nanatili ako sa tabi mo, sa hirap at ginhawa. Pero ni minsan hindi ako nagreklamo, Efraim. Ngayon pa kaya na kasal na tayo. Ngayon pa kaya na nakatali na ako sa iyo." Tinapik niya ang pisngi nito. "Ngayon mo pa iisipin na nagsisisi ako, na nalulungkot ako dahil kahit manlang sa simbahan ay hindi mo ako hinarap. Iyon ba, Efraim? Iyon ba ang iniisip mo?"

Nagtagis ang bagang nito sa mga salitang binitiwan niya.

"Nagkakamali ka, Efraim. Wala sa akin ang lahat ng iyon. Mahal kita, iyon ang mahalaga."

Binitiwan niya ang panga ng lalaki. Dahil matangkad ito, kinailangan pa niyang tumingkayad para magawang abutin ang labi nito.

Hindi niya alam kung paano gagawaran ng halik ang lalaki, lalo na at hindi naman tumutugon si Efraim sa halik niya.

Nahihiyang huminto siya sa ginagawa. Tinangka na niya sanang bumalik sa hapag ng bigla siyang hinapit ni Efraim at pinalalim pa ang halik.

"Ikaw ang nagsimula," wika pa nito nang pakawalan panandalian ang labi niya. "Huwag ka sanang magsisi."

Mahinang d***g ang kumawala sa labi ni Agata nang tumama ang kaniyang pang-upo sa kantuhan ng lamesa. Hindi pa niya nagagawang makapagreklamo nang mabilis na sinalo ng mga palad ni Efraim ang pang-upo niya. Wala na siyang nagawa kung 'di ang ikawit ang mga binti sa baywang nito.

Naramdaman na lang niya ang paglalakad ng lalaki patungo sa kanilang silid.

"Tuluyang lalamig ang pagkain," pagpapaalala niya nang pakawalan nito ang labi niya.

Napahinto sa pagsipa ng pinto ng silid si Efraim dahil sa sinabi niya. Nang makabawi, kakaibang ngiti ang iginawad nito sa kaniya. "Hayaan mo ng lumamig ang pagkain. Huwag lang ang init na nararamdaman natin, Mahal ko."

Agad siyang pinamulahan ng mukha dahil sa sinabi nito. Nailubog na lang niya tuloy ang namumulang mukha sa balikat ng lalaki.

Nagpatuloy naman sa pagpasok sa silid si Efraim habang buhat siya. Sinigurado pa nitong nakapinid nang maayos ang pinto bago siya maingat na inilapag sa higaan.

Natulos na lang sa kinasasandalan si Agata habang pinagmamasdan ang ginagawang paghuhubad ni Efraim ng sariling saplot.

Ilang taon na silang magkasama sa iisang bubong. Nawalan man siya ng alaala, pero sigurado siyang ito ang unang pagkakataon na nasilayan niya ang hubad na katawan ng lalaki.

Matipuno ang katawan ni Efraim, animo'y nililok iyon sa bato dahil sa pagiging batak sa mabigat na trabaho. May kapulahan din ang makinis nitong balat dahil sa maghapong pagbibilad sa ilalim ng araw.

"Efra—"

Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang mabilis itong nakalapit sa puwesto niya. Hinila siya nito patayo na ikinaigik niya. Agad namang tinugon ng labi nito ang pagrereklamong dapat ay gagawin niya.

Animo'y isda siyang iniahon sa lupa kapag nagagawa niyang makaalpas sa mapusok na paghalik ni Efraim.

Mariin niyang sinabunutan ang likuran ng buhok nito nang maramdaman ang paghaklit nito sa manipis niyang kasuotan. Hindi pa nasapat at maging ang maliliit na telang tumatago sa kaselanan niya ay pinunit din nito.

Tanging pag-ungol na lang ang nagagawa niya. Hindi niya malaman kung saan ibabaling ang pansin. Kung sa malikot na kamay ba ni Efraim, na ngayon ay pumipiga sa bawat parte ng katawan niya na malapatan nito o sa labi ba nitong binabasa ang kabuoan ng panga at leeg niya?

Kusa niyang itiniklop ang mga hita nang maramdaman ang paglapat ng mainit na palad ni Efraim doon.

Nagkatitigan sila dahil sa ginawa niya. Nag-aalab ang mga mata ni Efraim, habang puno naman ng pag-aalinlangan ang sa kaniya.

Inilingan niya ito. Pero huli na ang pagtangging gagawin niya nang walang pasabing lumapat na ang kamay ng lalaki sa kaselanan niya.

Mariin na lang siyang napapikit ng maramdaman ang pagsalat ni Efraim doon.

Halos mabaliw siya sa ginagawa ng lalaki pero naputol ang kahibangan niya ng makaramdam nang matinding kirot sa ulo.

Humahagod ang daliri ni Efraim doon hanggang sa patigilin niya ito. Wala pa sanang balak si Efraim na huminto kung 'di lang napansin ang pagdaing niya.

"Masakit?" nag-aalalang tanong nito.

Sunod-sunod niya itong inilingan. Mariin ang pag-iling na ginagawa niya habang ganoon din ang sakit na namumuo sa ulo niya.

Lumayo siya kay Efraim, pabagsak siyang napahiga habang nakasabunot sa sariling buhok.

Lalo pang dumiin ang pagkakasara ng mga mata niya ng may maalalang imaheng hindi niya maintindihan.

Agad siyang dinulugan ni Efraim. "Anong nangyayari, Agata? Nasaktan ba kita?"

"Iwanan mo muna ako, Efraim," katagang naiwika niya rito at tuluyang hindi na pinansin ang lalaki.

Nagtagis ang bagang ni Efraim, bago walang pasabing lumabas ng silid.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status