Share

KABANATA 4:

Author: KISMET
last update publish date: 2026-04-12 22:39:24

Maria Loresca POV

Sa susunod na mga araw, hindi ko na muna ginagalaw ang tseke.

Binalik ko ang dati kong routine ang pagiging server sa umaga sa karinderia ni Aling Baby sa Malate, cashier sa hapon sa 7-Eleven sa Pasay, at tagalinis ng kubeta sa gabi sa Velvet Room.

Pero may nagbago.

Sa tuwing may pumapasok na lalaking naka-suit sa karinderia, napapatingin ako. Sa tuwing may bibili ng condom sa 7-Eleven na lalaking matangkad at may magandang boses, napapahinto ako. Sa tuwing may pumapasok sa VIP lounge na amoy pera at kayabangan, napapapitlag ako.

Lucas.

Hindi ko alam ang apelyido niya sa umpisa pero alam ko na ngayon dahil sa tseke, ngunit hindi ko pa rin alam kung bakit niya ako pinili. Bakit ako? May mas magaganda, mas bata, mas may karanasan sa club na 'yun. May mga artistang nag-aabang sa mga lalaking tulad niya. May mga sosyalerang handang lumuhod nang walang bayad.

Bakit ako? Ang tagalinis ng kubeta?

Isang gabi, habang nagpupunas ako ng ihi sa sahig ng CR ng VIP lounge—oo, may umihi sa sahig, mayayaman pa naman pero hindi alam kung paano ang gamit ng CR. Napalingon ako nang pumasok si Kuya Rodel, ang bantay.

"Maria, may naghahanap sa'yo sa labas."

"Sinong naghahanap? Pulis?"

"Hindi. Lalaki. Mayaman."

Tumigil ako sa pagpunas. Pakiramdam ko ay tumigil din ang mundo ko.

"Anong itsura?" tanong ko, kahit alam ko na ang sagot.

"Matangkad. Pogi. Naka-suit na kulay abo. Mukhang galit sa lahat ng bagay."

Lucas.

"Sabihin mo wala ako."

"Maria, nakikita ka niya sa CCTV. Alam niyang nandito ka."

Puta.

Inayos ko ang sarili ko. Pinunas ko ang kamay ko sa uniporme ko. Tiningnan ko muna sa salamin ng CR ang itsura ko, may talsik pa ng zonrox sa pisngi ko, may buhok akong magulo at halatang halata ang eyebags na parang tatlong araw akong hindi natulog dahil totoo naman.

Ano bang pake ko sa itsura ko? Hindi naman kami magde-date. Isa lang siyang customer. Isang manyakis na may limang milyon.

Lumabas ako ng CR.

Nakatayo siya sa may bar, hawak ang isang baso ng whiskey ito ay ang parehong whiskey na iniinom niya tulad ng gabing 'yon. Parehong posisyon. Parehong titig na parang hinuhubaran ako kahit nakabihis na ako.

Nakaupo ang ilang mga babae sa paligid niya, mga nakasuot ng mamahaling damit at alahas, pero wala ang tingin nito sa kanila. Tanging ako lang 'yung tipong kahit nakatayo sa gitna ng maraming tao, ay tila ako lang ang nakikita niya at ako lang ang gusto niyang makita.

Lumapit ako.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Iinom," sagot niya. "Ikaw?"

"Nagtatrabaho."

Tumango siya. "Nagtatrabaho ka pala talaga dito."

"Ano bang akala mo? Sinungaling ako?"

Umiling siya. "Hindi. Akala ko... sinabi mo lang 'yun para... interesting."

"Hindi ko kailangan maging interesting. Kailangan ko ng pera."

Tumawa siya. Gaya noong una ang tawa niya ay malamig pero tila may init. "Gusto mo ng pera ulit?"

Natigilan ako.

"Pumunta ako rito para sa'yo," sabi niya, inilapag ang baso. "Hindi ako umiinom sa mga lugar na ganito. Pangit ang whiskey nila."

"Eh bakit ka nandito?"

Tumayo siya. Mas matangkad pa rin siya kaysa sa naaalala ko o baka lumiliit lang talaga ako sa tuwing nandiyan siya.

"Gusto kitang makita," sabi niya, simpleng simple. Walang preno. Walang halong biro.

Pakiramdam ko ay may tumamang bala sa dibdib ko. Hindi 'yung tipong kinikilig bagkus ay tipong natatakot. Kasi hindi pumupunta ang mga lalaking tulad ni Lucas Salazar sa mga lugar na tulad nito para lang sa isang tagalinis ng kubeta. May motibo 'to. May plano.

At ayoko nang masaktan. Pinangako ko 'yon sa sarili ko na hindi na ako uulit.

"Lucas," sabi ko, gamit ang pangalan niya nang walang takot. "Sinabi mo no names, no feelings, no bullshit. Tapos na 'yung isang gabi. Ano pang kailangan mo?"

Tiningnan niya ako nang matagal. Ilang segundo. Sa titig niyang 'yon, pakiramdam ko ay nababasa niya ang bawat kasinungalingan na sinabi ko sa sarili ko.

"Maria," sabi niya sa pangalan ko at tangina lang, ang sarap pakinggan ng boses niya. Parang mainit na kape sa umaga ng Disyembre. "Kailangan kita."

"Para saan?"

"Hindi ko alam," sagot niya. At sa unang pagkakataon, nawala ang lamig sa mukha niya. Pinalitan ng isang bagay na mas malambot na ekspresyon. "Hindi ko alam kung bakit kita kailangan. Pero gusto kong malaman."

Huminga ako ng malalim. "Limang milyon na naman?" tanong ko.

"Kung 'yun ang gusto mo."

"Gusto ko ng sampu."

"Deal."

Puta. Walang tawad? Walang "sampung milyon? Ang mahal mo naman?" Diretsong "deal"? Sino ba talaga ang lalaking 'to?

"Pero may kondisyon," dagdag niya.

Napapikit ako. Eto na. Live show kaya sa harap ng mga kaibigan niya. Suntukan. O kaya 'yung mga bagay na nakikita ko sa dark web.

"Anong kondisyon?"

"Alamin mo kung sino ako."

Napatingin ako sa kanya. "Alam ko na kung sino ka. Lucas Salazar. Panganay ng Salazar Group."

Umiling siya. "Hindi 'yun ang tinutukoy ko. Alamin mo kung sino talaga ako. Bakit ako ganito. Bakit ako... napunta sa'yo ng gabing 'yon."

"Bakit hindi mo na lang sabihin?"

"Kasi," sabi niya, lumapit nang isang hakbang. Ang amoy niya ay mamahaling pabango pa rin. "Kung sasabihin ko, baka hindi ka maniwala. Kailangan mong malaman sa sarili mo."

Tinitigan ko siya. Sa ilalim ng ilaw ng club, nakita ko ang pagod sa mga mata niya.

Bigla akong naawa. At putangina alam kong mas delikado pa ang awa kaysa sa libog.

"Sige," sabi ko. "Sampung milyon. Isang buwan. Pero hindi lang sex. Kailangan mo akong sunduin sa mga trabaho ko. Kailangan mo akong ihatid pauwi. At 'pag sinabi kong ayoko, titigil ka. Walang tanong."

Tumango siya. "Deal."

"At isa pa."

"Ano?"

Tumingin ako sa mga mata niya. "Huwag mong sasabihing mahal mo ako. Kahit pabiro. Kahit lasing ka. Kahit sa sarili mo lang."

Tumahimik siya. Tumango. Pero sa ilalim ng titig niya, may dumaang kakaibang kislap, isang bagay na hindi ko maintindihan. Parang hamon. Parang pangako. Parang babala.

"Okay," sabi niya. "I won't."

At naniwala ako. Puta, ang tanga ko sa part na 'yon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Maria's Lust at First Sight (SSPG)   KABANATA 5:

    Maria Loresca POV Makalipas ang isang linggo, sinabi ko sa sarili ko na hindi ako ma-a-attract kay Lucas. Sinabi ko 'yan habang hinihintay ko siyang sunduin ako sa karinderia ni Aling Baby. Alas otso ng umaga, katatapos ko lang magsaing at maghugas ng pinggan. Amoy mantika ako at pawis. Suot ko ang lumong unipormeng may butas pa sa may kili-kili. Dumating siya sakay ng itim na SUV at hindi 'yung unang ginamit niya, ibang model naman. Mas mahal. Mas mahaba at may driver na bago. Pagbaba niya, namutla si Aling Baby. "Maria," bulong niya. "Sino 'yang adonis na 'yan?" "Wala," sagot ko. "Sakay ko pauwi." "Pauwi? Eh mag-i-start pa lang ang araw, Maria." Tama siya. Alas otso pa lang ng umaga. Ang routine ko ay karinderia hanggang alas-dose ng tanghali, cashier sa 7-Eleven mula ala-una hanggang alas-siyete ng gabi, tapos Velvet Room naman ay mula 9PM hanggang alas-tres ng madaling-araw. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Lucas nang makalapit siya. Suot niya ay mamahalin

  • Maria's Lust at First Sight (SSPG)   KABANATA 4:

    Maria Loresca POV Sa susunod na mga araw, hindi ko na muna ginagalaw ang tseke. Binalik ko ang dati kong routine ang pagiging server sa umaga sa karinderia ni Aling Baby sa Malate, cashier sa hapon sa 7-Eleven sa Pasay, at tagalinis ng kubeta sa gabi sa Velvet Room. Pero may nagbago. Sa tuwing may pumapasok na lalaking naka-suit sa karinderia, napapatingin ako. Sa tuwing may bibili ng condom sa 7-Eleven na lalaking matangkad at may magandang boses, napapahinto ako. Sa tuwing may pumapasok sa VIP lounge na amoy pera at kayabangan, napapapitlag ako. Lucas. Hindi ko alam ang apelyido niya sa umpisa pero alam ko na ngayon dahil sa tseke, ngunit hindi ko pa rin alam kung bakit niya ako pinili. Bakit ako? May mas magaganda, mas bata, mas may karanasan sa club na 'yun. May mga artistang nag-aabang sa mga lalaking tulad niya. May mga sosyalerang handang lumuhod nang walang bayad. Bakit ako? Ang tagalinis ng kubeta? Isang gabi, habang nagpupunas ako ng ihi sa sahig ng CR ng VIP lounge—

  • Maria's Lust at First Sight (SSPG)   KABANATA 3:

    Maria Loresca POV Pagbalik ko ng Tondo, alas siyete na ng umaga. Sumasakit ang ulo ko dahil hindi ako nakatulog ng maayos dahil halos buong gabi ay inangkin niya ako na animo'y walang kapaguran, sumasakit rin ang panga ko, at may kakaibang sakit sa pagkababae ko na parang may nakalimutan akong hugutin sa loob. Bago ako bumaba ng taxi—oo, nag-taxi ako pauwi, kasi may limang milyon na ako sa bulsa, puwede nang hindi mag-tricycle na amoy usok at pawis. Tiningnan ko muna ang tseke. Lucas Salazar. Five million pesos. Banco de Oro. Puta. Totoo ba 'to? O baka panaginip lang 'to? Baka mamaya ay magising ako sa higaan kong may butas ang foam at amoy ihi ng pusa ni Aling Nena? Kinagat ko ang tseke na parang tanga, sinisigurado kung totoo ba talaga ito at hndi naman ito napunit. Laking-Maynila ako. Alam kong ang tseke ay pwedeng tumalbog kung walang laman ang account. Pero ang pangalang Salazar? Kilala ko 'yon. Sino ba naman sa Maynila ang hindi nakakakilala sa Salazar Group of Companie

  • Maria's Lust at First Sight (SSPG)   KABANATA 2: ⚠️[SSPG]⚠️

    Maria Loresca POVHinubad niya ang suit niya na parang hindi ito mamahalin. Una ang jacket, kasunod ay ang kurbata, sabay dahan-dahang binubuksan ang mga butones ng polo niya. At putangina lang, dahil sa ilalim ng tela ay may katawang parang inukit ng Diyos. Dibdib na matigas, tiyan na may walong abs, mga brasong kayang buhatin ang isang tao nang walang kahirap-hirap.Hindi siya nagmadali. Tiningnan niya ako na nakahubad na dahil ako mismo ang naghubad sa sarili ko, hindi ko na hinintay na utusan niya ako. Hinubad ko ang suot kong pang-itaas, ang bra ko, ang maong ko, ang panty ko. At nakatayo ako roon, hubad, sa harap ng isang estranghero na limang milyon ang ibabayad sa katawan ko.Inakala ko sasabihin niya ang mga bagay na sinasabi ng mga lalaki sa mga babae tulad nang; "Ang ganda mo." "Ang kinis mo."Pero hindi."Lumuhod ka," utos niya.Dahil siguro sa excitement din na nararamdaman ko ay sumunod ako.Binuksan niya ang zipper ng pantalon niya. At nang makita ko ang ari niya ay hin

  • Maria's Lust at First Sight (SSPG)   KABANATA 1: Ang Limang Milyong Pisong Halik

    Maria Loresca POV Alas onse ng gabi, nakatayo ako sa harap ng pinto ng VIP lounge ng Velvet Room isang sikat na club sa Makati na pagmamay-ari raw ng isang Chinese na drug lord, pero wala akong pakialam. Ang mahalaga, nagbabayad sila ng cash, walang tanong, at hindi nanghihingi ng SSS number. Ang trabaho ko rito ay tagalinis ng kubeta. Oo. Nagwi-wipe ako ng ihi ng mayayamang lalaki sa bowl, nagsasampay ng tissue na nabasa ng tae ng mga babaeng naka-Dior, at nagkukuskos ng tiles na may puting mantsang hindi ko na inaalam kung ano. Puta, ano bang ginagawa ko sa buhay ko? Utang. 'Yan ang sagot. May utang ako sa bangko na 1.2 million ito ay pinambayad ko sa ospital bill ng nanay kong nagkaroon ng stroke, tapos namatay din pagkaraan ng tatlong buwan. Salamat, Universe. May utang pa ako sa limang lending apps na araw-araw akong tinatawagan gamit ang mga numerong hindi ko na kilala. May utang ako sa kapitbahay namin sa Tondo, kay Aling Nena na nagpautang para sa libing, at kay Mang Boy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status