Share

Kabanata 6

PAGKAMANGHA ang mababakas sa mukha ni Agata habang pinagmamasdan ang malawak at malinis na batong daan. May iilang bahay na rin na gawa sa bato ang abot-tanaw niya. Malakas na hiyawan ng mga paslit at maingay na busina ng sasakyan.

"Nasa bayan na ba talaga ako?" Nilingon niya panandalian ang pinanggalingan. Mga punong kahoy at damo na lang ang natatanaw niya. May ilang bakuran na rin siyang nadaanan, pero lahat iyon ay private property kaya tanging ligaw na damo lang din ang laman.

Huminga siya nang malalim. Inihakbang ang mga paa, kasabay ang malakas na pagkabog ng dibdib.

"Totoo na ito. Nakalabas na nga ako," masayang litanya niya nang sa wakas ay nailapat na ang mga paa sa batuhang daan.

Halos mayupi pa ang bayong na dala dahil sa pagkakahigpit ng hawak doon.

Naghahalo ang nadarama niya. Pangamba, pag-asa at kasiyahan.

Nagpatuloy na si Agata sa paglalakad. Palinga-linga sa paligid na animo'y isang paslit na bago lang nasilayan ang mundo.

Kusang huminto ang mga paa niya nang matanaw
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cathy E. Valmoria
tagal nyo sundan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status