Share

KABANATA 5:

Author: KISMET
last update publish date: 2026-04-12 22:39:37

Maria Loresca POV

Makalipas ang isang linggo, sinabi ko sa sarili ko na hindi ako ma-a-attract kay Lucas.

Sinabi ko 'yan habang hinihintay ko siyang sunduin ako sa karinderia ni Aling Baby. Alas otso ng umaga, katatapos ko lang magsaing at maghugas ng pinggan. Amoy mantika ako at pawis. Suot ko ang lumong unipormeng may butas pa sa may kili-kili.

Dumating siya sakay ng itim na SUV at hindi 'yung unang ginamit niya, ibang model naman. Mas mahal. Mas mahaba at may driver na bago.

Pagbaba niya, namutla si Aling Baby.

"Maria," bulong niya. "Sino 'yang adonis na 'yan?"

"Wala," sagot ko. "Sakay ko pauwi."

"Pauwi? Eh mag-i-start pa lang ang araw, Maria."

Tama siya. Alas otso pa lang ng umaga. Ang routine ko ay karinderia hanggang alas-dose ng tanghali, cashier sa 7-Eleven mula ala-una hanggang alas-siyete ng gabi, tapos Velvet Room naman ay mula 9PM hanggang alas-tres ng madaling-araw.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Lucas nang makalapit siya. Suot niya ay mamahaling suit at pantalon. Kahit anong suot niya, kahit basahan pa 'yan ay magmumukhang Gucci.

"Sinusundo kita," sabi niya.

"Alas otso pa lang. Wala pa akong trabaho sa gabi."

"I know. Pero gusto kitang kasabay mag-lunch."

Natigilan ako. "Lunch? Alas otso pa lang ng umaga."

"Maghihintay ako."

Tumingin ako kay Aling Baby. Nakanganga siya. Tumingin ako sa paligid at ang mga tambay sa kabilang kanto ay nakatitig, ang mga batang naglalaro ay huminto at ang asong kalye ay tumahol nang tumahol.

Puta, anong ginagawa ng bilyonaryong 'to sa Tondo? May death wish ba siya?

"Lucas, hindi safe dito," sabi ko. "Baka maholdap ka."

"I don't care."

"Eh baka patayin ka."

"I still don't care."

Napabuntong-hininga ako. "Sige. Hintayin mo ako. Pero sa loob ka ng kotse mo. At h'wag kang lalabas nang naka-suit ka, ang yabang mo tignan."

"Wala akong dalang ibang damit."

"E 'di manahimik ka sa loob."

Pumasok siya sa SUV. Hindi na ako lumingon ulit. Bumalik ako sa karinderia at nagpatuloy sa paghuhugas ng pinggan, pero pakiramdam ko ay may dalawang matang nakatitig sa akin mula sa likuran.

At alam kong siya 'yun.

Naramdaman ko ang kakaibang init sa tiyan ko na hindi ko alam kung gutom o kilig..

Alas-dose, natapos ako sa karinderia. Hindi ako nakapagpalit ng damit dahil wala akong dalang extrang damit pamalit nasa locker ko ang uniporme ko sa 7-Eleven kaya sumakay ako sa SUV ni Lucas na amoy mantika at pawis pa rin.

"Sa Pasay," sabi ko sa driver.

"Wait," sabi ni Lucas. "Kumain muna tayo."

"Wala akong oras. May trabaho ako sa 7-Eleven ng ala-una."

"Mag-leave ka."

"Hindi ako pwedeng mag-leave, Lucas. Walang leave sa convenience store."

Tiningnan niya ako. "Magkano ang kinikita mo sa 7-Eleven sa isang araw?"

"Pipitsugin lang. Five hundred."

"Bibigyan kita ng limampung libo kung 'di ka papasok ngayong araw."

Tumigil ako. "Lucas—"

"Isang daang libo."

"Puta, ang yaman mo yata masyado para bayaran ang pitong oras na duty ko."

"Oo," sagot niya, walang halong biro. "Kaya 'wag mong sayangin ang oras mo sa trabaho mo na mukhang 'di ka naman pinapahalagahan."

Nasaktan ako sa sinabi niya. Hindi dahil hindi totoo ang simabi niya kundi dahil hindi niya alam ang hirap ng buhay ko. Hindi niya alam na kung hindi ako pumasok sa 7-Eleven ngayon, papalitan nila ako, at baka mawalan ako ng trabaho. Hindi niya alam na ang limang daang piso sa isang araw ay katumbas ng dalawang araw na pagkain para sa akin. Hindi niya alam na hindi lahat ay may safety net na limampung milyon sa bangko.

Pero sa halip na magalit, sumakay na lang ako.

Kasi tangina, isang daang libo 'yun.

"Saang restaurant?" tanong ko.

"Sa bahay ko."

"Bahay mo? Akala ko ba lunch?"

"Magluluto ako."

Napatingin ako sa kanya. "Marunong kang magluto?"

"Oo."

"Bakit? Hindi ba may mga chef kayo?"

Tumahimik siya sandali. "Gusto kong ikaw lang ang makakita sa akin na nagluluto."

Puta.

Parang may tumalon sa puso ko. Hindi 'yung tipong tumalon dahil sa takot kundi 'yung tipong nahuhulog na, pero ayaw pang aminin dahil pangatlong beses ko pa lang siyang nakakausap. Masyadong mabilis.

Pagdating namin sa penthouse niya ay nagsimula na siyang magluto ng pasta.

Carbonara. Hindi 'yung instant ito 'yung totoo, may cream, bacon, mushroom at keso na amoy pa lang ay gusto mo nang magmura sa sarap.

Habang nagluluto siya, nakaupo ako sa counter, pinapanood siya. Nakatali ang buhok niya sa likod at putangina, pogi pa rin, nakasuot siya ng apron na lalong nagpa-hot sa kanya.

"Bakit mo ako tinatawag na Maria?" tanong ko bigla.

" Dahil 'yan naman talaga ang pangalan mo, diba?."

"Oo, pero bakit hindi mo ako tinatawag na Tala? 'Yun ang gusto ko."

Umiling siya. "Mas bagay sa'yo ang Maria."

"Bakit?"

Hindi siya sumagot. Sa halip, nilapag niya ang plato ng pasta sa harap ko. Kumuha siya ng tinidor, kumuha ng carbonara at isinubo sa akin.

At sa simpleng sandaling 'yun, naramdaman kong parang kumabog ng mabilis ang puso ko.

Isang pader. 'Yung tinayo ko ng ilang taon para protektahan ang sarili ko.

Unti-unti na itong gumuho dahil sa lalaking binabayaran lang ang katawan ko.

Shit, Maria. Huwag.

Huwag mong hayaang mahulog ka.

Gagamitin mo lang siya, 'di ba? Gagamitin mo siya para sa pera, para sa posisyon, para sirain siya, at para gamitin siya.

Pero paano mo sisirain ang taong unti-unti mo nang gustong mahalin?

Pagkatapos kumain ay dinala niya ako sa kwarto.

Hindi na siya nagtanong kung gusto ko. Hindi na siya nag-aya. Binuhat niya ako, binuhat na parang walang bigat at inihiga sa kama.

"Lucas—" sabi ko.

"Shh," bulong niya. "I want you."

Hinalikan niya ako.

Hindi katulad ng una na puno ng galit at pagnanasa. Iba 'to. Marahan. Malambot. Parang hinihingi niya ang pahintulot ko sa bawat galaw ng labi niya.

Dumampi ang kamay niya sa pisngi ko. Hinaplos ang buhok ko. At sa unang pagkakataon, naramdaman kong hindi lang katawan ko ang gusto niya.

Pakiramdam ko ay gusto niya ako. At 'yun ang nakakatakot.

Kasi kung katawan ko lang ang gusto niya, madali lang. Pera kapalit ng laman. Simple. Walang gulo.

Pero kung gusto niya ako, ako si Maria na may utang, na may tatlong trabaho, na may amoy ng zonrox at mantika eh ibig sabihin lang non ay may iba siyang motibo.

O baka naman... totoo 'to?

Baka naman gusto niya talaga ako?

Hindi. Hindi puwede. Hindi ako tanga. Hindi ako si Maria na naniniwala sa happy ever after. Alam kong sa huli, ako ang talo. Ako ang iiwan. Ako ang masasaktan.

Kaya sa gabing 'yon, nang hubaran niya ako, nang dahan-dahan niyang angkinin ang pagkababae ko nang walang halong brutalidad, nang hagkan niya ang noo ko pagkatapos naming mag-orgasm ay sinabi ko sa sarili ko na nagpapanggap lang ako.

Nagpapanggap akong gusto ko siya. Nagpapanggap akong mahal ko siya. Pero sa ilalim ng mga pilik-mata kong nakapikit, tumulo ang isang luha.

Hindi dahil sa sarap.

Hindi dahil sa sakit.

Kundi dahil sa unang pagkakataon sa loob ng dalawampu't tatlong taon, may naramdaman akong hindi ko kayang kontrolin.

Pag-ibig.

At putangina, mas masakit pa 'yun kaysa sa kahit anong bayo na ginawa niya sa akin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Maria's Lust at First Sight (SSPG)   KABANATA 5:

    Maria Loresca POV Makalipas ang isang linggo, sinabi ko sa sarili ko na hindi ako ma-a-attract kay Lucas. Sinabi ko 'yan habang hinihintay ko siyang sunduin ako sa karinderia ni Aling Baby. Alas otso ng umaga, katatapos ko lang magsaing at maghugas ng pinggan. Amoy mantika ako at pawis. Suot ko ang lumong unipormeng may butas pa sa may kili-kili. Dumating siya sakay ng itim na SUV at hindi 'yung unang ginamit niya, ibang model naman. Mas mahal. Mas mahaba at may driver na bago. Pagbaba niya, namutla si Aling Baby. "Maria," bulong niya. "Sino 'yang adonis na 'yan?" "Wala," sagot ko. "Sakay ko pauwi." "Pauwi? Eh mag-i-start pa lang ang araw, Maria." Tama siya. Alas otso pa lang ng umaga. Ang routine ko ay karinderia hanggang alas-dose ng tanghali, cashier sa 7-Eleven mula ala-una hanggang alas-siyete ng gabi, tapos Velvet Room naman ay mula 9PM hanggang alas-tres ng madaling-araw. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Lucas nang makalapit siya. Suot niya ay mamahalin

  • Maria's Lust at First Sight (SSPG)   KABANATA 4:

    Maria Loresca POV Sa susunod na mga araw, hindi ko na muna ginagalaw ang tseke. Binalik ko ang dati kong routine ang pagiging server sa umaga sa karinderia ni Aling Baby sa Malate, cashier sa hapon sa 7-Eleven sa Pasay, at tagalinis ng kubeta sa gabi sa Velvet Room. Pero may nagbago. Sa tuwing may pumapasok na lalaking naka-suit sa karinderia, napapatingin ako. Sa tuwing may bibili ng condom sa 7-Eleven na lalaking matangkad at may magandang boses, napapahinto ako. Sa tuwing may pumapasok sa VIP lounge na amoy pera at kayabangan, napapapitlag ako. Lucas. Hindi ko alam ang apelyido niya sa umpisa pero alam ko na ngayon dahil sa tseke, ngunit hindi ko pa rin alam kung bakit niya ako pinili. Bakit ako? May mas magaganda, mas bata, mas may karanasan sa club na 'yun. May mga artistang nag-aabang sa mga lalaking tulad niya. May mga sosyalerang handang lumuhod nang walang bayad. Bakit ako? Ang tagalinis ng kubeta? Isang gabi, habang nagpupunas ako ng ihi sa sahig ng CR ng VIP lounge—

  • Maria's Lust at First Sight (SSPG)   KABANATA 3:

    Maria Loresca POV Pagbalik ko ng Tondo, alas siyete na ng umaga. Sumasakit ang ulo ko dahil hindi ako nakatulog ng maayos dahil halos buong gabi ay inangkin niya ako na animo'y walang kapaguran, sumasakit rin ang panga ko, at may kakaibang sakit sa pagkababae ko na parang may nakalimutan akong hugutin sa loob. Bago ako bumaba ng taxi—oo, nag-taxi ako pauwi, kasi may limang milyon na ako sa bulsa, puwede nang hindi mag-tricycle na amoy usok at pawis. Tiningnan ko muna ang tseke. Lucas Salazar. Five million pesos. Banco de Oro. Puta. Totoo ba 'to? O baka panaginip lang 'to? Baka mamaya ay magising ako sa higaan kong may butas ang foam at amoy ihi ng pusa ni Aling Nena? Kinagat ko ang tseke na parang tanga, sinisigurado kung totoo ba talaga ito at hndi naman ito napunit. Laking-Maynila ako. Alam kong ang tseke ay pwedeng tumalbog kung walang laman ang account. Pero ang pangalang Salazar? Kilala ko 'yon. Sino ba naman sa Maynila ang hindi nakakakilala sa Salazar Group of Companie

  • Maria's Lust at First Sight (SSPG)   KABANATA 2: ⚠️[SSPG]⚠️

    Maria Loresca POVHinubad niya ang suit niya na parang hindi ito mamahalin. Una ang jacket, kasunod ay ang kurbata, sabay dahan-dahang binubuksan ang mga butones ng polo niya. At putangina lang, dahil sa ilalim ng tela ay may katawang parang inukit ng Diyos. Dibdib na matigas, tiyan na may walong abs, mga brasong kayang buhatin ang isang tao nang walang kahirap-hirap.Hindi siya nagmadali. Tiningnan niya ako na nakahubad na dahil ako mismo ang naghubad sa sarili ko, hindi ko na hinintay na utusan niya ako. Hinubad ko ang suot kong pang-itaas, ang bra ko, ang maong ko, ang panty ko. At nakatayo ako roon, hubad, sa harap ng isang estranghero na limang milyon ang ibabayad sa katawan ko.Inakala ko sasabihin niya ang mga bagay na sinasabi ng mga lalaki sa mga babae tulad nang; "Ang ganda mo." "Ang kinis mo."Pero hindi."Lumuhod ka," utos niya.Dahil siguro sa excitement din na nararamdaman ko ay sumunod ako.Binuksan niya ang zipper ng pantalon niya. At nang makita ko ang ari niya ay hin

  • Maria's Lust at First Sight (SSPG)   KABANATA 1: Ang Limang Milyong Pisong Halik

    Maria Loresca POV Alas onse ng gabi, nakatayo ako sa harap ng pinto ng VIP lounge ng Velvet Room isang sikat na club sa Makati na pagmamay-ari raw ng isang Chinese na drug lord, pero wala akong pakialam. Ang mahalaga, nagbabayad sila ng cash, walang tanong, at hindi nanghihingi ng SSS number. Ang trabaho ko rito ay tagalinis ng kubeta. Oo. Nagwi-wipe ako ng ihi ng mayayamang lalaki sa bowl, nagsasampay ng tissue na nabasa ng tae ng mga babaeng naka-Dior, at nagkukuskos ng tiles na may puting mantsang hindi ko na inaalam kung ano. Puta, ano bang ginagawa ko sa buhay ko? Utang. 'Yan ang sagot. May utang ako sa bangko na 1.2 million ito ay pinambayad ko sa ospital bill ng nanay kong nagkaroon ng stroke, tapos namatay din pagkaraan ng tatlong buwan. Salamat, Universe. May utang pa ako sa limang lending apps na araw-araw akong tinatawagan gamit ang mga numerong hindi ko na kilala. May utang ako sa kapitbahay namin sa Tondo, kay Aling Nena na nagpautang para sa libing, at kay Mang Boy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status